Thursday, April 28, 2005

LOVE LOST . LOVE GAINED

Kaninang lunch break, dumaan si Claud sa office, samahan ko raw siya to pay his last respects to Dennis. Buti na lang at wala akong masyadong ginagawa kaya naka-isquierda ako ng maaga.

In fairness, ang haggard ng hitsura ng lola Claud 'nyo. Feeling ko eh isang linggong hindi na-borlog ang bakla.

Pag-arrive namin sa simbahan ay sinalubong kame ng usual na tugtog pangponebre. Najisip ko lang na hindi ko bet na paglamayan pag na-shigok akey. O kung bet man akong iburol ng mga shumag-anak ko eh witchelles naman yung 48 years na agnas na ang fez ko at sumasabit na lang sa bawat patak ng formalin. Ayaw ko nang ganitong ka-sadness na libing, bet ko yung lahat eh nagsasaya at pati na ren yung damit kong suot ko sa kabaon eh colorful, kung pwede ngang naka-ballgown ako eh why not nga da vah? Bet ko ren na si Kylie Minogue at si Madonna ang tumitili habang pinuprusisyon ang kabaon eh habang may street party na nagaganap. Better din siguro kung may-I-burn na lang ako kesa pagpiyestahan ng mga ipis at uod six feet under. Siguro may magagawang better si Claudine at si Rica sa mga abo ko, ibubod-bod sa kalsada ng Malate isang Sabado para jumoin sa mga abo ng may halos isang-libo't isang yosi ng mga bakla. I'm sure as hell na witchelles kong bet na mangyari ang eksenang nagtititigan lang ang mga utaw habang tinotorture ever ng music ng simbahan at nasu-suffocate sa ikmel ng kalachuchi.

Nakakaloka dahil habang pinaplano ko yung engrade kong burol eh nasa tabi ko si Claudine, speechles. Feeling ko nga eh panis na ang laway ng bakla.

So, sit ever lang kami sa may bandang likuran para hindi ma-notice. Sight ko ever ang mga nakikiramay, walang pamilyar na mukha. Ang simbahan, plain and simple din, parang library. Wala yung mga nakakapangilabot ng mga rebulto na may makikinang na outfit with the wigs ang everything, na parang parateng may sagalang pupuntahan. Wala ren yung feeling na nandyan lang yung Dyos at nagmamasid-masid.

Sight pa ren ako sa mga utaw. Wala talaga akong knows. Siguro minsan ay minahal din nila si Dennis bilang shufatid, bilang junakis, bilang jinsan-ara o bilang isang friendiva. Pero feeling ni Claudine eh wala nang mas hihigit pa sa pagmamahal na ibinigay niya kay Dennis.

Tapos. Nag-misa na. Feeling ko wala ding nakikinig sa pari na wala naman talagang kamuwang-muwang sa kung sino si Dennis na kung hindi lang siya may-I-fillin-in-the-blanks sa script na super read ever niya.

Katulad ng halos ng lahat ng funeral na napuntahan ko, kiver naman talaga sila sa chinichika ng pari, mas important eh yung mga memories na naglalaro sa bawat isipan ng mga naroroon, ang mental ang emotional scrapbooks of experiences kasama ang taong nawala na.

Dumating na ang oras para sa mga eulogies at one by one eh super ispluk ang mga kamag-anak niya. At of course eh walang patumanggang papuri ang ibinato sa isang walang-buhay na katawan. Funny talaga ang mga ganitong eksena. Kung kelan shigok na ang isang utaw ay tsaka mapapansin ang lahat ng kabutihan niya sa katawan. Mabuting junakis, mabuting shupatembang, mabuting friendiva, maalalahanin, mapagkumbaba . . . . yadda-yadda. As if naman na ang mga super-exaggerated na papuri eh bubuhay sa patay.

Anyway, mamakaborlog na sana ako at that point but na-feel kong biglang shumayo si Claudine. At muntik na ako mapatambling nang marealize kong aatak pala siya sa harapan para umispluk! At hindi ko na siya napigilan.

Lahat eh tumahimek, windang in a sense. Loka-lokahan sila dahil hindi nila learn yung menchus na shumoyo dun sa lectern.

Tapos nagsimulang chumika ang bakla. Nagsimula dun sa kung paano sila nagmeet ni Dennis. Talak . Talak . Cry . Cry .

Nagising ang lahat ng bumagsak ang salitang "boyfriend ko". May mga nagkalikot ng tenga. May napakunot ang noo.

Deadma si bakla. Talak pa ren.

Parang nakita kong magugunaw na ang mundo nang muli pang bumagsak ang salitang "boyfriend ko" at this time meron nang kasunod . . . . . "si Dennis."

Bago pa man mag-continue si Claudine eh may ma-ondang luluki na nag-standing-ovation, feeling ko eh fudra ni Dennis. Anyway, tumayo siya at galit na galit na pinatiil si Claudine. Nagkagulo ang mga utaw sa harapan. Parang delubyo. May mga humihila kay Claudine at may mga super duro sa kanya at talak nang kung anu-ano. So, super atak na ako to the rescue dahil eynimomentz eh ipako na lang si Claud sa krus tapos sunugin ever.

At syempre eh hindi nagpaawat ang lola ko: "Tingnan 'nyo ang anak 'nyo! Palagay 'nyo masaya siya ngayon? Masaya kaya siya na kahit na wala na siya ay hindi pa rin matanggap ng mga magulang niya at mga kamag-anak niyang makikitid ang utak na bakla siya! Bakla siya! At mahal ko yang baklang yan!"

Warlang warla din si Claudine. Pulang-pula at parang eynimomentz eh sasabog ang bakla. Crayola na lang siya nung hindi na niya kinayang pigilin at inalalayan ko na pa-exit ng simabahan.

'Nung naka-recover na si bakla eh chinika niya sa aken na nag-break lang naman sila ni Dennis because of Dennis' parents. Ididis-own daw ang bakla ng pamilya niya at eynimomentz eh ipapashopon sa ibang bansa. Hayon! Nagloka-lokahan ang magjowa. Nag-break.

Tapos 'non eh hindi na nagsalita si Claudine at hindi ko na rin najisip na i-entertain siya at baka bigla na lang mag-break-down si bakla at magsisisigaw sa gitna ng EDSA. Nakakatakot kasi si Claud, hindi kasi siya yung tipong madaling mag-release ng tension. Maraming mga moments nga na palagay ko ay nababaliw na si bakla.

Nakakabaliw talaga ang pag-ibig. Lalo na ang pag-ibig na nawala.

Tuluyan na kayang magbabago ang takbo ng pagtingin ko sa relasyon?

Meron kayang menchus na papasok sa buhay ko bilang knight in a shining armor to rescue me and for us to live happily ever after?

Palagay ko totoong buhay ito, hindi ito isang pelikula na palaging nagwawagi ang salitang "pag-ibig" anuman ang mangyari. Totoo nga siguro na ang salitang "love" ay hindi parating sugar-coated na kung minsan ay pwede rin maging kasing-pait ng ABS Bitter Herbs Capsule kahit na wagas ang pag-iibigan ng dalawang tao - indeed there's no turning back and there's no changing directions, love can sometimes be lost . . . . . . but then in my case, would I gain it? Hmmmmmm . . . . let's see!

PS. By the way, hindi ako LUZ VALDES kay VARSITY CAPTAIN. Ang pohtang Rica, eh nagmaganda at ginivesung pala ng numbererette ko kay Varsity Captain last Saturday bago kami nag-fly home. At dahil na ren sa mga friends ko at some bloggers. I realized na why not, try Varsity Captain. Besides kras na kras ko naman siya. Hayon. Sa ngayon super text muna kame. I don't want to rush things. Malay natin?

Wednesday, April 27, 2005

BAKLA! BAKLA! PAANO KA GINAWA?

In fairness, marami talaga ang may-I-ask sa 'ken kung vaket and paano raw akey naging vading.

Isa siya sa mga favorite kong i-chika.

Actually, hindi akey klaro kung paano nga ba, pero may sarili akong theory. Hindi naman kasi pagka-ire sa ken ng mudra ko e learn na ng everybody na badinggerzie akey. If that is the case e di sana Bernadette talaga ang pangalan ko at super model na sana akey. Hey Hey!

Five years ang tanda ko kay NICK (may half-bruder/half-sister) at sa unang 5 years ng lyf ko e ang naalala ko lang e parating kalaro ko ay mga bilat (gurls). Hayon, super play akey ng barbie dolls, tinikling, jackstone, tinda-tindahan, etc. Play lang akey ng play. Hey! Hey! Noon pa lang eh feeling ko e pumipilantik na ang mga daliri ko. Nung tumagal sabi ng grandfuder ko (sumalangit nawa) na hindi raw prooper sa boy na may-I-play ng such tings. Pang-girlaloo lang daw yon. Atsaka pag ganon e magiging veklus nga raw akey. So, naloka ako - ayaw ko naman yatang maging veklus. (Not knowing na magdidilang propeta pala si grandfuder)

So, hayun nagkaroon ako ng mindset na lalake akey.

Elementary days, walang kuwestiyon. lalaking-lalaki ever akey. Consistent honor student, pirma-pirma ng slumbook, kras-kras sa bilat, ligaw-ligaw at kung anu-anu pang pa-effect.

Even though, nanonotice ko na meron akong inkling sa mga majorette. Hindi ko noon alam kung gusto ko yung mga majorette o gusto kong MAGING majorette. pero deadma lang talaga akey. Confident pa ren ako sa pagluluki ko.

First & Second year high school - naging girlfriend (wait, I have to throw-up . . . . gggwwwwaaaaark) ko ang elementary sweetheart (sheeeeeet! I am having goosebumps!) So deadma pa ren sa pagkabading. Tapos, first year din nun nung na-meet ko si Nikolai, bagong salta, gwapo, ka-fez ni Patrick garcia. Inoffer ko sa kanya ang friendship ko tapos naging mag-bestfriend kame.

Third year, wala na kame ni elementary sweetheart. Irreconcilable differences (which is only to be justified in the later years). Nag-mamature na ang mga bagets. Bestfriend ko pa ren si Nikolai.

May eksenang meron siyang bet na gurl, si Mya, niligawan niya, tapos niligawan ko naman yung friend ni Mya, si Grace.

Nung ligaw-ligawan portion eh may nanonotice ako sa aken na kakaiba. Andami kong moodswings tapos parate kong inaaway si Nikolai. Kung minsan eh gumagawa na lang ako ng rason para magalet sa kanya.

Akala ko 'non, bet ko ren si Mya, so dineadma ko si Grace, tapos niligawan ko ren si Mya. Mahabang proseso yon. Tapos nagkagulo-gulo ang circle of friends dahil sa love triangle, tapos hayun, nag-away-away.

Ako ren non eh gulung-gulo.

Tapos, hayun na, lumabas at inamin ko na ren sa sarili ko ang the truth and nothing but the truth . . . . na BET ko e si Nikolai at hindi si Mya.

Naloka ang lahat.

LAHAT: (dapat sabay-sabay) E di Bading ka?

AKO: Akala 'nyo lang hindi! Pero OO! OO! OO!

So, dun nagsimula ang enlightenment ko and everything made sense. I've started to see life in a different and clearer perspective. In fairnes, nung pag -amin ko na bading sa sarili ko eh parang gumaan yung loob ko and nawala yung angst ko and para bang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Later in life, hindi naman na pala tinik ang papasok sa lalamunan kundi ... mmmmm ... alam 'nyo na.

Well, hindi pa ren kami nag-end up ni Nikolai kasi lalaki daw siya (noon ha. ewan ko lang ngayon).

Pero ang ending eh bading na ko. Para naman pwede ko pang i-retract yon da 'vah? For me, its partly a matter of choice and partly the law of nature. Hindi ko pinilit ang sarili ko na maging bading. Hindi ko pinilit na ma-attract kay Nikolai, it just came and I just felt it. When felt the first spark of true love, it is different, and you know what it is when it hits you.

Ang naging choice ko lang eh yung pag-amin at pagtanggap, which is hard . . . . . damn hard.

Hayun. Those were the first explosions of the third sex in me . . . . . . . that's when my life started.

Sunday, April 24, 2005

LOVE (or LUST) at first SIGHT?

Sinundo akez ni rica kagabi paglabas ko ng opis. Magdinner daw kami. Shinorwagan daw niya si Claudine pero ang chika eh wala raw siya sa mood to go out. Well, isang araw palang ang nakakaraaan since na-learn niya yung nangyari kay Dennis, pero in fairness, siguro nga he just need some time for himself to mourn and contemplate.

Lumafang kami sa Glorietta. Over dinner, chinika ni Rica na nearness na raw ang anniverssary nila ni Lucas at mega-fly raw si Lucas sa Manila to celebrate.

Kung bet 'nyong ma-learn kung pano nagsimula ang love story nilang dalawa eh simple lang naman.

Pabalik na from US si Rica, dinalaw niya ang kanyang parents. Nag-stop over ang eroplano niya sa Japan at doon niya na-ispottan si Lucas. Sa Airport, nagkatinginan, nagkatitigan, nagkalandian and ending eh nag-dookit (sex) sila sa CR. At dahil 'dun hayon, nagbunga ang matamis nilang pag-iibigan. Mag-wa-one year na sila next month.

Pagkatapos naming magdinner eh nag-ayang uminom ang baklita. Sabi ko kiver muna sa pag-nomo dahil may work ever pa akey kinabukasan pero deadma si bakla. Maski hanggang dalawang berangga lang daw.

So, wala akong choice, umattak kami sa Government (plugging itu?!!)

Plenty ng utaw dahil Saturday night, ang tig-dalawang beer ay nauwe sa tatlo, sa apat an so on.

Ang true niyan eh, hindi naman ako nag-stay para uminom, nag-stay ako dahil meron akong suuper na nabe-betan dun. Plenty naman talaga ang mga BY na menchus at ang mga katawan eh hindi talaga matawaran. At shempre hanggang titig lang ang lola 'nyo.

Chinika ko kay Rica yung bet-betan ko. Sabi ni Rica, iaaproacj daw niya at para ma-introduce kame. Sabi ko naman witchelles na lang dahil most likely eh de-deadmahin lang niya ang beauty ko. Andami naman kayang fish in the ocean that night.

Lumabas si Rica 'nung tumawag si Lucas, so I was left alone sa bar. Nakatitig pa ren ako sa kanya, I decided to call him Varsity Captain.

Mukha naman kasi siyang athletic. Weakness ko talaga ang mga guys with athletic bodies, yummy to the max naman talaga dito. Nakakapanglaway. Hindi naman yung over sa laki yung katawan niya, yung tama lang to be categorized as fit. Mukha pa nga siyang payat kung itatabi dun sa mga gym bunnies. Pero ang fresh-fresh ng hinstura niya. He looks like in his early twennties. Or rather he looks twenty.

Tapos, nahuli niya akong nakatitig sa kanya ever. Nag-blush naman akey tapos super deadma at iwaaas ang line of vision sa ibang things pero feeling ko eh obvious. Ikaw ba naman ang titigan nang pagkatagal-tagal eh hindi mo mahahalata?

Tumingin uli ako sa kanya, sulyap lang, pero na-sight kong nakasight din siya sa aken. Shet! Delicious! Blush moment another. Jinisip ko kung nakatitig ba siya talaga sa aken o nagfi-feeling lang ako. Alam 'nyo naman kung minsan ang mga veklus eh sadyang mapag-ilusyon.

Wala akong choice, e di tumingen na naman ang bakla. Tapos, nagkatitigan na kame. Bilang ako. 1 . . . . . 2 . . . . . 3 . . . . . .4 . . . . . 5 seconds, nakakatitig pa ren siya sa aken. Ibang level na itu. Super smile naman siya sa akin with the diiimmples and everything. Parang na-sight ko pa ngang with-the-sparkling-stars ang eyes niya. Naloka ako. Gusto kong tumambling. Smile din ako, pero pa-sweet na smile parang Sheryl Cruz. Tinaas niya yung bote niya tapos tinaas ko ren yung sa ken.

Feeling ko naman nagiging polite lang siya. And besides, sa itsura nyang yon eh sanay na siyang plenty ang sumasight sa kanya.

After a few minutes, wala pa ren si Rica. Super dance na si varsity capttain with his firends. Once in a while eh nag-ga-glance naman siya sa ken at super smile pa ren. Nakakahimatay.

Is this it? Is this really really it?

Nag-CR ako to freshen up not knowing na sumunod pala siya sa aken.

Pagpasok ko sa CR ay naloka akoo sa image na nakita ko sa salamin. Haggardness! Isang haggard na nilalang. At na-realize ko na sarili ko pala ang tinitingnan ko. So, hilamos ako. Pag tingin ko uli sa salamin eh nandun na si Varsity Captain sa likod ko. Smiling and promise, na-fi-feel ko ang crotch niya sa juwet ko.

I could live in that position forever.

Anyway, humarap na 'ko sa kanya. Napalunok pa nga akey dahil mas gwapo siya sa malapitan. Parang urtista. Na-istar-struck naman daw ako at hindi ako makatalak. Parang nalunok ko ata ang dila ko. Kinuha niya yung isang kamay ko tapos nilagay niya sa chest niya. In fairness, firm itu at HARD! At HARD na ren ako.

Nagtitigan lang kame.

Anu ba itu? Tawag na ba itu ng puso o tawag lang ba itu ng laman?

Hinawakan niya ako and he pulled me closer. Close enough for me to hear him breathe.

Hayan na. Heto na. Unti-unti nang papalapit ang mga ulo namin sa isa't isa. Mag-mi-meet na sana ang lips namen nag biglang bumukas ang pinto ng CR. Si Rica!

Define wrong timing!

Parang gusto kong i-body spa si Rica gamit eh kumukulong aspalto.

So, naloka kaming dalawwa at mas lalong naloka si Rica.

Lumabas na ren ako ng CR agad.

Sabi ko kay Rica, fly na. Chika naman ni Rica, wag muna kasi may karir na ;ko.

Sabi ko parang hindi ko keri. "This is too good to be true."

So nilisan na nga namin ang Government.

Hanggang ngayon eh super jisip pa ren akey kung keri ba ang ginawa ko. Syempre, at some point eh may panghihinayang, ikaw ba naman ang magkaroon ng close encounter sa isang super-gwapong-nilalang na unang sight mo pa lang eh kras na kras mo na? Nakakaloka nga lang talaga ang eksena. Baka lasing lang siya or something.

Ang totoo niyan eh wala akong naging jowa for the past three years at super enjoy ako sa pagiging single ko. Sex lang naman talaga ang hanap ko. Kung may constant sex eh why pang humanap ng jowa eh sakit lang yon sa ulo at mas lalong saket sa puso.

Pero iba yung na-feel ko kay Varsity Captain. Parang pintig ng puso itu.

Wala naman talaga akong pananalig sa love at first sight, pero love at first sight ba itu o lust at first sight?

Hindi ko alam. Pero ayaw ko pang umibig kung sakale.

Saturday, April 23, 2005

ANG HARSH NG REALITY

May nangyaring harsh kanina.

Borlog na ko ng slight. Alas dos ng madaling araw, bumorwag sa 'ken si Claudine, cry me a river ang drama ng lola 'nyo. May nangyari raw na harsh. Tinanong ko kung anez ang chika pero witchelles niya ibinersa sa phonil. Umatak na lang daw ako sa baler niya at ichichika niya sa 'ken ang everything. Chika ko eh baka kung anung drama na naman itu pero he sounded serious at cry pa ren ever. So umatak nga ako sa balay ni pekpek.

On my way, jinisip ko na dalawang bagay lang itu, it's either na-holdap siya ng sholbam or na-holdap siya ng sholbam.

Pagdating ko sa balay ni bakla eh nasa gate pa lang ako eh nahi-hear ko na na super crayola to death ang eksena ni Claudine. Ang harsh pa nga ng eksena dahil parang may shinishigok na baboy sa loob ng bahay niya. Eynimomentz, minamassacre na pala si bakla at pati ang beauty ko eh madamay. Eynimomentz, Elsa Castillo ang labanan. Pero deadma na ako, join lang ako ng join.

Naabutan kong nakasalampak sa sala ang bakla at walang patumangga ang crayola.

Tinanong ko agad kung anu ang problema.

'Nung una eh witchelles maka-ispluk ang lola 'nyo. Shulo lang ng shulo ang shipon at tears ng bakla.

Tapos 'nung mahimasmasan ng onti eh chinika na ni pekpek na tegibums na raw si Dennis. Tegibums! As in shigok! Si Dennis eh yung pinaka-recent ex ni Claudine na learn naming pinakaminahal niya sa lahat ng naging jowa niya.

Actually, simula 'nung nag-break sila ni Dennis eh naging super-bitter na si Claudine, as in kakabugin niya ang ampalaya sa pagka-bitter. Almost six months na ren yon tapos hindi na muna nagjowa ang bakla. In fairness, sa ming tatlo, si Claudine naman kasi talaga ang pinakahottest. Gwapo. Matalino. May pera ng slight. Pero super naloka siya nung naghiwalay sila ni Dennis. Marami namang kumarir s akanya afterwards pero deadma lang ang bakla (Haba ng hair da 'vah?)

Hanggang ngayon eh hindi pa ren naman klaro sa 'men kung baket sila naghiwalay kasi for all we know eh super sweet nilang magjowa up to the last point. Kapag shinu-shunong naman namin si Claudine kung bakit sila nag-break eh ayaw naman niyang ichika ang true na dahilan.

Hayon. Hanggang alas-siyete ako ng umaga Claudine, hanggang nakatulog na lang siya sa kaiiyak.

Ngayon eh super jisip ko ang drama ng buhay. Ang harsh ng reality da 'vah? 'Nung una eh jinisip ko na ginawa ko 'tong blog na itu para sa mga happy moments na tatabo sa takilya pero as it turns out, na-fi-feel kong mas marami palang drama kesa happiness. Pero, I really feel sorry for Claudine. Hindi ko pa na-experiencce ang mawalan talaga ng mahal at 'nung na-sight ko si Claudine eh naloka ako. Baka ma-tegibums na lang ako bigla not knowing what to do.

Ispluk nila, ang lahat daw ng bagay eh may RASON.

May rason kung bakit sila nagmahalan.

May rason kung bakit sila naghiwalay.

May rason kung bakit na-tegibums si Dennis.

Ang hinahanapan ko ngayon ng rason, eh bakit kelangang may masaktan?

Harsh da 'vah?

Hindi mo talaga learn kung kelan ka kukunin ni Lord.

Sunday, April 17, 2005

1 GAY + 1 GAY = 2 GAYS

Itechiwa ang first entry ko ever so congratulations to me.

Kagabi, rumampa kami ng mga friendiva ko sa Malars (Malate). In fairness, 48 years na ren naman since the las time na umatak ako sa Malars dahil bisi-bisihan ang lola 'nyo sa workikay ever.

Maaga akez na nakarating, mga around 11. Excited?

Anyway highway, mga 12 na nang dumating si Rica (Richard) at si Claudine (Claudio). Kararating nga lang pala ni Rica dahil nag-fly ever si bakla sa Singapore at nag may-I-visit siya sa kanyang long distance dyowa na narsisa, si Lucas.

As usual ang mga badingerzie eh "paminta" mode na naman kagabe. Ewan ko ba? Pero yon talaga ang kultura sa Malars, mas mukha kang menchus eh mas wagi ka. Well, naglolokohan lang naman talaga ang mga badinggerzie dahil lahat ng utaw doonchie e mga halamang-dagat talaga . . . . . . malangsa . . . . . . . pula ang hasang.

Nagchismisan muna kami at super spot ng mga menchus. Na-sight namin si Duke. Hottest na hottest pa ren siya as ever at kras na kras ko pa ren siya. Pumintig na naman ang puriit ng lola 'nyo ever!

Mga 1 na nang umatak kami sa isang bar. Hay naku, wag 'nyo nang alamain kung anung namesung ng bar pero front lang ang pagiging bar niya dahil sa second floor eh may "dark room" na siper hadahan ang labanan.

Drinkaloo lang kame ng beer ng sligh-slight. Nandun si Duke sa bar at sheeeeeet, hind ko na naman mapigilan ang sarili ko . . . . . di ako makapakali ever, para akong uod na binunburan ng asin. "Mommy, I feel wet!" na naman ang drama ko. Pero learn 'nyo na, torpedo naman kasi ang lola 'nyo kaya hindi makuhang karirin si Duke. Eh super gwash naman kasi nya noh at sa itsura kong 'to eh Monumento at Baclaran ang pagitan namen. Haaaaay. Hindi naman ako super chaka, keri-keri na, pero naman kasi yung mga nagiging karir ni Duke eh mga hottest din. So, ang lola 'nyo malamang eh magiging "thank you girl" lang in the long run.

Nagdecide na akez na pumanik sa second floor after 3 bottles, karir mode na dahil eynimomentz eh andyan na si Sandra at dadautin na naman ang beauty ng mga badinggerzie, kaya habang maaga eh go lang ng go.

Hindi tinatawag na dark room ang second floor dahil wala lang. Infairness, dark talaga siya. Tapos majinit kasi super daming badinggerzie ang nagsiksikan para humada at magpahada.
So enter naman ako, dahan-dahan. Pa-demure effect. Nakakatatlong hakbang palang ako eh may may-I-grab na ng isang menchus ang juwet ko. Naloka naman daw ako. Deadma. Hindi ko bet ang atak niya. Nakipagsiksikan akey maski sobrang jinit at kakaiba ang ikmel na parang pinahalu-halong cologne, pabango, pawis at pati na ren siguro ang mga shumodstra na nagkalat.
Tapos may-I-sit ako sa isang corner. sa akanan ko eh may dalawang naglalampumchingan. Hear ko ang bawat higop . . . . . . hahahahahaha. Sa kaliwa ko naman ay may bagets. Even though hindi ko siya talaga ma-sight dahil super dilim nga, pero feeling ko sa katawan eh bagets nga. Tapos hinawakan niyang dahan-dahan yung binti ko. Nanginginig pa nga. Enjoy naman ako dahil bagets itu. Tamis-tamisan at higit sa lahat eh linis-linisan.

Hindi nakuntento ang bagets, itinaas niya ever ang himas niya sa notralba ko tapos bumulong siya sa aken. Ask niya kung okay lang daw.

Sabi ko naman, okay lang. Why not?

Pero naloka ako ng slight nung una dahil merong something sa voice niya. Learn na learn ko yung voice na 'yon, promise! Parang gusto kong tumambling mula doon hanggang Luneta nang na-feel kong kakaiba ang bagets ko.

Ginetching ko agad yung nyelpi ko sa bulsa at inilawan ang fez ng bagets, hoping na mali ang feelings ko. Pero 'nung na-sight ko nga ang fez ay hindi ko alam kung tatambling na ba ako o sisigaw na lang ng Darna!

Si Nick, ang shofatid ko!

Nagulat siya 'nung na-sight niya rin ako tapos tumayo agad siya tapos bumaba. Follow the leader naman akez hanggang makalabas kami ng bar.

Tinanong ko siya kung anu ang ginagawa niya doon at sabi niya eh nagkaayaan lang daw silang magbabarkada.

Promise, so very Sharon Cuneta at Judy Ann Santos ang eksena naming dalawa at mega talak ako sa shofatid. Naloloka ako sa fact na nasa dark room ang shofatid ko at ang mas super nakakaloka pa dun ay muntik na akong hadahin ng sofatid ko! At ang super-mega-over nakakaloka dun eh malamang badinggerzie din ang kapatid ko!

Sinung veklus ba naman ang hindi maloloka sa eksena da 'vah?

Pina-fly ko na siya ng balay at doonchie na lang kami mag-uusap dahil hindi ko na rin kinakaya ang eksenang may mga utaw na nakakasight sa 'ming dalawa.

Bago kami unwe eh tinalakan naman ako ni Rica at Claudine. Sabi nila, hindi raw dapat na mawarla ako dahil veklus nga ang shofatid ko. Ang kinaiinis ko lang eh, how come I didn't see it coming? Baket sa ganitong eksena pa magkakaalamanan?

Hindi naman sa witchelles ko bet na maging veklus ang shofatid ko but the thing is, baket hindi niya pina-learn sa 'ken para may guidance from the older sister. Learn ko naman na harsh talaga ang buhay vek-vek. Sana man lang nga eh nalaman ko da vah?

Pero pramis until now eh hindi pa ren kami nag-uusap ni Nick. Kasi hindi ko alam kung anu ang ibebersa ko sa kanya. Jiniisip ko ren kung pano kapan na-learn ng mudra namen itu. Dalawa lang ang junakis niya, parehas luluki, pero parehas namang badinggerzie.

Now, hahayaan ko munang magg-subside ang shock effect. Pero sooner or later, I have to confront my veklus na shofatid about this.

Good luck sa lola 'nyo.