Wala akong na-gain! May na-loss pa akez. Witchelles ko learn kung, one time, meron pa bang Varsity Captain na kakatok sa shintuan kong ng alas dos ng madaling araw na basang-basa.
OVERTURE
Bakit kaya kapag super rain galore eh nakakasadness aver. Andaming mga past eksenang na biglang magfa-flash right before your eyes. Yung ikmel, yung kulay ng paligid aver, yung pagka-dillema, yung tunog ng ulan, yung pagbagsak ng ulan sa lupa, yung pag-agos ng borbeg.
Tapos may biglang kyoket na kikirot sa puso/puson mez aver. Lalapirutin ang bawat himaymay ng pagka-utaw mez. Mapapa-jikit ka na lang, iiling-iling, iikmyl-ikmyl.
Mapapa-mura kez na lang . . . . "fontangenang julanstergate itez!"
Maloloka ka, at mababalik sa sariling katinuan pag may bus na tumapat sa shinoshoyuan aver mey.
Sa-sight kez sa paligid mez.
Lahat siletch naka-sight sa iyez.
Sa lakas ng ulan.
Super jisip silang may pringles on-the-loose.
RAPTURE
ANG PANGALAWANG PAG-IBIG
Ang julanstergate nga naman. Meron siyang powers na i-transport kez immediately sa past tense nang wala kang kalaban-laban.
Ganitez na ganitez din ang araw na yon. Super remember galore ke feh. Super powerful - it's reining men hallelujah! Super walang-wala akez non. Azz in zirowena, negative zero-zero balance ang labanan.
Nakashoyo lang akez sa waiting shed sa tapat ng KAL sa UP. Super kapa akez sa bulsa. Thirteen puks na variables at bente pesos. Pangalawang taon ng bakla non sa UP. Super wit na nagpapadala ng ukani ang parentals dahil may-i-disciver nilang witchelles na pala akez sa San Beda nagboboralsiva. Nahaggard sila sa concept na wit ko bet mag-abogadobelles at may-I-enter akembang sa UPam for more take ng Theater Course. From political science to Theater Arts. Harsh da 'vah?
Hayon lang, super shoyo lang akez, kako-kyorpos lang ng huling klase kez that day. Fatalle ang julanis morisette. Wit ko learn kung aneklavu ang gagawin kez. Wit ko learn kung saanchie akez aataksiva.
When in doubt . . . . haves ng yosi. Itez ang pilosopiya kez sa lyf. Super showid akez sa kabilang side, for more bailamos ng subey hey hey!! Get akez ng varibales, bailamos ng shotlong stick ng marlboro reds. Kelangan tipid-tipiran portion pati pagsusuba. Tapos, super rendezvous akez sa covered walkway paatak ng Main Lib.
Super jupo lang akez sa lapag. Ganun ang exena sa UPam, basa may ma-jujupuan aver eh jupo lang ng jupo for less haggardness.
Thirty minutes na ang past tense. Nahithit kez na yata pati filter ng bugarette.
May lumapit sa 'king menthol at nag-indian-sit den sa shobe kez. Sight lang akez sa kanya sabay baling ng sight sa umaagos na borbeg sa lupa.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ha," talak 'nung menthol.
Sight uli akez sa kanya.
Akez ba ang kinakausap ng mokong na 'to.
Sa pangalawang sight kez eh napansin aver kez ang fezlack niya. Beybing-beybi. Tisoy. Makinis. Parang nalelegis ng gatas aver. Para pa ngang nag-go-glow ang fez niya pag-sight kez - parang na-sight kez si Siddharta Gautama in his Nirvana state but then no, najisip kez na baka nagva-vaseline lang si potah!
Ilang buwan na rin kameng wagtus ni Rock Star. Witchelles na akez nagka-interes sa mga boys for that time. St syemps at that momentz eh dineadma kez ang watir-watir feeling ko for Baby Boi.
"Anung problema," ask ni Baby Boi.
Pera!!!! Baket?! Papautangin mo 'ko?
"Kung ano man yan wag mong isipin masyado. Just follow your heart . . . . "
Follow your heart-follow your heart ka dyan! Eh kung saksakin kaya kita ng bolpen sa heart! Yeah right! Super follow the leader nga akez sa heartsiva kez but then heto akembang, mas ma-giraffi pa sa daga aver.
Dineadma ko lang siya.
Hanggang after 1 week, napansin ko siyang nakapila to watch ang play aver namen.
After 2 weeks, mega-tambay siya sa KAL.
After 3 weeks, naka-nomuhan session ko siya sa Sarah's.
At doon ko muling na-felt ang sharam-daram na feelings. Doonchie, again, muling may gumising sa natutulog kong kabaklaan. Doonchie again, humarap akez sa salamin, super ikmyle sa sarili, sabay chikang 'This is it!"
After ng nomuhan session, inaya niya akez mag-walkathon. So, super walkathon naman kame, gegewang-gewang, lalaftir-laftir.
Hanggang makarating kame sa FA. Super jupo siya sa may gilid ng dilemmang building. Binuksan niya ang zipper ng shontolon niya aver. Na-windangerz akez. Pero drama lang.
At nang gabing 'yon, matapos ang unang pagkikita habang lumuluha ang kalangitan, ay muling nadiligan ng ulan ang uhaw at lupang tigang . . . . .
At ang sabi nila . . . .
Kadalasan daw sa unang pagbuhos uli ng ulan ay may
umuusbong na bagong buhay . . . . .
Napatunayan ko 'yon!
- 2 be continued-
No comments:
Post a Comment