Tuesday, July 05, 2005

WHEN PAMINTA GOES NOT IN UR FOOD

but in UR nerves!!!


Witchelles kez learn kung sinumpa lang ang araw kez nung Lunes o sadyang pinaparusahan na akey hey hey ng mga Dyoza ng Kabaklaan.

Pagshosok kez sa ofiz galore eh salubong na kilay kilay kez. Nawagtus daw yung technical script na pinaghirapan kez, dugo't pawis at regla ang tumagaktak ever for a month, for Mirror.

Super sight daw si Bessy (si Bessy Basura, na secretary-slash-production manager-slash-monster-slash-alien-from-i-dont-know-saang-kometa-nanggaleng) sa computer kez over the weekend at witchelles raw niya ma-sight.

TEXT FROM BESSY:

Bernz, I cnt fnd the fyl in ur pc.

REPLY:

Lam m b kng pno hnapin? FYI. hndi m klangan bklasin ung PC pra hnapin ang
script.

BESSY:
Oo naman. Plagay m s kin bariotic?
(-insert image: Bernz, tirek mata- "anafanguburrrr")
Hndi b dpat nsa HISTORY yon?


Tambling!

REPLY:

Bessy, ttnawing mlaking utang na loob ng sangkatauhan sa yo kng kkha k ng
samurai pra mag-hara-kiri.


CLEAR TEXT

Hay nku! Sa Mnday na lang nga!



Come Monday.

Pagshosok kez sa ofiz eh may dalawang jugets na nasa waiting area. Nasa ground floor pa lang akez ng cityland eh umaalingasaw na ang mga hasang ng mga jugets na itu.

BERNZ: (To Bessy na as usual eh parang kagigising lang at wai legis) Anung gnagawa 'nung dalawang yon?

BESSY: (naghikap at kelangan kong lumayo kung pede nga lang eh 48 kms away) Mag-go-go-see raw sila for trust (condoms).

Tambling.

BERNZ: Ha!? Hindi pa tayo nagfa-finalize for trust at sino naman ang nagpa-go-see?

BESSY: Wala pa. Pinapunta lang raw sila dito ni Sommer (talent scout) Naawa ako sa kanila, kasi aga nila dito noh! Nauna pa sila sa 'ken.

BERNZ: Haller! Bessy, hindi tayo DSWD ha and besides hindi ko trabaho yan. Trabaho ni Bing yan. Sabihin mo sa kanila bumalek na lang sila after lunch pagdating ni Bing.

BESSY: Okay!

(exit)

Sa wakas, fresh air!

Open akez ng PC, hayun lang ang file oh! Nasa desktop, all caps pa: TECH SCRIPT MIRROR. Bobita Salonga talaga itung si Bessy.

(Enter Bessy)

BESSY: Okay na. Nandun na sila sa meeting room. Hinhintay ka na nila.

BERNZ: Sabunutan kaya kita dyan

Nagbago ang jisip kez, baka magkasplit-ends ang daliri kez.

BESSY: Sige na. Titingnan mo lang naman sila. May pasok pa daw sila sa eeeeskul.

Lalapitan sana akez ni Bessy para hawakan ever, shumoyo na lang akez. Atak sa meeting room.

Meeting Room.

Nasulasok akez sa aroma ng kipkip na homosekswalidad.

Inontroduce kez ang sarili kez bilang former Ms. Malaysia! Echoooz!

BERNZ: Can I see your folio?

Inabot sa ken eh resume with a wallet size studio picture.

Think of angels . . . . . think of angels . . . . . . . . think of Borgy . . . . . think of Borgy . . . . don't ruin your Monday!

BERNZ: Can you stand up and walk? You first.

Sumoyo si Paminta #1, 5'8 lang yata siya. Ampa siya pero super effort sa paghakbang na magkahiwalay ang mga binti pero nasa-sight kez pa ren ang balakang na nagpupumilit na pumilantik.

BERNZ: Okay.

Jupostrax si Paminta #1, muntik na kong malaftir sa pagjupo niya, effort pa ring gawing obtuse angle ang mga hita.

Shoyo si Paminta #2. Ooooooooh!!!! may future itu, 5'11, pero medyo shoyat. Maganda ang features ng fez infairnezz kay Mother Jun.

But then noooooooo. Nung umampa si Potah eh the pinky finger is like pointing in the other direction, and the balakaaaaaang . . . parang haves ng berring na umiindayog na parang haves ng sariling jisip aver!

May future nga itu . . . . not in modelling . . . but in beaucons . . . . . kung susuwertihin pa siya . . . . AMAZING PHILIPPINES ang bagsak niya!

BERNZ: Are you guys gay? Not that it matters but if we are going to tap you, it would be best for us to know.

Paminta #1: (shifts his position) Uhum (clear ng throat and with a voice 2 octaves lower) We're straight guys.

Cartwheel . . . .

Huuuuuuwaaaaaaat!!!!

Kung straight kayez eh anung shorwag nyez sa kay watashi?!?!?

HALAMAN?!

Anyway, tumango lang akez. Feeling niletch eh na-jiji nila akez!!!

Sight akez sa fezez nila.

Si Paminta #1 eh naka face powder, with a shade 2 tones lighter than his normal skin. Super sight mez ang mohorovicic discontinuity between the jawline and the leeg. Nakalip-gloss itu. Yun lang.

Si Paminta #2 (effort itu) eh naka fonda, but in fairnezzzz plangak ang fonda sa skin tone niya. At heto pa, nag-liquid-concealer itu sa jilalim ng mga mata niya to make him look fresher. At heto pa, protruding ang cheekbones dahil, take note wit itu blush-on, pero mega-bronzer itu. At witchelles pa don napo-postcard ang eksena, ang lipstick eh medyo reddish brown na smudged using his right pinky finger. Oh! Da vah?!?!?! Na-sight kez ang smudge ever sa finger . . . wag i-deny . . . In fairnezz, may talent si Paminta #2. Even though na slight full tank ang muk-up niya eh super plakado even under a white a light.

At lets give the the benefit of the doubt. Sige na nga, STRAIGHT SILA even though . . . .

Kelangan sabay-sabay nateng sabihin itez . . . .

1 . . . . . .

2 . . . . . .

3 . . . . . .

I DOUBT ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! !

Anyway, parang bet ko pa silang balahurain at paghubarin, why not? Condom ang event, aampa naman talaga ang mga modil na naka-jubadstra but then, wai na, mga jugets itemch at baka ma-ixploit pa sila.

Chinika kez na lang na wit pa finalized ang event and the awful truth na we would need more beefy guys for it . . . in short more MASCULINE . . . . . and more girls, baka humiret pa, real girls. . . . .

Harsh vah?

Anyway, chika kez na pagnaka-event kami ng baby cologne or whitening soap, papareview kez yung folio err resume nila.

Happy naman sila.

Lunch.

Atak sa workikay no. 2

Dull momentzzzzz

Fly home.

As if I didnt have enough paminta in my life in a day eh pagshosok kez sa unit kez eh may mga pamintang nakajupo sa sofa kez. Not one, not two but shotlong paminta itu. Paminta #3, #4, and #5.

Super read ang dalawa ng Icon, yung isa super read ng Zsa Zsa Zaturnnah.

Super ikmyle si Paminta #3 in his tank top without the tank under the top.

Chika si Paminta #4, in his fitting shirt na obviously eh binili sa kid section ng SM Department Store w/ elephant jeans, teka, uso pa ba yon?, "Mga friends po kami ni Nick. May binili lang po siya. Kayo po ba yung tito niya? "

Harsh! Eh kung silaban ko kaya 'tong mga to.

BERNZ: Kuya. Do you want anything to drink.

Atak akez sa kitchen.

Super whisper with wings si Paminta #5 kay Paminta #4, parang learn ko na itu: Siya yung bruder niyang gaylord!

Enter back sa sala, walang milk eh, so coke na lang.

BERNZ: Friends ba kayo ni Nick from school?

PAMINTA #4: Hindi po. Sa chat.

BERNZ: Chat?

PAMINTA #4: Sa internet po.

BERNZ: Nagkakilala kayo sa internet. Siguro naman magkakakilala na kayo in person?

PAMINTA #3: Opo. Matagal na. Tropa na po kame.

BERNZ: Anung klaseng chat itu? Ito ba yung sa MSN?

PAMINTA #4: Sa IRC po. Actually chatroom po siya for bi's.

BERNZ: buys?

PAMINTA #4: bisexuals po.

BERNZ: Ahhhhhhhh . . . .

PAMINTA #3: (Defensive mode) Hindi naman po kmai mga gays. Mga bi's po kame.

BERNZ: Ahhhhhhh . . . .

Exhausting ang conversation na itu.

BERNZ: What actually, is a Bi?

Learn ko naman kung anez ang bisexual. Na-loka lang akez sa concept nila.

Well, bet ko lang malaman na we're on the sama page. I'm pretty sure we're not even in the same planet!


PAMINTA #3: Yung discreet po. Yung hindi po bading.

Iho. You're talking to a full-pledged bading, whose been bading bago pa magsayaw ng arico-mambo si Maricel Soriano in her tanga.

BERNZ: Pero, you like guys?!?!

Pamintas: tango

BERNZ: I bet most (all) of the time?

Pamintas: tango

BERNZ: So, what's the difference?

Dead Air.

BERNZ: Okay. Wag 'nyo kong tingnan ng ganyan. I'm gay okay? And I'm confused.

Sa totoo lang eh Ive never been confused since Brini Maxwell appeared in cable TV.

PAMINTA #3: No offense po. Pero yung Bi po kasi eh hindi po yung effeminate. Yung hindi po halata.

Now, I'm more confused.

Migraine.

I needed eeeeeeeeeddveeeeeeeeeeeeeee ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! !

Sa trulili lang, witchelles naman ibig sabihin nitech eh may grudge aver akez sa mga paminta (or bi's) but then haves pa nga akez ng mga friendiva na bonafide paminta, as in pamintang buo, mas luluki pa nga silang kumilos sa fuder kez, but then learn nila na mga badinggerzie sila. They are so GAAAAY and they know it. They are as gay sa Roderick Paulate in Petrang Kabayo. Nagkataon lang na they are Petra inside but Kabayo in the outside.

But itez, ibang level na itez. Actually, kapag chinika kez na badinggerzie kez eh parang may certain na madalim na ulap na bumabalot aver sa aura mez. Well, kung sa harapan ng mga straightsiva eh understandable (but wit tolerable). May stereotype sa salitang BADING, isang mantsang maski ang Ariel ni Mareng Winnie eh mahahaggard sa pageeradicate evur. But then, ang harsh na eksena, eh kung chinika mez na badinggerzie kez sa harap ng mga utaw na obyosa delarosa na badinggerzie den naman, tapos may certain silang reaksyon and sabay chika, na witchelles namench siletch badinggerzie. Bi daw sila even na ang pinakaclose na attraction nila sa trulilie na guel eh ang pagkaka-crush sa shu-es ni Carrie Bradshaw. Da vah? Haggard!

Baket kailangan mabyorkot tayez na aminin na BADINGGERZIE tayez ?!?!?!

Witchelles namench na super nagiging judgemental akez sa all paminta in world but then aminin na haves talaga ang eksena ganitech. Witchelles na nga maiwasan ang deskriminasyon outside the homosexual circle eh haves pa ng deskriminasyon inside the homosexual circle. Pano naten mako-conquer ang world niyan kung ganyan tayez ng ganyan da 'vah?!?!?!

Anyway, it all boils down to one thing . . . . lahat naman itech eh shorwag lang o label ba. Parang gucci, nine west, manolo, kate spade, prada . . . . lahat siletch eh shu-es . . . bi, pamintang durug, pamintang buo, badinggerzie, luluki, bubuyi, shombix, butch, femme, wutever . . . . puro label lang naman itez but then ang pinaka-important na label lang naman eh yung dapat nating i-value . . . ang label ng pagiging UTAW, hindi lang ng pagiging UTAW but then pagkakaUTAW.

Siyempre, next na dun yung pagiging fabulous ever.

No comments: