Sinundo akez ni rica kagabi paglabas ko ng opis. Magdinner daw kami. Shinorwagan daw niya si Claudine pero ang chika eh wala raw siya sa mood to go out. Well, isang araw palang ang nakakaraaan since na-learn niya yung nangyari kay Dennis, pero in fairness, siguro nga he just need some time for himself to mourn and contemplate.
Lumafang kami sa Glorietta. Over dinner, chinika ni Rica na nearness na raw ang anniverssary nila ni Lucas at mega-fly raw si Lucas sa Manila to celebrate.
Kung bet 'nyong ma-learn kung pano nagsimula ang love story nilang dalawa eh simple lang naman.
Pabalik na from US si Rica, dinalaw niya ang kanyang parents. Nag-stop over ang eroplano niya sa Japan at doon niya na-ispottan si Lucas. Sa Airport, nagkatinginan, nagkatitigan, nagkalandian and ending eh nag-dookit (sex) sila sa CR. At dahil 'dun hayon, nagbunga ang matamis nilang pag-iibigan. Mag-wa-one year na sila next month.
Pagkatapos naming magdinner eh nag-ayang uminom ang baklita. Sabi ko kiver muna sa pag-nomo dahil may work ever pa akey kinabukasan pero deadma si bakla. Maski hanggang dalawang berangga lang daw.
So, wala akong choice, umattak kami sa Government (plugging itu?!!)
Plenty ng utaw dahil Saturday night, ang tig-dalawang beer ay nauwe sa tatlo, sa apat an so on.
Ang true niyan eh, hindi naman ako nag-stay para uminom, nag-stay ako dahil meron akong suuper na nabe-betan dun. Plenty naman talaga ang mga BY na menchus at ang mga katawan eh hindi talaga matawaran. At shempre hanggang titig lang ang lola 'nyo.
Chinika ko kay Rica yung bet-betan ko. Sabi ni Rica, iaaproacj daw niya at para ma-introduce kame. Sabi ko naman witchelles na lang dahil most likely eh de-deadmahin lang niya ang beauty ko. Andami naman kayang fish in the ocean that night.
Lumabas si Rica 'nung tumawag si Lucas, so I was left alone sa bar. Nakatitig pa ren ako sa kanya, I decided to call him Varsity Captain.
Mukha naman kasi siyang athletic. Weakness ko talaga ang mga guys with athletic bodies, yummy to the max naman talaga dito. Nakakapanglaway. Hindi naman yung over sa laki yung katawan niya, yung tama lang to be categorized as fit. Mukha pa nga siyang payat kung itatabi dun sa mga gym bunnies. Pero ang fresh-fresh ng hinstura niya. He looks like in his early twennties. Or rather he looks twenty.
Tapos, nahuli niya akong nakatitig sa kanya ever. Nag-blush naman akey tapos super deadma at iwaaas ang line of vision sa ibang things pero feeling ko eh obvious. Ikaw ba naman ang titigan nang pagkatagal-tagal eh hindi mo mahahalata?
Tumingin uli ako sa kanya, sulyap lang, pero na-sight kong nakasight din siya sa aken. Shet! Delicious! Blush moment another. Jinisip ko kung nakatitig ba siya talaga sa aken o nagfi-feeling lang ako. Alam 'nyo naman kung minsan ang mga veklus eh sadyang mapag-ilusyon.
Wala akong choice, e di tumingen na naman ang bakla. Tapos, nagkatitigan na kame. Bilang ako. 1 . . . . . 2 . . . . . 3 . . . . . .4 . . . . . 5 seconds, nakakatitig pa ren siya sa aken. Ibang level na itu. Super smile naman siya sa akin with the diiimmples and everything. Parang na-sight ko pa ngang with-the-sparkling-stars ang eyes niya. Naloka ako. Gusto kong tumambling. Smile din ako, pero pa-sweet na smile parang Sheryl Cruz. Tinaas niya yung bote niya tapos tinaas ko ren yung sa ken.
Feeling ko naman nagiging polite lang siya. And besides, sa itsura nyang yon eh sanay na siyang plenty ang sumasight sa kanya.
After a few minutes, wala pa ren si Rica. Super dance na si varsity capttain with his firends. Once in a while eh nag-ga-glance naman siya sa ken at super smile pa ren. Nakakahimatay.
Is this it? Is this really really it?
Nag-CR ako to freshen up not knowing na sumunod pala siya sa aken.
Pagpasok ko sa CR ay naloka akoo sa image na nakita ko sa salamin. Haggardness! Isang haggard na nilalang. At na-realize ko na sarili ko pala ang tinitingnan ko. So, hilamos ako. Pag tingin ko uli sa salamin eh nandun na si Varsity Captain sa likod ko. Smiling and promise, na-fi-feel ko ang crotch niya sa juwet ko.
I could live in that position forever.
Anyway, humarap na 'ko sa kanya. Napalunok pa nga akey dahil mas gwapo siya sa malapitan. Parang urtista. Na-istar-struck naman daw ako at hindi ako makatalak. Parang nalunok ko ata ang dila ko. Kinuha niya yung isang kamay ko tapos nilagay niya sa chest niya. In fairness, firm itu at HARD! At HARD na ren ako.
Nagtitigan lang kame.
Anu ba itu? Tawag na ba itu ng puso o tawag lang ba itu ng laman?
Hinawakan niya ako and he pulled me closer. Close enough for me to hear him breathe.
Hayan na. Heto na. Unti-unti nang papalapit ang mga ulo namin sa isa't isa. Mag-mi-meet na sana ang lips namen nag biglang bumukas ang pinto ng CR. Si Rica!
Define wrong timing!
Parang gusto kong i-body spa si Rica gamit eh kumukulong aspalto.
So, naloka kaming dalawwa at mas lalong naloka si Rica.
Lumabas na ren ako ng CR agad.
Sabi ko kay Rica, fly na. Chika naman ni Rica, wag muna kasi may karir na ;ko.
Sabi ko parang hindi ko keri. "This is too good to be true."
So nilisan na nga namin ang Government.
Hanggang ngayon eh super jisip pa ren akey kung keri ba ang ginawa ko. Syempre, at some point eh may panghihinayang, ikaw ba naman ang magkaroon ng close encounter sa isang super-gwapong-nilalang na unang sight mo pa lang eh kras na kras mo na? Nakakaloka nga lang talaga ang eksena. Baka lasing lang siya or something.
Ang totoo niyan eh wala akong naging jowa for the past three years at super enjoy ako sa pagiging single ko. Sex lang naman talaga ang hanap ko. Kung may constant sex eh why pang humanap ng jowa eh sakit lang yon sa ulo at mas lalong saket sa puso.
Pero iba yung na-feel ko kay Varsity Captain. Parang pintig ng puso itu.
Wala naman talaga akong pananalig sa love at first sight, pero love at first sight ba itu o lust at first sight?
Hindi ko alam. Pero ayaw ko pang umibig kung sakale.
The Long View: Dispatch from South Korea (2)
-
Columnists The Long View Dispatch from South Korea (2) By: Manuel L.
Quezon III – @inquirerdotnet Philippine Daily Inquirer / 04:30 AM
December...
3 days ago
No comments:
Post a Comment