Sa karera ng pag-ibig, anu na ang ranking naten?
Nakalimutan aver kez na ang AUGUST 5 eh isang ispesyal na araw aver - parang patis na nanggaling sa Pangasinan - birthday ng baklang Claudine. Tuloy, imbes akez ang mang-surprise ever eh akembang ang na-surprise.
Pagjuwelya kez sa balaysung ng Huwebes ng hapon eh sitting-pretty ang baklang Claude sa sala ko.
Nag-gain ng weight si bakla at witchelles matawaran ang tan aver. Tumayo si bakla - as usual, ang madugong ritwal ng besohan.
"Anu na, bakla?" chika kez na overwhelmed pa ren sa presence niya at sa presence ng isa pang pa-menchus na naka-jupostrax sa aking zebra-printed sofa.
"Bernz, it's my birthday . . . " sagot ni Claude na wala man lang ni-isang katiting na sensyales ng excitement. Tapos super sight siya sa menchus, "Prince, my bestfriend Bernard, Bernard . . Prince."
Kumaway lang sa ken si Prince, may hitsura, maputi, naka-salamen pero mukhang jutay ang height ever.
Joinlackles si Claude sa ken paatak sa kitchen at na-sight kong bring ng plenty lafang si bakla, with plenty wine.
"Bernard, what's with the smile?" shornong ni bakla habang naka-sight sa 'ken na eynimomentz eh parang papatay ng sho`o.
"Anung smile?"
"THAT smile!"
"THIS smile?!"
"Yeah! THAT smile!"
"Wala lang. Happy lang ako to see you. Bakla, antagal mong nawala."
Witchelles na-satisfied ang loka ko sa answer. Eynimomentz, baka gripohan na lang ako ni bakla sa tagiliran, kaya tumalak akez. "So? Who's Prince?" chika ko with matching sparkling eyes, "he's charming ha."
Nagbuntunghininga lang si bakla. Umupo sa isang silya sabay talak, "Nako Bernard . . . . . . Don't start with this . . . . "
"Baket?! Nahahappy lang naman ako sa yo ha. At least, di ba? Recovered ka na from what happened with Marco, sumalangit nawa . . . ."
"Well, yes! I can say na I have recuperated na but I don't think this Prince guy is . . . . . . right for me."
"Gaano na ba kayo katagal nagkikita?"
"Almost a month and a half. We met in Bohol. He works for DENR."
"So? Na-explore na ba ng environmentalist ang vigin forest ng ateh ko?"
"Yeah. And he found out na I'm not that virgin after all . . . . "
And speaking of devastated virginity, biglang nag-appear si Rica with a cake . . . .
"Hanu na ang eksena?" talak ni Rica na parang abot hanggang Alabang Town Center.
"Kanino yung guy sa sala?"
Turo akez kay Claude.
"Ayyyyy! Ang ateh ko . . . . balik na sa karera. Isa itung malaking tsek! Anyway, I brought my new lover, I know you won't mind."
"Lover?" halos sabay naming talak ni Claude.
"Lover?! Yes! As in bowa, jowastergate, pope, kachukchakan galore."
As if alam niya ang kanyang queue eh enter the dragon sa eksena ang isang pa-menthol na jugets.
"Guys, this is George. George meet Bernard and Claude!"
In fairness, panalo ang jugets. Nakasando na white, jeans, matangkad. Pasok sa banga. Nakakataas itu ng kilay.
Flyback kame sa sala, bring nang nomu and lafang. More kwentuhan. Talak si Claude ng mga escapades niya sa Boracay, Cebu and Bohol. Merong nagbago kay Claude, even though sa surface eh he is still the same old BlairBitch of this side of town, na-felt kez na deep inside eh may something different.
Paglipas ng dalawang bote ng carlo rossi at isang bote ng chilean wine eh saka kez inadmit sa sarili kez na parang lost akembang sa eksena . . . . alin . . . . alin . . . .alin ang naiba. Piliin kung alin ang . . . . naiba. . .
Sweet si George at si Rica. May mga landian portion, yakapan portion, lapchukan portion, subuan portion . . . . tipikal para sa magjowang apat na araw pa lang magkakilala. Yes! Wag kayong magulat, mamangha at magtaka. Yesterday, tomorrow and today!!!! Apat na araw palang itu!
Si Prince naman eh shohimek lang, pero kung minsan ah parang nas-sight kong mega-titeg ang menchus kay George and Rica at sabay tingen kay Claude na parang bet din nyang yapusin si Claude, pero sa tuwing ilalapit niya ang kamay niya sa kamay ni Claude eh mega iwas naman ang lola ko.
Na-wagtus na ang dalawang kahang bugarette, mejo tipsy na ang mga bakla pero learn kong nagsisimula pa lang ang eksena. Shumoyo akez at chikang ba-buysung lang akez ng subey aver. Follow the leader ang Prince - join daw siya sa 'ken.
Keri?
Keri!!!!!!!!
Dalawang kanto ang layo ng mini-stop sa balaysung. Walkathon itu. Na-jisipan kong talakan si Prince.
"Kamusta naman kayo ni Claude?"
Napatingin lang sa 'ken si Prince at napangisi with matching iling-ilingan portion.
"Ewan ko ba . . . . " talak niya.
"I know Claude more than anybody else . . . . "
"Alam mo Bernard, hindi ko nga alam kung baket sumasama pa ako sa kanya eh maski obvious namang hindi niya ako gusto."
"So, itatanong ko sa 'yo. Baket nga ba sumasama ka pa sa kanya?"
"Bernard! Gusto ko siya eh. I like him very very much. I guess that's why. Maski hindi niya ako binibigyan ng chances."
Learn kez kung truelili ba ang mga tinatalak sa ken ng mga utawsingbelles o jinijiji lang akez.
Si Prince . . . . . . . sincere ang mga words na na-hearsung kez.
"Pagpasenyahan mo muna si Claude. He's been through a lot lang . . . ."
Habang walkathon pa ren kame eh megakwento si Prince ng mga eksena nila ni Claude sa Bohol and Cebu. Feeling kez they had a good time. Nag-click sila. Learn ko ang mga eksema ni Claude, kung witchelles niya bet eh elimination round na agad.
Pagbalek naman sa balaysung eh parang may nabuong awa sa ken towards Prince. Claude is giving him a HARD time.
Ang haggard ng eksena. May tatlong veklush. Yung isa, may menchus na dead-na-dead sa kanya pero quiver lang naman siya. Yung isa naman paniguradong playtime lang ang eksena. At yung isa - desperadong magkajowa. Haggard da vah?
"I think you should give him a chance," chika ko kay Claude hang nasa rooftop kame at supergetching ng mga sinampay ever.
"Who?"
"Prince! I think bet ka niya. BET na BET! At feeling ko, bet ko rin naman siya eh."
"Why should I? I just dont want to be in a relationship right now."
"Hay nako Claude! Kung ako ang nasa posisyon mo . . . ."
Pinutol ni Claude ang statement ko, "Kung IKAW ang nasa posisyon ko . . . . pero HINDE! I know what's this all about Bernard. Hindi naman parang outfit ang pagbo-boyfriend na pag hindi bagay sa yo eh pipilitin mong suutin ng iba. Kung gusto mong magka-boyfriend, why don't you call that Varsity Captain of yours!"
Natahimek lang akez sa tinalak ni Claude. Harsh, "I can't call him. Nakalimutan na niya siguro ako."
"Eh kung ako . . . . . sinabi ko sa yo noon, 'Why don't you give Varsity Captain a chance?' Yun din naman ang isasagot mo di ba? But I didn't ask you because I know you are not up to it given the circumstances. Now, you can't just push other people to have boyfriends just because you don't have one!"
Na-hurt akez sa tinalak ni Claude pero witchelles naman akez nawarla. Truth hurts, sabi nga nila di ba? Nakakaloka. Ngayong, sobrang bet ko nang magkajowa eh wala namang opportunities. Parang nagsisisi na tuloy akez kung baket ko pa pinakawalan si Varsity Captain. Tapos, heto naman si Claude, na meron ngang umeeksena pero super quiver lang naman siya.
Nag-eenjoy pa naman akez sa buhay single ever, pero super hipocratius ang drama ko kung ichichika kez na witchelles kez bet magkajowa aver. Iba yung feeling na may kajoinlackles ka sa everything, yung mga eksenang HHWW sa Luneta, echoz. Pero yun yung point ko. Kung minsan, jujuwelya na lang akez sa balaysung, mag-isa. Alone. Thinking na siguro pag may jowastergate akez eh merong maghahatid sa aken or at least meron naghihintay sa ken. Tapos kapag shorgod at ngarageddy anne ang beauty mo dahil sa stress and avratheng eh merong yayakap sa yo, perong mag-aasikaso sa yo.
Sa karera ng pag-ibig, parang na-huhuli na ang lola 'nyo . . .
Ang "Third Sex in the City" ba eh magiging "Desperate Gay Lives" na?
**********
I think I'm in LOVE with a HARAJUKU BOY!!!!
I'm just waiting for you . . . . Hahahahahah!
No comments:
Post a Comment