Saturday, May 07, 2005

A WEEK FULL of UNFAITHFULNESS (PART 1)

Sa sobrang imberna ko kay Varsity Captain nung isang gabe eh naisipan kong lumandi. Why not? So, I planned na magkita-kita kami nila Claudine and Rica sa Malate. Parang andaming naganap these past few weeks. Parang kakaiba, o dahil mega-write lang ako ever kaya feeling ko andaming nagaganap.

Siguro proven na itu! Isa akong DRAMA QUEEN!

Anyway, all of us deserve a night for ourselves.

So, the plan is rampa galore na naman ang mga veklus.

Pero I made sure na hindi makakaalis ng bahay si Nick. So, afternoon pa lang kahapon eh we started fixing our things na para maka-fly ever na kami sa bagong apartment the next day.

Bet ko talagang makipag-chikahan ng masinsinan kay Nick pero nagdadalawang-isip ako. Witchelles ko sure kung warla pa akey sa kanya o hindi na. Well? Bakit naman ako mawawarla sa kanya? Porke't babaihan din siya katulad ko, mawawarla na akey sa kanya? Porke't pinagpapantasyahan niya si Dennis Trillo at witchelles si Angel Locsin, mawawarla na ako sa kanya? Hmmmmm . . . . . Yes! Dahil ako ang unica ija! . . . . . . Chareng! Hindi naman sa ganon.

Najisipan kong makipag-kiss and make-up. Kiss . . . . . . meaning beso at make-up . . . meaning dough eye, blush-on, lipstick, mascarra at foundation. Haggard ng idea! Ayaw ko namang masira ang pagiging magkapatid namin dahil lang sa fact na magkakompetisyon kami.

Finally, I found the courage to talk to Nick when I got home from a meeting yesterday.

"Bakla," ano kaya kung nagkamali ako ng tawag sa shofatid ko.

"Nick!" Bakla ka talaga. "Okey na ba ang lahat?" Sabihin mo nga sa akin kung bakla ka talaga?

"Okey na po kuya, yung ibang gamit mo na lang, hindi ko kasi alam kung ano ang aayusin don eh" Oo naman, hindi lang ako bakla-baklang bakla pa!

"Yung microwave i-secure mo ng maayos ha, baka masira yan." Gaga ka talaga, ngayon mo pa naisipang maglandi!

"Ayos na yon, may mga styro sa ilalim." Eh anong magagawa mo dyosa ako eh, in fact nag-take home ako ng luluki kagabi.

"Ah okey! Yung truck na lipat-bahay, natawagan mo na?" Ano? Malandi ka! Wala ka talagang kasing landi, at nakuha mo pang inggitin ako dahil alam mong zero ang sex life ng ateh mo!

"Natawagan ko na, nandito raw sila ng alas-sais bukas ng umaga." Nako ateng! Ma-onda ka na raw kasi, di mo ko tularan mas fresh at mas may asim! Kabog hanggang Aparri ang beauty mo!

"Sinong tutulong sa atin maghakot?" Iniinis mo talaga ako baklita ka!

"Sila Kanor tsaka yung mga ka-tropa niya, willing daw tumulong maghakot, bigyan na lang natin ng pang-yosi." Sila kanor and the others na nahada ko na nang paulit-ulit dito sa bahay kapag wala ka ateng, at sorry, wala kang masasabi dahil dakila talaga yung mga olakis na yon!

"Sila Kanor? Okey!" Sila Kanor talaga? Aba, hindi naman yata ako papayag na ako itong matagal nang pinoporokasan ng mga olakis na yon at hindi ko man lang sila na-gets! Imbyerna!

"Dumaan pala dito si Varsity Captain, may iniwan sa kwarto mo." In fairness ateng, wala akong ma-say sa luluki mo na yun ha. Panalo to the max, na-sight ko yung notes, parang daks! Daks nga ba?

"Ah talaga? Teka ha." Pwes nini, mamatay ka sa inggit, at take note, hindi ko pa alam kung Daks siya o hindi, wala pang nangyayari sa amin.

"Palagay ko chocolate and flowers." Wala talagang nangyari sa inyo. Ang bagal mo naman! Tumanda ka sanang dalaga.

In fairness, naloka ako 'nung na-hear kong dumaan si Varsity Captain. Pero deadma pa ren ako. Galet pa rin ako sa kanya.

Pagpasok ko sa kuwarto, isang bundle ng red roses at isang box ng Cadburry ang naghihintay sa kama ko. Shet! Gusto kong himatayin! Is this it? Is this really really it? At first time kong nakatanggap ng flowers and chocolate, feeling ko ang haba-haba ng hair ko, abot hanggang Monumento - teka, taga Kalookan lang pala ako - mas mahaba, abot hanggang Antipolo!

Siyempre may card at binasa ko:

"Bernz" Teka ampanget ng sulat niya ha. Anyway, ganon talaga walang taong perpekto. "I'm sorry about last night. Sabog lang talaga ako and besides nagulat din ako dun sa text mo tungkol kay Jay. I'm sorry. I should've explained. Can we talk later?"

Napambuntunghininga ang bakla.

Kilig-kiligan portion on the side pero hindi! Ma-pride ako. Bahala siya. Habulin niya ako. Nag-text ako sa kanya. Sabi ko I cant see him because: 1. I'm busy sa pag-aayos dahil sa paglipat and 2. ayaw ko siyang ma-sight ever.

So, natuloy ang plano. Atak sa Malate. Goodbye (muna) Varsity Captain.

2 be continued . . . . . .

No comments: