Sunday, May 29, 2005

3 MEN and A GAY in a PARIS HILTON EVENT . . . . . . (PART 3)

NASAAN ANG PAG-IBIG?


Ang NAKARAAN . . . . . . . .



Lapchukan galore . . . . na-felt kong inoonggal na niya ang belt niya . . . . Release akey sa halikan portion.

One step backward.

"Now na?"


"Oo!"

Hindi keri . . . hindi keri . . alam kong hindi keri . . . .


Parang bet kong i-talak sa kanya na fertile ako that moment at eynimomentz eh majuntiz niya akey ever. Hindi pa akey ready magka-junakis morisette.

Pero syiempre, wit siyang maniniwala dahil wala naman talaga akong bahay-bata. Ang bahay-bata ay ko ay "in the mind" . . . . "It's all in the mind" . . . . sabi nga nila da' vah?

Hinayaan ko muna siyang lafyusin nang lafyusin ang mga kering lafyusin sa 'ken pati ang tenga ko eh hindi niya pinatawad. Na-sight kong naka open-sesame na ang shontolon ni Varsity Captain . . . . . . Bakit may kuting?

Parang may kuting sa loob ng brief niya na gustong kumawala.

In fairness eh erbog na erbog na ren akey hey hey.

Pero alam kong wit keri dahil eynimomentz nga . . . . . .

Ang kuting . . . . .

Hinimas ko ang kuting . . . . .

Pumipintig-pintig pa ang kuting sa loob ng briefanggus ng menchus.

Napatingala na lang akey, napatitig sa kesame ng kuwarto. As if na parang humihiling ng biyaya mula sa kalangitan o naghihintay ng delubyo . . . . animo'y eynimomentz eh kukulog, kikidlat, bubuka ang lupa . . . . . lalabas ang dumunyu sa umpurnu . . . . . . . . at duduruin aku at sasabeheng . . . .

"Bad girl! Bad girl!"

Iniluhod niya ang isa sa mga tuhod niya at hinawakan niyang mahigpit ang maliit kong bewang. Pinuno niya ng halik ang tiyan ko.

Napansandal na rin akey sa dingding dahil parang sa bawat lafyus ni Varsity Captain sa iba't ibang bahagi ng shotawan kez eh na-jijigop ever niya nang unti-unti ang nalalabing energy sa katawan keZ.

Pero inipon ko kung ano pang meron akey at hinawakan ko siya sa balikat at pinashoyo.

Maglalapat na naman sana ang mga labi namin nang biglang nagkaroon din ako ng urge na pigilin siya.

Oo nga!

Couple of days ago, gusto kong makipag-sex sa kanya. Pero not now. Dito na nga yata nagkakatrulili ang eksenang, "be careful what you wish for. you might get it."

Yes. I got it nga. But in the wrong place and in the wrong time.

Nakatingin lang sa 'ken si Varsity Captain habang binubutones ko ang polo ko. Puzzled ang fez niya, at parang hindi siya makapag-summon ng mga salita na itatanong sa 'ken.

Nag-explain na lang akik na wit kering mag dookit doonchie dahil eynimomentz eh mega-arrival na ang ibang staff para getlackin ang mga gamit niletchie.

Akez na ang nag-zip sa shontolon ni Varsity Captain, at ibinalik ang belt sa dating ayos. In fairness . . . . . ang kuting eh alive and kicking pa ren.

Hinawakan ko ang kamay niya at lumabas na rin kame ng kwarto.

Paglabas namin ng New World eh nagpaalam na ren siya. Nag-sorry ako. Sa harapan ng Hotel, sa may taxi na nakaparada. Hinalikan niya ako. Isang magaan at matamis na halik.

Sabi niya, "Don't worry"

Pero naramdaman ko ang lamig ng halik na yon.

*

Pagbalik ko sa Temple Bar eh nagkakagulo na ang mga utawsingbelles. Nag-start na kasi yung bikini eclavu nila. Ang jiit ng place and there was hardly a place para rumampa yung mga kemeng barurut.

Na-sight ko na ang grupo namen. Tinabihan ko na si Model No. 4. Nomomu ng beranggju dahil nauhaw akez ng fatalle sa natapos na eksena.

Model No. 4: Bernz, tuloy ba yung project 'nyo sa Boracay?

Bernz: Hindi ko pa sure, si Vic kasi ang nakikipag-usap don.

Model No. 4: (With akbay and pa-cute na smile) Pag natuloy naman 'yon, singit mo naman ako 'o. Sige na. Kelangan ko lang kasi yun sa portfolio ko e. Malaking event din yon.

Bernz: (with matching disgusted na tingin pero trying hard na magpakaplastik na kunwari kiver lang) Eh wala naman akoy say dun noh! (at sa totoo lang eh hindi siya talaga belong sa show na yon dahil hindi siya bagay)

Model No. 4: Wala kang magagawa?

Bernz: Wala talaga. PM lang ako.

Model No. 4: Okay! (with matching tanggal ng akbay, nuod ng show. deadma for the next 10 minutes)

After 11 minutes.

Model 4: (watch pa ren with matching chika with Model no. 1 and 2, deadma pa ren ke watash)

Bernz: (third bottle of SML)

Isquierda akey. Slight imbiyerna. But then at least na-learn ko kung anu talaga ang karakas ng buchi ni Model No. 4.

Potah siya!

Derecho na ko sa Havana dahil pag atak ko sa Nu.Vo eh nowhere in sight na si Rica.

*

Pagbalik ko sa Havana eh drinkaloo ever pa ren si Sean and si August. Chikahan galore lang tungkol sa Philippine ways and customs. Sa totoo lang eh ayaw ko na ring kausapin si Sean, dahil wala lang. Wala na talagang koneksyon sa 'men or rather never na nagkaroon nang koneksyon. In fairness, totoo namang malaki talaga ang ipinagbago niya compared 'nung unang dating niya ditey sa 'Pinas pero kiver. Never akembang na-attract sa kanya and besides wit ko na rin naman tinuloy yung welasyon namen kasi baka jisipin ara niya na gagawin ko lang siyang sugar daddy ever. Even though na pinakinabangan ko ren naman siya . . . pero wit ko naman ginalore ng masyado.

Pagbalik ng lola 'nyo sa Havana eh haggard na. Lost na ang beauty. Suddenly nag-sink in na yung pagod na wit ko na na-feel the past few days.

Shuhimek na lang akik. Rest ng slight para maka-fly home na ren. Talak lang si Sean, pero hindi ko na ren siya pinakinggan.

'Nung na-felt kong enough na ang pag-jupo ever ko eh nagpaalam na ren ako sa kanilang dalawa. Nag-sorry ako kay Sean, chika ko sobrang pagoda tragedy lang akey hey hey and i'll make it up to him. He gave me his number. I did not save it.

*

Pag-return ko sa NU.VO eh almost finish na ang everything. Chinika ko na lang yung direktor and EP namen. Nyostikan-nyostikan sa ibang utaw. Tapos dumating na ren si Claude para ihatid akey. Si Rica eh lost in space na. Malamang eh na-imberna ang bakla.

Pagsakay ko sa carumba ni Claude eh nakatunganga lang akey. Chika ko kay Claude, sobrang pagoda tragedy lang ang labanan.

Chika ni Claude, meron daw akong iniisip. Si Claude pa, eh may lahi yata siya ni Madame Auring, may pagka-psychic ang lola naten.

Tanong ko: Bakla, pano mo male-learn kapag enlababo ka na sa isang menchus?

Napatingin sa 'ken si Claude. Naka-shoas ang kilay ng bakla. Sabay tingin uli sa road with slight smile.

Claude: Feeling mo na-iinlove ka na?

Bernz: Hindi ko nga alam kaya nga tinatanong kita eh.

Claude: Pag in-love ka na sa isang tao. You would actually not know it. You would FEEL it first.

Bernz: Pag iniisip mo ba parate yung tao. Pag parating sya na lang ang lumalabas sa kukote mo eh inlab ka na sa kanya?

Claude: Hay naku Bernz! Hindi ka na hayskul noh! Yung mga kibut-kibot tsaka yang mga kilig-kilig eh hindi na uso! Kelangan mo lang naman magpakatotoo sa nafi-feel mo. Feeling mo ba mahal mo na si Varsity Captain?

Bernz: Feeling ko nga hindi eh.

Claude: Sige gano mo naging ka-love si RockStar 'nung kayo pa 'nung collge kayo? Out of one hundred?

Bernz: Ninety.

Claude: Eh si Varsity Captain?

Bernz: Sixty.

Claude: Kelan ka ba huling na-inlove?

Parang sibat na tumusok sa dibdib ko yung tanung ni Claudine! Kelan ka ba huling na-inlove? Ayun ang masama, ang hindi ko sigurado eh kung na-inlove na ba talaga ako?

Pag-uwi ko sa bahay eh hindi ko pa ren nasagot ang mga shornong na nagku-coup-de-etat sa ulo ko.

Si Model No. 4. Gwapo, modelo, typikal na lalake . . . . . . . . TARANTADO . . . . . . . . naisip ko rin ang sinabi ni Claude, hindi na kailangang magpadala sa kibut-kibot . . . . sa kilig-kilig . . . . na-akbayan ka lang ng konti . . . na lansing ka lang ng konte eh feeling mo eh ang ganda-ganda mo na. Haaaaaaaaaaaaaaaay! Ang mga lalake talaga. You would never know kung kelan sila sincere. At kung kelan sila sincere . . . . . na nangangailangan.

Si Sean. Affam. Iba ang kulturang kinabibilangan niya kumpara sa kulturang meron tayo sa Pilipinas. 'Nung una eh natuwa lang talaga ako sa kanya pero di nagtagal eh na-feel ko ren na hindi talaga kami plak sa isa't isa. Pero feeling ko naman ngayon eh masaya siya. If given a chance . . . . . wit pa ren ako makikipag-balikan sa kanya. (Siguro givesung niya akey ng greencard . . . . why not? Da' vah! Echos)

At heto na naman. Magrereklamo na naman ako sa kagagahang ginawa ko kay Varsity Captain. Ang hindi ko maintindihan eh kung bet ko eh hindi naman niya bet at kung bet niya eh hindi ko naman bet. Pero siguro, gusto ko lang patunayan na hindi factor ang sex sa nangyayari sa 'ming dalawa. Sa totoo lang eh hanggang ngayon eh naguguluhan pa rin ako sa kanya. Parang meron siyang force field sa paligid niya. Tuwing nagpo-probe ako sa pagkatao eh puro vague answers ang ginigivesung niya. Siguro takot lang din akong masaktan. Lahat naman tayo eh takot masaktan.

Nakakatuwa ang mga naganap 'nung gabing yon.

Ano ang pag-ibig? Natanong ko kay Claude.

Ang pag-ibig ba ay parang kay Model No. 4? Alam kong hindi niya ako gusto. Pero alam ko ring willing siyang gustuhin ako, pero kung magigive ko ang mga hinihingi niya. Ganito ba ang pag-ibig na gusto ko?

Ang pag-ibig ba ay parang kay Sean? Gusto niya ako. Alam kong mamahalin naman niya ako kung mabibigyan siya ng chance pero para ano? Para suklian ko ang pag-ibig na ibibigay niya sa 'ken. Eh hindi ko nga siya bet. Ang pag-ibig ba ay napipilit at napag-aaralan kung pano maramdaman?

Saan ko nakikita ang sarili ko? Sa isang taong gusto ako pero hindi ko naman gusto? O sa taong hindi ako gusto pero gusto ko?

Ang pag-ibig ba ay parang kay Varsity Captain? Alam kong gusto namin ang isa't isa. Mutual naman ang keme namin so far. Pero ganito ba talaga yon? Mas magulo? Mas kumplikado? Undefined? Hindi mo alam kung this is it na ba o this is not it pa.

Sana ang pag-ibig eh nakatatak na lang sa noo ng mga taong nakakasalubong naten. Para alam mo nang this is it talaga.

Hayun lang. May tatlong lalake sa isang Paris Hilton event. At ang BAKLA . . . . . e umuwi sa bahay. . . . . . pagod . . . . magulo ang isip . . . . . . natuwa . . . . . lumandi . . . . . nilandi . . . niyakap . . . inakbayan . . . nginitian . . . . humalik . . . . . hinalikan . . . . kinilig . . . . . pero sa pag-tulog . . . . . eh mag-isa pa ren.

1 comment:

Stucco Contractors Kendall said...

Great reading your blog postt