Tuesday, May 10, 2005

A WEEK FULL of UNFAITHFULNESS (part 2)

So, ganun nga ang eksena.

Late na ren kami naka-fly ng Malate dahil truelili namang walang ganap, dahil marahil eh karamihan ng tukling eh kung wala sa Bora eh nasa Puerto Gaylera, humahada at nagpapabona sa dalampasigan o kaya sa mga suluk-sulok na batuhan ever.

'Nung maaga-aga pa eh umatak muna kami ng Starbucks for more coffee effect para naman nerbiyusin kame sa paggagagawin namin later in life.

Ang Lola Rica eh naka gym-outfit nang nakipag-meet sa 'min sa Starbucks. Si Rica naman kase eh meh kashubaan ng slight pero ang talak ng bakla eh wit daw siyang shubis or shubby, sadyang malalaki lang daw ang bones niya ever. Laftir lang ako tuwing binibera niya ang linya niyang iyon. Hayon. Kaya super gym ang bakla this past few months. Super hoping si bakla na shumoyat ever pa siya.

Si Claudine naman eh hayun. As usual, mukhang pare. Formality of culture, for more polo-polohan, black shoes and everything. Actually, para siyang pare na militar. Masyadong stiff si Claudine. Anyway, kering-keri naman na niya ang mga eksena dahil feeling naman namen eh unti-unti na shang nakakaget-over dun sa pagkashigok-ever ni Dennis.

Super nomu lang kame ng coffee ever, hanggang na-feel nameng nanginginig na ang mga laman namen. Tapos sa mejo likod ni Claudine eh may isang menchus na sina-sight-sight siya. Ayaw naman lumingon ni bakla para ma-sight niya yung suma-sight sa kanya. Deadma lang si bakla.

Sabi namen kay Claudine, siguro he should start seeing other guys na and sabi namin na 'wag siyang maging morose.

Ang sagot ni bakla, witchelles daw siyang morose, bitter lang siguro pero witchelles morose. Chika pa niya, morose is passive, bitter is active - being bitter is like having a hobby.

Eksena si bakla di ba. Ang haba pa 'nung chinika niyang tuluy-tuloy na inglet pero hindi ko kineri at baka sa sobra kong pag-re-recall ng mga inglet na eksplanasyon ever eh baka eynimomentz eh havs na akey ng internal-brain hemmorhage ever. So, dineadma ko na ang mga pag-iinglet ni bakla.

Sa trulili lang eh si Claud talaga ang hottest sa 'men. Kaso, plentibelles nga lang ang natitiwang kay bakla dahil kakaiba ang ugali.

So, kwentuhan lang ang mga veklores and everything. Tapos, lumapit na lang bigla yung menchus na suma-sight kaniney pey.

Nagpakilala yung minchukulaytis-kamatis. At ang baklang Claud . . . . . . . Derm!

Na-harsh ako sa eksena dahil sina-sight nang masama ni Claud yung menchus. Kung nakaka-paslang lang ang mga sighteous na iyonchi eh malamang, plenti times nang na-paslang yung mechus.

Nagtitinginan lang kami ni Rica. Parang may dugong aagos eynimomentz. So, nag-excuse kame. Ayaw naman naming maging accessories to the crime noh.

Rampa lang kami ni Rica sa Rob's Place. After 30 minutes, return of the jedi kame sa starbucks ever.

Super-ask namen si Claud kung anu ang eksena. Washington na yung menchus.

Chika ni Claud, noseline raw niya yung menchus 48 years ago. Ang menchus raw eh naging jowa-jowaan ni Dennis, nung si Claud pa at si Dennis. At yung menchus na yun ang parang naging dahilan kung baket madalas silang nag-wawarlahan ni Dennis.

Na-felt kong mejo pa-crayola na naman ang bakla pero super pinipigil na lang niya. Dineadma na lang daw niya yung menchus. Ayaw niyang maalala pa si Dennis, mas lalong ayaw niyang maalala yung mga haggard moments nila.

Anyway, finally umatak na kami sa Malate, dahil nangangati na ang puriit ko.

In fairness, deadma ako sa mga text messages ni Varsity Captain.

Shumoyo ever lang kaming tatlong sa kanto ng Orosa at Nakpil. Ang favorite spot naming tatlo. From that location eh masa-sight ever ang mga eksenang nagaganap at kering-keri nang i-spot doonchie pa lang ang napipintung karir.

At syempre, kapag umaatak akez ng Malate, isang karir lang naman ang jinijintay ever ko. Si Duke.

At grabeeeh. As if alam niya ang queue niya eh dumaan siya ever sa harapan namen. Namutla naman akey at pumintig ang aking brown star habang pinipisil ko ang braso ni Rica. Hindi na ako nakaispluk dahil parang nalunok ko ang dila ko ever.

Haaaaay. Si Duke. In fairness, gwapo talaga siya. As in gwapo. Promise, cross my heart, mabulok at amagin man ang matres ko. Tisoy, neat, keri ang mga outfits, pag-ngumiti ever eh parang wala nang bukas, matangos ang nose ever, ang jawline ni puta eh hindi matatawaran. In short, parang sadyang inukit ng mga bathala ang fez niya para luhuran ng mga veklores.

Parang tumigil sa pag-jikot ang mundo ko ever.

In fairness, pati si Rica eh nag-wa-water tuwing nararamdaman niya ang presensiya ni Duke. So, para ren siyang asong ulo na naglalaway sa mga momentz na iyon.

Pero ang baklang Claudine eh tinaasan lang kami ng kilay.

Sabi niya, (inglet na naman itu, ineffort ko na namang tandaan itu ha), "everyone wants him. and everyone had him. Kaya nga siguro Duke ang pangalan niya, parang siyang Jukebox that can always play the right tune with the right price"

Ohhhhhhhh!

Daotera ang bakla da 'vah? Kung keri lang na isahog sa isda ang mga bera ni bakla eh malamang nakapagpaksiw na siguro ako sa mga momentz na iyon.

At hindi pa siya nakuntento. Dahil chinika niya sa 'men kung sinetch-sinetch ang mga naging jowa ni Duke at in fairness . . . . . . hindi maiksi ang listahan niya. Pero as usual, circle of life lang ang labanan.

Ang eksena ng mga vakla talaga eh parang friendster. Naging jowa ni Chenelyn si Bumbumkylie na naging jowa din ni Chenesbhar na kinarir ni Kemeng-brakatak tapos ineksenahan ni Kembot na bumona kay keloids habang hinahada si Quemesbar nung pasko. . . . . . . .
O . . . . . da 'vah. Circle of life talaga ang mga veklores.

Teka Commercial BREAK muna mga veks at nahahaggard akey sa pagchichismis ever.


***********************

This portion is brought to you by:










(batang pa-BONA)

Batang may LABAN!

***********************

Okay. Back to back to bakla na.

So, eksena, atak kami sa Bed, ever.

Dance galore. Dance galore. Dance galore. Kiskisan ng nota sa kung kani-kanino, pisilan ng juwetra . . . . lapchukan with strangers.

Na-sight ko si Duke sa loob pero malamang eh witchelles niya ako na-sight. 'Ni hindi naman niya kasi ako learn. Hayun.

Chika, ni Rica, magpabibo raw akez para mafansin akey ever. Aniklavu naman ang gagawin ko ever?

Basta. Hindi ko na ichichika ang details, eynimomentz. Meronchie lang akey na ginawa sa loob ng Bed that caught Duke's attention.

Na-realize ko yon dahil, later that evening, sa nyi-arette ng Bed eh may-I-follow si Duke.

Ganito kasi ang eksena sa nyi-arette ng Bed.

So, mega urinal portion lang sa gitna ng nyi-arette, may mahabang urinal. Both sides ng mahabang urinal eh kering jumihi ever. Tapos sa gitna ey may biggie na aquarium. Ang eksena, kapag super jihi ka sa one side at may katapat ka na super jihi din sa kabilang side, pag-sight mo ever sa aquarium at tumagos ang paningin mo, hindi lang hito sa sa tubig ang ma-sa-sight ever mo. May kakaiba pang hitong humihilagpos-hilagpos.

Magladlaran talaga kayu ng junjun. Kiver-kiver lang ang labanan.

Anyway, na-sight ko si Duke sa CR, pero witchelles ko naman na-sight yung junjun niya ever. Pero kiver. In-approach niya akey. Mega-smile ang lolo mo. Ako naman pa-sweet (as ever), parang Sharon Cuneta sa pelikulang Mr. DJ. 'Nung papalapit na siya eh mega-pikit na akey ever. Feeling ko eh susunggaban na lang niya akey hanggang lalapchukin nang lalapchukin na parang bukas eh katapusan na ng mundo.

But then no. Pikit ever lang akey at walang nangyayari. Nang dumilat ako eh nasa harapan ko pa ren siya. "Di ba ikaw yung kuya ni Nick?" Ang sabi.

Sagot naman ako. Oo!

Tapos. Deadma lang si Duke, smile tapos mega-grand-exit na.

Ganun lang?!

As in ganun lang . . . . . . !

Eksena!

(Haaaaaaaaaaay! Nakakapagod magchismax ever ha)

Buong gabi, deadma pa ren sa ken ang Dukebox! Noseline niya akey bilang kuya ng baklita kong shofatembang. Mas lalo lang akey nanggalaiti ever.

So, hayon! Umisquierda na ren kami ng maaga-aga at witchelles na ren kame nagpa-umaga sa bed dahil ang tatlong bakla eh walang reli.

Pero hindi pa doonchie na-postcard ang gabi ever . . . . . .

2 be continued again

(sorry kung minsan nakakapagod magsulat at mag-remember . . . ang effort sa braincells eh)

No comments: