Tuesday, August 30, 2005

BAKLA. BAKLA. BAKET KA GINAWA (reload)

Ginawa akez para magkasilbi sa mundo, di lang bilang isang bakla, pero bilang isang tao. Nakikita nyo ako sa paligid nyo, sa parlor na nag-aayos ng buhok 'nyo . . . . . . sa school na nagle-lecture sa inyo . . . . . . sa mga magazine na binabasa nyo . . . . . . . sa libro . . . . na iniiyakan mo . . . . . sa simbahan na nanenermon sa inyo . . . . . sa kanto na nagtitinda ng balot nyo . . . sa funenaria na nagpapaganda sa mga patay nyo . . . . . sa salamin pag tumitingin kayo sa sarili nyo.

Hindi ako isang sket na nakakahawa at pwedeng magamot . . .
Hindi ako parang kabute na bila na lang sumulpot . . . . .
Hindi ako isang engkanto na nanggaling sa ilalim ng lupa . . .
Tao din ako . . . ginawa para mabuhay sa mundong ito . .


Isipin 'nyo kung wala ang bakla . . .

Kung hindi ginawa ang bakla, malamang nagdadasal na kayo sa lahat ng santong kilala nyo . . . . . "Dyosko! Baket walang BAKLA sa mundo!"



Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com

No comments: