Marahil para sa mga hindi vaklush, o para na ren sa mga veklush, nakapagtataka ngang jisipin kung ano ang eksena ng GAY LINGO. Since nagbabaklaan na rin naman tayez mas keri sigurong at least kahit papaano ay ma-learn natin ang eksena nito.
Kelangan ko munang pasalamatan si DEMENTIA, who enlightened me about this subject habang nomunomo ng kape.
Ang eksena eh karamihan sa aten eh "sperm cell" at "egg cell" pa lang eh nag-eexist na ang ganitez na "sublanguage" o "lingo". At ang borwag sa kanya eh "swardspeak".
Wala raw masyado ang nasulat tungkol ditey. Pero sa totoo lang eh marami raw na "contemporary slang expressions" ang maaaring nag-ugat ditey.
Ang chika ni Pontenila, sa kanyang pag-aaral ng etnograpiya ng bayot sa Dumaguete City, ang "bayotspeak" daw eh parang secret code. Chika pa niya, hindi lang daw ang salita ang ispesiyal dito kundi pati na rin ang pag-bigkas at pagdeliver dito (feminization of speech).
At heto pa. Alam 'nyo bang as early as the sixties eh meron nang nasulat na kanta in Cebuano patungkol sa pighati ng mga bayot. Ang title 'nung awit eh "Babaye baya kini" (to follow na lang po ang lyrics, mahirap mag-research).
Eksena di ba? "nung sixties eh meron talagang nasulat na kanta para sa bayot.
At meron pang sumunod 'nung late seventies, katulad ng "Charings", paraan para magkaroon ng somewhat pride sa pagiging bakla/homosexual, kahit na ang mga bayot love songs na iety eh puro patungkol sa galit at masamang saloobin ng pagiging veklus.
Isa pa marahil sa naging dahilan ng pagkalat ng swardspeak 'nung sixties at seventies eh ang pagpapatungkol nito sa isang luluki na feeling ng "swardspeaker" eh bading din pero hindi aminado: kamiembro ng federasyon, kafatid sa fananampalataya, among others na learn naman nating hanggang ngayon eh No. 1 hobby pa ren ng mga "out" na bading. Ito ang nagpapatunay sa kung gano kahalaga ang "self-identification" o paglantad sa mga vading.
Isa pang kapansin-pansin eh maraming mga salita na tumutukoy sa salitang "bakla": veklus, badaf, atseng, bayot, sward, shukling, vekvek, vading, etc . . na kung minsan eh hindi naman masakit sa tenga. (Pero sa totoo lang, lahat naman ng salita o tawag eh magiging masakit sa tenga kung ang purpose nito ay laitin ang isang tao, e.g gago, gaga.)
Anyway, base kay Philip Waite, isang history instructor sa UP DIliman, na nag-aaral ng sociolinguistic phenomenon 'nung seventies, eh ang "swardspeak" daw ang pinakamahalagang naging resulta ng "gay emancipation movement" (di va? parang emancipation of Mimi ang eksena) sa Pilipinas dahil naging daan daw ito para sa paglaganap ng "homosexual subculture" sa mga panahong ito.
After 48 years, ang "sublanguage" (na noon ay limitado lang ang nakakaintindi at umiintindi) ay naging "slang", at ito ang nagpapatibay sa assimilisasyon ng bakla sa kulturang Pinoy.
Para sa mga sususnod na henerasyon ng mga bading, (at hindi) eh mas marami na ang mababasa tugkol sa kanilang "subculture", na katulad ngayon eh hindi masyadong available - sa pamamagitan sa pagbalik at pagbasa ng mga personal narratives (katulad ng Third Sex in the City) na nasulat at nasusulat ngayon ng mga hindi lang "out", pero cross-dresser; hindi lang cross-dressers, pero ng effiminate; hindi lang ng effiminate, pero ng feminine; hindi lang ng feminine, pero ng masculine; hindi masculine; pero tao; ad infitum.
Actually baklese isn't really a full-blown language. It is based mainly on
Tagalog, and mostly it just consists of Tagalog and English words either
stylized from their normal forms or used to mean something completely different
from their original meanings. It's hard to explain, so just believe me when I
say that baklese can get far enough removed from Tagalog so as to make it
completely unintelligible to most people.
-edu999
**********
Pero medyo imberna akey sa mga oras na itey kasi wit pa ren natutuloy ang pag-fly namin ni Nick sa bagong balaysung. Na-delay nang na-delay. Haaaaaay
**********
Hindi pa ren nagtetext sa 'ken si Varsity Captain. (Sheeeeet! Ibig sabihin hinihintay ko siyang magtext talaga?)
Hindi na! Tama na itey! Sobra na!!!
**********
Ang blog na ito ay ang istorya ng buhay ko. At bakla ako. Ang blog na ito ay tungkol sa istorya ng buhay ng isang bakla. At ang bakla ay tao (hindi hayup, hindi halaman). Ang blog na ito ay ang istorya ng buhay ng isang tao.
Kaya't kung hindi ka makatao. Alam mo na kung anu ang gagawin mo! Che!
1 comment:
bakit nga ba "Sward" teh?
Post a Comment