Saturday, April 23, 2005

ANG HARSH NG REALITY

May nangyaring harsh kanina.

Borlog na ko ng slight. Alas dos ng madaling araw, bumorwag sa 'ken si Claudine, cry me a river ang drama ng lola 'nyo. May nangyari raw na harsh. Tinanong ko kung anez ang chika pero witchelles niya ibinersa sa phonil. Umatak na lang daw ako sa baler niya at ichichika niya sa 'ken ang everything. Chika ko eh baka kung anung drama na naman itu pero he sounded serious at cry pa ren ever. So umatak nga ako sa balay ni pekpek.

On my way, jinisip ko na dalawang bagay lang itu, it's either na-holdap siya ng sholbam or na-holdap siya ng sholbam.

Pagdating ko sa balay ni bakla eh nasa gate pa lang ako eh nahi-hear ko na na super crayola to death ang eksena ni Claudine. Ang harsh pa nga ng eksena dahil parang may shinishigok na baboy sa loob ng bahay niya. Eynimomentz, minamassacre na pala si bakla at pati ang beauty ko eh madamay. Eynimomentz, Elsa Castillo ang labanan. Pero deadma na ako, join lang ako ng join.

Naabutan kong nakasalampak sa sala ang bakla at walang patumangga ang crayola.

Tinanong ko agad kung anu ang problema.

'Nung una eh witchelles maka-ispluk ang lola 'nyo. Shulo lang ng shulo ang shipon at tears ng bakla.

Tapos 'nung mahimasmasan ng onti eh chinika na ni pekpek na tegibums na raw si Dennis. Tegibums! As in shigok! Si Dennis eh yung pinaka-recent ex ni Claudine na learn naming pinakaminahal niya sa lahat ng naging jowa niya.

Actually, simula 'nung nag-break sila ni Dennis eh naging super-bitter na si Claudine, as in kakabugin niya ang ampalaya sa pagka-bitter. Almost six months na ren yon tapos hindi na muna nagjowa ang bakla. In fairness, sa ming tatlo, si Claudine naman kasi talaga ang pinakahottest. Gwapo. Matalino. May pera ng slight. Pero super naloka siya nung naghiwalay sila ni Dennis. Marami namang kumarir s akanya afterwards pero deadma lang ang bakla (Haba ng hair da 'vah?)

Hanggang ngayon eh hindi pa ren naman klaro sa 'men kung baket sila naghiwalay kasi for all we know eh super sweet nilang magjowa up to the last point. Kapag shinu-shunong naman namin si Claudine kung bakit sila nag-break eh ayaw naman niyang ichika ang true na dahilan.

Hayon. Hanggang alas-siyete ako ng umaga Claudine, hanggang nakatulog na lang siya sa kaiiyak.

Ngayon eh super jisip ko ang drama ng buhay. Ang harsh ng reality da 'vah? 'Nung una eh jinisip ko na ginawa ko 'tong blog na itu para sa mga happy moments na tatabo sa takilya pero as it turns out, na-fi-feel kong mas marami palang drama kesa happiness. Pero, I really feel sorry for Claudine. Hindi ko pa na-experiencce ang mawalan talaga ng mahal at 'nung na-sight ko si Claudine eh naloka ako. Baka ma-tegibums na lang ako bigla not knowing what to do.

Ispluk nila, ang lahat daw ng bagay eh may RASON.

May rason kung bakit sila nagmahalan.

May rason kung bakit sila naghiwalay.

May rason kung bakit na-tegibums si Dennis.

Ang hinahanapan ko ngayon ng rason, eh bakit kelangang may masaktan?

Harsh da 'vah?

Hindi mo talaga learn kung kelan ka kukunin ni Lord.

No comments: