Tuesday, May 17, 2005

ANG BALAY ng LOLA

Dadadadandandaran-daran!!!!!

Finally . . . . . . finally . . . . . . nan-ditech akey sa shopat ng computer sa loob ng aking bagong balay. Isang two-bedroom apartment sa puso ng Makati. Hmmmmmmm. Eksena da 'vah? Bago ang everything. Kami pa lang daw ang second na shumira-ara diters. Nasa shu'as ever itey ng buildingbums at pag jukas ng jintana sa laundry room eh sight ara ang city hall ng Makati. Pag jilip namanchie sa veranda sa shorapan ever eh sight ang skyline ng Ayala. Oh? Ezza da vah?

Two nights na kami ditey. Hindi pa akey masyadong makaka-adjust sa mga eksena pero keri-keri na.

Naalala key, 'nung first day namench ditechiwa eh may-I-visit sa 'ken ang long-time friendiva kez na si Alfred. Isang super menchus na friendiva kez since highschool life oh my highschool life ever. Love na love kez ang menchus na itey at ang menchus na itey eh love na love akey. Parang feeling ko all through out the years eh we developed this certain, "platonic" relationship. Feeling ko nga eh kame ang soulmate but then no . . . witchelles keri, kase menchus siya talaga. Tried and tested formula. Witchelles na veklore pa ever ang nakakakalembang sa kampana ng junjun niya. (None that I know of pa, pero I'm pretty confident about that).

Pero si Alfred ang tipong friendiva kez na na-shoshokbohan ever kez kapag witchelles ko bet shomokbo ever sa mga badinggerzie. Kung minsan, iba yung point-of-view niya na kadalasang nami-miss ng mga kavek-vekan.

Anyway, nakarating na ren sa kanya ang "Varsity Captain" issue. Super talakathon kami habang nag-aarange ng mga gamit sa newly na balay.

"Hindi mo nga ako maintindihan, hindi pa nga kami nagsesex!", ito ang paulit-ulit na linya ko simula nang nag-jusap ever kame. Parang witchelles niya bet maniwala 'dun sa eksenang witchelles pa kami nagdu-dookit ni Varsity Captain.

"Pero palagay mo mahal mo na siya?", ask 'nung menchus.

Honestly, witchelles ko ren learn.

Sabi naman Alfred, feeling niya eh mas keri yung eksena wa pang dookit na nagaganap.

Hindi naman talaga ako nag-agree sa sinabi niya or siguro ayaw ko lang mag-agree sa fact na keri ang eksenang wa pang dookit.

Harsh da va?

"Oh, baka naman 'tol tinatamaan ka na talaga sa kanya, ha! Hindi ba?"

Di ba? May mga eksenang ganun?

Sagot ko: Haller!!!! How could I possibly fall in love with the guy eh barely a month pa lang kaming magkakilala.

Hindi na tumalak si Alfread. Obviously, wa naman talaga siyang learn tungkol sa gay love.

After lunch, nag-fly na si Alfred. Nag-prepare na ren ako dahil may meeting pa 'ko with my director and producers for an event in Greenbelt on 25 and on Bora on 28. Dami masyadong eksena ngayong summer, super-pagoda-tragedy. Pero kailangan eh. Eynimomentz, baka kung saan na lang kame pulutin ni Nick.

So meeting that afternoon. Wala akong naintindihan at naalala sa mga pinag-usapan dahil ang gulo-gulo ng director ko. Pero deadma. Ang tanging naalala ko lang eh eynimomentz eh paparampahin namen si Bim Cecilio, Victor Basa and Gregg Martin as samplers sa launching ng pabango ni Paris Hilton. Ezza, da 'vah. Hindi pwedeng wala ako sa backstage ng mga eksenang itu. Wehehehe. Charing lang. Baka naman jisipin 'nyo na super take advantage akey. Witchelles naman masyado. Slight lang.

After 'nung meeting. Suddenly, na-feel ko ang pagoda-tragedy. Isquierda agad pa-juwestra ng balaysung.

Habang nasa shoxi-belles eh na-jisip ko si Varsity Captain, parang nami-miss ko siya, hindi pa siya nagpaparamdam since the other night. Najisip ko tuloy kung na-offend siya sa pagiging agresibo ko. Baka naturn-off at biglang nawalan ng interes sa akin o baka naman biglang nauntog sa pader at napag-isip-isip ang mga pinaggagagawa niya. It's awful. I felt awful. Ayaw ko namang ako ang unang magtext, baka naman kasi isipin niya na masyado akong kire and besides hindi ko rin naman alam kung ano ang itetext ko sa kanya. Ginetlack kez ang phonil ko from my pocket and switched on the message menu. Magfoforward ba ako ng message? Kung yes, anung message naman? Isang joke joke joke na message or isang safe-friendly message or isang malalim na quote ba or isang super mushy tagalog text? I decided not to forward him any message na lang from my inbox. Lahat ng mga messages ko ay kung hindi corny ay corny. Nakakainis lang kasi yung mga text messages na may I love you-I love you and mga pathetic messages that makes someone sound so desperate and everything, meron din naman yung mga pa-sweet na messages, mga paawa at pa-humble effect. Wala lang, hindi lang ako naaapektuhan sa mga ganoong klaseng messages, I don't even get the point of people forwarding it from one person to another. It sounds so superficial.

Sa sobrang tagal kong mag-isip sa kung ano ang itetext ko kay Varsity Captain ay hindi ko na-felt na nasa gate na pala ako ng apartment namin. Bumaba na ako at may naabutan akong nagpapark ng kotse sa garahe. Kapitbahay ko siguro. Hindi ko na lang pinansin pero napilitan kong pansinin nang bumaba mula sa kotse ang isang guy, nagfull-throttle na naman ang kabog ng puso ko. I guess he's about my age who only looks mature because of what he's wearing and because of the abundance of facial hair na half-shaven. He got this short hair na ang cute-cute dahil parang wala-lang, an out of bed look. Na-imagine ko tuloy siya agad sa kama. Oh my God! What am I thinking? That was my first day in our compound and I'm thinking about a guy in his pyjamas, on his bed. Pinilit ko na lang na burahin ang kung anuman ang iniisip ko and I walked inside the compound. Meron yatang at least fifteen apartment units sa compound na yon at buti na lang ang apartment ko ay nasa dulo at nasa top floor. Lumakad na rin yung guy but he is walking in the same direction I was walking until I realized na he's living next to me.

I tried unlocking my apartment door pero I cant seem to figure out why my key isn't working. Actually nag-i-struggle na ako para jumukas ever lang yung shinto ever dahil sina-sight na ako ni Boy Next Door! Oh my God! Kras ko nga siya, nabinyagan ko siya ng pangalan. Naiinis na ako at hindi pa rin bumubukas ang pinto ko samantalang nabuksan na ni Boy Next Door ang pinto niya, akala ko papasok na siya pero inilapag lang niya ang bitbit niyang suitcase sa doorstep at nilapitan akey.

Binornong niya akey kung may problema. God! I swear he has this very very super sexy voice na nakakapangilabot not in the sense na parang nanggagaling sa ilalaim ng lupa or whatever ha, very nakakapangilabot dahil ang sexy ng hagod.

Sabi ko, hindi pa ako sanay kasi kalilipat ko lang. Tapos pasimple kong ini-ikmel yung musk na gamet nya na nakakatirik-mata.

Nag-offer siya, ginivesung ko sa kanya yung susi.

"Okey, when the key goes into the hole, turn it and shake it a little bit and surprise! It's unlocked!", bera niya sa 'ken with matching performance value.

Nag-open-sesama nga ang jintuan ever. Nag-thank you akez. Nag-goodbye naman ang menchus. Tapos super ikmayl sa 'ken . . . sheeeeeet ang perfect ng ikmayl niya . . . . ang perfect ng teeth niya. Feeling ko 22 na siya naka-braces pa ren siya. Pero feeling ko eh kinindatan niya akey hey hey!

Pero whatever man, pagpasok na pagpasok ko ay agad na lang akong napasandal sa dingding thinking of the words, "The key goes into the hole, turn it and shake it a little and surprise! Nilabasan na ako!"

Well sana one of these days ay susian naman niya ako. Well hindi ko pa talaga sure kung halamang dagat din siya or whatever, ang hirap niyang i-sense, pero malakas ang kutob ko na kasuso siya. Bakit ganoon noh, parang karamihan na lang ng mga gwapo na pakalat-kalat sa Maynila ay kabilang sa pederasyon namin?

Oh well, karamihan ng mga bakla sa Pilipinas ay nag-evolve na from stereotypical na bakla. Majority sa mga bakla who came out of the closet ay hindi na nararamdaman ang pangangailangan ng cross-dressing, hindi na kinakailangan na magmukhang babae para lang masabing bakla. Dahil sa ganitong klaseng proseso, anybody could be gay, make it a policeman, a priest, a politician, a teacher or even a foreman sa isang construction.

Anyway, the moment I saw Boy Next Door, I had this feeling na parang I want to marry him! I'm crazy! Ang nakakatuwa don ay hindi ko pa siya kilala pero parang gusto ko na siyang pakasalan at parang I was in love with him. I’m really crazy! I swear to God I'm crazy!

Then, later that night. After the feeling of being sedated with kilig and fantasies, bigla kong najusip si Varsity Captain. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang talagang pumasok siya sa isip ko! Minsan talaga may mga times na ganon, na hindi mo talaga nako-control kung anu-ano ang mga nag-eenter-the-dragon sa jisip mo at ang nakakainis pa kung minsan ay kung anong pilit mong huwag isipin ang isang bagay o ang isang tao ay ang mga ito naman ang pilit na pasuk ng pasok sa kukote mo. Si Varsity Captain! God, I'm crazy about him. Ang totoo nyan, ayaw ko na talaga siyang isipin, the fact is maybe, naging over-sensitive lang ako and I don't want to suffer because of my silly infatuation with him. Shet! It feels depressing, but it's true! God, how I'm depressed, I couldn't imagine, dahil lang sa pagiging love-deprived ay basta mafa-fall na lang ako sa first guy na kumiliti sa feelings ko?

Hanggang ngayon eh jinijisip ko pa ren ang tanung ni Alfred: "Palagay mo ba mahal mo na siya?"

Pero kung minsan may mga tanong na ayaw nating sagutin. Dahil natatakot tayong malaman ang katotohanan. Dahil kung minsan ang katotohanan ay nagpipinto ng pagbabago. Sabi nila. Ang bagong bahay daw ay nagsisimbolo ng bagong buhay. Pero sa mga nakikita ko these past few days. Wala namang masyadong pagbabagong nagaganap. Di ko lang alam kung talagang bang ganito o pinipigilan ko lang ang mga pagbabagong ito.

No comments: