So, hayon na nga ang eksena.
Umisquierda na kame ng bed dahil zerowena ang mga bakla at washingtong bright future ahead.
Nakaabot pa kami ng Guerrero dahil 'dun naka-park si Claudine. Nauna na kaming dalawa ni bakla dahil nagpaiwan si Rica pero susunod siya agad.
Hindi pa naayos ni Claudine ang sasakyan eh eynimomentz ay meron kaming vaklang na hi-hearsay somewhere out there beyond the pale moonlight.
Tumatalak ang bakla. Sumisigaw.
Tapos na-sight naming may isang menchus na papalapit sa amin at kasunod niya eh super rendezvouz ang isang ma-shuba-shubang vekvek . . . . . . si Rica.
Tapos lumampas lang sa 'men yung menchus at atak sa isang naka-park na carumba medyo malayu-layo na. Bumaba kami ni Claudine sa sasakyan. Rendezvouz pa ren si Rica. Dineadma kami ng veklus at dire-direcho pa ren. Tili pa ren ng tili si vakla. Inglet nang inglet. Meron siyang something na tinatalak na 'answer me' . . . 'fucking whore' don sa menchus.
Hysterical na si Rica tapos 'nung nakarating na yung menchus sa may puting carumba eh huminto siya at hinarap si Rica. Na-sight ko ang fez na super family. Na-sa-sight ko farati sa mga fictures ang everything but never personally. Si LUCAS!
Parang nagtitimpi lang si Lucas. Shuhimek. Hindi siya kasing explosive ni Rica. Meron siyang chinika pero pabulong kaya difficult na ma-hear. Ang chaka ng eksena nila, parang teleserye. Ang passe-passe.
Tapos biglang sumigaw na naman ang baklang Rica. Talak niya, batsiva raw tinatalak nung menchus na splittibums na sila eh ka-sa-sight lang niya dun sa menchus na may binobyonding isang bagets sa Orosa at heto pa . . . . shinonong ever niya yung menchus kung anu ang ginagawa niya sa Manaylus ever. (Di ba? Ang eksena eh si Lucas eh Singapore-based nurse)
Tapos dineadma na siya ni Lucas. Shumolikod na ever, junuksan ang shintuan ng carumba.
Pinaulaanan ng isang milyon at isang mura ni Rica si Lucas, pero deadma pa rin ang narcisa.
Shuntanginamesh here! Shuntanginamesh there! Shuntanginamesh everywhere!
Bago pa maka-isquierda ng tuluyan yung carumba eh super-getching ng bato ever si Rica at mega throw sa carumba ni Lucas. Pero deadma pa ren. Umarangkada na lang yung menchus na akala ni Rica eh nasa Singapore at akala niya eh minamahal siya. But then no!
Nilapitan na namen si Rica at baka kung anez pa ang gawin. Eynimomentz eh kumain na lang ng bubog si vakla. Sinetchie ba naman ang witchelles na magkokumbulsiyon sa nangyari. Meron kang jowa na nasa Singapore na you hold so dearly for a couple of months, na pinupuntahan mo once in a while then suddenly masa-sight mo sa Malars – among all places eh sa Malars pa talaga ang pinili - na may kabyondiang ibang bakla? Samantalang heto kang malandi nga kung minsan, pero sinasagrado ang relasyon at ni hindi man lang makatikim ng kahit na anong laman ng ibang tao dahil nagi-guilty ka dahil mayroon ka ngang jowang nasa ibang lugar.
Super crayola pa ren si vakla. Speechless naman akey. Si Claud lang ang mega-chika sa kanya.
Nung keri na ni bakla ang mga eksena niya eh jumoin na kami sa carumba ni Claudine at nag-fly home na.
Tingnan 'nyo nga naman ang mga cherva ng pagkakataon. Hayun kaming tatlo sa isang lugar na inaatakan namin dahil dito lang namin nae-experience ang lighter side ng kabaklaan. Noong una akala ko ako na ang magiging pinaka-miserable dahil napag-alaman kong jundinggerzie din ang shofatembang ko at ang bet kong menchus ay napag-alaman kong nangangarir pala ng ibang veklus. Pero hayun si Rica, na noong una ay ang pinaka-secured sa amin. Ngayon ay para siyang jigsaw puzzle na halos imposibleng buuin. May pagmamahal na ipinagmamalaki, may pagmamahal na ginagawang sandigan ng pagkatao pero sa isang di-inaasahang pagkakataon, sa isang gabi, sa isang lugar ay agad na nawala ang pagmamahal na iyon at nabasag na parang salamin, hindi lang basta basta nabasag, kung hindi nadurog, durog na durog.
At si Rich, na parang biniyayaan ng Dyosa ng kabaklaan ng everything materially, mentally at physically pero hayun ang exchange gift naman pala eh ang tunay na kaligayahan.
Pero witchelles ditey nako-kropos ang eksena.
Sa buhay ng bakla. Impossibleng walang eksena!
The Long View: Dispatch from South Korea (2)
-
Columnists The Long View Dispatch from South Korea (2) By: Manuel L.
Quezon III – @inquirerdotnet Philippine Daily Inquirer / 04:30 AM
December...
3 days ago
No comments:
Post a Comment