Bago pa akez umatak sa KB Arizona, ay na-learn ko na na present-tense si Nikolai . . . . . at kajoinlackles pa niya ang current jowastergate portion niya.
Noong bago ko pa man simulan ang blogsiva na itez eh, ipinangako kez ever sa sarili kez na witchelles ever, as in ever in ever akez magra-write galore ng anything tungkol kay Nikolai.
Pero parang sa ngayon eh babasagin kez ang shungakong yon ever.
OO!!!!! At ngayon ever ko lang aaminin itez, na bago ko pa ma-ikmel ang amoy johnson & johnson's na jili ni BabyBoi at bago pa man dumapo ang magaspang na balbas ni Rock Star sa shortawan kez habang kinakantahan ko ang mikropono niya, ay nabulag at na-franelya akez sa karisma-pamatay ni Nikolai - ang aking TOTOONG UNANG PAG-IBIG
. . ::: SALVO UNO ::: . .
BESPREN WARS
First day of high school . . . . . .
Halos witchelles magkakakilala ang everybody dahil nanggaleng kame sa iba't ibang schools. Habang majingay ang mga ibang utawsingbelles eh silent-night ang drama kez habang super-listen sa aking super fabulous na walkman (oo! wit pa uso ang I-pod non ha)
Napalingon akez sa likodstra dahil sa mejo haarap akez nakajupostrax at napansin ng aking mapanuring mga mata ang isang menchukulaytis-kamatis sa dulung-dulo ng classroom ever - pa-sweet lang siya habang super masid din sa mga eksena - wala siyang katabe.
Biglang naka-felt akez ng kakaibanggg pagkibut-kibot sa iba't ibang bahagi ng shortawan kez ever. Nung mga panahon na yonchie eh wtichelles kko pa learn na pula ang hasang kez at bumubuga din akez ng apoy ever pero nung unang beses na dumapo ang mga mata kez sa mala-anghel niyang fezlack at mala-porselanang kutis eh parang nagkaroon ng massive plate tectonic movement sa mundo kez.
Napa-sight din siya sa 'ken and sabay ikmyle - i'm talking about a killer ikmyle na kung hindi mahigpit ang pagkakahawak mey sa salawal mo eh siiguradong malalaglag itez. Napahawak tuloy akez sa pantalon kez, eynimomentz! Na-sight kez ang sampayan sa ngipen niya. Tisoy, new wave ang heraton, maitim, manipis, silky - think of Patrick Garcia in his freshness days.
Witchelles ever kez makakalimutan ang araw na yonchie, magka-alzheimers man akez - never eveer and ever after kez yon mafo-forget ever, over my dead and vuloptuous body (vuloptuous daw oh!?)
Lumipas ang ilang araw eh naisipan kez na kausapin siya. Lunchtime noon at witchelles kez betsiva ang julam kez . . . . in-offer niya sa ken ang hotdog niya. At doon, nang matikman ko ang malinamnam na hotdog ni Nikolai, ay nagsimula ang isang matamis na pagkakaibigan.
So, bespren-besprenan ang eksena namen. Witchelles kame mapaghihiwalay ever. Atak akez sa balay nila, atak siya sa balay namen . . . . . . . . naging closeness siya sa mudra kez, naging closeness akez sa mudra niya and older bruder niya (na nahada ko after some years, pero ibang eksena na yon). Para na kameng kambal tuko - kung anez ang aken ay kanya at kung anez ang kanya ay aken. Ginagawa kez ang assignment namen, siya naman ang taga-gawa ng projects.
Kung minsan naboborlog siya sa kwarto ko at kung minsan eh naboborlog akez sa kwarto niya.
Ang closeness namen eh to the maximum level. Package deal kame parate. Nagtagal yung ganung klaseng eksena hanggang kalahatian ng third year.
Isang gabe - third year. Kausap kez si Nikolai sa kwarto ko.
NIKOLAI: Ano Bernz, palagay mo? Ligawan ko si Mhy?
BERNZ: (isip . . . . . . . .) Ah . . . . . . . . . eh. . . . . . . . . . . (isip pa ren) . . . . i . . ikaw . . .
Pero meron akez bet ishulak ever . . . . . isang salita "HUWAG". Pero witchelles kez binera kasi witchelles ko naman learn kung shuket.
Nung sumunod na araw eh akez ang nanligaw kay Mhy! Witchelles ko learn noong una kung shuket!
Nawarla sa 'ken si Nikolai, as in first warlahan moment namen. Shuket ko raw niligawan si Mhy eh learnchie ko naman raw na betchiwariwariwaps niya yung bilatchiwariwariwaps. Chika ko naman, eh betchiwariwariwaps ko ren naman yung bilatchiwariwariwaps eh.
Witchelles na pi-nursue ni Nikolai ang panliligaw nya sa bilat dahil learn niyang mas powerful akez sa kanya, na Luzviminda lang ang magiging drama niya ever kung makikipagkompetensiya siya sa aken.
Pero simula non eh witchelles na niya akez pinansin ever. Ako naman, deadma lang 'nung una, eksena lang akez sa bilat hanggang sa naging super close friends kame.
Pero 'nung tumagal-tagal eh parang naloloka na akez sa absensya ni Nikolai sa life averkey.
May mga momentz na aatak akez balay nila pero witchelles akez tutuloy. Nakashoyo lang akez sa kabilang kanto at hihintayin siyang jumuwe, pag-pababa na siya sa jeepanie eh mega-tago naman akez sa halamanan para witchelles niya akez ma-sighteous ever.
May mga momentz na oorwag akez sa local radio station at magde-dedicate ng song ever for him. (grrrrr. goosebumps)
Hanggan sa napansin kong nagiging close na sila ng isa pa naming classmate na si Franck. Doonchie na nagsimulang maghalo ang balat sa tinalupan!!!
Witchelles ko kineri ang eksena nila. MAY BAGO NANG BESPREN SI NIKOLAI.
Naging evil akey . . . . . super evil. Ginamit kez ang pagka-ALL-powerful kez (doing the ALL-powerful gesture, if you want to do it, it's easy: raise your arms forward, palms down, then bend your arms so that the fingers of your right hand will touch your left bicep and the finger of your left hand will touch your right bicep . . . then flap your fingers up and down, the faster you flap it, the more powerful you seem. Hahaha - that's the ALL-powerful gesture)
Anyway, hayun na nga, super sineclude namen sila sa barkada, which is obviously the A-Listers, the most fab, the most pop!
At kapag sinimulan nang deadmahin ng barkada namen ang sinumang utawsingbelles ay may-I-follow na ang the rest of the class, then the other classes hanggang pati ang buong school ay super dinedeadma na ren sila. As in walang kumakausap sa kanila at wtichelles sila jinojoin sa kahit na anez sa gmik ever. It's them against the world.
Warla to the maximum level ang drama ko sa "magbespren"!!!
Pero nang tumagal-tagal ay napag-jisip-jisip kez ang mga eksena kez at kung baket warlang-warla akez kay Nikolai at mas lalo na kay Franck. At unti-unti kong shinonggap sa sarili kez at aminin na merong something akez na nafi-felt kay Nikolai - something more than a lost friendship. na-realize kez . . . . . . . pagbali-baliktarin man ang mundo ever eh MAHAL ko pala siya at MINAMAHAL ko pa ren pala siya.
At dahil sa nafi-felt kong iyonchie eh inamin ko na ren sa sarili ko, at long last na BADINGGERZIE akembang.
Sa pag-amin na yonchie eh join na rin ng join sa pagbabago ang lifestyle, shinonggap naman akez ng mga friendiva kez ng walang imbot at pagaalinlangan.
Witchelles din kame nagkatuluyan ni Mhy dahil malakas ang gaydar ni pota dahil ang older sisteraka ever niya ay naka-haves ng jowang badinggerzie for 4 years ever. Learn na ng everybody na judinggerzie ang boylet ever except sa older sisteraka.
Going back, super-try akong i-win-back si Nikolai, nakipagcompromise na nga akey ever na keri ko lang ang presensya ni franck but then no, bukod sa mga ginawa kong ka-evilan sa kanya and Franck eh witchelles ever niya matatanggap ang pag-ibig ng isang bading.
Pero wicthelles ko siya shinigilan. Ginawa kez na ang avratheng. Sinubukan kong linisin ang namesung niya sa buong school pero masyado nang daks ang apoy na akez den mismo ang nagsimula.
Ilang beses akembang na mega-crayola sa harapan ni Nikolai para lang tanggapin niya akez, maski kahit witchelles na ang pag-ibig kez, pero kahit ang pagkakaibigan na lang . . . . pero super deadmatology 101 pa ren ang drama niya. Binago kez ang avratheng sa ken para sa kanya, ilang batang-batang prinsipyo ang maaga kong binali at shinutay ever - sobrang effort yonchie . . . . .pero wa-epek pa ren sa kanya.
Sa tuwing umaatak akez sa balay nila para lang ma-sight ko ang pag-juwelya niya ay parati ko nang nasa-sight na witchelles na siya mag-isang bumababa sa jeepanie, ka-joint forces na niya si Franck.
Parang araw-araw non eh crayola marathon akez. Sobrang hurtfulness ever.
Hanggang sa mag-graduation, nag-speech ang lola nyo, nangingi-lid-ngilid pa ang luha. PUnung-puno ng pagsisisi, ayaw tapusin ang high school at gustong ibalik ang nakaraan.
*****
Iniligpit ko na ang avratheng sa opis. Sinarado ang computer at tumingin sa salamen. Paatak na akez sa birthday ni Lai. Na-conscious aver pa akez dahil fly-away ang heraton kez. Bwisit na bwisit ako. Chika ko sa mga opismates na witchelles akez pwedeng ma-sight ni Nikolai at mas lalo na nung kung sinumang herodes na jowa niya na fly-away ang heraton kez.
Tin-ry ko pang magblower sa handdryer. Pero wa-epek.
Deadma na nga.
Isquierda na. Para ng shoxibelles.
"Manong, sa Sampaloc po. P.Campa," talak ko.
No comments:
Post a Comment