In fairness, marami talaga ang may-I-ask sa 'ken kung vaket and paano raw akey naging vading.
Isa siya sa mga favorite kong i-chika.
Actually, hindi akey klaro kung paano nga ba, pero may sarili akong theory. Hindi naman kasi pagka-ire sa ken ng mudra ko e learn na ng everybody na badinggerzie akey. If that is the case e di sana Bernadette talaga ang pangalan ko at super model na sana akey. Hey Hey!
Five years ang tanda ko kay NICK (may half-bruder/half-sister) at sa unang 5 years ng lyf ko e ang naalala ko lang e parating kalaro ko ay mga bilat (gurls). Hayon, super play akey ng barbie dolls, tinikling, jackstone, tinda-tindahan, etc. Play lang akey ng play. Hey! Hey! Noon pa lang eh feeling ko e pumipilantik na ang mga daliri ko. Nung tumagal sabi ng grandfuder ko (sumalangit nawa) na hindi raw prooper sa boy na may-I-play ng such tings. Pang-girlaloo lang daw yon. Atsaka pag ganon e magiging veklus nga raw akey. So, naloka ako - ayaw ko naman yatang maging veklus. (Not knowing na magdidilang propeta pala si grandfuder)
So, hayun nagkaroon ako ng mindset na lalake akey.
Elementary days, walang kuwestiyon. lalaking-lalaki ever akey. Consistent honor student, pirma-pirma ng slumbook, kras-kras sa bilat, ligaw-ligaw at kung anu-anu pang pa-effect.
Even though, nanonotice ko na meron akong inkling sa mga majorette. Hindi ko noon alam kung gusto ko yung mga majorette o gusto kong MAGING majorette. pero deadma lang talaga akey. Confident pa ren ako sa pagluluki ko.
First & Second year high school - naging girlfriend (wait, I have to throw-up . . . . gggwwwwaaaaark) ko ang elementary sweetheart (sheeeeeet! I am having goosebumps!) So deadma pa ren sa pagkabading. Tapos, first year din nun nung na-meet ko si Nikolai, bagong salta, gwapo, ka-fez ni Patrick garcia. Inoffer ko sa kanya ang friendship ko tapos naging mag-bestfriend kame.
Third year, wala na kame ni elementary sweetheart. Irreconcilable differences (which is only to be justified in the later years). Nag-mamature na ang mga bagets. Bestfriend ko pa ren si Nikolai.
May eksenang meron siyang bet na gurl, si Mya, niligawan niya, tapos niligawan ko naman yung friend ni Mya, si Grace.
Nung ligaw-ligawan portion eh may nanonotice ako sa aken na kakaiba. Andami kong moodswings tapos parate kong inaaway si Nikolai. Kung minsan eh gumagawa na lang ako ng rason para magalet sa kanya.
Akala ko 'non, bet ko ren si Mya, so dineadma ko si Grace, tapos niligawan ko ren si Mya. Mahabang proseso yon. Tapos nagkagulo-gulo ang circle of friends dahil sa love triangle, tapos hayun, nag-away-away.
Ako ren non eh gulung-gulo.
Tapos, hayun na, lumabas at inamin ko na ren sa sarili ko ang the truth and nothing but the truth . . . . na BET ko e si Nikolai at hindi si Mya.
Naloka ang lahat.
LAHAT: (dapat sabay-sabay) E di Bading ka?
AKO: Akala 'nyo lang hindi! Pero OO! OO! OO!
So, dun nagsimula ang enlightenment ko and everything made sense. I've started to see life in a different and clearer perspective. In fairnes, nung pag -amin ko na bading sa sarili ko eh parang gumaan yung loob ko and nawala yung angst ko and para bang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Later in life, hindi naman na pala tinik ang papasok sa lalamunan kundi ... mmmmm ... alam 'nyo na.
Well, hindi pa ren kami nag-end up ni Nikolai kasi lalaki daw siya (noon ha. ewan ko lang ngayon).
Pero ang ending eh bading na ko. Para naman pwede ko pang i-retract yon da 'vah? For me, its partly a matter of choice and partly the law of nature. Hindi ko pinilit ang sarili ko na maging bading. Hindi ko pinilit na ma-attract kay Nikolai, it just came and I just felt it. When felt the first spark of true love, it is different, and you know what it is when it hits you.
Ang naging choice ko lang eh yung pag-amin at pagtanggap, which is hard . . . . . damn hard.
Hayun. Those were the first explosions of the third sex in me . . . . . . . that's when my life started.
The Long View: Dispatch from South Korea (2)
-
Columnists The Long View Dispatch from South Korea (2) By: Manuel L.
Quezon III – @inquirerdotnet Philippine Daily Inquirer / 04:30 AM
December...
3 days ago
No comments:
Post a Comment