Friday, June 10, 2005

CAN I GET OVER IT???

Late afternoon, pag isquierda ko sa office eh flysiva sa Starbucks Greenbelt to meet the Gays.

Nagpatawag ng coffee contingent si Rica at meron daw siyang importanteng ibebera.

Heto ang eksena sa mga friediva ko. Nagkakilala kami ni Rica three years ago sa isang party . . . . . coffee party. Lamay yon ng isang common friendiva na nagpatiwakal at ang chismis eh nagpatiwakal daw si bakla dahil AIDA MACARAEG was knock-knock-knockin on his door. Yun ang chismis ha.

Lumalaps lang akey ng butong-pakwan 'non sa isang sulok nang nabulabog ang buong lamayan session ng isang ingleserang bakla na naghihihiyaw bago pa man maka-nearness -of-you sa shubaong ara ng deadsung. Na-alala ko pa ang punchlines ni bakla: "Manuel! Manuel! What have you done to yourself?! Look at me! I'm out!". Imbes na ma-carried-away akez sa mabibigat na emosyon eh parang bet kong humalakhak ng fatalle at that point. Kakaloka si bakla. Matapos siya mag-drama-dramahan portion eh jumupo siya sa tabi ko. Give naman akez ng butong pakwan sa kanya. Hayon, talakathon kami hanggang namutla ang mga labi namen sa kangangat-ngat ng butong pakwan.

Si Rica ang naabutan ko sa Starbucks kahapon. Shinornong ko na kung anez ang exena but then unyabelles na lang with Claude para isang talakan portion na lang.

So order ng kape, chikahan portion until . . . . .

Dumaan SIYA sa tapat ng table namen.

Wit ko 100% sure the siya 'yon pero iba ang kabog ng gay na gay na heart ko.

Napatulala lang akez.

Habang pinagmamasdan SIYA papalayo. Iba na ang itsura na. More matured. Mas neat, mas presentable . . . . in short . . . . mas mukhang tao. Alam kong siya yon. Nandun pa ren yung rough look sa mukha niya, animalistic . . . . pati sa paglalakad niya.

Maler ker atelerker kung nag-hahalusinasyon na naman akey hey hey!

"Bakla!"

Bumalik ako sa totoong mundo, humarap ako kay Rica with the same gulantang look.

Shinornong niya kung anong eksena.

Akez naman, deadma lang. Sabi ko parang I saw somebody from my past . . . . long-forgotten past.

After a few minutes, ah nag-grand entrance na si Claude.

Chinika niya agad ang latest chismis na si Duke daw ay mega-tekathon sa kanya. Chinika lang niya sa 'men para makampante ang loob ko dahil noseline niyang super gaga ako kay Duke. At para lang ma-learn namen na hindi niya bet si Duke.

Defensive mode agad akez. Chika ko na, parang wit ko na ren bet si Duke dahil nga sa madugo niyang reputasyon.

Chika ni Claude, never-ever daw siyang papatol sa isang "half-wit beetle-minded moron" na sinuwerte lang na magkaroon ng "godly looks."

Ang harsh ni bakla da 'vah? Kelangan niyang mag-ivory for less harshness.

Si bakla naman kase eh super kiver na sa kariran portion. Chika niya graduate na daw siya sa mga ruta. Wit ko nga learn kung nakikipag-dookit pa si bakla.

Pero ibang Claude ang nakilala ko 'non. Dati learn kong wit pahuhuli sa karera si bakla.

Pa'no kami nagkakilala ni Claude?

Sunday morning noon, galing ako sa Malate. Napadaan ako sa isang simbahan na parang may boses na bumulong sa 'ken na mag-enter-the-dragon daw akez sa simbahan, ang wit ko pa noon alam ay kung boses ba 'yon ng anghel o boses ng demonyo. So, enter the dragon nga akez, super rest lang sana at jujupo habang super sight sa mga utaw na fresh, bagong legis, at bagong toothbrush while on the side eh akey na amoy pa ng nakalipas na araw ang dala-dala kez at pati na rin ang mga alkohol sa nilaklak ko. Sobrang antokyo japan akez na non at wit ko na rin namalayan na naka-orlog na pala akez hanggang ginising na lang akez ng isang mala-anghel na nilalang.

Dahil sa fatalle na ka-enggahan eh witchelles na akez naka-shoyo, jumikot ang sightsiva kez, nagrerebolusyon ang bawat nerve sa shutawan kez, super help sa 'ken yung menthol, hanggang mega-bring niya akes sa carumba niya. Nag-black-out na akez don.

Nagising na lang akez nang ma-felt ko ang jinit ng tanghali, sa ibang kwartobelles, sa ibang kama, at naka jubadstra. Naalala kez ang anghel sa simbahan, nag-enter-the-dragon sa kwartobelles, bagong legis, nakangiti sa akin, naka-jubadtrsa. Shet! Suddenly I felt so violated. Margie Moran ang drama ko but then sa isang banda ay naloka akez kung nasa langit na ba ako, pero nung lumapit siya sa aking fatalle ang ngiti at hinalikan akez ay agad na nagbago ang jisip ko dahil majinit pa sa impiyerno ang na-felt ko.

At ang veklus na yon eh si Claude.

Naging friendly-friends na rin kame after that. But then, never na naming dinare na julikan pa ang mga eksenang yon! Haggard!


*

When we had enough coffee para manginig eh attak na kame sa Kitchen for more dinner. Mejo harsh na ng ang weather.

"I only have one thing to shay to you shishter Bernzh, wala kang kashing-itchy!", talak ni Rica habang nginunguya ang half-made na steak.

Chinika ko sa kanila ang nangyari sa 'men ni Boy Next Door, I really can't help myself eh. I really need to tell somebody or else mababaliw ako. Well, nauna ko naman siyang inanounce sa vlog da vah?

Tanong uli si Rica, kung feeling ko si Varsity Captain na ba ang "this is really really it" ko.

Ang sagot ko, wit ko knows pa, but all I can say is that, I've been with guys in the past but what I'm experiencing with Varsity Captain is very different . . . . different talaga, kasi ilang linggo na ang nakakalipas . . . . witchelles pa ren kame nagdo-dookit.

"Hay nako! Ewan ko sha yo! All I can make shabi ish that yan din ang shame na I thought with Lucash, na you know, na I thought na he ish my "thish ish really really it!" But then make tingin to all of ush now, shingle tayezh lahat!"

Biglang sumingit si Claudine, "I think I am going to be single forever." Walang ka-emo-emosyon.

"Claude, my dear! Ano ka ba? There'sh more to life than being like shingle forevernoh! What naman ba you will do pagtanda mong alone, uupo ka na lang sa ihsang rocking chair and you'll make gantsilyo for 48 years? I think you should start seeing other guys, you know. Think of it! There are gazillions of guys out there just waiting to be penetrated!"

Nakakaloka talaga ang mga bakla. Felt kong ang mga utaw sa paligid namen eh super shuhimek at nakikineg na lang sa conversation ng shotlong veklores.

At that momentzs, nagkaroon ako ng sudden realization. May sinabi si Rica that made me think.

"Bernz, hindi kaya nahihiwagaan ka lang kay Varshity Captain, kashe you said na hindi pa kayo nagse-sex? Tingnan mo ha, kashi you na rin ang nag-shay na sex is sex sa 'yo and it ish very vital. You have the hotsh for thish guy, for thish Varshity Captain. Then, according sha 'yo, he's mabaet naman at parang nagpaparamdam din ng mga kakaibang pagtingin sa 'yo. Bashically, I think you just wanted to go inshide hish pantsh kaya ka nagkakaganito. Kasi, you are challenged with thish guy! Trusht me, after mong makipag-sex sa kanya, feeling ko he will then mawawala sa mind mo."

Ouch! Parang bulls-eye yon ha. Pero kung ang bet ko lang eh ang makipagdookit sa kanya eh given the chances, before, sana . . . . nakipagdookit na ko when he was asking for it?

Wit ko learn kung anez ang isasagot ko, pero parang rescue 911 si Claude: "Why do you have to always connect sex with everything else?"

"Ewan ko! Pero we know ni Kirk na important yung shex sha lahat ng thingsh! Ipokrita lang ang magshashabing they don't enjoy sex!"

At siyempre wit pakakabog si Claude: "Well, I'm not saying na hindi ako nag-eenjoy sa sex rather my point is, don't you ever think that there are more things that must be taken into consideration prior to looking at the sex angle?"

"Okay! Okay!" awat ni Rica. "Shince we're talking about shex naman, I have a confession to make, pero you should make promishe na you're not make galet of me ha. . . . (long pause) . . . . Not naman shiguro mashama kung makipag-sex ako kay Lucas di ba?"

Nagulat kame ni Claude. Muntik ko pang malunon ang kutsarang subo ko.

Hirirt pa ni Rica: "I mean, for old times' sake! May masama ba dun?"

Being the older brother that he always is, nag-flare up si Claude, as expected: "Are you out of your freaking mind? Hello?! Earth to Rica, Lucas just made a fool out of you. Then, you are actually looking forward on going to bed with him again."

At heto ang totoong revelation na kinabog pati ang jueteng scandal: "Actually, I went to bed na with him again!"

Tameme akez. Si Claude eh parang ready nang pukpukin ng baso si Rica sa ulo.

"Why? Casual lang naman yon ah, wala nang feelings na involved, promise!"


Mas lalong na-warla si Claude: "Yeah today its just casual sex then tomorrow you'll find yourself drooling over him again and the next day, you'll end up having suicide atempts! Ikaw na nga ang nagsabing, there are gazillion guys out there. What's the use of being with Lucas?"

"For old time's sake . . . " sagot ni Rica na parang grade one na pinapagalitan ni Ms. Minchin.

"Old times with Lucas are bad times, Rica!"

Shuhimek lang akez habang super listen sa debate ng dalawang bakla. As always, I'm the opinionless girl. Actually, wa namang mali with sleeping with your ex, in fact, ako, keri kong mkaipagdookit sa mga ex-exan kez, kaso ang wrong don eh yung makipag-sex ka sa ex mong kabe-break nyo lang barely a month ago! Isa lang ang ibig sabihin 'non, AA (asa-asa) pa rin si Rica na magkabalikan sila ni Lucas!

Truelili man o wit na niloko si Rica ng ex niya ay bakas na bakas pa rin sa mga reaksyon nya na may feeling pa ren siya kay Lucas. Maski i-press-release niyang ang pakikipag-sex niya doon ay "casual" lang. So, isang malaking tanong para kay Rica eh, "how can he get over it?". Ang shornong na ba iyon ay para kay Rica lang o swak para sa aming tatlo, "how can we get over it?". Ang totoo nyan, sobrang daling i-press-release na "I got over it", pero sa kasamaang palad, madaling i-chika pero mahirap paniwalaan. Maski siguro ang sarili ko ay witchelles kez mapapaniwala sa mga katagang iyon kahit na madalas kong sabihin. At wit lang naman kadalasan na sinasabi iyon sa tuwing nagtatapos ang isang relasyon, masasabi rin 'yon sa maraming bagay. Katulad ng mga bagay na witchelles mo naman dapat gawin pero hindi mo mapigilan ang sarili mo na gawin. Can you get over it? Have you gotten over it? Katulad na lang ng infatuation ko kay Varsity Captain, na kahit na sa hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mabigyan ng depinisyon, hanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin mabigyan ng resolusyon.

Can I get over it?

No comments: