Walang masyadong exena. Rest in peace ang drama ng bakla these past few days. Itrez ang idea ko ng REST:
Sunday evening, last show na ng Once on this Island (by AAI). Akala 'kez eh wit pa akey makaka-watch ng eksena but then, thanks to Mike Williams, nakawatch din akez sa wakas. Ka-joint si Francheska, ang aking young padawan learner sa kabadingan.
Anez pa ba ang ma-ichichika ko? Even though that the material is so simple . . . yet Bart Guingona (and of course the whole AAI team and the cast) made everything so perfect. Washington akong mabebera kundi . . . . perfect! (sabi nga ni Ate Vi).
Carribean kasi ang eksena ng musical . . . so more carribean ang music . . . . at ang mga talak . . . . hindi pakakabog at pati ang accent ng mga urtista ever eh more islander-islander din ang labanan.
At siyempre may mas magiging powerful pa ba sa cast na: Bituin Escalante, Madame Lauchengco-Yulo, Jett Pangan, Mike Williams at Riki Vega (the born diva gellay) . . . Isang malaking check si BITUIN sa buong play.
At ang ilaw . . . . . . . kelangan din nating sambahin si John Batalla for that.
At dahil dyan . . . . . Once on this Island was worth the watch! At keri pa nating italak na witchelles pa kumukupas na parang de-kolor na binabad sa klorox ang sining ng mga Pinoy, lalu na't pagdating sa mga off-broadway musicals.
Tuesday morning. Ang aga-aga kong nagising da' vah para lang maka-watch ng LIVE TELECAST ng channel 9 of MISS UNIVERSE 2005 THAILAND. At ang de-putang estasyon eh halos tatlong buwan na mega plugging . . . . alas nuwebe daw ng umaga. So, gising si bakla ng ganung kaaga. Pag lipat kong channel eh may televangelist na bilatchus na fez tiburcia na mega terno-miniskirt na mega-talak ever sa tivangchie at ang lola mo eh parang naghahamon nang away habang binabasa ang bersikulo kuwatro. Na-loka ako. Jisip ko eh baka warju lang ang watch ever ko but then tama naman kasi pati sa phone ko eh past nine na.
At ang potahng channel nine eh mga 9:20 na naglabas ng advisory ever na 9:30 daw ang start 'nung telecast. Harsh da 'vah? Ibig sabihin bente minutos akey na nakashutok ever doonchie sa televangelist na bilatchus na fez tiburcia na mega terno-miniskirt.
E di hayon na, start na ng Miss U, mega kinikilig-kilig pa akey.
Nag-production number ang mga bilat.
Rampa ng national costume.
Ang lola Gionna natin mukhang cake . . . . . but in fairness . . . . super keri yung costume ni fekfek compared 'dun sa suot ni Ms. Spain na halatang napaglumaan na ng panahon. Kakahiya kasi more Spanish pa naman ang base ng tagalog costumes naten.
Ang nakakaloka na pagdating sa Nat'l Costume eh kung mga Trinidad & Tobago, mga Barbados, mga Bahamas, mga Brazil na witchelles talaga mag-papaawat mireseng mga super sireyna pa ang mga ka-joint nilang rumampa. Ms. Gay at Ms. Gay talaga ang labanan ng costume ng mga de-puta, ever since the world begun, with all the headress na sakop ang kalahati ng stage, with the shining-shimmering-splendid na silver spandex and all those kachervahan.
Laftir akez ng laftir.
At siyempre. Ms. Thailand ang best in National Costume. Yun naman talaga ang consolation sa host country eh. Hinahayaan na ninlang lutuin ang Nat'l costume na eksena.
Heto na. Announcement agad ng TOP 15. Harsh! Ang bilis. Para witchelles pa akez nakakapaghikab eh ligawakan portion na.
E di shinorwag. Hoping pa ren akez na ma-joint si Gionna. Beautiful naman kase ang lola naten and malaki talaga ang votes ever niya sa jinternet.
But then no!
Shinorwag ang mga blondiena!
Shinorwag ang mga latina!
Shinorwag ang mga europeana!
Shinorwag ang nag-iisang asian na super chararat!
Ms. Indonesia!
In fairness, isang malaking hakbang ito para sa Indonesia, isang muslim country, para jumoinlackles sa isang beaucon. Pero hindi karapat dapat na ishosok ang de-potah sa top 15!
Long gown. Si Ms. Indonesia eh parang lost in space. Ang gown ni potah eh hindi mo mahinuha kung saang closetta minatudnila. Para siyang lost na extra na naghahanap ng set ng pelikulang "The Mask of Zorro", with all the ruffles and avratheng!
Emberna!
Swim suit competition.
Heto na. Dito na magkakaalamanan.
Lola Chelsea Cooley 'nyo, MS USA, may baby fats ang gellay. At pagdating sa pagrampa eh yun . . . hiluhin ba ang sarili? Mega-twirl ang lola nyo hanggang sa hayun nahilo, na-negative ang poise.
At si Ms. Peru, gayahin ba ang exena ni Miriam Quiambao? Mega dulas-dulasan, pero slight lang naman yung sa kanya, kaya hindi masyadong glamorosa. . . . mas happy sana kung nag-padaus-dos na lang vekla sa rampa, nagpagulong-gulong, pumutok ang noo . . . tapos mega-stand . . . tapos poise. Mas clap yon da vah?
Hayon! Announcement of final 5 . . . .
Cardiac arrest ang mga blondiena! Pasok ang mga brunneta!
At aminin . . . si ms. canada eh wit fez ms. canada, exotic ang beauty ng bakla. at heto pa . . . aminin another . . . si ms. canada, ms. puerto rico at ms. peru eh magkakafezlack . . . . parang mga binagbiyak na urinola ang mga de-puta.
At announcement of special awards.
'Nung binyorwag yung ms. philippines as ms. photogenic, baket ganon lumakad si Gionna? Anung eksena? Naloka akey? Para siyang naluging insik! In fairness, pano ba naman hindi magiging ms. photogenic ang lola naten eh mega sipag naman tayez bumoto ever sa jinternet ara.
Pero in fairnezz, happy naman akez for Ms. Canada. Deserve niya ang korona!
Yun lang!
Wala munang drama!
The Long View: Supporting evidence
-
Columnists The Long View Supporting evidence By: Manuel L. Quezon
III – @inquirerdotnet Philippine Daily Inquirer / 05:13 AM November 13,
2024 ...
2 days ago
No comments:
Post a Comment