Thursday, April 28, 2005

LOVE LOST . LOVE GAINED

Kaninang lunch break, dumaan si Claud sa office, samahan ko raw siya to pay his last respects to Dennis. Buti na lang at wala akong masyadong ginagawa kaya naka-isquierda ako ng maaga.

In fairness, ang haggard ng hitsura ng lola Claud 'nyo. Feeling ko eh isang linggong hindi na-borlog ang bakla.

Pag-arrive namin sa simbahan ay sinalubong kame ng usual na tugtog pangponebre. Najisip ko lang na hindi ko bet na paglamayan pag na-shigok akey. O kung bet man akong iburol ng mga shumag-anak ko eh witchelles naman yung 48 years na agnas na ang fez ko at sumasabit na lang sa bawat patak ng formalin. Ayaw ko nang ganitong ka-sadness na libing, bet ko yung lahat eh nagsasaya at pati na ren yung damit kong suot ko sa kabaon eh colorful, kung pwede ngang naka-ballgown ako eh why not nga da vah? Bet ko ren na si Kylie Minogue at si Madonna ang tumitili habang pinuprusisyon ang kabaon eh habang may street party na nagaganap. Better din siguro kung may-I-burn na lang ako kesa pagpiyestahan ng mga ipis at uod six feet under. Siguro may magagawang better si Claudine at si Rica sa mga abo ko, ibubod-bod sa kalsada ng Malate isang Sabado para jumoin sa mga abo ng may halos isang-libo't isang yosi ng mga bakla. I'm sure as hell na witchelles kong bet na mangyari ang eksenang nagtititigan lang ang mga utaw habang tinotorture ever ng music ng simbahan at nasu-suffocate sa ikmel ng kalachuchi.

Nakakaloka dahil habang pinaplano ko yung engrade kong burol eh nasa tabi ko si Claudine, speechles. Feeling ko nga eh panis na ang laway ng bakla.

So, sit ever lang kami sa may bandang likuran para hindi ma-notice. Sight ko ever ang mga nakikiramay, walang pamilyar na mukha. Ang simbahan, plain and simple din, parang library. Wala yung mga nakakapangilabot ng mga rebulto na may makikinang na outfit with the wigs ang everything, na parang parateng may sagalang pupuntahan. Wala ren yung feeling na nandyan lang yung Dyos at nagmamasid-masid.

Sight pa ren ako sa mga utaw. Wala talaga akong knows. Siguro minsan ay minahal din nila si Dennis bilang shufatid, bilang junakis, bilang jinsan-ara o bilang isang friendiva. Pero feeling ni Claudine eh wala nang mas hihigit pa sa pagmamahal na ibinigay niya kay Dennis.

Tapos. Nag-misa na. Feeling ko wala ding nakikinig sa pari na wala naman talagang kamuwang-muwang sa kung sino si Dennis na kung hindi lang siya may-I-fillin-in-the-blanks sa script na super read ever niya.

Katulad ng halos ng lahat ng funeral na napuntahan ko, kiver naman talaga sila sa chinichika ng pari, mas important eh yung mga memories na naglalaro sa bawat isipan ng mga naroroon, ang mental ang emotional scrapbooks of experiences kasama ang taong nawala na.

Dumating na ang oras para sa mga eulogies at one by one eh super ispluk ang mga kamag-anak niya. At of course eh walang patumanggang papuri ang ibinato sa isang walang-buhay na katawan. Funny talaga ang mga ganitong eksena. Kung kelan shigok na ang isang utaw ay tsaka mapapansin ang lahat ng kabutihan niya sa katawan. Mabuting junakis, mabuting shupatembang, mabuting friendiva, maalalahanin, mapagkumbaba . . . . yadda-yadda. As if naman na ang mga super-exaggerated na papuri eh bubuhay sa patay.

Anyway, mamakaborlog na sana ako at that point but na-feel kong biglang shumayo si Claudine. At muntik na ako mapatambling nang marealize kong aatak pala siya sa harapan para umispluk! At hindi ko na siya napigilan.

Lahat eh tumahimek, windang in a sense. Loka-lokahan sila dahil hindi nila learn yung menchus na shumoyo dun sa lectern.

Tapos nagsimulang chumika ang bakla. Nagsimula dun sa kung paano sila nagmeet ni Dennis. Talak . Talak . Cry . Cry .

Nagising ang lahat ng bumagsak ang salitang "boyfriend ko". May mga nagkalikot ng tenga. May napakunot ang noo.

Deadma si bakla. Talak pa ren.

Parang nakita kong magugunaw na ang mundo nang muli pang bumagsak ang salitang "boyfriend ko" at this time meron nang kasunod . . . . . "si Dennis."

Bago pa man mag-continue si Claudine eh may ma-ondang luluki na nag-standing-ovation, feeling ko eh fudra ni Dennis. Anyway, tumayo siya at galit na galit na pinatiil si Claudine. Nagkagulo ang mga utaw sa harapan. Parang delubyo. May mga humihila kay Claudine at may mga super duro sa kanya at talak nang kung anu-ano. So, super atak na ako to the rescue dahil eynimomentz eh ipako na lang si Claud sa krus tapos sunugin ever.

At syempre eh hindi nagpaawat ang lola ko: "Tingnan 'nyo ang anak 'nyo! Palagay 'nyo masaya siya ngayon? Masaya kaya siya na kahit na wala na siya ay hindi pa rin matanggap ng mga magulang niya at mga kamag-anak niyang makikitid ang utak na bakla siya! Bakla siya! At mahal ko yang baklang yan!"

Warlang warla din si Claudine. Pulang-pula at parang eynimomentz eh sasabog ang bakla. Crayola na lang siya nung hindi na niya kinayang pigilin at inalalayan ko na pa-exit ng simabahan.

'Nung naka-recover na si bakla eh chinika niya sa aken na nag-break lang naman sila ni Dennis because of Dennis' parents. Ididis-own daw ang bakla ng pamilya niya at eynimomentz eh ipapashopon sa ibang bansa. Hayon! Nagloka-lokahan ang magjowa. Nag-break.

Tapos 'non eh hindi na nagsalita si Claudine at hindi ko na rin najisip na i-entertain siya at baka bigla na lang mag-break-down si bakla at magsisisigaw sa gitna ng EDSA. Nakakatakot kasi si Claud, hindi kasi siya yung tipong madaling mag-release ng tension. Maraming mga moments nga na palagay ko ay nababaliw na si bakla.

Nakakabaliw talaga ang pag-ibig. Lalo na ang pag-ibig na nawala.

Tuluyan na kayang magbabago ang takbo ng pagtingin ko sa relasyon?

Meron kayang menchus na papasok sa buhay ko bilang knight in a shining armor to rescue me and for us to live happily ever after?

Palagay ko totoong buhay ito, hindi ito isang pelikula na palaging nagwawagi ang salitang "pag-ibig" anuman ang mangyari. Totoo nga siguro na ang salitang "love" ay hindi parating sugar-coated na kung minsan ay pwede rin maging kasing-pait ng ABS Bitter Herbs Capsule kahit na wagas ang pag-iibigan ng dalawang tao - indeed there's no turning back and there's no changing directions, love can sometimes be lost . . . . . . but then in my case, would I gain it? Hmmmmmm . . . . let's see!

PS. By the way, hindi ako LUZ VALDES kay VARSITY CAPTAIN. Ang pohtang Rica, eh nagmaganda at ginivesung pala ng numbererette ko kay Varsity Captain last Saturday bago kami nag-fly home. At dahil na ren sa mga friends ko at some bloggers. I realized na why not, try Varsity Captain. Besides kras na kras ko naman siya. Hayon. Sa ngayon super text muna kame. I don't want to rush things. Malay natin?

No comments: