"Anoooooooooooooooooooooooo!?!?!?!?!?! Hindi kayo NAGSEX?!?!?!?!?!?!?!!?"
Ayan ang gulantang na tanong ni Rica nang magkita-kita kami kahapon.
Habang ako eh super tahimik lang at para akong ginigisang hipon sa harapan ni Rica at Claudine. (oooooh! Da 'vah. Ang lola Claudine, 'nyo eh mega rampa na naman. Tapos na ang kanyang mourning marathon, even though may mga preng-preng moments pa ren ang bakla pero kinikiver na lang namen).
Back to the topic.
In fairness, eh kagulat-gulat nga naman ang balitang hindi ako nakipag-dookit sa isang menchus na bet na bet ko already given the chance.
Alam naman ng mga bakla na makati pa akey sa higad ever. Na kapag tawag talaga ng laman eh tawag talaga ng laman at wala nang iba pa. For me naman kase, sex is sex. Parang ambigat ng bearing ng sex sa buhay ko. Oo na! Karnal na kung karnal! Pero ganun talaga ako eh. Ang hirap naman kasing magpakaipokrita pa ako.
Anyway, pagdating kay Varsity Captain eh ibang usapan na 'yon. Katulad nga nang nasabe ko before. Malay ko, malay mo, malay nating lahat . . . . . na this is it . . . . . . this is really really it. It seems like I've been waiting for "tunay na pag-ibig" all my life. At feeling ko eh si Varsity Captain na nga ang tunay na pag-ibig na hinahanap-hanap ko. Well, well, well. Oo nga naman. Pwede 'nyo ring ichika na nagpapaka-ilusyonada lang ako dahil iilang araw pa lang kaming magkakilala ni Varsity Captain but the thing is, I'm feeling this tingly feeling . . . these butterflies in my stomach . . . . the spark in my eyes . . . . the feeling of flying on the wing of love ala-Regine Velasquez . . . . tuwing kasama ko siya . . . kausap ko siya . . . . ka-text ko siya . . . . iba talaga . . . as in . . . ibang-iba. Parang everyday is a sunny Sunday morning.
Kaya ayaw ko munang masira ang everything. Maganda naman ang pagsasama namen without the sex factor. Kaya why not da 'vah? Ang besides, baka mas maging kumplekado ang mga bagay-bagay.
Anyway, change topic!
By the end of the week. Me and Nick will say goodbye to our old, dusty, smelly apartment. Magpapaalam na ren kame kay Aling Bangenge. Yung may-ari ng apartment na tinitirhan namen ngayon. Hahahahahaha. Si Aling Bangenge. Winner talaga ang thundercats na itey.
Naiines lang ako sa kanya dahil prima pakialamera.
In fairness, isa siyang JOPAY . . . . JOga . . . . . lupayPAY.
Nakakairita siya. Tapos ang kyontot-kyontot pa niya na kapay makikipagsplukan ka sa kanya eh kelangan mo munang lumafuk ng maxx candy . . . . . pang-kontra uyam.
Kaya Bangenge ang tawag ko sa kanya eh kasi kaboses niya si Bangenge. Yung kalaban ni Dyesebel. Kasi pag-nagsasalita siya . . parang wala siyang vocal chords. Parang lahat ng sound eh nanggagaling sa ilong ni potah. Harsh neh?!
Anyway, malapit na kaming mag-goodbye sa kanya at sa buluk-bulok na apartment ever na walang ka-glamor-glamor.
Lilipat kame sa COLUMNS sa AYALA . . . . .
CHAREEEEEEEEEEEEENG!!!!
Wish Ko Lang . . . . .
(PS. Hindi naman ibig sabihin na witchelles ako nakikipag-dookit kay Varsity Captain eh witchelles ako nakikipag-dookit at all. Hahahahahahaa. *kulog *kidlat.)
The Long View: Dispatch from South Korea (2)
-
Columnists The Long View Dispatch from South Korea (2) By: Manuel L.
Quezon III – @inquirerdotnet Philippine Daily Inquirer / 04:30 AM
December...
3 days ago
No comments:
Post a Comment