Sunday, July 24, 2005

MAY GAMOT at MAY HINDI GAMOT

I dedicate this entry to myself . . . . .
I hope I like it . . . .
and also to James, you can get over with him hunner! promise!




Ang relasyon/attraction ever daw na mega-appear out of the blue pagkashorpos ng isang recently broken relationship malamang eh: a. BAND-AID (otherwise known as panakip butas; b. OINTMENT (think Tiger Balm, Omega, or BenGAY), or c. PAINKILLER (Alaxan, Aaaaadvil, or Midol).


Yung mga flings ever, FUBUs (Fuck Buddies) - lahat malamang eh maiksi ang shelf life - kung minsan ever eh parang solusyon sa problems at hand, otherwise known as BAND-AIDS. Well, learnchie naman naten ang ang band-aid eh mega cover sa mga bukas na sugat, para ma-shorgo ang bloody-marry portion. Katulad nga ng ibang chika: out of sight, out of mind. But then, pag mega-thinkaloid ever ka sa eksena, witchelles naman pinapawi ng band-aids ang kyorket na nararamdaman naten eh. Well, yes, pinapaganda niya ang hitsura ever ng sugat on the surface habang ang sugat eh may-I-continue sa pagkirot.

Next thing you know, eh nakahiga ka na lang sa dillemma, super sight lang sa kesame at ang kyorket eh eynimomentz eh babalot sa bawat himaymay ng kalamnan ever mo! At habang nafi-felt mez ang kyorket na yonchie eh super shornong kez sa sarili mey kung aneklavu nga ba ang ginagawa mo sa kama ng may kama, sinetchie uchimigawa ang ka-joint-forces mo sa kamang iyonchie at why-oh-why ka nakipagdookit sa kanya. So, shornong mez sa sarili mey, anung point ng avratheng? Eh ganun din naman, nafi-felt mo pa ren ang kyorket ever! Nadagdagan pa ng slight, dahil kumokyorket din ang panga mo at pati ang juriit mez eh nangangalay!

Then, syiempre, anjan ang mga utawsingbelles na super happy ka-joint-forces na nakakalimutan mo ang mga kyorket na nararamdaman mey. Aminin naten, ang mundo eh punung-puno ng mga utawsingbelles who could be the next best thing, masyado lang tayong bisi-bisihan sa mga hang-ups naten kaya witchelles naten nanonotice ang presence nila. Ngayon, kapag bet mo namang maghappy-happy ever eh anjan lang sila, ready and always on the go. They’re the bosom-buddy, no. 1 fan, on-call lover, ang mga super-friends all rolled into one.

Sila ang mga balm sa ating humahapding kalooban-na pagkatapos ng ilang oras hanggang makalipas ang mga buwan hanggang maka-recover ka at ichichika mey na ready ka na ulit maenlabo, pero witchelles sa kanila.

At heto na, ang mga human versions ng ibuprofen paracetamol. Mga utawsingbelles na proven to stop the pain before it stops you! Super hoping tayez na maka-sight ng ganitez na utawsingbelles na muling pagkapagma-ikmyle sa mga fezlacks naten, muli nating mararamdaman ang butterflies sa stomach, muli tayong mapapa-sing ng "Balutin mo ako ng liwanag ng iyong pagmamahal". 'Ni witchelles na nga naten maremember yung namesung ng nakapag-paiyak sa aten at kung vaket nga ba tayez naging miserable after nung eksena sa kanya. But then, every beginning has an ending, parang PH5.5 kasi may gamot at may hindi gamot, parang Palmolive Naturals Conditioner, kung malalaman pa ni Ricky Reyes kung sino ang nagpasalon at sino ang hinde! Well, yes, si ibuprofen paracetamol eh napa-isquierda nga ang kyorket na nafi-felt mez at 'nung lumarga na ang epekto niya eh yon, crayola to death na naman ang beauty naten. So, ano ang eksena, sighteous na naman ba tayez ng isang "GARDAN angel" to rescue as from this somekinda beng-beng-kleng-kleng feelings!? Atak na naman ba tayez sa mga lugar kung saanchie haves ng mga single na utawsingbelles at mag-scavenge?

Well, itez eh kung may nahanap at mahahanap ka para mapawi ang mga kyorket na nafi-felt mez?

Eh pano kung wala? As in wa, zero, negative!? Maski super effort ka pa?! Wa talaga?

Anung eksena mez ngayon?! Haharap ka na lang ba sa salamin at shoshornongin at tatalak: "Salamin! Salamin! Sa aking dingding! Sabihin! Sabihin! Kung baket akez bading?!"
*

Hay nako! Eksena talaga yan! Feeling kez eh needsung lang nga shotlong bagay para matugunan ang basag na puso, ego and soul. Oras, distansya at ang sarili! Well, yes! Learn kez na madali siyang sabihen but then when it comes to application portion eh haggardness of culture talagey hey hey!

Ngayon, pano naten male-learnchie kung naka-get-over na talaga tayez?! Due to my personal experiences - kapag nakaka-atak na tayez ng bookstore na hindi nagba-browse sa mga booksivang may mga titles na parang, "How to handle hurt?" or "Love conquers all - even broken hearts". Kapag, nagagawa na naten ang mga eksenang ginagawa naten before with our ex at ang nafi-felt naten eh nostalgia at hindi nausea! Kapag nakakahearsung tayez ng mga songs ever sa radio at witchelles naten bet mashukamatay at tumalon na lang sa sinasakyan na taxi. Kapag, umeenter na ang thought ng ating ex sa isipan naten at biglang naaalala naten ang mga magagandang memories at HINDI ang mga eksema kung pano naten sisirain ang buhay niya or kung pano tayez aatak sa balaysung niya para sabuyan ng asido ang fezlack niya or kung pano naten lalagyan ng ativan ang mga nilalafyos niyang lala - kapag na-keri na aten ang mga eksenang itu eh malamang hayan na, almost recovered na tayez.

Ang chinika ko sa friendiva kez at sa mga utawsingbelles na in the process pa rin of getting over? Live! Just live! At pag chinika kong live eh hindi yung live na nagpapakaplastik kang masaya ka and everything. You can feel remorse, you can grieve but the at the same time, haves pa ng mga utawsingbelles sa paligid mey! Remember, unhappy people can make other people around him unhappy and people do not want to feel unhappy! Anjan ang friendiva mez, ang familia zaragoza mez, ang aso mo, ang tindera ng pishbol! Obviously, parang witchelles naman natigil ang buhay ng ex mo noh! So, baket mo hahayaang matigil ang lyf ever mo dahil sa kanya.

At siyempre, it always helps when you learn how to make those blush-ons handy.



At dahil dyan. Goodbye VARSITY CAPTAIN! This is it . . . . this is really really it!!!!!

No comments: