Showing posts with label baby boi. Show all posts
Showing posts with label baby boi. Show all posts

Thursday, July 14, 2005

WHEN IT RAINS. IT POURS (FINALE)

however hard it is. the sun would eventually come out



Habang super walkathon akez sa Ayala, na parang makikipaglibing, na-realize kez na naka-all-black pala akembang, azzz in, all black. Naisipan ko siyang shorwagan - si Baby Boi!

Sa truelili lang eh walang loose ends ang relasyon aver namen, hanggang sa nagbreaksiva kame, walang cafe-puro feelings na super bitterness, we remain to be close friendivas until now.

Witchelles kez naman matatalak na, like Rock Star, eh punung-puno ng substance si baby Boi. They are the extreme opposites of each other. Rock Star is artistic, Baby Boi is mathematician. Rock Star is rough, Baby Boi is smooth. Rock Star is deep but hard to love, Baby Boi is shallow, yet soooo easy to love.

Ang pinaka-super-bet kez kay baby Boi is that, yun nga, mazyado syang lovable, sa mga isplukingbelles niya, sa mga actions niya parang super keri niyang magickin ang everything, tapos gagaan na feeling mez. Parang havs siya ng certain charm na mapapa-ikmyle ka na lang at mawawagtus ang avratheng.

Sa mga oras na 'yon, kelangan kez ang magic ni Baby Boi.

Wala pang thirty minutes ay huminto na ang carumba niya sa waiting shed sa tapat ng Philippine Stock Exchange.

Pag-enter-the-dragon kez pa lang eh sinalubong na niya akez ng mala-Siddharte Gautama niyang ikmyle.

Drive galore lang siya, it's raining men hallelujah pa ren outside. Shornong siya kung saan kez bet umatak. Chika kez, kahit saanchie, ishorkas nya lang akez.

Chika niya may learn daw siyang place, sa future balaysiva niya.

Chika kez naman KERI! - basta kahit saan!

Sabay chikang, sa BULACAN itemch!

Haggard ng concept!!!! Parang ang nasa jisip kez eh more on Quezon Ciry or let's say Marikina or San Juan lang naman sana. Baket naman sa Bulacan!?!?


Chika niya, pinapgawa niya yung ancestral balay ng muderakis morrisette niya. Nearness of you lang naman daw, after Valenzuela, eh . . . JAAAAARAAAAAAN! Bulacan ever na!

Well, ang concept pala ni Baby Boi ng nearness of you eh two hours in the travelling portion. Hayniwayzzzz, Habang nasa carumba kame eh tinalak ko kay Baby Boi ang buong eksena namin ni Varsity Captain, casual na talak lang naman.

Finally, nakarating kame sa isang so very provincial na lugar. Rain galore pa ren. Shuhimek ang lugar ever. Konti lang ang mga balaysung.

Bumaba kame sa tapat ng ancestral house sa gitna ng kawalan. Dilapidated na ang housiva. Chika ni Baby Boi, kasisimula lang daw ng construction a month ago.

"Naku Baby Boi! Kung itu ang ideya mez ng good place to stay eh dapat ipa-overhaul mo na ren pati ang concepts mo."

Chika niya witchelles naman daw doon ang atak namen. Hinila niya akez at pa-shokbo kameng gomora sa likodstra ng balaysung na may daks na kubu-kubuhan portion.

May lumabas na isang menthol sa kubu-kubuhan portion and chinika ni Baby Boi na umisquierda muna siya.

Super jupostrax lang akez sa bamboo sofa sa terrace ng kubo. Taray ng kubo da 'vah? Umaanggi pa ang rain-galore at nafi-felt kez ang wetness sa fez kez. Gawa lang daw ng coffee si Baby Boi.

Nung pinagmasdan kez ang paligid eh mas na-depress akez.

Fontangenang Baby Boi itu ha. Balak pa yata akez shutayin sa sobrang pagkadepress.

Nafelt kez ang kyoket na feelings. Bigla na lang akez lumuha ala-judy ann santos - sa isang mata. (Di ko lang sure kung tama ang anggulo ko sa kamera)

Nang umenter sa eksena si baby Boi eh na-sight nyang slight crayola ang drama kez.

"Anung problem?", talak niya with steaming coffee, the rain galore and avratheng!

Deadma.

Same words. Naalala kez.

Tapos, siguro sumenyas na si direk, eh biglang bumigat ang pakiramdam kez, parang bumagsak ang kalangitan sa balikat kez. Makyoket ang feeling, parang nilapirot ang utong evermey, hinila at ginawang chinese garter - biglang crayola na lang akez ng fatalle.

Nilapag ni Baby Boi yung mga tasa sa mesa at shinobehan akez. Hinimas-himas niya ang likod kez.

"Wag mong isipin 'yon. Kung anuman ang gumugulo sa 'yo. Just follow your heart . . . . . "

Gago to ah! After 48 years, heto pa rin ang spiel niya.

"I've made many mistakes in my life at parang every time na nasasaktan ako, yun eh after I followed my heart."

Deadma.

Crayola pa ren akez habang ninamnam ang amoy baby powder na jili-jili ni Baby Boi. Hanggang chika, "Do something for me!"

"Anything, Bernz!"

"Hold me!"

Niyakap akez ni Baby Boi. Niyakap ko ren siya - mahigpit na mahigpit na eynimomentz eh breaking point na ng ribs galore.

Crayola to death pa ren ang drama kez. (Ngayon, ko lang na-realize na ang OA ko pala ha! Hmpf!)

"Everything will be alright, Bernz! Everything will be alright! Just think that Varsity Captain has been thrown out of the game. I can substitute for him, if you want."

One lesson I've learned. Boys do come and go. And friends, especially, ex-boyfriends-turned-friends, will always be there.



AND THE MORAL LESSON OF THE STORY: Mag-jowa ng mag-jowa hanggang dumame ang listahan ng mga ex-jowas na keri gawing friendivas in the end. Echooooz!

Tuesday, July 12, 2005

WHEN IT RAINS. IT POURS (ANG PANGALAWANG PAG-IBIG)

Pansit-eating-muder-pucker!!!! I'm so stupid noh?!

Wala akong na-gain! May na-loss pa akez. Witchelles ko learn kung, one time, meron pa bang Varsity Captain na kakatok sa shintuan kong ng alas dos ng madaling araw na basang-basa.


OVERTURE

Bakit kaya kapag super rain galore eh nakakasadness aver. Andaming mga past eksenang na biglang magfa-flash right before your eyes. Yung ikmel, yung kulay ng paligid aver, yung pagka-dillema, yung tunog ng ulan, yung pagbagsak ng ulan sa lupa, yung pag-agos ng borbeg.

Tapos may biglang kyoket na kikirot sa puso/puson mez aver. Lalapirutin ang bawat himaymay ng pagka-utaw mez. Mapapa-jikit ka na lang, iiling-iling, iikmyl-ikmyl.

Mapapa-mura kez na lang . . . . "fontangenang julanstergate itez!"

Maloloka ka, at mababalik sa sariling katinuan pag may bus na tumapat sa shinoshoyuan aver mey.

Sa-sight kez sa paligid mez.

Lahat siletch naka-sight sa iyez.

Sa lakas ng ulan.

Super jisip silang may pringles on-the-loose.


RAPTURE
ANG PANGALAWANG PAG-IBIG


Ang julanstergate nga naman. Meron siyang powers na i-transport kez immediately sa past tense nang wala kang kalaban-laban.

Ganitez na ganitez din ang araw na yon. Super remember galore ke feh. Super powerful - it's reining men hallelujah! Super walang-wala akez non. Azz in zirowena, negative zero-zero balance ang labanan.

Nakashoyo lang akez sa waiting shed sa tapat ng KAL sa UP. Super kapa akez sa bulsa. Thirteen puks na variables at bente pesos. Pangalawang taon ng bakla non sa UP. Super wit na nagpapadala ng ukani ang parentals dahil may-i-disciver nilang witchelles na pala akez sa San Beda nagboboralsiva. Nahaggard sila sa concept na wit ko bet mag-abogadobelles at may-I-enter akembang sa UPam for more take ng Theater Course. From political science to Theater Arts. Harsh da 'vah?

Hayon lang, super shoyo lang akez, kako-kyorpos lang ng huling klase kez that day. Fatalle ang julanis morisette. Wit ko learn kung aneklavu ang gagawin kez. Wit ko learn kung saanchie akez aataksiva.

When in doubt . . . . haves ng yosi. Itez ang pilosopiya kez sa lyf. Super showid akez sa kabilang side, for more bailamos ng subey hey hey!! Get akez ng varibales, bailamos ng shotlong stick ng marlboro reds. Kelangan tipid-tipiran portion pati pagsusuba. Tapos, super rendezvous akez sa covered walkway paatak ng Main Lib.

Super jupo lang akez sa lapag. Ganun ang exena sa UPam, basa may ma-jujupuan aver eh jupo lang ng jupo for less haggardness.

Thirty minutes na ang past tense. Nahithit kez na yata pati filter ng bugarette.

May lumapit sa 'king menthol at nag-indian-sit den sa shobe kez. Sight lang akez sa kanya sabay baling ng sight sa umaagos na borbeg sa lupa.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ha," talak 'nung menthol.

Sight uli akez sa kanya.

Akez ba ang kinakausap ng mokong na 'to.

Sa pangalawang sight kez eh napansin aver kez ang fezlack niya. Beybing-beybi. Tisoy. Makinis. Parang nalelegis ng gatas aver. Para pa ngang nag-go-glow ang fez niya pag-sight kez - parang na-sight kez si Siddharta Gautama in his Nirvana state but then no, najisip kez na baka nagva-vaseline lang si potah!

Ilang buwan na rin kameng wagtus ni Rock Star. Witchelles na akez nagka-interes sa mga boys for that time. St syemps at that momentz eh dineadma kez ang watir-watir feeling ko for Baby Boi.

"Anung problema," ask ni Baby Boi.

Pera!!!! Baket?! Papautangin mo 'ko?

"Kung ano man yan wag mong isipin masyado. Just follow your heart . . . . "

Follow your heart-follow your heart ka dyan! Eh kung saksakin kaya kita ng bolpen sa heart! Yeah right! Super follow the leader nga akez sa heartsiva kez but then heto akembang, mas ma-giraffi pa sa daga aver.

Dineadma ko lang siya.

Hanggang after 1 week, napansin ko siyang nakapila to watch ang play aver namen.

After 2 weeks, mega-tambay siya sa KAL.

After 3 weeks, naka-nomuhan session ko siya sa Sarah's.

At doon ko muling na-felt ang sharam-daram na feelings. Doonchie, again, muling may gumising sa natutulog kong kabaklaan. Doonchie again, humarap akez sa salamin, super ikmyle sa sarili, sabay chikang 'This is it!"

After ng nomuhan session, inaya niya akez mag-walkathon. So, super walkathon naman kame, gegewang-gewang, lalaftir-laftir.

Hanggang makarating kame sa FA. Super jupo siya sa may gilid ng dilemmang building. Binuksan niya ang zipper ng shontolon niya aver. Na-windangerz akez. Pero drama lang.

At nang gabing 'yon, matapos ang unang pagkikita habang lumuluha ang kalangitan, ay muling nadiligan ng ulan ang uhaw at lupang tigang . . . . .




At ang sabi nila . . . .
Kadalasan daw sa unang pagbuhos uli ng ulan ay may
umuusbong na bagong buhay . . . . .
Napatunayan ko 'yon!




- 2 be continued-