Saturday, June 11, 2005

MULTONG NAKARAAN ng ISANG BAKLA

Hanggang ngayon eh super-jisip pa ren ako sa menchus na na-sight ko sa Greenbelt 'nung last time kameng umatak donchie.

Ilang araw na ang past-tense but then, biglang umeenter-the-dragon ang thought na yonchie.

Truelili namang, he's in my past na and I was so sure na burado na siya sa puso't jisip ko 'noh! But then no, when I thought I saw him again. Biglang kumabog-kabog na naman ang gay-na-gay na heart ko at may certain tingly feeling sa medyo baba ng puson ko.

If you can remember, 'nung super help-galore si Varsity Captain sa 'keng mag-fuck, pack, rather, eh we came across the remnants of my past (TOO GOOD TO BE TRUE):

Umupo ako sa sahig. Tapos binuksan ko yung box. Tinabihan ako ni Varsity
Captain. Mga fictures, letters, fictures, letters . . . . . mga basag na image
ng nakaraan. Puro fictures 'yon ng mga naging jowa ko sa pag-ibig at sa
kama.

Iniisa-isa ko yung mga pangalan 'nung nasa pictures. Yung iba witchelles ko
na ma-remember kaya super imbento na lang ako ng namesung.

Tapos yung nasa pinaka-ilalim 'nung box ay picture 'nung isang guy na
nakatayo by a tree, actually fertility tree yon sa UPLB. Astig, mohawk ang hair,
nakasando at puro tatoo ang katawan, hikaw here, hikaw there, hikaw everywhere .
. . in short mukhang adik or if not, mukhang serial killer.

Tinanong ni Varsity Captain kung naging jowa ko yon.

Chika ko, he was more than a jowa for me. He's my first love. Si Rock Star!!!
In fairness, magkahiwalay na kami ni Rock Star 'nung nagdecide siyang buuin yung banda nila. Naging vocalist siya at in fairness sumikat itung indie rock band na itu. At naalala ko bigla na shet! Unang pag-ibig ko ang bokalistang itu!


Sobrang shorkot akez na banggitin uli ang pangalan niya, sobrang shorkot akez na jisipin uli siya. He broke me into pieces . . . . . pero minahal ko pa ren siya inspite of that. Naggagagagahan ang bakla na mala-Garbiela Silang ang labanan sa pagka-martyr ever! Witchelles ko naman masisisi ang sarili ko 'noh! I was young then.

Pero heto ang pinakashoshorkotan kez, na i-face ko ang factogen na deep down in my deepest subconcious eh may slight longing na ma-sightsiva ko uli siya at given the chance?! Mamahalin ko ULI siya!!!!!

Shet!

Na Malagket!

Babaeng . . . .

May LAWET!

Demmit talaga!

(Bernz: Can't you feel my fiery feelings now? waaaaaaa!!!!!!
Teka, I'll just take a yosi break, ayaw kong may crayola portion sa gitna ng kahapunan!)


(Okay. I'm back. Calmer)

I did my assignment, these past few days. Na-learn kez sa wakas ang silbi ng friendster. Ang huling na-hearsung ko kase sa kanya eh lumipad siya ng Italy with his mudarakis at doon may-I-study siya ng photography after nag-flop ang banda nila na short-lived ang kasikatan. Since, 'nung time na nagkahiwalay kame eh wit na kame nag-sightsiva or nag-communicate man lang. Deadmatology 101 talaga forever. Tapos 'nung na-sight ko yung friendster niya eh, hayon na, na-learn ko his back to back to bakla na pala ditembang for almost a year na. Aba! At hindi man lang nakuhang hanapin akez! Echoz!

Super-sight akez sa mga fictures.

Wa doonchie ang mga fictures na ineexpect kong naka-jubadstra siya with all the tatoo andg avratheng . . . . with a bottle of san mig plae pilsen . . . with the lola . . . washingtong DC ang mga fictures 'nung Rock Star sa nakaraan kez. Ang na-sight ko eh isang bagong Rock Star. Mas mukhang TAO.

Keri!

Wit ko talaga learn kung anez ang jumosok sa jisip ko but then, I started calling some people. From the chuvanes na na-readaloo ko sa friendster nya eh he's practicing his expertise on photography at meron siyang isang keri-kering studio. Orwag akez sa mga friendiva at super shornong kung may learn silang nyotagrapher na chenelyn, until isang former PM ko ang nag-chika na learn niya yung nyotographer at learn niya yung address ng studio.

At sa dulo ito ng SANTOLAN.

'Nung na-learn kez nez ang mga exena eh biglang wit ko naman alam kung anez ang next na gagawen ko. Wit naman sigurong kering umatak lang akez don for more bulagaan portion da 'vah? Baka naman maloka si potah!

Kelangan ng script.

At wala nang mas gagaling pa sa pagko-kyorlat ng skrip kungdi si Rica, ang baklang walang dangal.

So super orwag akez sa kanya.

So heto ang skrip:

Hahatakin ko si Charm, isang modil-modilang bilattsinabelles.

Ang eksena eh aatak kame dun sa studio ni Rock Star, because of certain recommendations eh, dun magpapagawa si Charm ng kanyang bagong Set Card.

So, pinaorwag kez si Charm para mag-set ng appointment, so happened na bakante si Rock Star kahapon. So hayon! Atak kame ni Charm.

So nasa pinakadulu-duluhan nga ng Santolan ang studio at super haggard kame sa paghahanap. Hanggang sa natunton na nga namin ang studio ni Rock Star.

Pagbaba namen ng shoxi eh parang gusto kong umatras pero hinila lang akez ni Charm. Parang bet kong kainin na lang akez ng lupa at that momentz or kahit na magswimming akez sa buhay na kumunoy eh kekerihin kong karirin, wag lang kame dumerecho.

But then, wala na akez nagawa.

Akez namench ang may gusto 'non da 'vah?

Sa labas ay parang na-bakanteng bodega ng mga bakal, nakakadismaya 'nung una, pero nang maka-kyosok kame sa opisina eh nawagtus naman lahat ng alinlangan ko. Bumulaga sa 'men yung mga fictures na nakadisplay. Hindi basta-basta pictures ng kung anu-ano at ng kung sinu-sino. Ang mga models sa pictures ay mga celebrities, local and some are from abroad, mga babaeng miyembro ng alte-sosyedad ng Maynila at may mga beauty queens din. Mataray siya for that.

Sinalubong kame ng isang luluking parang kagigising lang. Naka-shorts at polong hindi nakabutones. Naramdaman ko ang shubayo sa dibdib kez. This is it! Super try akong i-conceal ang drama ko. So mega sight lang akez sa kanya.

Super sight akez sa fez na almost six years ko nang wit nasisilayan. Isang fez na dati-rati eh parating laman ng shunaginip ara kez. Yung fez na gumising sa natutulog kong kabaklaan! Yung fez na kahit embernang emberna na akez 'non eh pag ngumiti lang eh ma-wawagtus ang lahat ng bitterness.

Si Rock Star nga!

"Can I help you?" super shornong niya.

Sagot naman si Charm, chika niya sya yung umorwag for set card. Pina-kilala niya akez as Bernz, one of her managers.

Sight sa 'ken si Rock Star, mula julo hanggang sho-a. Yung mga tipong tinginng isang utawsingbelles na nakasight ng aparisyon ng birheng maria.

"Bernard?!"

Shet!! Naalala pa niya akez!

Pero siyempre akez namanchie eh wit nagpa-halata na super excited akez na ma-sight uli siya.

Pause. Sight lang sa kanya ng ma-orgal.

"Yeah! Rock Star! That's why the name is so familiar," chika ko. Wit akez magaleng magsinungaling, promise!

"It's been so long Bernard! How'd you been doing?"

Super smile sha habang mega-masid pa ren sa 'ken. Malamang eh nahihiwagaan siya sa kagandahan ko. Echoz!

Pinapasok na rin'nya kame sa wakas.

"Mother Earth, knowsingbelles mo siya?", pabulong na shornong ni Charm habang may-I-enter kame sa parang isang lounge sa loob pa ng office.

Di ko sinagot si Charm.

Pinajupostrax kame ni Rockstar sa isang sofa.

Naalala ko ngang mahilig ngang manguha ng fictures noon si Rock Star, pero wala lang. Parang hobby lang niya. Wit ko naman inakalang kakaririn niya ang manguha ng fictures. Anyway, ibang-iba na ang itsura niya, compared before na fez trasher at fez drug budiktus na parang walang gagawing matino sa buhay na ang habol ay puro gulo, gulo at walang katapusang gulo. Ngayon ay mas disente na siya, at mas matured, despite sa gulo-gulong buhok at wit kong mawaring bihis, wit ko learn kung anung concept ang gusto niyang patunayan.

May shumosok na maida at bring ng drinks ever. Nag-excuse si Rock Star, i-re-ready lang daw niya yung studio.

"Ang byonda-byonda naman ng jusawa niya oh!," talak ni Charm.

"Ha?", parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko sa binanggit ni Charm.

"Sight mo mother earth oh. Pangabog ang asawa di ba? Angelina Jolie kung Angelina Jolie ang labanan."

Sight ko yung picture. It's a wedding picture.

Hindi ko alam kung mahahappy ba akez o mahahaggard ba akez para kay Rock Star dahil nagpakasal siya sa bilatchiwariwariwaps dahil learn na learn ko naman na berde din ang dugo niya, pula ang hasang niya . . . . isa siyang HALAMANG DAGAT. Wala lang, hindi ko lang ma-feel ang mga baklang nag-jujusawa ng bilat. Pero may mga knowsline naman akez na nagpakasal nga sa bilat pero hindi naman nila shinorgo ang totoo nilang kulay sa mga napangasawa nila. Hindi ko lang sure dito kay Rock Star. I feel sorry sa mga girls na nagpapakasal sa mga lalakeng akala nila ay tunay ngang mga lalake. It seems, so unfair. I mean, may mga ganun talagang mga gays, hindi rin nila kung minsan matanggap ang mga sarili nila kaya magpapakasal sila para lang mapatunayan sa buong mundo na luluki nga sila. As if naman noh!

Pero parang part of myself is saying na bitter lang akey hey hey!

But in the first place, wit ko ren talaga learn kung anez ang ginagawa ko donchie.

That momentz, eh na-felt kong super shungastri talaga akey.

I should have not done this.

Dapat hinayaan ko na lang siyang maging isang multo sa nakaraan ko.

Natapos ang photo shoot after 3 hours.

Chika ni Rock Star, siya na lang daw ang magbibigay sa 'ken 'nung set card para meron kaming rason na magkita ule to catch up.

Shet!

Binuhay ko ang sarili kong multo!

No comments: