Showing posts with label jessica. Show all posts
Showing posts with label jessica. Show all posts

Friday, April 21, 2006

THE "NOT SO" TWISTED WORLD OF JESSICA

Heto na nga! Since witchelles akey tinigilan ng sandamakmak na messages at email na super-demand ever kung aniklavu ang nangyari kay Jessica eh heto na . . . ibubuhos ko na.

As of the moment of this writing eh, I think mga 2 months na ang nakakalipas nang naka-flyuk ang my ever-dearest Jessica. Shet! You see how time flies?!

Anyway, hayun na nga.

'Nung gabing yon, nung super orwag si Miki eh direcho agad kami ni Claude sa Makati Med. At teka, bago ang lahat eh merong mga super-curiosity-kills-the-cat kung sinetchie uchimigawa si Miki. Hayon. Tumingin kayey sa sho-as arabum arabelles arabumbumbelles sa "Tingnan mo ko" banner . . . hayun ang Norweigian fly-in model, syempre, photo courtesy of Badinggerzie.

Loka da 'vah?

Hayon na nga . . . super suspense-thriller ang drama namin ni Claude on the way sa hospitality of culture. Naloka din ako dahil ang akala kong si Claude na may pusong pinatigas pa sa erna ng isang utaw na lumafang ng isang toneladang saging na lakatan eh may kapasidad pa rin palang maawa sa isang taong super binabalahura niya.

Pagdating namin sa emergency room eh nasightsiva na namen si Miki na jikot ng jikot na parang butiking na-tinga.

Nung nasightsiva niya kame eh bigla na lang siyang lumapet at napahinga ng malalim.

"Ay ran ran wana doo"

Ano raw . . . . . .

"Ay ran ran wana doo"

Potah. Siguro kung witchelles lang akey ngarageddy of culture 'nung mga oras na iyon at medyo tarantella eh nag-walk-out na lang akembang.

I don't know what to do daw . . . .

Hayun naman pala eh. Buti na lang eh may experience si Claude dealing with special child. Echoz!

Shinornong ni Claude kung nasaanchiewa si Jessica.

"Hisa stella ensad"

Ano raw uli . . . bat may stella L. na eksena?

He's still inside daw . . . .

Potah. Parang battle of the brains itu ha.

Shinornong ko siya kung anechiwa ba talaga ang nangyari.

Sa madaling sabi . . . ayaw ko na lang paduguin ang ilong ko pero . . . hayon pagka-isquierda raw nila sa Embassy at pagjuwelya sa Shang Makati eh dumiritsu na raw si Jessica sa nyi-arette at naloka na lang daw siya nang may ma-hearsung siyang super crayola to death sa loob ng kwartong pangkaruwagan. At hayon, pag enter the dragon niya eh na-sight niyang bloody mary na nga ang kamay ni Jessica.

Witchelles din daw niya learn kung anechiwa ang drama nung baklang may bukod sa may spotlight syndrome at bukod sa may short-term-memory-gap at bukod sa may malaking galet sa salapi eh may suicidal tendecies pa.

After siguro thirty minutes yon ng madugong usapan ng mga baluktot na ingles eh may jumubas na doktor in a white long gown at chinika kami kung kami daw ba ang kajoint-forces ni Jessica.

"We did everything that we can . . ."

Talak ba naman ng doktor. Harsh!

Parang itu ang favorite punchline sa mga telenovela kapag nashigbak na ang isang karakter ha.

"But he is still ang screaming fagot!"

Echoz!

Ang trueliling chika ng doktor eh keri naman na raw si Jessica. Minor injury lang naman, at witchelles naman kalaliman ang dinulot ng buckle ng Gucci na belt.

At doon ay halos isinuko ko na ang lahat-lahat sa akin nang ma-hearsung key hey hey hey ang talak na yon.

Gucci belt talaga ang ginamit ng baklang halimaw para pagpakashukamatay ara?!

Eksena ha!

At biglang lumabas na rin si Jessica sa ward na hapung-hapo na daig pa ang eksena ng isang comfort-gay na pinilahan ng tatlong batalyong hapones nung panahon ng giyera.

"I should've died," talak ng baklang Jessica na super trying-hard na magpapatak ng luha kahit sa sobrang kaOAyan niya eh papasa na siya para sa Etheria.

Pedeng-pede ko namang sabihin na, "Oo nga. Dapat natigok ka na. Sana sinundan mo lang ang madilim na ilaw pababa. Yon ang sundo mo nang mabawasan na ang mga baklang may maiitim na buto sa lupa . . . " But since being an always politically-correct gay eh ang tinalak ko na lang eh, "No, dear. Kaya mo yan. You can definitely manage."

Shet! Best in nyostikera of the year awardee naman akembang bang klang klang klang!

"I should've died . . . . I should've left this world and be in peace. Hindi ko na kaya. I should've died in the creation of my god (malamang eh yung Gucci yon)."

Deadma na lang akembang at super himas na lang kay Jessica na super inimagine ko na lang na isang pusang ligaw na gutom na nga eh nahulog pa sa imbornal. At si Claude naman eh naka-iwas ng tingin with matching tirik-tirik ng eyeballs on the loose.

Pero deadma na. Dinamayan ko na lang siya to the best na kinaya ng sikmura ko.

Seriously (and dautan aside), after that eksena eh witchelles na rin naman tinalak ni Jessica kung aniklavu ang naging drama niya at nagbali-baliwag portion siya at najisipang magshukamatay. Siguro, later on, eh pati sya eh nahiya sa mga pinaggagagawa niya.

Pero, it's a serious matter.

Maski naman siguro na witchelles aminin ni Jessica ang dahilan eh para sa akin eh super obvious naman.

Imagine a person na a couple of years ago eh super salat sa pamumuhay na halos pangkain na lang eh shinishipid-shipid pa para lang may pamasahe para pumasok sa eskwalahan nang makashorpos at mai-ahon ang naghuhumikahos na pamumuhay at kung minsan eh minamalas-malas pa na walang pamatud eh super walkathon to the college ang labanan.

Tapos biglang umibig at inibig (pansamantala).

Pakkkkkkatapos, jiniwan din siya ng jowa niya dahil nga sa sitwasyon niya sa life. Even though na chismis lang yon pero nafi-feel kong may ganong factor talaga.

Then, this person had an opportunity . . . . a very BIG opportunity. Sinunggaban niya agad iteckla kahit anechiwa pa ang jicipin nang kung sinung herodes at hayon . . . . JACKPOT!!!!

At ang mga kaligayahang witchelles niya natamasa nung mga panahong kapitbahay niya eh pusali eh nadama niya. Or rather, binili niya.

Jumelya sa Pilipinas, para lang ipamukha sa ibang mga utaw na yumurak sa kanya na RICA PARALEJO na siya at in fairness, eh sinamba naman siya ng todo-todo.

Pero isa lang ang witchelles niya nabili. Ang rason ng lahat ng pagsusumikap niya . . . . . ang totoong rason kung baket siya jumuwelya sa Pilipinas . . . . ang PAG-IBIG na nawala.

Sa labas nga eh masaya siya, okay fine, mamahalin ang mga damit na bumabalot sa katawan niya pero ang witchelles ko lang sure eh kung masaya ba talaga siya inside. Siguro naman eh witchelles pagpapakamatay ang isang utawsingbelles kung masaya siya inside da ‘vah?

Parang gusto ko na tuloy maniwala sa kachikahang "Money can’t buy everything!!"

I really don't know. Ayaw ko namang maging jugmental at baka maging kontrabida pa ang image ko but then . . . hayon na nga, deep inside me eh I feel sorry for Jessica.

Kasi parang in the end, it all boils down to one thing. Let's strip Jessica of his expensive clothes, new-yorker accent and a 5th avenue attitude eh he is just a plain-old-simple badinggerzie that is longing to be loved. Na kung minsan eh nagegetching niya ang everything pero witchelles pa rin siya happy kasi witchelles naman talaga yonchie ang desire niya. Ang totoong desire niya eh ang pag-ibig na na-loss na super waiting-in-vain pa rin siyang maibalik uli but then, nothing happened. Hindi rin siya binalikan ni Gerry maski tumaas na ang market value niya. Witchelles ko sure kung aniklavu naman ang rason ni Gerry, siguro may jowa na siya as of the momentzzz or witchelles lang talaga niya feel o siguro wala na talaga yung kilig factor. It's just another case of a failed love. Parang akez. Parang ikaw lang, na super readaloo ng blogsiva na itey sa opisina habang super nakahanda ang mga daliri sa Alt+F4 just in case na my opismate na dumaan, parang ikaw . . . . oo ikaw . . . na super deny to death na witchelles ka badinggerzie dahil isa ka ngang "bi" . . . . . tsaka ikaw din na kahapon lang eh ang sweetness than sugar ang drama nyong magjowa but today eh bitterness than apdo ng tilapia naman ang drama. We all crave for one thing siguro.

I don't know. Pedeng mali ang assumptions ko regarding Jessica. Pero that's how I saw things.

Come to think of it, Jessica's world is not that twisted naman pala after all.

Sunday, January 29, 2006

THE TWISTED WORLD OF JESSICA

It was Jessica's BIG DAY. Ang HOMECOMING party na ilang buwan naming pinagplanuhan eh natuloy na.

At katulad ng demands niya, "And I want it to be a small crowd. Around fifty guests . . . . tops. I want it to be purely invitational. I do not want faggots gate crashing in my party."

Nabooking namen ang Embassy, but since, it's Embassy, WEDNESDAY naganap ang party dahil witchelles keri itong gawing private ng operating nights.

It was a total party and I can say na itechiwa ang best party na na-put up kez. Well, siguro dahil glamorosa at pasosyal si Jessica eh waldas lang ng waldas ng salapi.

Ang chika niya, he wants IBIZA to happen in Manila. 'Nung una eh witchelles kez pa na-getz 'coz he pronounced it as IBITZA. Until I realized, thanks to my socially-responsible friends, na yun pala ang correct pronunciation. Shukialam ko ba kasi.

Anyway, gusto niya ng IBIZA. I gave him IBIZA. Sa additional lights pa lang eh halos dumugo na ang ilong niya sa presyo, pero go pa ren si bakla . . . . . tapos sa sounds pa . . . . . tapos sa DJs . . . . . imported pa galing sa Manila DJs Club . . . . sa design ng venue eh mejo nalulumpo na siya . . . pero biglang na-reenergize ang puta na ma-learn niyang may mga go-go boys akong na-hire.

Naloka akez sa mga guests ni Jessica. Now I know kung baket purely invitational lang ang eksena. Pero, since I have signed a confidentiality agreement . . . . . witchelles kong pedeng italak kung sinech-sinech ang na-discover kong famous personalities na badinggerzie din pala. Not only famous . . . some are even powerful or rather . . . in power . . . . hay, nangangati pa naman ang daliri ko, todo-todong scoop itu. But then, witchelles keri.

I realized na my GAYDAR is not that effective at all.

Umaapaw ang drinkaloo and the most expensive vodka in the world was served . . . I forgot the name eh . . something with a goose yata yon . . . anyway, among the "personalities" na umatak sa party eh syempre present din si Rica and Lucas, at si Claude, even though na super pinilit ko si Jessica na iinvite si Claude at finally nung pumayag na siya eh super effort naman akez na papayagin si Claude na umatak. Chika pa ni Claude na aatak siya don for me and Rica not for Jessica.

"We thought that you and Jessica are getting along fine?" talak kez habang nasa bahay kame ni Rica two hours before the party.

"We are not getting along fine and we will never get along. Ever!" talak ni Claude habang mega-feed ng mga piranha ni Rica.

"Baket naman?"

"Ask Rica."

Tinanong kez kay Rica kung anechiwa ang chismis pero witchelles bet italak ni bakla. Pero, he made this expression na parang I'm digging too deep na at parang super-exciting ang nasa ilalim. At siyempre, ang mga badinggerzie pag nafi-felt nang may ganitrix na klaseng chismax eh mas lalong kumakati at naghihilagpos ang mga mimosa factors.

Witchelles kez tinantanan si Rica hanggang witchelles itu umiispluk.

Until . . . . .

Di rin nakatiis si bakla. Kung mimosa akez eh wala nang mas mimimosa pa kay Rica.

Nagsimula ang chismis:

Magkaklase si Rica and Jessica sa Beda from high school to college. Pero witchelles sila ganon kaclose dahil ang chismis nga eh itung si Jessica eh super purita gonzales. Naka-enter lang ng Beda dahil sa scholarship. Purita daw siya as in to the poorest level as in skway . . . skwayla . . . .sKuala Lumpur ang labanan ng balaysung sa Sampaloc. Witchelles daw nakakalafuk tatlong beses isang araw at I quote: Minsan lang nasasayaran ng mantikilya ang mga labi niya, pasko pa.

Anyway, witchelles nakapost-card sa pagboboralsiva si Jessica. Until, may kinarir daw itung certain "Gerry" na kina-enlababuhan niya ng fatalle at in fairness din naman daw, sabi ni Rica, slight na-enlababo din naman si Gerry sa baklitang purita. Pero, witchelles din sila nagtagal dahil parang wrong-kangkong nga ang eksena dahil parang witchelles bet ni Gerry and his friends ang eksenang join-join sa PNP or Payak Na Pamumuhay or in short, kajirapan evur. So, nagbreak sila.

Nawarla ang baklang Jessica. Pero wai siyang nagawa. Cryola na lang daw siya sa isang sulok.

Tumbling naman daw akez sa mga eksena, baket witchelles ko itu learn, "Don’t tell me, Claude, alam mo ren 'to?"

Tumango si Claude, smiling.

"Pa'no?"

"I am one of the 'friends"

Anyway, continue si Rica sa talak. Basta raw, may na-fish si Jessica na witchelles lang malaki-laking isda pero UBER-DAKS na isda sa GAY.COM. Noong una raw eh mega-western-union ang eksena . . . . dollars and avratheng itu until hayon na nga, yung karir sa GAY.COM eh super sponsorship galore para lang maka-fly si Jessica sa istits at makapag-boralsiva at makamit ang kanyang mga pinapangarap.

Hayon na nga, nakafly si Jessica sa New York . . . . boom . . . instant Rica Paralejo si bakla. Hayun ang pangarap niyang Jackpot. Daig pa ang nagwinadol sa lotto.

Speechless akez sa chismis. Hindi ko yon kinaya for a minute ha.

Anyway, back sa party. Habang iniistima kez ang mga nagaganap eh pinipilit kez na burahin sa jisip kez ang mga tinalak nila Rica. Gaano kaya 'yon ka-true? Pero, in a way eh parang naaalala kez na haves ng "Gerry" sa listahan ng mga ginivesungan ng invitation evur.

Habang nasa bar akez at dinadasalan ang isang drinkaloo na nanggaleng yata sa impyerno dahil halos lahat yata ng alkohol sa mundo eh hinalo sa isang shot glass eh umenter sa eksena si Claude na may kajoint-forces na menthol. Ginetching niya ang drinkaloo kez at ninomo ng walang kaeffort-effort. Powerful, sabay talak, "Bernz, I never thought I'm going to meet someone here that I know. I’d like to introduce you to my old friend GERRY!!!!"

Muntik nang mag-collapse ang mundo kez at parang jumijikot-jikot ang paningin kez na parang tsubibo at sabay enter ng heavy frankenstein music . . . .

JAAAAAAAAAAAAAAAAAAAN!!!!!!!!! JAN!!!!!! JAN!!!! JAN!!!! JAAAAAAAAAAAAAAAAAAAN!!!!!!!!!

"Claude, you're not planning to ruin my party, are you?", pabulong kong tanong kay Claude.

"Friend, this is not your party."

"I know, it's Jessica's and I represent him!"

"Relax, Gerry was invited. You know how the song goes friend, First love never dies."

Tapos, eh biglang isquierda naman sila palayo sa 'ken.

In fairness, natarantella akez ng fatalle. Hinanap kez agad si Rica at nasighteous ko siyang nakikipaglampuchingan na naman sa jowa niya. Tinalak kez ang na-sight kez at super nerbiyus akez na eynimomentz eh gumawa ng eksena si Claude knowing kung gano siya kawarla kay Jessica. Pero, witchelles naman nag-react ng harsh si Rica. Paranoid lang daw akey hey hey hey.

Hey hey hey hey hey talaga!!!!!!!!!!!!!!!!

This is my party. This is my project. Friendiva kez si Claude pero di ko hahayaang sirain niya ang avratheng. Witchelles kong hahayaang masira ang trabaho kez dahil lang sa pagmamagandahan ng dalawang bakla.

May-I-search naman akez for Jessica. Na-sight ko siyang katalakan ang iba niyang friends at si . . . Miki!

Super closeness to death sila ha. At inontroduce talaga ni Jessica si Miki as his 'date'.

Define kape. Anyway, deadma naman si Miki. Jinisip ko na lang na its in the culture. He's a European. In Europe, it is not weird when a guy sleeps with another guy. Oooooooh! Suddenly, I wanna go to Amsterdam. Echoz!

Deadma.

Nag-excuse akez at kinorner si Jessica para magkausap kami in private.

"I just wanted you to know that Gerry's here," talak ko agad with matching nerbiyus tone.

"Gerry?"

"Gerry."

"Ah. Gerry!!!!! Yeah. He's here. I invited him"

"Yeah. I know. And you know, I invited Claude. And they're here, together."

"So?"

"Wala lang. I just think that you should know."

Biglang napa-isip si Jessica. Shet! Witchelles ko bet ang eksenang tumatahimek at biglang nag-iisep si Jessica kasi most of the time eh witchelles naman talaga siya nag-iisep.

After a couple of seconds, "I guess you already know my love story," at laftir si bakla. "He's totally out of my life. I have already put everything that concerns him behind me now. I just wanted us to be very good friends."

At shumilikod siya at bumalek sa crowd niya. Sa una, na-felt ko ang sincerity sa mga salita ni bakla, but then, it's too sincere. It was so very unlike Jessica.

Anyway, hayon, nakiparty na lang din akez even though wai akez masyadong kilala sa mga utawsingbelles doonchie aside from my friends, well, marami akong kilala evur pero ang tanong: kilala ba nila akey hey hey hey hey!!!!!!

Tumuntong na si Jessica sa isang ledge hawak ang isang mic, time na for his speech. Sa ledge, nang tinamaan siya ng lights galore eh fabulous pa ren ang bakla even though slight ngenge-bonell na siya. Kelangan pa siyang tulungan ng dalawang go-go boys para maka-climb evur. Pero, in fairnezzzzz, dazzling pa ren and fabulous in his black Armani top . . pati siguro ang jeans niya eh Armani . . . sleak Italian ang drama ng outfit niya.

Nagpasalamat siya sa mga umatak doonchinabelles, sa mga 'friends' niya. Napatingin uli akez sa mga utawsingbelles, I doubt na truelili na mga friendiva nga ang mga utaw na yonchie. Malamang karamihan doonchie eh na-meet lang niya for the past two months, during his stay here. Yung iba naman eh nakadookit lang niya. Pero lahat naman siletch eh clap galore at happy, witchelles sa sense na truksiva nilang friendiva si Jessica but then, siguro, sa sense na na-invite sila sa isang exclusive party with exclusive people, with free booze and drinks, hosted by a Pinoy-future -designer based in New York.

Ganon lang naman talaga lagi ang eksena, be friends with the right people, whether you like it or not then boom . . . . . you suddenly see yourself one notch higher in the social niche.

Pa'no kaya pag na-learn nila ang totoong background ni Jessica, kung truelili man ang mga chismis? Andito pa kaya sila? Pa’no kaya pag nalearn nilang galing siya sa pusali at dahil lang sa isang jackpot na affam na plenty ang andalucia eh kaya siya nakapag-boralsiva sa Parsons?

Bumalek na lang akez sa ulirat nang masense kong gumagalaw-galaw ang follow-spot . . . .

"There he is," talak ni Jessica sa mic habang mega point.

Sinundan ng tingin kez ang daliri ni Jessica at kasabay ng pagbagsak ng ilaw eh na-learn kez kung sinetchie ang tinutukoy niya . . . . .

"Guys, I want you all to meet Gerry . . . . . . Take a good look at that face."

Witchelles learn ni Gerry kung aniklavu ang gagawen niya 'nung nakasighteous ang lahat ng utawsingbelles sa kanya with the lights and everything. Pangiti-ngiti na lang siya na parang kyotabelles na nahuling najipet ang kamay sa cookie jar.

"He is my first love . . . . . . . "

Nagtilian naman ang mga utaw . . . . clap galore another . . . . . akez naman eh parang eynimomentz eh majijihi na akez sa pants kez.

"But we never got the chance to stay together for a long time . . . . . . "

Sa bawat spluk na binibitawan ni Jessica eh para akong kandilang unti-unting nauupos.

"You know why?"

I know why. At witchelles na nila bet malaman.

"You know why?"

Warla mode na si bakla, pati ang mga utawsingbelles eh mejo nanenega na sa eksena. Tahimek na ang lahat . . . .

"Why?" talak ng isang utaw sa may dulo . . . . shet! Si Claude.

Bet ko nang sumigaw ng "pack-up! Pack-up! Tapos na ang shooting." But then, witchelles itu shooting.

"Because he is a god damned moron who doesn't know how to think for himself," matatalim ang bawat salita na yon. Pati akez eh nasusugatan. Pano pa kaya si Gerry?

Pag-sight kez sa kanya eh shumorlikod na siya at umisquierda pababa at palabas ng venue.

"See? He can't even stand up for himself. Gentlemen, learn something from this. Do not ever trust a person like him. Thank you and that's all. Party on!!!!"

Nag-blast ang music at back to party mood ang everybody na parang walang nangyari.

Sinalubong ko naman si Jessica, "Ano yon?"

"Bernz, dear, since I assume that you already know my story, you should've guessed right now what is this party all about."

Ikmyle lang si Jessica at jiniwan na akez. After five minutes eh jiniwan na ren niya ang party.

Tumagal pa halos ng dalawang oras ang party. Witchelles man nila na-felt na wai na ang presensiya ng hostess pero go pa ren ng go. After ng party eh sabay na kaming jumuwelya ni Claude. Si Rica eh jumoint na sa jowaers niya. Windang evur pa ren akez sa mga nangyari.

"I couldn't believe na Jessica would spend that much, the effort and the money just to humiliate that poor guy."

Napangiti lang si Claude, "Who can blame him?"

Bago pa kame makalabas ng The Fort eh na-felt kong nag-vibrate ang phonil kez.

Miki calling . . . . .

Anechiwa naman kaya ang eksena nitu? Nag-OPM kaya si Jessica at witchelles na-paysung ang fees niya.

Pagsagot kez sa telepono eh wai akong maintindihan. A Norwegian guy na witchelles maka-ispluk ng diretsong inglet at this time with matching stuttering on the loose, define HALLLLLER. Pinaulit kez sa kanya nang pinaulit ang sinasabe niya dahil witchelles ko nga maintindihan. Chika kez na huminga muna siya ng malalim then talk . . . . .

Tumahimek siya for a while . . .

Tapos tumalak:

"Jessica slashed his wrist."

Wednesday, January 25, 2006

SUGAR FOR MY HONEY

Napapansin kez evur na ilang araw na ring late na jumujuwelya sa balaysung ang magaling kong shofatembang, nauuna pa akez sa kanya at kung minsan naman evur eh witchelles siya naboborlog sa 'men. Bisi-bisihan raw sa school, thesis and avratheng.

Naalala kez ang mga momentz kez na ganitembang 'nung kadalagahan kez. Isa lang ang ibig sabihen nitu:

"May boyfriend ka ba?"

Harsh man kung harsh at ilang beses kez jinisip-jisip kung ishoshornong kez ba talaga yonchienabelles sa bruderette/sisterrete kez, pero there's only one way of knowing.

"Wala," sagot naman niya. Pero galing sa ilong. Lafang galore lang ng bacon and eggs na pinrepare kez for breakfast. Once in a blue moon lang akez mag-prepare ng breakfast but since meron akez na gustong malaman eh I need to make some sacrifices.

"Alam mo, wag na tayo maglokohan Nick. Dumaan na ren ako sa ganyan," shet! I sounded like my mom.

"Kuya, ano ba? Para kang si Nanay." Magkapatid nga kame.

"Late kang umuuwi, minsan hindi ka pa dito natutulog. At paano mo ieexplain yung mga bagong gamit mo? Parang ang laki ng kinikita mo sa pag-aaral ah."

Deadma lang si Nick. Parang waing narineg evur. Shumuyo siya at nilagay ang mga pinggan sa lababo. Keri ko namang aminin na witchelles talaga kami vocal sa isa't isa, I mean it runs in the family, ang mudra lang namen ang pinakavocal, pero kame, deadma. Habang lumalaki kameng dalawa ni Nick eh bihira kaming mag-usap tungkol sa mga buhay-buhay namen na tipong naikukwento mo sa mga friendiva mo and avratheng. Pero siguro dati yon, 'nung akala kez na straight ang burdra kez. But then as of that moment eh mega-concern lang talaga akez. Nick is gay and so am I, I might as well play the role of a good GAY BIG BROTHER.

Witchelles ko siya tinantanan hanggang sa kuwarto niya para lang umispluk siya ng truth, the whole truth, and nothing but the truth so help us god.

Hanggang sa nairita na siya at chikang, "Okay. Sige na nga. Meron akong lover. Masaya ka na?"

Sasarduhan sana niya akez ng shintuan pero napigilan kez at jumosok akez sa kuwartobelles niya.

"Good. Okay lang naman na magboyfriend ka and . . . "

Pinutol ni Nick ang speech kez, "Kuya, ano sa palagay mo ang ginagawa mo? Nakakapangilabot. Hindi ako sanay."

"Well, dapat masanay ka na. Alam mo sa normal na mundo, ganito ang ginagawa ng mga magkapatid." Alam ko, pati naman akez eh nangingilabot din sa pinagsasasabi ko. Pero, meron akong responsibilidad sa shofatembang kez at because of my recent heartaches, wala akez mapagtuunan ng pansin kaya najisipan kong I-rekindle ang lost relationship nameng magshofatembang bang bang klang klang klang.

Nakatingin lang sa 'ken si Nick na parang witchelles naniniwala sa mga nangyayari ever. Normal gays would roll their eyeballs and scream to the top of their lungs sa mga ganitong eksena, happy pa naman akez at witchelles pa nadedevelop ang flaming gay powers ng shofated kez. In fairness, since the time na na-learn kez na badinggerzie din siya eh wai namang nagbago sa kanya, sa kilos, sa salita, sa gawa.

Wai din siyang nagawa, "Okay, kuya . . . este Ate . . . anung gusto mong malaman?"

Umupo na lang si Nick sa kama niya. Ginetching ko naman ang isang chair at umupo sa tapat niya.

I'm trying my best para pekein ang pagiging excited kez sa mga nagaganap evur.

"Well, sweet ba siya? Gano na kayo katagal? Saan kayo nagkakilala? Anong name niya? San siya nakatira? Ilang taon na siya?"

"Alen 'don ang gusto mong sagutin ko una?"

"Kahit ano."

Iniisa-isa ni Nick ang mga detalye. Ang namesung eh Paulo. Working as a computer programmer. Nagkakilala sila sa jinternet. Nag-eyeball sila. Nagka-enlababuhan. They've been going out for a month. Sweet daw, generous and he's 32 years old.

Tarush ng shofatembang kez da 'vah. Powerful. Marunong maghanap ng perfect jowaers . . .

TEKA. TEKA. TEKA . . . . . . . . .

Biglang napashoyo akez sa kinajujupuan kez evur.

"Are you out of your freaking mind?"

Tameme lang si Nick.

"THIRTY-TWO YEARS OLD!!!!!!!"

Parang wala lang kay Nick. Samantalang sa sobrang pagkalukresia kasilag kez eh keri ko nang magpatali sa likod ng isang smoke-belching ordinary bus at magpakaladkad all the way to Malinta.

Witchelles niya magetching ang point. Tinanong pa niya kung what's wrong with it?

Katulad ng chinika kez kanina, normal gays would roll their eyeballs and scream to the top of their lungs sa mga ganitong eksena . . . . exactly, yun ang ginawa ko.

"Nineteen ka. Thirty-two siya. He's 15 years older than you."

"Actually, 13."

"Okay 13!"

"So?"

"So?!?!?!?!?!?!?! Okay ka lang?"

"Ako. Okay. Ikaw, mukhang di ka okay."

"Siyempre."

"Kuya, kaya simula pa lang, ayaw ko nang pag-usapan to. Dahil alam ko na ganyan ang magiging reaksyon mo. Pero wala akong pakealam, okay?"

Ginetching niya ang mga gamit niya at umisquierda. Iniwan akez na windang to the maximum level.

I created a monster.

I need EEEEEEEEEEEDVIL.

*

Habang mega buysung ng moraytang fruits and vegies sa Market Market.

BERNZ: I think merong sugar daddy ang kapatid ko.

CLAUDE: (super laftir) So? What makes you so enraged? Aminin mo, once in your gay life, nagka-sugar-daddy ka din naman. Aminin mo? We all had one. It's a part of the gay life cycle so that we will grow as a matured, well-respected and dignified faggots. A sugar daddy gives you money, gives you love, gives you everything, teaches you everything that you need to know, on and off bed. I can remember mine, I was 16 and he was . . . . 45? Yeah, 45. So, kuya, be happy for your brother. Damn! You should even be proud of him! At least at 19 . . . . . not too late.

*

Habang pawisang-pawisan sa ibabaw ng treadmill ng Slimmer's World Pasay Road.

BERNZ: I think merong sugar daddy ang kapatid ko.

RICA: Gaano naman ito ka-rich? Hmmmmmmm. Kung you're going to ask me. Wag kang ma-concern. Let your brother experience life to the gayest. Look at the bright side, meron kang brother-in-law, who's older than you and richer than you, ano pa ang hahanapin mo. At least meron ka nang ka-share sa mga gastusin. And besides, malay mo, you'll learn something from it and you can apply it once you become a sugar daddy yourself.

*

Habang coffee break at ina-abu-sayaf ang office phone.

BERNZ: I think merong sugar daddy ang kapatid ko.

FRANCHESKA: Siya ren meron?!

*

Habang namimili ng bagong ilong . . .

BERNZ: I think merong sugar daddy ang kapatid ko.

JESSICA: I never knew that you had a sister. Do you think this is a better nose compared to that one over there?

*
I think from this moment on, I'll have a strict diet. No carbs, no fats and especially no SUGAR!!!!!

Thursday, January 19, 2006

AS WORSE AS IT GETS

"I can't believe that actually happened," bakas sa fezlack ni Claude ang shock as if na super shocker talaga ang chinika kez.

"Why naman? Kahit papaano may asim pa rin naman ako," talak ko naman habang mega-sight sa dalawang cutie na menchus na naglalampuchingan sa likuran niya.

"Hindi yun yon eh. Number 1, you did it in a moving bus and number 2, you let some guy suck you off instead of you doing it," learn kong witchelles din sa 'ken naka-sight si Claude. Meron siyang pinagtutuunan ng pansin somewhere out there.

"Oh well, I couldn't help it. It was just a spur of the moment. And besides, he was the one who pulled out my junjun and went down. Anyway, it felt good. You should know it." At that moment eh bet kong ma-learn kung anik ang goodness na mafi-felt kez kung mate-taste-test kez kahit sinuman sa dalawang pamenthol.

"Yeah, I know 'coz I'm a top and the last time I've checked, you were a bottom."

"So? No one's perfect and besides according to my research, tops and bottoms are only labels used when fucking is involved, now when there is none, it is non-existent. So, I'm still a bottom," at kung TOP man silang dalawa, I wouldn't mind being a bottom forever.

"Speaking of bottoms . . . . . "

Umabot na sa fatalistic ang level ng pang-aaura ni Claude. Napasighteous naman akez sa the chosen one. 6'2. Shaved ang hair. Matangos ang ilong. Mapanga. Good body and good butt, I might add, na halos humihilagpos sa tight-fitting uber-low rise jeans. Blue eyes. Claude's typical bottom.

And then, super-ikmyle akez sa kanya.

Nang ma-spottan niya ang beauty kez eh mega-ikmyle din siya.

Biglang humarap sa 'ken si Claude sabay irap at lipsynch ng salitang "BITCH".

"Andrew!!!!!" talak ko habang papalapet ang menchus.

"Hoi. Sorry Ai wus layt," talak naman ni Andrew with a heavy Aussie accent.

"Nonsense. You're fashionable."

Parang biglang sinilihan naman ang juwetrax ni Claude at nag-ubo-ubuhan.

"Andrew, by the way, this is my friend, Claude. Claude, my director for Barney's, Andrew."

"Nice to meet you. It's so nice to see new faces," chika ni Claude habang mega-shake hands with matching pisil-pisil on the loose.

"Saym hir, mayt."

Sa kabila nang malalamig na ihip ng hangin dahil heto na ang Disyembre eh isang super-jinit na gabe na naman 'yon. Last weekend na yonchie ng aking mga Aussie counterparts sa isang show ng isang baklang dinosaur na super-kinababaliwan ng mga kyotabelles. Kaya, nag-decide akez na hainan ng native na putahe ang mga forayners. Baka naman kasi ichika nilang walang kahospi-hospitality ang mga Pinoy . . . . especially mga baklang Pinoy.

At kung laman at laman din naman ang pag-uusapan eh saanchinabelles ka pa makakasighteous ng mas plentibelles na lamang nakahain na, tuturo ka lang at papak na, kundi sa . . . . jajajajanjaraaaan . . . . . . MALARS!!!!

Super nomu muna kame sa Komiks habang nagpapatama at mega-cruising sa mga baklita at pamhintang dumadaan, lumalabas at pumapasok ng BED. In fairnes, ang tagal ko rin naging absent sa ganitong ruta at sa bawat atak kez sa lugar na itechiwa eh more and more kez na nafi-felt na tuma-thundercats na akez or . . . .

"They're getting younger and younger by the week," chika ni Claude sa 'ken at kay Andrew.

Iba talaga si Claude. Witchelles man lang niyang naisip na thundercats na kame.

Super-chikahan lang si Claude at si Andrew. Sa truelili lang eh witchelles ko masyadong felt makipagchikahan kay Andrew, witchelles naman dahil chaka siya or anything ha, super hottest nga siya eh but then, most of the time, eh witchelles ko naiintindihan yung chinichika niya with that HEYVIE UKSENT. Kung minsan nga eh yeys na lang akez ng yeys or kaya laftir na lang ang sagot kez even though witchelles ko talaga learn kung nag-j-joke ba ang pamhinchus or not.

Matapos ang tigatlong bote ng berangju eh direcho na kami pajosok sa newly-renovated BED. It's my first time at pag-enter kez eh nalowka naman daw akez. It’s fucking HUGE. Pero still, it is as crowded as ever.

Direcho akez sa bar to get some drinks at jiniwan ko muna si Claude and Andrew sa may gitna ng dancefloor staring at some guys sa mga ledge. When I got back, both of them are oggling at this topless guy . . . . in fairness, panalo ang abs. Ginivesung kez ang beer ni Andrew and Claude.

"Hiz byutifow," sigaw ni Andrew sa 'ken pero witchelles ko na-understand ever.

"Sorry . . . "

"Uy sayd, hiz byutifow," chika niya anuder.

"Oh yes. It's huge," akala kez naman yung chinika niya eh happy sa BED, yun pala.

"Uy wus refereng tow the gooy . . . . "

"Ahhh. Yeah," yung menchus pala . . . . . . "Anyway, I can still say that it's HUGE."

Pinagmasdan ko na ren tuloy ang topless na menchus sa ibabaw ng ledge, pawisan at parang napoposess.

Chika ni Claude na mukha daw pamilyar yung menchus na yonchienabelles.

Witchelles naman akez naloka. Chika ko sa kanya, halos lahat naman ng utawsingbelles doonchienabelles eh pamilyar sa kanya, dahil once upon a time eh halos everybody eh naka-dookit na niya.

Pero, according to Claude, not that guy.

So, super-wonderwoman naman akez. In fairnezz, super family nga until . . . . .

"VICKY!!!!!!", may umorwag doonchi sa mega-dance na menchus at ginivesungan ng drinkaloo.

Oh my fucking gawd . . . . . .

It's (itago natin siya sa pangalang) VICKY WET.

Tumbling si Claude 'nung chinika ko sa kanya.

"I never thought that he was gay."

So did I.

Chinika ko naman kay Andrew ang latest chismis na that guy that he's looking at eh isa sa mga top local models.

Anyway, dance galore lang kame hanggang napagod si Vicky at bumaba sa ledge. Dumaan siya sa harapan namen at tinapik ko ang mamasa-masa niyang balikat.

"Vicky!"

Humarap siya sa 'ken. Witchelles nag-spluk. Nagpakilala naman akez agad. Baka naman jisipin niya na kinakarera ko siya.

"Bernard. Remember?"

Clueless pa ren siya.

"From MTV, you know?"

Witchelles ko sure kung naalala ba niya talaga akez or super-pretend na lang siya nang maka-isquierda na.

Anyway, talak agad akez, "I never thought you are . . . ."

"Gay?"

"Yeah. It's so . . ."

"I'm not."

At isquierda na siya completely.

"He's such an asshole," talak ko kay Claude.

"He has a right to turn you down, you know. It's so unfair to call him an asshole."

"Haller. Hindi ko siya kinarir ha. Can you believe it? He's here. Dancing his guts out. God knows how much *toooooot* paid him to take his clothes off for that commercial and that billboard in EDSA. But he’s here, dancing topless. And mind you, sabi niya, he's not gay."

"What's new, Bernz?"

Deadma na nga. Wala naman akong ma-aachieve kung bading nga man talaga or not si Vicky Wet. Pero sana naman, he could admit it. I mean he's a good model, I mean, a good-looking model and he's one of the highest paid. Oh . . . . I guess that’s the reason why.

Okay. He's not gay.

Super dance si Andrew and si Claude at dahil para akong dwende sa dalawang nagtatangkarang mga badinggerzie eh umisquierda muna akez para ma-experience naman ang kadakilaan ng BED.

Witchelles ko sure kung anechiwa ang hinahanap kez, pero sight pa ren akez ng sight.

One guy looked at me, nasa isang sulok lang siya alone. Ohhhh. Too young.

Then, haves na naman ng another na nakipagkiskisan sa 'ken. Too old.

Somebody, danced with me. Too flamboyant.

Then, a fourth guy came up to me, and whispered something in my ear. That something, witchelles ko na betsiva na ibera pa ditemch. Nakakatiwang. Too horny.

While I'm there, standing, staring at a pool of assorted guys representing every color of the rainbow. Parang feeling kez, eh I'm back to my old self. Naka-prey mode na naman akez. Pero ang tanong ng bayan, "Ano nga ba talaga ang hinahanap ko?"

"Are you looking for me?" biglang entrada nang bulong na iyon mula sa likod ko. Malalim ang boses, soooo manly. Tumayo pa lahat ng balahibo sa katawan ko with matching kilig-kilig.

At pagharap ko . . . .

"SHIT KA! RICA!" muntik ko nang mahulog ang botelya ng berangjung hawak-hawak ko.

"Why? Are you expecting someone else?", talak ni Rica habang laftir to death.

I just made a face at napansin kez na kajoint-forces ng baklang Rica si Lucas. Binati ko si Lucas. Akala kez na witchelles na aatak ang bakla since forty-years na waiting-in-vain kame sa Komiks. Talak naman ni Rica, sinamahan lang daw kasi niya si Lucas. Nag-dinner daw sila with Lucas' family. Fabulous naman ng eksena, may-I-meet-the-parents na ang labanan. Laftir lang si Rica sa idea pero learn kong deep inside eh parang kinukurot ang tinggil ni bakla sa kilig.

Ipapakilala ko sana si Rica and Lucas kay Andrew but then, pag-atak naman sa pwesto eh si Claude lang ang andon. Witchelles din naman nya learn kung saanchinabelles umataksiva ang affam. Na-concern naman daw akez bigla but then talak ni Claude, malake na si Andrew, kung nakarating nga siya Pilipinas ng buo, malamang makakalabas siya ng BED ng buo at satisfied.

"Hello faggots!!!"

Nawindang naman daw kaming lahat sa bati ng isang pamilyar na boses.

Si Jessica.

He was definitely in a BED attire. And BED attire is almost no attire at all. Minus the Italian shirts, designer jeans and killer shoes, Jessica is definitely a hottie in his "pambahay" maong (as he calls it, which is still a vintage Levi's) and his "pangarag" rubber shoes.

Nagbatian si Rica and Jessica at super introduce ang jowa at nag-smearan lang sila ni Claude. This is definitely a Battle of the Bitches.

For the past few weeks eh naririndi na ang tenga kez sa kabilaang atake nila sa isa't isa:

"Money can buy anything," press release ni Jessica one time na super laklak kame ng kape sa Seattle's Best sa Greenbelt.

*

"Sabihen mo sa kanya, kung hindi pa siya nakatuntong ng New York eh hindi niya malalaman ang depinisyon ng salitang kultura", umaatikabong batikos naman ni Claude patungkol kay ilong ranger habang super nomu ng raspberry frap sa Starbucks, G4.

*

"Bernz, I want him," chika ni Jessica habang iniistima ang paglatok niya ng Vodka Sprite minsang nasa Manila DJs Club kame.

Isang Motorolla event ang nagaganap 'non.

The whole night eh parang sinisilihan ang juwet ni Jessica sa tuwing nasa-sight si Miki . . . . yung fly-in model from Norway.

Feeling ko naman super bugaw akez that night. E di chinika kez ang modil na di man lang maka-ispluk ng diretsong ingles. Anyway, kung masa-sight nyo siya eh super biao naman kasi talaga ever . . . . ang fezlack niya eh parang sadyang inukit ng mga bathala para luhuran at sambahin ng mg bakla. No wonder at sobrang watir-watir na si Jessica . . . feeling ko eh bahang-baha na ang imaginary bahay bata ni puta.

Finally, eh na-introduce ko ren ang Norweigan guy sa isang "feeling" New Yorker.

Ending eh the whole night eh super binakuranan na ni Jessica si Miki at por dios, por santo, santisima trinidad ang de-putang menchus naman eh super enjoy to the maximum level sa company ni Jessica.

Aba! Aba! Aba!

So, nakahaves ng instant date si Jessica. Modil pa!

"Sabihen mo sa Claude na yan. Wag nyang kuwestyunin ang Powers ko!!! Lumuhod kamo siya sa harapan ko at halikan ang mga paa ko."

*

The next day, may booking si Claude. Actually isa yun sa mga clients niya, na-impress sa kanya. Na-betan siya at nagdate sila. Well, nag-dookit-date. Nagchaperon ako sa date . . . pero hanggang dun lang . . . . sa dookit nega na.

"Sabihen mo kanya (Jessica) kumain kamo siya ng bubog . . . . tsaka sabihen mo ren na paminsan-minsan naman eh gumamit siya ng foundation that actually matches his skin . . . "

*

"I define glamour!" talak ni Jessica habang sinusukat ang bagong D&G na shirt.

*

"He may wrap his body with expensive cothes . . . Nobody fucking cares. Because when he takes off all those shit . . . mas mukha pa ren siyang ikwater sa 'ken."

*

"He's just envious of me. He's an intellectual bastard who's stuck at the bottom of the corporate ladder."

*

"Hoy! Hindi ko kamo kina-iinggitan ang pera niya. Yung mga lalake niya, kung hindi pa niya papakitaan ng makapal na wallet, e hindi naman siya papansinin. And tell him ha, I'm not in the bottom of the corporate ladder, I have an office with a view and a secretary."

*

Hanggang sa napagod na kong maging talking telegram.

*

Back to BED.

Nakidance na ren sa 'men si Jessica, though plenty pa ren ang umaaligid-aligid sa kanya at pinipilita corales siyang ilayo para masolo. I'm sure, he's enjoying every bit of attention that he's getting.

"I never thought that they allow bitches here," bulong ni Claude sa 'ken habang pinagmamasdan naming sina-sandwich si Jessica ng dalawang hottie na guys.

Sabat naman si Rica, "If they're not, then you should've not gained entry."

"Okay. Ipagtanggol mo ang FRIEND mo."

"When did you start taking offense, Claude. That Prince guy is really making you into something."

Wa na lang kuda si Claude sa mga talak ni Rica. Pero felt na felt kez na napipika na si bakla. In fairness, truelili naman ng slight ang chinichika ni Rica. For the past few weeks eh we noticed a lot of changes kay Claude rather he's changing into his old self. He started to go out. He started f*cking again.

Is this really happening?

Until . . . . . . . .

Ginetching ni Claude ang yosi kez, nagshonggal ng t-shirt at humiwalay sa 'men, wala pang ilang segundo eh para na siyang leche flan na pinuputakti ng mga langgam. THE BITCH IS BACK.

*

The thumpa-thumpa was getting harder and wilder. I'm on my third beer. Still, wala pa ring makarir.

Sa bandang kaliwa ko eh basang-basa na si Claude super dance pa ren. First time ko siyang nasightchinabelles na ganitech since namayapa ang ex-jowa niya.

Sa bandang kanan ko naman eh si Jessica, na parang dyos-dyosan na bumaba sa Olympus na sinasamba ng mga kapamintollahan.

At sa tabi ko eh si Rica at si Lucas na parang nasa JS Prom.

At akez ang dakilang observer with no one but me and myself.

Nakakapagoda tragedy din pala ang mangusyoso kaya umisquierda na muna akez to get some breath of fresh air.

Pagtuntong kez sa second floor eh shinorwag akez ni Andrew. Nasa bar siya, super drinkaloo with . . . . . .

VICKY WET.

Tumbling na naman akez.

Inontroduce akez ni Andrew kay VICKY as his closest friend in Manila and lo and behold ang de-putang Viky wet eh suddenly naging super friendly sa 'ken at naalala akez bigla na somebody he worked with sa isang event.

Sobrang kaplastikan ang na-felt kez na parang may naaamoy akong sunog na gulong kaya nag-excuse din akez at lumabas.

Umupo uli akez sa Komiks at umorder ng another berangju. Mas happy siguro kung lunurin kez na lang ang sarili kez sa alkohol ever nang mamanhid ang lahat ng parte ng katawan kez.

"Bernz!!!"

May tumawag saketchiwa. Akala ko naman kung sino na. Si Prince lang pala.

Si PRINCE!!!!!!

Super askaloo siya saketchiwa kung kajoint-forces kez ba si Claude. But of course, pero ang malaking tanong eh anechiwa naman ang ginagawa niya 'don.

Witchelles daw inaanswer ni Claude ang mga text niya pati na ren ang mga call ever.

But of course (another), super bisi-bisihan kaya siya sa loob.

Pinaupo ko muna si Prince at chinika ko na magberangju muna siya.

"I'm just worried," chika ni Prince. Obvious naman sa hitsura niya. Parang isa siyang desperate housewife sa Wysteria Lane.

Chika ko naman na witchelles niyang kelangang mag-worry. Si Claude 'yon. Maski patirahin mo siya sa Basilan ng isang buwan eh makakasurvive at makakasurvive si bakla.

Hanggang sa nagkaroon akez ng guts na itanong kung MAHAL ba niya talaga si Claude.

Talak niya, "Would I be here if I don't?"

Sabeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee.

I guess, he really is in-love. Pero ang tanong ng bayan, MAHAL kaya siya ni Claude?

"I hope na wala kang masyadong expectations kay Claude. Alam ko, you are a good person. At hindi ako nagda-doubt na you really love him. That's why, mahirap na pag nasaktan ka. Claude and I were friends since god knows when. Sobrang nice niya, though maraming hindi mag-aagree, pero when it comes to emotional things. Marami ka pang dapat kelangang ma-discover."

Walang reaksyon si Prince. Na-realize kez na parang harshness ang chuva kez. Pero better na siguro kung ma-learn niya talaga ang eksena para witchelles naman masyadong hopelessly-devoted-to-you ang drama niya.

Katulad nang nabanggit ko, for the past few months, eh nawala sa sarili si Claude dahil sa series of unfortunate circumstances. But as of the moment, nasi-sense ko na he is coming back to life. In a way, malaking factor ang pagsulpot ni Prince sa life ni Claude. Siguro, he pulled Claude back to reality and once again, na-feel ni Claude na wanted pa pala siya, na after the tragedy he experienced with his most recent lover (sumalangit nawa), eh keri pa pala siyang mabuhay. Para siyang nabuhay uli, doing the things he used to do and enjoying it to the fullest and that means not settling into a serious relationship. ENJOYMENT para kay Claude is "something that does not involve the word relationship."

Bigla na lang tumayo si Prince at jumosok sa BED.

Sa loob-loob ko naman, "Okay!!!! See for youself."

The night is getting more complicated than I have imagined.

Nagulat na lang akez nang biglang sumulpot si Rica sa harapan kez, humangos na parang hinahabol ng sampung kabayo.

"You'll never guess what's happening inside," talak niya na super hingality of culture.

"Uhmmm. May bilat na nag-o-all-the-way?"

Hinila na lang akez ni Rica pajosok sa BED at pagsighteousbelles kez sa ledge . . . . . . . suddenly the word "complicated" turned out to be a mere understatement.

JESSICA and CLAUDE were dancing together in a way that my imagination would have self-destructed by just merely thinking of it. And I don't even want to describe it, otherwise, my "what-used-to-be" dinner will be all over the keyboard.

"Siguro, that's the reason why they are so galet sa isa't isa," bulong sa 'ken ni Rica habang sabay naming pinandidirihan ang nasa-sight namen.

Witchelles kez alam ang rason ever pero isa lang ang jumosok sa jisip kez. CLAUDE IS TRYING TO PROVE SOMETHING TO US.

Witchelles pa napo-postcard ang showdown ni Claude and Jessica eh na-sight kez na dumaan sa harapan kez si Prince. Witchelles siya nagpapigil. Jinisip ko muna kung may-I-follow-the-leader akez pero bumalek siya. Na-realize niyang witchelles pwedeng lumabas sa entrance so akyat siya sa second floor. I have no choice, being the uber-friendly-concerned badinggerzie that I am, follow-the-leader na akez hanggang makaabot kame sa fishbolan sa kanto ng Nakpil at Orosa.

Parang witchelles makapaniwala si Prince sa nasightchinabelles niya or rather parang ine-effort niyang burahin sa jisip niya ang mga naging eksena. Whatever it is . . . . . ngarageddy anne and andy ang beauty ng lola ko.

Witchelles ko ren learn kung anechiwa ang ibebera kez. Harsh naman siguro kung tumalak akez ng "I told you so" da' vah?

So, shuhimek na lang akez hanggang bumalek sa sariling katinuan si Prince.

Talak sa 'ken ni Prince with teary-eyes na kinekeri niyang baguhin si Claude and everything. Learn na learn niya ang background ni Claude. Ang buong life story niya. Pero, noseline daw niya na somewhere inside Claude eh isang taong mega-care din sa kanya. Or at some point slight enlababo na ren. Wai namang masama sa mangarap ever.

"I thought he'd change," naalala ko pang talak ni Prince.
*

Sabi nila na "the most permanent thing in the world is change." Lahat daw eh one way or the other eh magbabago at magbabago anuman ang mangyari. Pero sa mga naexperience at na-sight ko for the past few months, witchelles lang sa 'ken kundi pati na ren sa mga utawsingbelles sa paligid ko, I thought we were moving to another direction. I thought change is already taking place.

'Nung nakilala ko si Varsity Captain akala kez eh isusulat kez na ang bagong chapter ng lyf ever kez.

'Nung hiniwalayan ni Rica si Lucas eh akala kez na magsisimula nang mag-ingat si Rica sa mga jojowain niya.

'Nung nawala si Marco kay Claude, akala ko magkakaroon siya ng bagong point-of-view sa mga bagay-bagay.

Lahat pala yun eh commercial lang.

'Nung gabing yon sa Malate. Na-felt kez na parang we're back where we started.

Siguro nga, as worse as it gets, some things are not meant to change at all.

Thursday, December 08, 2005

WHO'S THE SUPAHSTAR????

Almost three days na akey hey hey hey na waing borlog. Super-rush for the MTV SUPAHSTAR event.

The day of the event, morning pa lang eh ginulantang na akez ng sangkatutak na shorwag from my co-workers, including Ursula. By 10 am raw eh kelangan na naming umatak sa location ng event, Embajada. Sa loob-loob ko eh hanu naman ang eeksanahan ko sa Embajada ng ganong kaaga da 'vah, kung witchelles ba naman luka-luka itung mga itu? Parang bet kong italak sa kanila na . . . . . Haller . . . tao din naman ako . . . may puso at kaluluwa . . . . napapagod din!!!!

Hanu naman ang gagawin ko 'don? Ako ang mag-iingress at magmamartilyo, samantalang call na 'yon ng logistics da 'vah?

But then, kelangan eh, akez ang production manager . . . . so armado lang akez ng isang triple grande latte at isang uber-daks na shaidaloo to cover ang witchelles na matawaran kong eyebags na pati ang sangkatutak na concealer eh hindi umepek.

Pag-attack kez 'don eh direcho muna akey hey hey sa opis ng MTV, since magshopetbalay lang naman sila ng Embassy . . . . . pero ang MTV people eh wa pang appearance galore.

Attak na ng Embassy, where may mga ingress at set-up nang nagaganap, with all those topless at pawis-pawis na guys na parang mako-kyosim na ang mga singer. Ang eksena lang naman eh, stage at rampa.

Keri na nila yon.

Super-inspect lang akez sa controversial na VIP room ng Embajada, which is gagawing DRESSING ROOM ng mga model-contestants unyabelles.

Keri.

Inaya kez ang isa naming production staff na shumorkas at nang makapag-breakfast naman. Ang nakakaloka lang sa area na yon ng FORT eh puro GOURMET restaurants ang nasa-sight ko. Shuntangenang yan!

But then, buti na lang at naka-sight kami ng GONUTS sa isang sulok ng area na yon. Affordable.

After lafuk eh back to VIP room ng Embajada. Super higaers sa sofa sa dilemma na part.

BORLOG.

Itu ang isang major talent na kelangang ma-learn ng isang utaw na super-workikay sa mga production galore. Ang makering makaborlog, anywhere, and to take advantage of every opportunity.

May isang oras din akez nakaborlog. Ms. Talent da 'vah? Kering-keri na yon. Pagkagising ko eh magla-lunch time na.

So, kelangan namang shorwagan ang in-charge sa food-flow at ipamadali na ang mga McDonald's or Jollibbee na ipapalafus sa mga menchus.

At after almost five more hours, eh nashorpors din ang pukpukan, pinturahan portion, pakuan portion, martilyuhan portion and avratheng. Na-kumpleto din ang set, lights and sound system.

That time eh nagdadatingan na ren ang ibang part ng production team. At take note ha, lahat sila eh FRESH.

So, run through lang ng script, tapos super-block ang mga contestant models, then kelangan ko nang i-waitsiva ang mga hosts ng show, si KC Montero and si Cindy Curletto.

Pero bago ang lahat eh kelangan ko munang sumegway aver. Witchelles naman yatang kering ngaraggedy anne ang beauty kez sa isang SUPAHSTAR event.

Buti na lang eh dun lang din sa The Fort nakatira si Rica, segway na naman akez na parang multo na kelangan hindi ma-felt ang presence at absence; naki-legis at nakibihis talaga akez sa balaysung ng baklang Rica.

Back to Embajada, dilemma is on the loose.

Super hanap daw sa 'ken si direk at andon, present tense na si KC and Cindy at kelangan ng i-brief. Ang chika ko naman eh all-along andun lang akez. Witchelles ba nila akez napansin ara?

Deadma.

Chikahan with Cindy and Papa KC. At first eh wa epek naman sa 'ken si Papa KC, maongkad, mashuti, with all that bad boy image . . . . at witchelles pinansin ang skrip ko ha. Parang mas bet ko pa tuloy ang younger bruderrete niyang si Colby na unang sigtheousbelles kez pa lang eh nagwatir-watir na ang bahay-bata kez.

Pero si KC Montero pala eh parang bagoong alamang . . . . . habang tumatagal eh kumokyorapsa. Happy-happy naman siguro ang lola Geneva ko ditey sa umbao na itey hey hey hey.

Hayun na nga, show proper na . . . . so mejo relaxation portion na. Nasa gilid lang akez ng entablado more assist kay Papa KC.

Mejo star studded ang event. Present si Robbie Carmona, andon din si Derek Ramsey na witchelles ko man lang na-sense, si Geneva, siyempre, in all support . . . . andun din ang lola Vina Morales ko with her fabulous kimono-inspired, silk top . . . at plunging kung plunging itu . . . nahiya naman akez biglang mag-proclaim na babae akez 'nung napatingin akez sa plunging neckline ni Vina. Present din ang some other models and stars.

By the way, one of the contestants nga pala eh si Belinda Bright. In fairness, flolessa pa ren ang lola nating itu . . . at ang . . . . . . . boobey ng ate ko . . . . daks . . . . kakaloka . . . witchelles naman sa natotomboy akez or anything ha . . . . but then . . . . na-amaze lang akez sa boobey ni bakla . . . na sa tuwing nakikita kez eh parang nangingilo akez at the same time eh nanghihina . .

Hayun lang naman ang waterloo ng mga veklores eh . . . . kung kay superman eh ang kryptonite . . . . magpasight ka ng dakilyn jose na boobaloo sa isang badinggerzie . . . eh siguradong iikot ang paningin nito . . . manghihina ang tuhod . . . . at pag tumagal-tagal eh . . . may-I-faint na ang drama.

In the middle of the show, habang rumoronda-ronda akez eh na-sight kong may mega kaway sa 'ken on the other side.

Si lola Rica, na kahit kailan eh witchelles nagpapahuli sa eksena . . . . at ang kajoint-forces niya . . . ay walang iba . . . . kundi ang baklang dumunyu . . . . Jessica.

Naka-dress to kill na naman ang Jessica na parang gustong humabol sa contest with his Gucci Belt na pwedeng isampal sa fezlack mo, pero magiging proud ka pa at matatatakan ng daks na "G" ang fez mey hey hey hey.

Witchelles naman sa nanghuhusga akey hey hey sa kapwa kong bakla but then. Iba talaga ang vibes nitung si Jessica. Meron siyang Attention Deficiency Hyperactive Syndrome, meron pa siyang Spotlight Syndrome, megalomaniac pa si bakla, paranoid . . . . basta super nega siya. Wish ko na lang eh madagdag ang Parkinsons sa listahan . . . Echozzzz. Anyway, tinatry ko pa rin naman na maging friendiva kame kasi naman super friendiva niya si Rica. Halos magkababata sila and they went to the same school hanggang maging mga kolehiyala sila.

Super beso kame ni Rica at simangol naman ang sinalubong sa 'ken ng tarambukol na New Yorker.

"Do we need to be foreigners to be served well here?", chika ni bakla na parang sinampalukang galunggong.

"Why what’s the problem?" oblivious naman akez sa eksena.

"Well, we've ordered for drinks and I'm already counting eons, the drinks are still not here.”

"Sorry. Kasi, andaming tao. Follow-up ko na lang sa manager." Da 'vah? Anu namang pakealam ko sa pagse-serve ng drinks eh samantalang show lang ang dapat na pinapakealamanan ko, pero dahil friendiva siya ng friendiva ko eh I’m making extra efforts.

Bet ko lang asarin si bakla, chika ko, "You know what? Why don't I get you GSM Blue!?"

"What's that?"

In-explain ko sa kanya na itu ay Gin . . . BILOG!!!! Naloka si bakla . . . . . nag-ballistic sa suggestion ko. Sabi ba naman, hindi daw keri na masayaran ang lalamunan niya ng mumurahing alak. Nag-sorry na lang akez, but deep inside eh laftir akez ng laftir sa thought.

Dumating na ang waiter with their drinks.

"Do we need to be foreigners to be served well here?" chika na naman ni Jessica na parang sinaulo lang ang linya. "Mind you, I can speak four languages, excluding Ilocano and Waray."

Nagulantang ang mundo ko sa last statement. Witchelles ko learn kung magpapalit ba ako ng mukha o tatambling at babalek na lang sa sinapupunan ng ina ko. Hanu naman ang fukealam ng waiter kung marunong siyang umispluk ng kung anik-anik na lenggwahe da 'vah?

Pati ang waiter eh speechless sa narinig niya sa baklang Finnochio.

At witchelles pa doon natatapos ang eksena, meron pa siyang sundot na: "Nakita mo na ba ang lalagyanan ko ng salapi?"

At that point eh witchelles ko na kinaya ang mga talak . . . .nag-excuse na 'ko at bahala na sila sa buhay nila.

Napostcard din ang show, sa wakas, ng walang ka-effort-effort.

Lumapit ako kay KC and Cindy to get their cue cards and to congratulate them for a job well done. Nag-thank-you din naman sila sa 'ken for being the friendliest and most accommodating production manager they ever worked with. Ohhhh! Title ako da 'vah? Pa'no ba naman akez witchelles magiging friendliest at most accommodating eh witchelles ko hinahayaang mawalang ng beranggju at tequila sa gilid ng entablado.

At ang talak ni Papa KC sa 'ken, "You have nice shoulders . . . ."

Aba! Aba! Aba! Naman da 'vah?

Witchelles naman siguro enough yon para magkaroon akez ng hydrocephalus at para lumobo ang ulo kez but then, I totally appreciated the comment. My gawd! How many times in your life will you encounter a KC Montero and compliment a part of your body, even if it is just the . . . . shoulders?

Anyway, para lang witchelles kayo mahiwagaan kung paano nakita ni KC ang shoulders ko eh simple lang naman, I'm wearing a shirt, courtesy of ESPRIT, then, it has a diagonal zipper from the collar bone to the right above kili-kili portion so that when you unzip it . . . . viola!!!!! Your shoulder is exposed. And I never regretted exposing my shoulder that evening.

Kung mejo makapal-kapal lang sana ang fezlack kez eh shinulak ko kay KC na . . . . "You've just seen the shoulder . . . . . you havent seen the rest of me . . ." Hahhahah . . . . . kung hindi ba naman ako super kape na 'non da 'vah? Atsaka, eynimomentz . . . . I do this . . . I do that . . . and BOOM! My nose is a BLEED!!!! Ayaw ko naman yatang dumanak ang dugo ko sa fabulous 3 inch-thick glass floors ng VIP Room ng Embajada.

Nang mapostcard na ang lahat ng eksena, ang post-prod meeting na wai din namang na-achieve dahil super latukan portion na ng berangju ang everybody eh nagparamdam na si Claude para sunduin na akey hey hey hey.

Super-ask si Jessica kung bet ko bang sa kanya na lang akez sumabay with Rica in his Chedeng, with a chauffer, take note, with extra emphasis sa salitang Mercedez ha at Chauffer.

Chika ko naman, kay Claude na lang kasi he made time na sunduin ako. But deep inside, parang witchelles ko naman yata magkaroon ng utang na loob sa kanya at baka pagnagka-warlahan eh dahil sa mga utang na loob na itu eh magkaubusan na ng lahi.

Anyway, napansin ni Jessica ang 3210 na phone ni Claude. By the way, Claude has been using a 3210 phone ever since at witchelles niya itung bet palitan maski haves naman siya ng ukani na pangbuysung ng mas ezza na nyelpi. Witchelles lang siya sang-ayon sa fad ng makabagong komunikasyon.

Hiniram ni Jessica ang nyelpi from Claude at in-examine na parang ebidensyang napulot sa isang crime scene. Talak ni Jessica, "My goodness! I didn't know that somebody is still using this phone. You've got a dinosaur of a phone, ha" At sinauli niya itu kay Claude, with the diring-diring hawak na baka super afraid siyang matatak ang fingerprints niya sa teleponong iyun at parang ikakabawas ng dignidad niya pag may nakadiscover ng fingerprints niya sa isang 3210.

By instinct eh sabay kame ni Rica na napa-sight kay Claude. Aaaaay! Warlahin na siguro ni Jessica kung sinetchie man ang bet niyang warlahin, wag lang si Claude. Ay mama mama mama yokero mama! Biglang namutla akez . . . . eynimomentzzzz . . . world war itu . . . . itu ang ubusan ng lahi pag nagkataon.

Buti na lang at witchelles nag-react ang lola Claudine ko. Ikmyle lang siya then inaya na niya akez to go.

'Nung nasa carumba na kame eh nasabi ni Claude na witchelles na lang siya nag-react, pero bet na bet na daw niyang lumpuhin si Jessica, but then out of respect na lang daw kay Rica and besides, matatanda naman na raw kami . . . . . witchelles naman na siguro karapat-dapat ang cat fights.

Napahinga akez ng malalim, pero na-sense kong, kung witchelles ko feel si Jessica . . . si Claude eh hindeng-hindi feel si Jessica.

Bago akez maborlog that evening eh napajisip akez.

What does it take to be a SUPAHSTAR?

As badinggerzies, most of us have this inherent urges to rise above others . . . to be stars. Kung minsan nga eh witchelles natin learn na nakakasakit or nakakakyopak na pala tayey ng ibang utawsingbelles para lang maka-advance to the next level . . . just reaching for that unreachable star, sabi nga ni Frank Sinatra. All these years eh nafelt ko ren na mahilig talagang magmiganju ang mga badinggerzie, whether it is for good or for bad, para lang magkaroon ng pangalan, or para lang magkaroon ng reputasyon . . . para lang magkaroon ng magandang image.

Parating meron tayong gustong patunayan . . . . sa ibang tao. Witchelles tayey nakukuntento sa kung ano ang meron tayo at sa kung ano ang kaya naten. There are always, castles being built in the air, there always are people running after their illusions, who can't seem to settle for what's at hand and what is feasible.

And sometimes, when we are already on a certain level, we forget to look back or look down from where we came from. Yes, sometimes, we look down, but we look down literally at those people, whom we think are below us.

Do those things make a SUPAHSTAR?

But in my own opinion, we are all SUPAHSTARS in our own right. We are just too preoccupied to notice it.

I am a SUPAHSTAR for being very good at my job, for being a brother, for being a good friend . . and for simply being me. (Let's not forget . . . for having nice shoulders!)

Rica is a SUPAHSTAR for being unafraid to take sides, for being outspoken, for being cheerful at all times.

Claude is a SUPAHSTAR for standing for what he believes in, even though he is standing alone, for being deviant, extraordinary, philosophical, practical and logical.

We don't need to have a STAR COMPLEX to be a SUPAHSTAR.

All of us are SUPAHSTARS!!!!

Monday, November 28, 2005

DEFINE WARLA

Habang super-channel surfing akez, isang SUNDAY, eh napahinto ang daliri kez sa pagpindot ever sa remotesive ng tivang kez sa isang channel na nagpapa-sight ng GAY PRIDE PARADE sa PTV 4. Nahappy naman akez sa eksena but then na-wrong akez bigla nang simula umispluk ang host.

Ang namesung ng show eh OUT OF TOWN, basta isang chakang travel show hosted by isang chakang menchus. Na-forget ko na yung name niya kasi walang glamour at hindi kaala-alala.

Anyway, ang featured city nung episode na 'yon eh TORONTO, CANADA.

Sabi ba naman ng chakang host:

"Halos taun-taon eh nagtitipon-tipon dito ang mga bading at tomboy para sa kanilang PRIDE MARCH. Ang hindi ko lang alam eh KUNG ANO BA TALAGA PINAGMAMALAKI nila at tawagin pang PRIDE MARCH ang event na toh."

Ayyyyy! Muntik ko nang ibato ang hawak-hawak kong bote ng coke 500 sa tivang kung witchelles ko lang napigilan ang sarili key hey hey hey!

At heto pa:

"Alam 'nyo bang may mga ilang siyudad dito sa Canada na legal na ang same-sex marriage. (Sabay laftir ang de-powta! Isang nakakalokang laftir) Kailan naman kaya magiging legal na ikasal ang tao sa aso?"

Luka-luka ano?

At ang ending eh:

"Hindi naman lahat ng ginawa ng Diyos eh PERPEKTO."

Aba'y anung ibig sabihin 'non? May perpekto at may hindi perpekto?? Parang ganito ang context eh: Hindi lahat ng ginawa ng Diyos eh NORMAL. Anu ang mga bading??? Hindi normal! Aba! Aba! Aba naman!!!!

May gawd! Nag-init lang ang dugo ko!!!!

Witchelles ko naman nang kelangang I-boycott ang Channel 4 dahil in the first place eh witchelles naman talaga akez nagwa-watch ng channel na yonchie.

I declare WARLA!

*

Witchelles pa nakakaadjust ang lungs ko sa harsh na hangin ng Maynila eh patung-patong na problema na ang ipinatong sa balikat ko ni Ursula.

Pag-sight kez sa kalendaryo ko eh fully-booked na agad ako starting from last 2 weeks of October hanggang second week of December. Shet na malagket!!! Last quarter na naman ng taon at nagpapakitang gilas na naman ang mga kliyente at may-I-produce here, may-I-produce there, may-I-produce everywhere ang drama nila.

Pa'no naman na ang mga dinner with friends ko? Pa'no naman na ang mga coffee contingents ko? Pa'no naman na ang mga veklores na nakikipagsession sa 'ken asking for advise and guidance!!!! (Taray da 'vah? Dra. Margarita Holmes, isdachu?!?!?!)

*

Unang production meeting for MTV SUPAHSTAR 2. Wala nang masyadong harshness dahil meron nang pattern na may-I-follow kami, yung show na ginawa nila sa Cebu and Davao. We've worked with MTV before for MTV PILIPINAS AWARDS 2004 at witchelles kong maibebera na ang MTV eh ang pinakamadaling kliyente sa balat ng lupa.

After ng production meeting, eh nag-treat ang director namen sa isang HETERO bar sa Tomas Morato dahil nga sa pagko-close ng MTV account na mejo daks nga naman. Pero parang no reason to celebrate dahil kangaragan naman ang kahulugan nitey hey hey hey!

On the way there, super text si Rica and ask kung saanchienabelles daw akey aatak, dahil kajointlackles nya ang baklang daot . . . . . si Jessica.

So, wala akez choice. Future client ko si Jessica so . . . . . go lang ng go. Patigasan na lang itey hey hey ng sikmura arabelles araboom araboomboombelles!!

Pag-arrive sa HETERO bar eh, andun na si Rica and Jessica. Well, I'm not very much in the party mood but then, nomu here, nomu there, nomu everywhere pa ren ang eksena! In no time, nge-nge bonel na ang mga veklores!

Jampacked na ang bar.

Akez and some other peeps eh nasa labas na lang for more fresh air.

Biglang nag-appear ang baklang daot na si Jessica, humahangos, warlang-warla.

Super ask kami kung ano ang eksena.

Chika ni bakla, may mga menchus daw sa loob na humahaggard sa kanya. Kasi, witchelles daw marunong mag-excuse ang mga menchus, kung makapang-bunggo daw eh kala mo mga wrestlers. All the time eh sadyang binubunggo at binubunggo siya.

Tinalakan naman ni Jessica, chika niya, "Magkano ba ang eduskasyon ngayon? Bibili ako, ibibigay ko sa inyo!!!"

At hayon, pinakyu raw siya 'nung isa sa mga menchus. At sabay lypsynch na, "B A K L A"

Laftir lang kami, chika namen hayaan na niya, iba lang talaga ang ruta kapag jollography na ang pinag-uusapan.

Pero talak naman si Rica, "Hay naku mamah! Will you make payag na ganun-ganun lang? Pinapakyu-pakyu ka na lang?!"

"Ano? Gusto mo balikan naten?" talak ni Jessica.

"Go!"

Deadma na lang ang others, including me . . . . ang mga bakla talaga . . . . kung hindi naghahanap ng menchus na hahadahin . . . . maghahanap ng menchus na babarubalin!!!!

After five minutes, nahearsung na lang namen na nagkakatilian na sa loob ng bar.

So, attack kami inside.

Pag-attack namin inside, na-sight namen na parang inispreyan ng insecticide ang mga utawsingbelles sa dancefloor at nawagtus at ang natira sa gitna eh apat na menchus na nakapalibot at pinagtutulungan ang isang . . . . . teka . . . teka . . . teka. . . .

SI JESSICA!!!!!

On the other side naman eh si Rica eh parang kolehiyalang pinipingot ang tinggil, super tili si bakla to the highest possible decibel, "JES!!! No!!!! Stop it!!!!!! Stop!!!! JES!!!!!"

Pero habang super pa-girl na mega-tili ang baklang Rica eh sumesegway siya sa paghahablot ng mga menchus by the shoulders na kumukuyog kay Jessica at pagbato sa kabilang side nang walang ka-effort-effort.

Pero go pa ren, mega punch sila kay Jessica pero katumbas ng sabay-sabay na sampung suntok nila eh ang katumbas eh isang suntok lang from Jessica eh tumarit na ang isang menchus . . . boom!!!! His nose is a BLEED!!!!

Hanggang sa nakapulot ng bote ng beranggju si Jessica at pinukpok sa ulo 'nung isang menchus . . . not once, not twice . . . not thrice . . . . . but one, two, three, four, five, six, seven, eight . . . hanggang witchelles nababasag ang botelya, at hanggang witchelles nauubos ang mga botelyang kering abutin.

And then, biglang nag-on na ang spotlight at ang houselights.

Naloka akez nang maliwanagan na ang avratheng.

All along ang jinijisip kez na kawawa naman si Jessica, pero pag-sight ko sa avratheng eh . . . shet! Kawawa naman ang mga menchus.

Hanggang sa inawat na sila.

Talak pa ren ng talak si Jessica, "O Ano?!?! Mga *****ina nyo! Sinu ngayon ang duguan sa 'ten!!!" IN fairness, parang dyamante si bakla . . walang kagalos-galos. Pero ang mga menchus . . . . ay nako!!!! Pwede nang magluto ng dinuguan!

After 'non eh presinto ang bagsak namen. Pero pinakawalan din kami dahil:

Number 1. Nairita ang pulisya dahil sa isang dosenang baklang tumatalak ng sabay-sabay in defense of Jessica, yung iba naman eh for the sake na makatalak lang.

May mga umeksenang, "This is a complete human rights offense against the homosexual people" . . . . with matching punchlines yan ha. Parang beaucon.

May mga rumaratrat nang rumaratrat ng katakot-takot na Ingles, na involve pa ang konstitusyon ng Pilipinas at pati na rin ang sistemang pampulitika ng bansa.

May mga umeksenang, "Kami naman ang biktima dito eh!!!"

At siyempre, may mga eksenang, "Officer, ang cute mo naman!"

At Number 2. Walang nag-appear na biktima, para magreklamo at magsampa ng kaso. Siyempre, sinung menchus ba naman ang may sikmurang aapear na bugbog sarado sa presinto at ituturo ang isang bakla at sasabihing . . . . "Siya po ang gumulpi sa 'ken!"?

VIOLENCE is never my thing. Pero proud ako kay Jessica. Witchelles naman sa pagiging basagulera or anything. But he appears to stand on what he believes to be right . . . even if he has to fight for it . . . . literally or otherwise.

Siguro nag-iiba na talaga ang imahen ng mga badinggerzie ngayon, no doubt naman da 'vah? Ang mga eksena naman daw talaga ng mga utawsingbelles eh ever evolving.

Baket may mga baklang super byorkot na lumabas sa kloseta at iproclaim sa sangkamunduhan na veklores sila? Isa sa mga rason eh bryokot silang pintasan, byorkot silang saktan physically and emotionally.

Nasanay na ang mga utawsingbelles sa 'ten na mambarubal ng bakla. Learnsiva kasi niletchie na keri lang na mambarubal ng bakla kasi naman ang mga bakla eh silent lang, ngiti lang and all that crap, witchelles lalaban kasi nga, malambot . . . . finess . . . . and avratheng.

Pero, hangga't witchelles siguro maninindigan ang mga veklores at lalaban against gay bashing eh magpapatuloy at magpapatuloy ang ganitong eksena.

Kaya I was enlightened in a way sa ginawa ni Jessica, even though na aminado akez sa sarili kez na never in my lifetime na makekeri kez ang ginawa niya. But yung fact lang na he fought back, I guess is something to be proud of.

But of course, violence is the last option.

Mas prefer kong, tumuwad na lang sa gitna nang matigil lang ang anumang kaguluhan! Echoz!

Monday, November 21, 2005

Shet! Shet! Shet!

I'm back to back to bakla na sa Manaylus. Wa ng fresh air. Wa ng mga utawsingbelles na mga uzi. Wa ng mga araw na keri mo lang maborlog nang maborlog, lumafus nang lumafus na waing pinoproblema. Wa na ang surreal feeling of living a happy life. In short, I'm back in the real world.

And the REAL world is NOT a GOOD world.

Habang super walkathon akez sa Ayala ng super morning glory, kasabay ang mga utawsingbelles na pajosok sa kani-kanilang opisina, nagmamadali para witchelles sila ma-late, eh nafelt kong I didn’t miss this at all . . . . . and of course, they didn't miss me at all.

Narealize kez na ang existence ng karamihan ng utawsingbelles sa paligid kez eh witchelles nakabase kung humihinga pa ba siletchie or kung tumitibok pa ang mga puso nila, rather, nakabase itu sa pang-araw-araw na routine. Gigising ng super early, fly para makipagsapalaran sa pagko-commute, kelangan witchelles male-late para waing markang tardy sa DTR. Jojosok, gagawin ang mga bagay na ginagawa araw-araw, magla-lunch-break, josok another, then juwelya sa balaysung, borlogistri ng maaga para maaga na namang magising the following day and so on and so forth ad infinitum.

Save me! I'm in the Matrix!!!!

Pagpasok kez sa office eh sinalubong na naman akez ng usual na panira ng araw kez . . . . . si Becky!

Chika siya, kung anez daw ba ang nangyari sa 'ken. Kung okay lang ba daw akez. Kung anez ang pinaggagagawa kez sa lyf ever kez at kung anez-anez pang ka-uzihan na witchelles kez na pinansin at witchelles kez na pinakinggan. For the past months eh na-master kez na ang the-art-of-eliminating-becky-in-the-material-world-routine. Iniimagine ko na lang na isa siyang ispiritung ligaw na naghahanap ng atensyon para masagip ang kaluluwa niya sa Purgatoryo.

Tatlong accounts ang nag-aabang sa table kez. Isang modelling search sponsored ng MTV at ng condoms, isang fashion show para sa isang skin and face clinic ng isang gym na wala nang maisip na matinong gaweng promo at isang national campaign para sa isang cable-satellite company para sa kung saang-saang lupalop ng Pilipinas kung saanchie eh witchelles pa naiimbento ang CABLE at ang learn lang ng kanilang mga telebisyon eh ang dalawang major channels.

Same old same old. Kelangan na namang mag-isip ng matinong concept, program at magsulat ng technical script para maging fabulous ang show at para bolahin ang lahat ng nanunuod.

Pagdating ng lunch break eh warla.

SHET number 1. I can't afford na lumafuk sa Greenbelt. I'm broke. Isang buwan na pagbabakasyon, pagliliwaliw at pagpapakasaya sa probinsiya at ang exchange gift naman nento eh pagpapakasakit sa siyudad. Pagbalik kez eh sinalubong akez ng sangkatutak na bill, kuryente, borbeg, apartamentus, credit card, cellphone, tuition fee.

Balik bounce . . . . bounce . . . . balik harshness.

At buti na lang eh nasave akez sa paglalunch sa jolly jeep nang makareceive akey hey hey ng textsami from Rica. He's going to buy me lunch. Hahaha. I'm REDEEMED!!!! (Just for the day)

So, ganon na nga ang eksena . . . . siyempre minangga key na lang ang offer ni Rica.

We were joined by Rica's friend . . . . si Jessica. Si Jessica eh kaka-flyback lang sa Pilipinas . . . . At ang tanong ng bayan . . . . . saang lupalop naman ng mundo nanggaling si Jessica. Aaaaaay. Hindi magpapakabog ang bakla. New Yorker itu. Na-learnsiva kez na ang bakla pala eh mega boral sa Parsons . . . . it is not "a" fashion school but "the" fashion school.

Wa akez ma-ispluk. Tumbling na lang akey hey hey at mega-tirintas na lang ng mahaba kong heraton.

Mataray si Jessica. Unang sight kez pa lang sa kanya eh parang hurricane na ang sumalubong sa 'ken na keri akez liparin hanggang Mantrade. Shades pa lang eh naghuhumiyaw na Channel na . . . . . when Rica asked for the tatak ng t-shirt niya eh, sabi naman, "Would you like to read the tag?" Tambling to the nth level, basa si Rica: Designed for "INSERT FULL NAME NI JESSICA" BY Donna Karran . . . wa akez maispluk, at ang belt ay Gucci at ang shontolon, if I'm not mistaken eh D2 . . . . ang nagdesign ng shontolon ni Madonna sa Music at Don't Tell Me videos. Naglalakad na New York Fashion Week ang bakla.

At itu ang malaking tsek . . . . lean and fit si bakla.

Sa gitna na mahalimuyak at busilak na kabaklaan eh ang mala-Adonis na katawan. At bukod pa diyan eh pinanghahawakan niya ang pinaka-mabyondang noseline sa balat ng lupa. Yung tipong noseline na bibitbitin mez kay Vicky Bello pag bet mong magpa-tsug ng jilongis morissette.

Bigla ko na namang naramdaman na isa lang pala akong maliit na tuldok sa buong kalawakan. Isang alabok sa feather-duster. Isang butil ng buhangin sa gitna ng dalampasigan. Isang kulangot na nakasabit sa mucous membrane.

Anyway ang lafangan session eh naganap sa Oody's at in fairness, witchelles talaga akez fan ng maaanghang na lafyus, pero witchelles na 'kez umispluk . . . free lafyus den itu.

So, chikahan na ng slight. At witchelles kez na maiispluk na friendly si Jessica even though puro fabulous at gorgeous ang lumalabas sa bunganga nitu . . . . pero obyosa delarosa namang out of politeness lang. Sa bawat ask kez ng shornong eh sagot lang si bakla. Isang tanong, isang sagot.

Hanggang chinika ni Rica na bet nga raw mag-organize ng "homecoming" party ni Jessica for his friends and akez ang nirerekomenda niya na mag-ayos ng party.

Sabay sabat ni Jessica na he wants it to be simple, cheap and less elegant . . . . .

"Meron ka na bang naisep na venue?" shornong kez.

"Say Shangri-La Makati?"

Yessssssssss. Define, simple, cheap and and less elegant da 'vah? Tadong bakla 'toh ha . . . kung makapag-simple, cheap and less elegant eh akala mo si Madame Imelda Marcos.

"And I want it to be a small crowd. Around fifty guests . . . . tops. I want it to be purely invitational. I do not want faggots gate crashing in my party."

Eh kung tampal-tampalin ko kaya siya ng mga faggot na kamao ko nang ma-sighteousbelles niya ang hinahanap niya.

SHET number 2! Mas lalo lang na-imberna ang araw kez 'nung nakaharap ko si ilong ranger na nakatuntong lang ng New York eh akala mo na kung sino.

Chika ni Rica mabaet naman siya, kung minsan lang eh may mood swings. Talak ko sa kanya na kung ganonchie kalala ang mood swings ng isang tao eh kelangan nang mag-seek ng professional help.

Talak pa ni baklang Rica na baka siya na ang sumunod na Monique Lhuillier. Ang spluk kez naman eh mirese trese kwatorseng siya pa ang sumunod na Monique Lhuillier . . . wa akez pakealam. Kelangan niyang mag-take ng crash course about proper attitude. Keri lang, mas bet kong siya ang sumunod na Gianni Versace . . . . para eynimomentz eh babarilin na lang siya ng jowa niya para deadsung agad sa face of the Earth.

Hahahaha.

Ang bad-bad ko.

Knock on wood.

Sana magkatotoo.

Echooooowzzzzzz.

Hayniwayz . . . hayon lang balik opis at juwelya na.

Nasa bahay na si Nick nang maka-juwi akez.

Give-love ko na sana yung pang-tuition niya, since finals na at malapet na ang sem break. Witchelles niya ginetching ang ukani. Nakapag-payola na raw siya.

Naloka naman daw akembang klang klang klang.

Idagdag ko na lang daw yung ukanibelles sa pang-payola ng apartamentus.

Ask akey hey hey hey kung pa'no siya nakapagpay ng tuition galore.

Ipon niya raw.

Ipon?

Eh isa pang waldas ang bakla kong kapatid. Parang halos every week eh may bagong mga chenelyn at kalandian . . . at nakakapag-ipon pa siya sa lagay na 'yon?

After naming magdinner eh nagbihis siya at nagpaalam, may pupuntahan lang daw siyang friendiva.

May na-sight akez sa kanya.

Bagong relos.

Pinalapit ko siya at super-sight sa relos. Talak ko ang byonda ng relos niya ha. Fossil itu ha with matching 100% leather strap made in Italy.

Samantalang akez itung natitiis sa five year old kong SWATCH na binayla kez lang dahil si Borgy ang nag-endorse. Masakit pa sa loob ko 'yon.

Chika ko mukhang expensive.

Sabay talak siyang, "199 dollars lang yan. Sale."

Isang buwan lang akong nawala, pagbalekwas kez eh dollars na ang currency na ginagamit ng shofatembang klang klang klang kez.

"At pano ka naman nagkaroon ng 199 dollars na relo, mahal kong kapatid?"

"Wala yan. Bigay lang yan ng friend ko," sabay talikod at isquierda.

Ang unang pumasok sa kukote ko eh witchelles ang relos . . . . ang thought na sana ipakilala niya sa 'ken ang friend na iyon at maging friend ko ren at bigyan din akez ng 199 dollars na relo, okay lang maski hindi sale. Saanchie kaya nakakahanap ng ganoong kaibigan?

Habang naghuhugas akez ng pinggan sa saliw ng aking magandang tinig na mega-singaling ng "May pumukol na pipit . . . . . ." ay bigla na lang akez natauhan, napaharap sa salamen sa taas ng lababo . . . . .

"Shet number 3! Colboy na yata ang kapatid ko!"

Now, can somebody have more SHET in a day?