Sunday, July 10, 2005

WHEN IT RAINS. IT POURS

and when it rains harder. it floods

updated

Habang super busy akez sa pagpa-plano ng sarili kong destabilization , so that the PINK GOVERNMENT will take control of the country, jisip rin akez ng better outfit for the PNP (Philippines National Pink) at AFP,(Armed Forced in Pink) at super draft na rin akez ng unang Presidential Decree kez, "Piso Para Magkasuso", para sa mga kapus palad na badinggerzie na bet na magka-boobelya at, "Piso Para Makasuso", para sa mga kapus palad na badinggerzie na hayuk sa laman.

In the middle of my thoughts eh may bumulabog sa mundo kez.

Alas-dos na itu ng madaling araw, may super shotok sa shintuan kez.

Teka. Teka. Teka.

Nag-martial law na ba at pinapadakip ang mga veklores?

Hayniway, atak akez, sa door, wit naman itu si Nick dahil borlog na siya.

Pag-open kez ng shintuan aver eh hayun siya. Almost a month na rin kaming witchelles nagsa-sighteous.

Mga 20 seconds akez na naka-sight lang sa kanya. Sight lang din siya sa 'ken.

"Naalala ko lang yung mga VCD na pina-burn mo. May pinuntahan akong friend dyan sa Kamagong, so dumaan na rin ako," chika niya.

"I'm wet!"

"Huh?"

"I mean you! Ikaw! Wet ka! Pasok ka nga, ang lakas ng ulan ah. Bakit dumaan ka pa kasi."

Inabot ni Varsity Captain sa kin yung plastic with the VCDs. Shinotong ko na lang itez sa may PC.

Umatak akez sa kwartobelles to get a towel. Pagbalik kez sa sala eh I’ve seen the face. Witchelles kez pa na-sight na ganitez si Varsity Captain. Haves siya ng something. Parang kasabay ng masamang panahon, masama ang loob niya. Na-felt ko itez.

Deadma. Tumabi akez sa kanya. Pinunasan ko ang ulo niya. Basang-basa siya. Inonggal ko ren ang t-shirt niya. Pinunasan kez ang bortawan niya.

Habang super punas lang akez eh hinawakan niya bigla ang mga braso kez at humarap siya sa 'ken.

"Bernard, I need you."

Shumoyo akez.

"Alam mo, baka magkasakit ka. Teka, I'll just get biogesic. Gusto mo ng coffee?"

Tumalikod ako sa kanya paatak ng kitchen. Na-felt kong tumayo din siya. Hinawakan niya agad ang braso ko bago pa akez maka-far. Napaharap na lang akez sa kanya at bigla na lang kaming naglapchukan galore. Wala akez magawa. Mainit siya, o nag-iinit, wittelles ko sure.

Super push akez, para makawala sa kiss.

"We can't do this!"

Napa-jupostrax na lang akez sa sofa.

"I thought you like me."

"I do! I do! In fact, I may even love you!"

Hayan! Nabera ko na ang pinaka-haggard na salita . . . . . "love"!

"So, anung problema?"

Lumapit sa 'kin si Varsity Captain at tumalungko sa harapan kez. He's looking at me, directly in the eyes. Witchelles akez maka-tingin back.

"The problem is, I cannot just jump into your life when you have somebody else."

"I have you."

"Yeah. And so as the LaSalle Guy!"

Dead air. Shumoyo si Varsity Captain. Tumalikod sa 'ken.

"Kelangan mo munang gumawa ng desisyon, Varsity Captain. Me or him. Hindi pwedeng dalawa. This is too risky for me. I've been hurt a lot of times. I just don't want to be hurt again."

Shuhimek lang niyang dinampot yung t-shirt niya. Pagka-suot niya eh nag-dire-derecho na siyang lumabas.

At that point eh naka-jupostrax lang akez sa sofa. Nakatingin sa walls at minumura ang sarili kez.

Witchelles ko learn kung tama ba ang ginawa kez. Pero lahat ng chinika kez sa kanya eh truelili.

Yun talaga ng nafi-felt kez.

Masyado ngang risky. Well. Lahat naman ng mga chervanessence sa lyf eh risky. Pero parang kay Varsity Captain eh baka matalo akez. Sabi ng isang friend kez, ang pag-dyo-dyowa raw eh parang sugal. Magtataya ka, may chance the magwinnadol kez, may chance, na ma-luz valdez kez. Pero sa tuwing magsusugal eh siguraduhing may pamasahe pauwi, or else, zirowena ang beauty mo.

Pero sa kaso ni Varsity Captain, witchelles ko pang bet tumaya. Witchelles ko pang bet sumugal. I want him first to play fair.

Bet ko siya, alam kong bet niya rin akez. Bet nya yung LaSalle Guy, witchelles ko learn kung bet din siya ng LaSalle Guy. But the thing is, yung fact na ang concept eh may "LaSalle Guy" sa eksena eh parang haggard. Wit ko bet ang mga ganong concept. I really don't know what Varsity Captain's real motives are.

Confused siya! At ako ren!

True, I may even love Varsity Captain as of the moment. But for me, witchelles ito enough. And the fact that, I love myself more. Does this make me selfish?

Pansit-eating-muder-pucker!!!! I'm so stupid noh?!

Wala akong na-gain! May na-loss pa akez. Witchelles ko learn kung, one time, meron pa bang Varsity Captain na kakatok sa shintuan kong ng alas dos ng madaling araw na basang-basa.


OVERTURE / July 11, 2005

Bakit kaya kapag super rain galore eh nakakasadness aver. Andaming mga past eksenang na biglang magfa-flash right before your eyes. Yung ikmel, yung kulay ng paligid aver, yung pagka-dillema, yung tunog ng ulan, yung pagbagsak ng ulan sa lupa, yung pag-agos ng borbeg.

Tapos may biglang kyoket na kikirot sa puso/puson mez aver. Lalapirutin ang bawat himaymay ng pagka-utaw mez. Mapapa-jikit ka na lang, iiling-iling, iikmyl-ikmyl.

Mapapa-mura kez na lang . . . . "fontangenang julanstergate itez!"

Maloloka ka, at mababalik sa sariling katinuan pag may bus na tumapat sa shinoshoyuan aver mey.

Sa-sight kez sa paligid mez.

Lahat siletch naka-sight sa iyez.

Sa lakas ng ulan.

Super jisip silang may pringles on-the-loose.

No comments: