Walang relevance kagabi. As in wang relevance. Ininvite akembang and some friends from the office ng isang matronix na walang magawa sa mundo kundi magpa-party, magpanomo, magpalafuk at higit sa lahat eh manluluke. Ang lola naten eh postcard na yata sa menopausal stage eh ampa galore pa ren at ariba pa ren ng ariba sa eksenang menchus.
Isa pang kinakatumbling kez ang color ng heraton niya. Burgundy kung burgundy itu. Yung tipong burgundy na kapag nasa ilalim ng araw eh sobrang harsh sa mata. Dapat pagbawalan ng MMDA ang thundercats na itung umorkad-orkad sa edsa ng tanghaling tapat at baka mag-cause pa itu ng major disaster aver.
In fairnezz eh fatalle ang pagiging rica paralejo ng lola naten but sad to say, ang laitera kez da vah?, eh witchelles naman shows. Ang fezlack na bakla eh uber banat na titiklup ang fezlack ni Bella Flores sa kahihiyan pag itinabi sa fezlack ng thundercats na itu.
Witchelles na ren akez nag-stay kase baka magdilim lang ang paningin kez at kung anez pa ang magawa ko sa lola naten. Respect for senior citizens naman da 'vah?!
Pag-isquierda ko from her haunted house eh na-sight kez si Model no. 4 na bumababa from a CRV. And since when na nagkaroon ng CRV si Model No. 4. Hmmmmmm . . . . At that CRV happens to look sssssooooo familiar. It just belongs to that dinosaur whos hosting the farty!
Well, na-ikmel kez na nga ang mga bet na eksena nitung si Model No. 4, gold digger pala si potah! At heto pa, eynimomentz eh mega dig nga siya ng hukay for the matronix no. 1.
Echowzzzzzzzzzzzz!
(knock on wood)
Eynimomentz, carmi martin on the loose!
Chizzzzzzzzmizzzz itu ha!
Anyway, pag-juwi kez sa baler eh borlog na. Wa si Nick, malamang rumampage na naman ang baklita. Akez, wit ko bet magmornams on a Saturday Night, better na sigurong maborlog for more freshness.
Nagising akez ng madaling araw nung may kumakalabog aver sa kusina.
Pag-sight kez eh si Nick, mukhang ngengebelles. Witchelles lang ngengebelles but ngengebelles fatalle.
Magluluto daw siya ng noodles.
Eh na sight kez yung mga noodles eh nasa sahig.
Chika ko, witchelles maluluto ang noodles sa sahig noh.
Mega-ask akez kung anez ang nangyari sa kanya kase mukha siyang kinaladkad ng sampung shubayo.
Deadma si bakla.
Isquierda. Atak sa sala. Bukas ng tivang.
Shinorbehan ko siya sa sofa. Ginetching ko yung remotesiva at shinutay kez yung tivang.
Shinornong kez na naman kung anez ang eksena niya.
WALA. Chika niya.
ANUNG WALA?! TINGNAN MO NGA YANG HITSURA MO.
Dineadma na naman akez ng baklita. Sightsiva lang siya sa sahig for more.
KUYA. MAHAL MO BA SI VARSITY CAPTAIN?
Tumbling.
HA?
Tumbling another.
BAKET MO NAMAN NATANONG YAN?
Chika kez na witchelles ko pa masasabi na may kukuru-kukuru-itaynez na akez na nafi-felt for Varsity Captain. Chika kez na witchelles kez pa siya ganoonchie ka-learn para ideclare na may kukuru-kukuru-itaynes na ngang ganap.
Witchelles ko learn at first kung saan ba gogorah ang talakathon portion na itemch.
PAANO MO NAMAN MASASABE NA MAHAL MO NA ANG ISANG TAO?
Tumbling another with matching sommersault in the air. Parang hindi ko bet ang mga talakang ganitemch ha. Heart to heart talk talaga?
Pero, may I answer pa ren akembang.
ACTUALLY, MAHIRAP YON MALAMAN. BASTA DARATING NA LANG BIGLA. MARARAMDAMAN MO NA LANG. HINDI NATIN MASASABI KUNG KAILAN O SAAN O KUNG KANINO.
Ang haggard ng concept na super givelove akez ng advice eh akez itung wa masyadong pananalig sa salitang pag-ibig.
KUYA. SORRY HA.
Windang moment.
SORRY SAAN?
SORRY KASI NAGING GANITO AKO.
Hipo momentz. Guilt on the loose.
HINDI NAMAN AKO GALET SA 'YO DAHIL GAY KA. NABIGLA LANG SIGURO. PERO HINDI GALET OKAY? WAG MONG IISIPING GALET AKO SA 'YO.
KUYA, NARANASAN MO NA BA TALAGA YUNG MAGMAHAL? KASI SABI NI CLAUDE. HINDI KA RAW MARUNONG MAGMAHAL.
Windang momentz another.
HA?
More gulantang than windang. Pero sa trulili lang eh witchelles ko lang talaga masagot. Nagmahal na ba talaga akez ng true and nothing but true so help me god?
KUYA, WAG KANG MAGAGALET HA. KASI FEELING KO MAY MAHAL NA KONG TAO PERO HIND KO LANG SIGURADO KUNG MAHAL DIN BA NIYA AKO.
Anufangaburrrr. Hayun lang ang punot dulo ng talakathon portion na itez. Karir! Karir! At enever-ending karir! At this time, karir itez ng shofatembang kong sirena.
KUYA, KILALA MO BA SI DUKE? SABI NIYA KILALA KA RAW NIYA.
Anerz!?!?!?!?!?!?! Si DUKE!?!?!?! Don't tell me!!! Don't tell me!!!!
ANUNG MERON KAY DUKE?
KUYA MAHAL KO NA YATA SIYA. PERO PARANG WALA LANG NAMAN AKO SA KANYA.
Ayan na nga ba ang sinasabi kez eh. Malandi ka talaga. Parang bet ko siyang kurut-kurutin sa singit but then baka jisipin niyang bitter-bitteran akez at malearn pa niyang light betsiva ko ren si Duke (noon ha).
NAGKAKARIRAN KAYO NI DUKE? MERONG SOMETHING SA INYONG DALAWA, YUNG BA IBIG MONG SABIHIN? TAPOS, NGAYON FEELING MO NILOLOKO KA LANG NIYA?
Tumango lang ang lukaluka.
Parang bet kong maglaftir. Witchelles lang maglaftir but then maglaftir nang maglaftir ng galore. Pero I spared Nick this time.
ALAM MO KASI, NICK. MASYADO KANG NAGPADALOS-DALOS KAY DUKE. BIGLA MO NA LANG SINUNGGABAN EH HINDI MO PA NGA MASYADONG ALAM ANG BACKGROUND NON. HINDI NAMAN SA SINISIRAAN KO SIYA DAHIL SA AYAW KONG MAGING MASAYA KA, PERO ANG TOTOO, IBANG KLASE SI DUKE. AT YUNG MGA TIPO NIYA AY HINDI TALAGA PARA SA IYO, ALAM MO YON. NOTORIOUS YANG SI DUKE. MARAMI AKONG KAKILALANG MGA NAGING LOVERS NIYAN AT HINDI TALAGA MAGANDA ANG TAKBO NUNG MGA RELASYON NILA. UNA, HINDI SIYA SERYOSO. PANGALAWA, MAKATI PA SIYA SA GABI! ALAM MO NAGLALARO LANG YAN. AYAW KO MAN SABIHIN SA YO, PERO SA TINGIN KO EH KUNG ANUMAN ANG GINAWA NIYA BEFORE SA MGA PAST LOVERS NIYA EH YUN DIN ANG GINAGAWA NIYA SA YO. PINAGLALARUAN KA DIN NIYA.
Harsh ba? Pero hindi ko lang bet na masaktan ang shofatembang kez. Nag-start nang mag-crayola si Nick. Felt ko ne mega-pilita corales niyang hwag kumrayola sa presence kez dahil ever since, maski nung mga kyotabelles pa lang kame, eh witchelles ko pa nasa-sight na kumrayola si Nick maski nung mega palo aver ang mudra. Pero now, feeling kez eh mas makyoket pa sa palo aver ng mudra ang nafe-felt ni Nick. Witchelles niyang nakeri. But wit niya talaga bet. Then, cry-me-a-river na lang bigla ang eksena.
Harsh ang eksena, makyoket at heavy drama ang mga cryola momentz. Layla-die siya at umulo sa binti ko. Masarap na masakit ang feeling na ma-sight kez ang brudra kez na ganitemch. Masarap, dahil first time eh mega-confide siya sa aken, pero masakit dahil first time ko lang din siyang ma-sight na ganitong kabasag na basag.
Hinayaan ko na lang siya at witchelles na akez tumalak.
Naawa akez sa kanya dahil masyado pa siyang kyota para maka-felt ng mga ganitong eksena. 19 lang siya, tapos si Duke eh 26 na yata or older. Naalala kez na nung nasa edad akez ni Nick eh super quiver akez sa mga eksenang rela-relasyon at super enjoy lang akez sa pagka-badinggerzie kez. Witchelles ko learn kung naging advantage ba sa ken itu at disadvantage kay Nick. Pero feeling kez, mabuti itu para kay Nick, para habang earlybird eh ma-realize niya ang kahalagahan ng totoong pagmamahal sa tamang utaw at sa tamang panahon. On the other hand, akez itung maonda na nga, learn lang sa salita ang tungkol sa totoong pagmamahal sa tamang utaw at sa tamang panahon pero ni minsan eh witchelles ko pa nga yata itez na-experience.
Pumasok sa jisip kez si Varsity Captain, ang thought na baka siya na ang unang taong mamahalin ko ng totoo pero biglang sumingit ang eskena with Boy Next Door, then with Rock star. Nadismaya akez sa sarili kez. Galit na galit ako kay Duke dahil wala siyang pakialam sa mga taong nasasaktan o maaari niyang saktan. Wala sa bokabularyo niya ang salitang seryosong relasyon. Makati siya at kung kanikanino na lang pumapatol kahit na committed pa siya sa iba. Najisip kez na parang wala naman pala kaming pinagkaiba ni Duke. Kahit na wala pa kaming pormal na relasyon ni Varsity Captain, alam kong doon na patungo ang pagsasamahan namin pero ano ang ginawa ko? Hinayaan kong mantukso at magpatukso sa isang menchus na nakatira sa kabilang apartment at sa isang multo ng past ever ko. Well, kung tutuusin ay wala naman talagang kaso yon, pero deep inside, alam kong maling-mali ang ginawa ko and I felt really guilty about it.
The Long View: Dispatch from South Korea (2)
-
Columnists The Long View Dispatch from South Korea (2) By: Manuel L.
Quezon III – @inquirerdotnet Philippine Daily Inquirer / 04:30 AM
December...
3 days ago
No comments:
Post a Comment