IS LOVE SWEETER THE SECOND TIME AROUND?
August 29, 1998
Mahal kong Bernard,
Sa mga oras na ito ay wala akong magawa. Maraming bagay ang naglalaro sa isipan ko. Pero may isang hinuha na namumukod-tangi sa lahat . . . prominenteng-prominente. Para silang mga ibon na nagliliparan sa kawalan. Pero sa pulutong ng mga ibon ay may isang naglalagablab, parang phoenix na ang liwanag ay sing-tingkad ng sa araw. Ang bagay na 'yon ay ikaw.
Lahat ng tugkol sa 'yo ay walang laban ang lahat ng tungkol kay Neruda at Lorca. Parati kitang naiisip at parati kitang naalala.
Kahapon ay isa sa mga araw na hinding-hindi ko makakalimutan. Naglalakad tayo sa damuhan sa sunken garden, amg kahawak ang mga kamay, walang pakealam sa kapaligirang wala ring pakealam sa aten.
Tahimik tayong naglalakad an parang nag-uusap tayo sa ating mga isipan. Walang mga salitang lumalabas sa bibig natin pero parang andami nating napag-uusapan. Sa totoo lang, noon ay hindi man sumayad sa isip ko na makipagrelasyon ako sa isang kapwa ko lalake. Nakakapangilabot ang mga bagay na iyon para sa akin.
Hindi ko inakalang sa yo ko lang makikita ang matagal ko nang inaasam-asam. Ang pagmamahal na hindi tumitingin kung sino at hindi tumitingin sa kasarian.
Sa bawat oras na kasma kita ay parang isang habang-buhay ang nagdadaan. Ang mga guni-guni ko ay lumilipad sa alapaap. Ang mga bangungot ko'y tinutunaw ng mga mata mo. Ang mga sakit na nararamdaman ko'y pinapawi ng mga ngiti mo.
Sana'y hindi magwakas ang mga oras ito. Sana'y hindi mawala ang pagmamahalang ito.
Sana . . . .
Sana . . . .
Rock Star
Sana nga. Pero ang mga naging eksena namin ni Rock Star ay parang naging gabay ko sa lyf aver. Na-learn kez na witchelles lahat ng "sana" ay natutupad at hindi lahat ng mabyonda at makyorapsa ay walang katapusan. Magtututuwad ka man, magngangangawa at jumiyak ka man ng dugo aver . . . . . lahat ng bagay ay may ending!
1 year and 6 months kame ni Rock Star. 1 year and 6 months na pinuno ng tamis. 1 year and 6 months na bigla na lang nag-the-end. 1 year and 6 months na pinilit kong I-erase-erase-erase sa past aver kez.
After ni Rock Star, wa na yata akez nagkaroon ng matinong jowa. Witchelles na rin akez nagkaroon ng matinong relasyon aver. Chika ng mga friendiva kez, pilit ko raw hinahanap si Rock Star sa katauhan ng mga nagiging jowastergate kez kaya't pag nalolord-of-the-rings akez sa kanila eh . . ligwakan portion ang labanan.
After ng ilang attempts eh nagsawa na rin akey hey hey! Nakakashorgod din at nakakahaggard din ang mga relasyong waz naman patutunguhan. Yung mga relasyong walang sense. Yung mga relasyon na pinasok mo for the sake na, "Hey! May jowa ako and I’m not alone!" at for the sake na, "Hey! Sight mo oh! May jowa din akez!"
Ang harsh ng culture da 'vah?
Super-indulge na lang akez afterwards sa mga O-N-S portion.
Mas makyorapsa, mas happy, mas freedom! Para alang akez na borbeg na mega-agos sa batuhan portion.
Pero ngayon lang napasok sa isip ko ang harsh na reality. Na kapag nilabasan na ako at ang kapareha ko ay the-end na ang pagmamahalan. Uuwi at uuwi pa ren akong nag-iisa. Hihiga at matutulog sa kama at ang bangungot ng pag-iisa ay nit-unti babalot sa aking katawan. Nakakasakal. Nakakasulasok. Nakakalungkot.
Harsh da 'vah?
*
So, going back to what happened last Saturday night. Binaba kami ng shoxibelles sa Kingswood sa Makati.
Inakay ko papasok ng lobby si Rock Star. At siyempre, super sighteous ang guard, binati ni Rock Star yung guard. Witchelles ko naintindihan kung anez ang inispluk niya. Malamang eh wit dn itez naintindihan ng guard. Pero deadma. Parang sa point na yon eh parang nagsisisi ever na akez at baket pa kasi jumoint-joint pa akembang. Kalandian kasi ng veklores, hayan, instant chimini-ey-ey tuloy bagsak kez.
Atak kami sa elevator. Shinornong ko kung anez ang floor, may-I-press naman si Rock Star. Meron pa ren siyang mga sinasabi. Di ko alam kung naglalatin ba si potah o nag-iitaliano! Parang nasasapian siyang ng masama ispiritu. Eynimomentz da vah? Exorcist on the loose.
Atak kami sa Unit-so-so-high-floor sa Tower A ng Kingswood.
Inabot niya sa ken yung susi. Aba! Aba! Aba! Pinaninindigan niya talaga ang pagiging chimini-ey-ey ko ha.
Pag-enter the dragon sa unit niya naloka ako. Muntik ko pa ngang mabitawan si Rock Star. Maayos, well kept at very well designed ang pad ni puta. Na-imagine ko tuloy ang mga pad na nafi-feature sa "F" TV sa Milan and Paris. May mga ilan-ilang mga photo ang nakaframe. Ang living room ay modernised, ang set ay parang mga props na nanggaling sa pelikulang 'Gattaca'. Suddenly feeling ko tuloy ako si Ethan Hawke at akay-akay ko na ang nag-iinarteng si Jude Law. Laftir momentz sa thought.
Finally nakita ko rin ang kuwarto ni Rock Star. Wala akong masabi. One wall of the room is like a glass wall, ceiling-to-floor, overlooking the skyline of Makati. Pasok sa banga da 'vah?
Shinopon ko na si Rock Star sa kama. Hay nako! Makyoket na ang balikat kez, eynimomentz eh scoliosis on the loose. More zsa zsa padilla ang eksena. Wa ko bet!
Akala kez ang dire-direcho na si Rock Star at maghihilik na siya eynimomentz dahil witchelles na siya nagsasalita. But then, hinawakan niya akez bigla sa braso.
"Honey! Honey! Don't go. Just stay here."
"Okay I'll stay for a while. But promise me that you will not going to rape me ha." Pero promise if ever ay hindi pa rin ako papayag! Hindi ko yata binalak na makipag-dookit sa lasing noh, ang sakit kaya non sa ulo.
I took off his shoes, and then his shirt. Then, I just looked at him as he laid there. Then suddenly, as if a reflex eh he grabbed me by my neck, then he stood up and started kissing me, torridly. I just responded, not knowing what to do. Sa totoo lang, there's nothing else to do, mireseng lasing! Quiver! And we kissed our way as the sun started to shine slowly over the skyline of Makati.
Doonchie na akez nakaborlog aver.
Pagkagising kez eh windang aver. Witchelles ko learn kung nasanchie akez. At witchelles ko learn ang mga eksena, but hinahanap ko agad ang nyelphonie kez dahil may meeting nga akez. Rock Star was there, nakajupostrax siya sa isang jupuan aver in his bath robe, fresh again, carrying a camera.
Biglang jumosok lahat ang mga pangyayari nung nakaraang gabi.
Chika niya, kinuhaan niya akez ng fictures habang naboborlog akembang.
Suddenly I felt violated. Shet! Uy! Violated daw oh! Sige na nga! More on na-concsious ng slight.
Deadma!
Nagmadali akong nagbihis. Chika ko kailangan ko nang umisquierda dahil uber late na akembang. Pinipilit niya akez na doonchie na lang mag-lunch aver but then, witchelles na akez nagpapilit.
Isquierda na.
Nagpasalamat siya for the night.
Sabi ko keri lang.
Habang nasa shoxibelles at papunta sa bahay ay tsaka lang nag-sink-in sa akin ang mga pangyayari. I actually slept with my ex and he is not an ordinary ex rather my first ex, my first jowa, my first love, et cetera et cetera. Pero it was a wild feeling - meeting him, drinking with him and having sex with him. It's like a milkshake of emotions but then compared to my past sexcapades, parang wala lang din. I expected some sort of a spark na parang iba ito sa mga sex encounters ko dahil si Rock Star ito. Isang taong minsan ay alam kong minahal ko.
Sa maraming taon, pinangarap kong bumalik sa lyf kez si Rock Star sa pagnanasang maramdaman ang iniisip ko 'nong "true love". Umaasang meron pa akez na babalikan sa kanya at meron pa siyang babalikan sa 'ken.
Pero hayon. Wala yung spark na ineexpect ko! Wala yung butterflies sa tiyan. Wala yung slow-motion momentz with matching background music na "First love . . . never dies . . . . "
Ineexpect ko talaga na may apoy na biglang mabubuhay uli sa mga feelings namen. Pero wa! Washington DC! Nega! Negative! ZERO! ZEROWENA!
O siguro parehas lang na wala kami sa mga sarili namin. At pero teka. Na-guilty naman daw ako bigla dahil feeling ko ay super-querida naman ang papel ko dito kay Rock Star.
Paano naman Si Felisima!?
*
PS.
Tinapa, actually posted a question on the other entry:
This is my take on that:
When a gay guy marries a girl, is he fooling the girl?
No. When the gay guy told the girl beforehand na pula ang hasang niya.
Yes. If the gay guy married the girl, without telling her na ang hanap ng girl eh hanap din niya and if he married her just to prove to himself and to other people around him na luluki siya.
Will a married gay guy overcome his homosexuality once married to a girl?
No. He may not overcome his homosexuality but YES, he may overcome the desires for homosexual acts.
Once a homosexual is always a homosexual. Pumuti man ang uwak, umitim man uli si Michael Jackson, ang veklus, aminado man o hindi, eh veklus at veklus pa ren hanggang ma-tegibums siya.
But this doesn't mean that it is impossible for a gay guy to fall in love with a girl. Katulad ng sinabi ni ISSEY, gender is fluid and love knows no boundaries.
O siguro parehas lang na wala kami sa mga sarili namin. At pero teka. Na-guilty naman daw ako bigla dahil feeling ko ay super-querida naman ang papel ko dito kay Rock Star.
Paano naman Si Felisima!?
*
PS.
Tinapa, actually posted a question on the other entry:
when a gay guy marries a straight girl, is he fooling the girl? serious question
ito. sorry, mahirap makaintindi ang heterong tulad ko. i asked a gay friend once
if a married gay guy can overcome his homosexuality. di raw. puhleez! enlighten
me...
This is my take on that:
When a gay guy marries a girl, is he fooling the girl?
No. When the gay guy told the girl beforehand na pula ang hasang niya.
Yes. If the gay guy married the girl, without telling her na ang hanap ng girl eh hanap din niya and if he married her just to prove to himself and to other people around him na luluki siya.
Will a married gay guy overcome his homosexuality once married to a girl?
No. He may not overcome his homosexuality but YES, he may overcome the desires for homosexual acts.
Once a homosexual is always a homosexual. Pumuti man ang uwak, umitim man uli si Michael Jackson, ang veklus, aminado man o hindi, eh veklus at veklus pa ren hanggang ma-tegibums siya.
But this doesn't mean that it is impossible for a gay guy to fall in love with a girl. Katulad ng sinabi ni ISSEY, gender is fluid and love knows no boundaries.
No comments:
Post a Comment