Kahapon eh napag-desisyunan kong, wa munang gimik ara, wa munang rampahan portion, ayusin ang everything at nang maka-fly na sa apartment. (Yun ang akala ko)
Buong araw lang akez nasa balay kasama si Nick. Pero bihirang-bihira lang kameng nagiisplukan. Actually, jinijisip ko na nearness of you na naman ang pasukan ever at heto kelangan ko na namang mag-keep ng ukani para sa pang-tuition ng shofatembang ko. Third year na ren si Nick. Actually, mabuti naman talaga shang shofated. Siguro as of the moment, hinihayaan lang nameng mahiyang ang isa't isa.
In fairness, tuwing tinatalakan akez ni Claud eh nafi-feel ko naman ang guilt ever. Witchelles naman ako ganon ka manhid.
Trulagen namench na 'nung na-learn ni Nick na veklus akey 'nung kabataan namen at habang lumalaki siya eh hindi naman naging problema ang kaveklusan ko sa kanya. Tinanggap niya akey bilang kanyang ate-slash-kuya.
Pero ngayon . . . . . hetong siya naman ang may ganitez na panibugho ng damdamin eh vaket naman akey ang shumashalikod ever sa kanya.
Mahirap lang sigurong ma-keri ang fact na merong 2 vakla sa familia-zaragoza.
Ngayon, it doesn't mean naman na shinashalikuran ko ren ang mga responsibilidad ko sa kanya.
Super watch galore lang kami ng ETK sa tivang 'nang may nag-door-bell. Wala naman akez na ineexpect na bisita ever. Akez na yung sumagot ng pinto.
Pagbukas ko nung shintuan ever eh parang gusto kong mag-three-hundred-sixty-degree backflip with matching split and a "get-get-awwwwwwww" on the side.
Sinarado kez agad yung shintuan ever.
Tanong si Nick. Kung sinetch yung nasa shintuan.
Sabi ko wala. Baka guniguni ever lang.
Another doorbeel. "eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeng"
Deadma lang ako. Tumayo si Nick. Tanong ko kung saan siya aatak. Sabi niya bubuksan daw 'nya yung shintuan.
Chika ko, baket? Wala namang utawsingbelles.
Another doorbell.
Wala na akez na nagawa. Hinayaan ko nang buksan ni Nick yung shintuan. Pinatuloy niya si Varsity Captain. Akez. Deadma. Watch lang akez sa tivang ng mga chismax ever.
Tinabihan ako ni Varsity Captain. Umurong akey hanggang sa kabilang dulo ng sofa. Deadma pa ren.
Lumapit na naman siya. Tumayo ako. Lipat sa kabilang sofa.
"Galet ka pa ren ba?"
Hindi ba obvious . . . . . . . . . .
"Bernz, usap naman tayo. Hindi ko naman kinarir si Jay. Natuwa lang ako sa bagets. Kasi para siya yung kid brother ko. 'Wag naman sana nating tapusin agad yung friendship naten because of that."
Talk to the hand . . . . . . . . . .
Talk to the hand . . . . . . . . . .
Tapos, tumayo si Varsity Captain. Akala ko tatabi uli siya sa 'ken.
Chika niya, "I guess this is not the proper time . . . . " Lakad yung menchus towards the door.
"Saan ka pupunta?" bigla na lang lumabas yung tanong sa bibig ko.
"Inaaccept ko na yung sorry mo. Siguraduhin mo lang na hindi mo kinakarir si Jay kasi jowa na siya ni Robin. Okay?"
"Hindi naman po talaga eh."
Tumabi siya agad sa 'ken dun sa maliit na sofa.
"Tara?" sabi 'nung menchus.
"Saan?"
"Sa kuwarto mo . . . "
"Baket?"
"Let's fuck!"
Teka. Teka. Anu yung narinig ko?
"Well, di ba lilipat na kayo bukas? Tulungan kitang mag-pack."
Aaaaaaaaaaaaah!
Sabi ko wag na lang. Manood na lang kami ng TV since na-ayos naman na halos lahat ni Nick ang mga gamit. Yung mga gamit ko na lang ang hindi pa masyadong ayos.
Sabi niya, "Okay lang! I'm very free to fuck!"
Naghahalusinasyon na naman ba ako 'nun?
"So, where should we start fucking?"
"Right here! Right now!" napasagot na lang ako bigla na mabilis pa sa alas-singko.
Hinila ko na siya sa kwarto ko. In fairness, pwede na kaming mag-fuck agad . . . este pack agad. Since, marami-rami ang dapat talagang ayusin.
Nag-start kami sa cabinet ko.
Tinanggal namin isa-isa yung mga anik-anik hanggang nakita ko yung box na naglalaman ng treasured memorabilias ko.
Umupo ako sa sahig. Tapos binuksan ko yung box. Tinabihan ako ni Varsity Captain. Mga fictures, letters, fictures, letters . . . . . mga basag na image ng nakaraan. Puro fictures 'yon ng mga naging jowa ko sa pag-ibig at sa kama.
Iniisa-isa ko yung mga pangalan 'nung nasa pictures. Yung iba witchelles ko na ma-remember kaya super imbento na lang ako ng namesung.
Tapos yung nasa pinaka-ilalim 'nung box ay picture 'nung isang guy na nakatayo by a tree, actually fertility tree yon sa UPLB. Astig, mohawk ang hair, nakasando at puro tatoo ang katawan, hikaw here, hikaw there, hikaw everywhere . . . in short mukhang adik or if not, mukhang serial killer.
Tinanong ni Varsity Captain kung naging jowa ko yon.
Chika ko, he was more than a jowa for me. He's my first love. Si Rock Star!!! In fairness, magkahiwalay na kami ni Rock Star 'nung nagdecide siyang buuin yung banda nila. Naging vocalist siya at in fairness sumikat itung indie rock band na itu. At naalala ko bigla na shet! Unang pag-ibig ko ang bokalistang itu!
After 'nung eksena sa box eh parang ang gaan-gaan ng feeling ko. Totoo naman eh, maiksi pa nga lang yung panahon na nagkakilala kami pero, meron talaga sigurong ganon na ang gaan-gaan talaga ng feeling parang ivory.
Nginitian niya lang ako. Yung mga tipong ngiting nakakainis. Parang nakikipag-usap siya sa mongoloid .
Tahimik lang kaming dalawa nang ilang oras habang sinosort ang mga gamit ko. Hanggang sa walang kaanu-ano ay nagtanggal siya ng t-shirt. Majinit daw. Syiempre kuwanri ay nakatutok ang attensyon ko sa mga boxes sa harapan ko pero totoong ang konsentrasyon ko ay naka-focus sa peripheral vision ko, I have to admit na walang saysay na tawagin ko siyang Varsity Captain kung walang sinabi ang katawan niya. Potah! Napaka-kati ko! In fairness, walang halong charing, I guess that his abs is the best I've seen in person bukod kay Marc Nelson.
Unconciously ay napatingin ako sa tiyan ko, parang gusto kong masuka.
Pero biglang may pantasyang pumasok sa isip ko. Kung ano ang itsura ni Varsity Captain, sa beach habang naka-swimming trunks at basang-basa sa dagat, feeling ko napakagat ako ng labi habang nananaginip ng gising.
Sa trulili lang, naiinis ako sa kanya. Naiimberna akey sa mga menchus na nagta-topless sa harapan ko ng walang katuturan. Hindi ko alam kung tinutukso ba niya ako o ipinapamukha sa akin ang katotohanan na ang chaka ng katawan ko. Para kasing binalatan ang pinakapaborito mong chocolate na hindi mo rin malalafuk at hahayaan ka lang na tumakam nang tumakam hanggang sa matuyuan ka ng laway.
Ending. Naayos na ang mga gamit. Sit ako sa kama to rest, tapos tinabihan uli ako ni Varsity Captain, bitbit niya yung face towel ko tapos pinunasan niya ang fez ko. Hinayaan ko lang siya. Pinatalikod niya ako at itinaas niya yung t-shirt ko para punasan ang likod ko. In fairness, ang bigat ng kamay niya. Nakudkod halos ang balat sa likod ko.
Tapos. May biglang thought na pumasok sa isip ko. This time hindi na yung nakaka-L na thought.
Tinanong ko siya bigla kung baket niya ginagawa sa 'ken 'to?
Sagot niya, kasi raw basang-basa ako ng pawis at baka ma-pulmonya ako.
Sabi ko, hindi naman yon. Sabi ko, 'tong lahat . . . baket niya ginagawa?
Hindi na siya sumagot. Humarap ako sa kanya. Naka-smile galore lang ang menchus. Nginitian ko rin siya. Siguro nga eh hindi rin niya alam kung baket nga ba niya ginagawa ito?
Tapos, tumayo na ko. Kukuha sana ako ng softdrinks pero hinawakan niya ako sa braso. Tumayo din siya. Kinuha niya ang mga kamay ko at ipinatong niya sa mga balikat niya at hinawakan niya ako sa baywang. Nakatingin pa ren siya sa mga mata ko. Napakalamlam ng mga mata niya, napakapungay, parang pusa.
Nagtititigan lang kami. parang may kabayo sa loob ng dibdib kong nagpipilit na kumawala. Sabi nila ang mga mata raw ay hindi marunong magsinungaling, pero sa mga mata ni Varsity Captain ay wala akong ma-discern, hindi ko alam kung sincere ba siya o nang-gu-good-time lang, parang masyado siyang maraming tinatago.
Parang bet niya akong halikan o parang bet ko siyang halikan . . . . . ah! Basta! Parang bet naming halikan ang isa't isa. Pag maglalapchukan naman kami ay parang napaka-corny ng dating, pero sana halikan nga niya ako, ayaw ko namang ako ang gumawa ng first move eh babaeng-babae ang tingin ko sa sarili ko ngayon. He pulled me over and I moved closer to his body, as in he's literally bear-hugging me, ang sakit, hindi ako makahinga, pero hindi ko yon iniinda. Feeling ko ngayon lang siya nakayakap ng tao sa tanan ng buhay niya. In fairness, mabango pa rin siya. Tatanungin ko sana kung anong pabango ang gamit niya pero baka masira ang momentum at hindi niya maituloy ang kung anuman ang gusto niyang gawin sa akin. I suddenly felt his lips touching my neck, naisip ko na maalat-alat na yata ang lasa ng leeg ko. Pero deadma! Masarap siyang humalik. His lips started to go up to my jaw, then my cheeks, parang daga na naghahanap ng butas na susuutan hanggang sa maramdaman kong dumapo ang mainit niyang labi sa labi ko!
Nang maghiwalay na ang mga labi namen eh nakanguso pa ren ako. Tapos 'nung dumilat ako eh nakatingin na lang siya 'ken at super smile. Chika niya, kelangan na niyang umalis dahil susunduin pa niya ang mom 'niya sa parlor. Parang gusto kong ichika sa kanya na hayaan na niya ang ina niya. Matanda na 'yon. Pero witchelles ko na siya pinigil. Sinuot na niya yung t-shirt niya at nag-goodbye.
Hayun. Naiwan ako sa kwarto. Nahiga na lang ako sa kama. Nakatitig sa kesame. Super-jisip kung anu ba ito? What is happening to me? 'Nung isang araw lang eh hindi ko na siya bet ma-sight tapos ngayon eh para akong kolehiyalang kinikiliti sa tinggil.
**********
'Maaga akong nakatulog after 'nung mga eksenang yon, pero ginising ako ni Francheska (Franck), classmate ko 'nung highschool na ka-a-out pa lang. Inaya ako ni pekpek. Sabi ko hindi ko bet lumabas dahil maaga kaming maglilipat ni Nick the following. Pero deadma, hindi talagang keri na hindi lumabas kapag Sabado. So, hayon, ligo, ayos and fly.
First stop, Government.
Well, sa totoo lang bet ko lang lumabas, hindi ko felt mangarir. Naalala ko na doonchie ko pala unang na-sight si Varsity Captain.
Ala-una na kami nakarating sa Government. Wala pang masyadong utaw. Ang Government, kapag walang utaw eh parang bodega ng bigas. First time ti Francheska sa lugar kaya halos maloka-loka ang bakla. Ang chika niya, baket daw puro borta ang mga utaw doonchie. Ang chika ko naman, gym kasi itey kapag umaga, kapag gabe, ganitey, bagsakan ng karne, di ko lang learn kung anung meron kapag madaling araw.
Feeling ko lang magpakasoyal effect, more red wine atak.
Walang kagila-gilalas na nangyari sa Government, bagota Philippines. Na-sight ko si Gerry. 48 years na kaming hindi nagkita. 'Nung nagkita kami sa Government eh para kaming mga uod na binudburan ng asin. Niyakap ako ng fatalle ni bakla. Eh ang laki ng katawan ni pekpek, nagmukha akong tungkod sa kanya. Beso, beso, chika-chika. Pinakilala ko siya kay Francheska. Tapos. Three-thirty eh nag-aya si Gerry, join daw sa Bed.
Nauna sila. Follow kami ni Francheska.
(To JOMS)
I was in bed last night. Pero mga 4 am na akey naka-atak doonchie. Hindi ko sure kung andoonchiebelles pa kayey.
Pero ang eksena, hindi nagpaawat si Francheska dahil bet niya talagang mangarir. After latuk ng berangga eh join agad sa ledge si bakla. Nagpasikat. Ako naman, sitting somewhere in a dark corner, dahil bangag na ako ng slight, kulang sa borlog at the same time, binabagabag ng thought tungkol kay Varsity Captain.
This is too good to be true. Parang masaya ang mga ganitong eksena pero nakakapagtaka. Ayaw ko namang maging paranoid at the same time ayaw ko rin mag-give-in completely. Hindi klaro sa 'ken kung ano ang eksena ni Varsity Captain. Pero siguro, I'll just let event unfold. I would know it anyway, sooner or later, either the hard way or the easy way.
Medyo maganda ren naman ang naging gabi ko. At hindi ko nakita si Duke. Good heavens.
No comments:
Post a Comment