Hanu na?
And of course, golf course, intercourse, super-return-of-the-jedi ang lola bernadette 'nyo at feelling ko fatalle na na-miss 'nyo ang beauty ko.
As of the moment, ngarag ang kutis kong dati-rati'y kutis mayaman.
'Nung weekend eh super fly akey hey hey sa Subic. Ang dating number 1 putahan ng Pilipinas 'nung present pa ang mga affamistic of culture1. Witchelles2 naman akey nag-fly sa Subic for more vacation echos. Syiempre, super workikay na naman.
Isang madaliang project ever lang. Isang singerette ang mega-concert sa Subic at super production ever naman ang beauty ko. Imberna lang akey ng slight ditey sa singerette na itey dahil first and foremost, eh wala namang hitsura at secondly, eh hindi naman kasikatan. Haaay! Witchelles ko munang i-chichika ang namesung dahil eynimomentz3 eh cristy fermin naman ang maging drama ko. For more libel on the loose!?
Iteng singerette na itey ay bilat-bilatan portion pero feeling ko eh third sex din. Malakas ang kutob ng gay na gay kong heart na shomboyita4 ang lola kong itu! In fairness, kung witchelles lang dahil sa isang drama-dramahan portion na ginamit ang songaling niya eh witchelles naman puputok ang pangalan niteng lola kong itu. 'Nung na-hear ko nga na mag-pro-production kame sa concert na potah eh super-laftir5 akey. Parang witchelles ko learn kung pa'no magco-concert si pekpek. Hanu yon? Isang buong concert na yung same sikat na songaling lang ang super singaling niya with iba't ibang versions? Laftir! May normal version, may spanish version, may bisaya version, may acoustic version, may version na super sing habang super tambling, at may version na kakantahin nang pabaligtad mula dulo hanggang simula. Laftir another.
Anyway, pagdating ni singerette sa venue eh nagmamaganda na. Bet ko na ngang sabutan kong hindi ko lang lovidums ang direktor kong lovidums ang singerette. Aba'y akalain 'nyong pagdating na pagdating pa lang ng lola nyo sa backstage eh super talak-talakan portion na bakit raw ang jinit-jinit at baket daw meron siyang ka-joint forces6 sa backstage. Ang chika niya dapat siya lang ang gagamit ng backstage.
Tapos, super may-I-demand si singerette na hindi naman gaano kasikatan nang full-body mirror. Witchelles niya bet yung half-body mirror. So, super tarantarium7 na naman kame, mega fly yung isang PA ko para gumetlack ng full-body mirror. 'Nung may-I-bring na yung full body mirror eh na-sight namen si singerette na hindi naman gaano kasikatan na super-sight sa half-body mirror. Okay na raw yon, sabi daw niya.
Ay! Naloka talaga ako mga nini. Bet ko talaga siyang patutsadahan ng flying-kick at make-upan gamit ang kamao ko.
Tapos, 'nung queue na niyang pumanhik sa stage eh super talak kaming faster dahil eynimomentz buryo na ang mga utaw8 at ang mga hosts eh super stretch na dahil nauubusan na ever ng spiels. Umeksena ba naman ang singerette. Shumoyo9 ever. At inisquierdahan10 kami. Super fly dun sa carumba11 niya. Witchelles daw niyang bet na minamadali siya.
Ay! Muntik na talaga ako ma-comatause sa sobrang imberna at parang gusto kong paliguan ng kumukulong aspalto ang singerertte na hindi naman gaano kakinisan. Kung umasta eh akala mo ang kinis-kinis nya.
Anyway, yon. Napilit rin siya. Super bola-bolahan portion at hayun nakapag-perform din si pekpek.
Pero learn niyo ba kung sino ang ka-joint forces ko all along during sa stay sa Subic?
Hahahahahahaha.
I was with Varsity Captain. Ang syempre ang haba-haba ng hair ko. At syempre feeling ko eh ang kinis-kinis ko.
Ganito kasi yon. Yung super text kami last week eh nabanggit ko nga na mega-fly ako sa Subic later in life at 'nung na-learn niya, chinika niya na bet nga raw niyang umatak kaso wala siyang ka-joint forces. Yung mga friendiva12 niya eh super dinedeadma siya. So, chinika ko na why not join me na lang. For more.
Hayun, first time namen sa Subic eh wala lang. Boredom nang slight, we were with some friends na taga-Subic talaga. Pero kahit na bagota philippines ang lugar eh join lang kame ng join kase maganda ang everything is so freshness.
Hindi ko learn kung ano ang eksena ni Varsity Captain. 'Nung nasa bus palang kame eh super sweetness than sugar ang menchus. At siyempre hindi pwedeng walang touchtone pictures13 na nagaganap.
Kaya nang makarating kame sa Subic ka-join ang friends eh chismis eh kami na raw. As in kame. as in him and me . . . . together . . . as in . . . . . even though keri ko ang eksena pero witchelles naman yon trulagen colagen sustagen plaktogen.
Friends lang muna raw kame for the mean time, kase parang parehas kaming dalawa eh hindi pa naman talaga prepared to get into a relationship at HALLER!!!! ka-mi-meet lang kaya namen?!?!?! So deadma muna sa jowa-jowaan portion. Pero ang nakakaloka talaga sa kanya eh super sweet niya. Parang panotsang may extra sugar on the side.
Yung first night, yun na nga. Lasing-lasingan portion. Tapos uwi-uwian portion na sa hotel. Magkahiwalay kami ng kuwarto. Siyempre naman. Kelangan magpa-virgin effect. Baka naman kasi isipin ever niya na isang akong baklang makalantari na isang kalabit mo lang eh tutuwad na. Excuse me!!!!! Hindi ako ganon ha .... slight lang siguro pero hindi totally!
Hayon, super sleeping beauty na ang lola ko 'nung madaling araw nang may-I-hear akey ng katok ever sa shintuan ng hotel room ko. Pag-sight ko eh si Varsity Captain. So, super, open naman akey ng pintuan. Dinala niya ako sa balcony ng hotel room. Pina-sight niya yung pag-rise ni sunshine dizon14. Sabi niya ang byonda-byonda15 raw. Ako naman deadma 'nung una syiempre naalimpungatan pa ang bakla pero later on eh na-realize kong mabyonda nga ang eksena. Walang ganito sa Maynila. Tapos hayon, may-I-hold ni Varsity Captain yung hand ever ko. Kilig-kiligan naman ako. Tapos tumingin siya sa akin. Nag-thank-you siya dahil sinama ko siya sa Subic.. Ako naman super hawi ng hair tapos chikang, okay lang yon.
Tapos hinalikan niya akey sa lips, so naputol yung pagchika ko. Tapos smile siya. AKo naman windang. Tapos kiss niya ako another sa lips. Tapos hayon super lapchukan16 na kame. Super touchtone pictures niya akey sa every part of my body, super touchtone pictures din naman ako sa every part ng kanyang body. Hanggang nakarating kame sa kama ko. Lapchukan pa ren kami nang lapchukan. Tapos 'nung na-feel kong ibinababa na niya yung boxer shorts ko eh may na-feel akong kakaiba. Tumigil ako and then standing-ovation.
CHika ko, "we should not be doing this right now. This would ruin everything."
Oh!!!! Eksena di ba. Eksena talaga. Dahil sumaket lang ang puson ko after that.
Hayun. Nag-sorry siya. Sabi niya tama raw ako na we should take time first.
Bet na bet ko sanang i-elaborate ang mga eksena sa akin ni Varsity Captain pero feeling ko eh I'm not in the mood na italak ang mga bagay-bagay na yon. Pero paghahandaan ko siya and besides, wala pa namang super special na nangyayari. We're just getting to know each other more. And feeling ko eh like naman niya at feeling ko eh mas like ko naman. Why not da' vah?
Hayun. Mahirap mang paniwalaan pero the whole four days sa Subic eh walang sex na naganap between the two of us. Nakakaloka da 'vah?
Pero happiness naman ako ng slight.
Yun lang naman talaga ang lyf ever. Kung minsan super negative. Imberna ka sa mga bagay-bagay na nagaganap pero at the end of the day, marerealize mo ren na meron at meron ding makakapagpapa-happy sa 'yo.
Pero wish ko lang na ang happiness na eksenang ito eh happy nga talaga.
Haaaaay. Heto back to Manila na naman ang beauty ko!
_______________________________________________________
1 affamistic of culture; affam; american; foreigner
2 withcelles; wit; hindi; no
3 eynimomentz; any moment; maya-maya lang
4 shomboyita; shombix; tiburcia; tomboy
5 laftir; laughter; tawa ng tawa
6 joint forces; kasama
7 tarantarium; taranta
8 utaw; utawsingbelles; tao; people
9 shumoyo; tumayo; stood
10 isquierda; naf-fly; nilayasan
11 carumba; carumbelles; car; kotse
12 friendiva; friends
13 touchtone picture; touche; hipuan; kapaan
14 sunshine dizon; sunshine cruz; sandra bullock; sun; araw
15 byonda-byonda; ganders; gandara; beautiful; pretty
16lapchukan; lapukan; leptolelang; lips to lips; halikan
The Long View: Dispatch from South Korea (2)
-
Columnists The Long View Dispatch from South Korea (2) By: Manuel L.
Quezon III – @inquirerdotnet Philippine Daily Inquirer / 04:30 AM
December...
3 days ago
1 comment:
Good reading this ppost
Post a Comment