Friday, July 28, 2006

BAWAL NA PAG-IBIG (IKALAWANG KABANATA)

DAY 1 sa BAHAY NI KUYA

Isang umaga, kasabay ang tostadong maling at 3-day old na gardenia eh biglang tumalak si Kiara:

"Mamah . . . . sa sobrang kabisihan mo at sa tinagal-tagal mong nawala dito sa balaybay mo eh wizzels mo nang nalalaman ang mga kaganapan dito."

"Baket? Ano ang latest chismis?" shornong kez with matching taas-kilay.

Wala nang ibang tao sa baler kundi kaming dalawa na lang, pero super sighteous pa ren si Kiara sa paligid na as if merong mga ispiyang umaali-aligid. Binaba niya ang siyensi na hawak at hininaan ang apoy sa ginagawa niyang kamote-que. Shumorbi siya sa kinajujupan kez at pabulong na shumorlak:

"Hindi ko sure ha . . . pero feeling ko eh there’s something fishy goin on . . . "

Napatingin lang akez sa kesame. Wa ispluk . . . .

"Anoba? Hindi mo ba nafi-feel?"

"Ang alen?", chika ko. In fairness, witchelles ko talaga ma-feel . . . . may pagkasanib pa naman ang baklang Kiara paminsan-minsan.

"Ang brudra mo . . . "

"Anong chismis sa brudra ko?"

"At ang alaga mo . . . . "

Sa chinika ni Kiara eh bigla ko tuloy nalunok ang nilapsalauriat kong maling nang walang nguyaan portion.

Pero . . . I doubt pa ren ang drama ko.

Hanggang sa . . . .

"Alam mo ba kung sino ang nagpa-plantsa ng mga damit ni Bunso kapag nagmamadali siya at late na siya sa raket niya?"

Deadma.

"Alam mo ba kung kanino siya nagpapamasahe kapag masakit ang mga kasu-kasuan niya?"

Deadma another . . . .

"Alam mo ba . . . . . kung kanino siya nagpapalagay 'nung body-scrub na binili mo sa body-shop na amoy kamanyang . . . "

Teka . . . . .

"Truelsa Clench mamah! At wala nang iba . . . . "

I doubt pa ren . . . chika ko sa sarili ko. Sabay bera kay Kiara, "Baka naman more frienship lang. Kasi naman e sila lang ang magka-edad dito noh. Sila lang ang pedeng maka-relate sa isa't isa. Masyado ka lang malisyosa, bakla ka!"

Isang umaatikabong "I DOUBT" ang tinalak sa 'kin ni Kiara, sabay tayo, talikod at sabay balik sa pagluluto ng kamote-que.

*


DAY 2 sa BAHAY NI KUYA

Alas-onse na ng gabi.

Nakalatag na ang sofa-bed ni Bunso sa sala.

Lahat kami eh nakabalagbag sa sofa-bed na iyonchie habang super watch ng SAKSI.

Nagpakuwento lang ako kay Bunso kung anechiwa ang mga latest chismis sa mga raket niya. The usual . . . merong isang talent manager na bet siyang sulutin sa 'ken . . . at mega-ligaw sa kanya. Chika ko naman sa kanya eh wag siyang magpadala sa mga ganoong drama dahil baka hada lang ang habol nila sa mura at makinis niyang shortawan.

Mega kuwento lang si Bunso. Nakahiga siya sa tabi ko. Sa tabi ko naman eh si Kiara. Habang ang aking matimtimang shofated eh naka-upo lang sa isang silya at super ming-ming lang sa isang tabi.

Biglang tumayo si Bunso. At shinonggal niya t-shiret niya, para ma-sight ko raw ang mga improvements sa shortawan since nung inenroll ko siya sa Slimmer's World Pasay Road (plugging . . . . )

So ang natira na lang na saplot sa bortawan niya eh ang maigsing boxers na parang may pinagkakatagong kuting sa loob.

Keri naman . . . haves nga ng improvement sa abs . . . sa chest . . . . sa tricep . . . etc. Pero di pa masyadong hinog.

"Tingin nga . . . . " nasira bigla ang konsentrasyon ko nang narinig ko ang shorfated kong tumalak at lumapit kay bunso.

Nagkahulihan naman kami ng tingin ni Kiara habang pinipindot-pindot ni Nicanor ang abs ni Bunso.

Hindi ko kinaya ang eksena at may-I-stand akez at atak sa kitchen to get water. May-I-follow naman si Kiara.

Habang super nomu akez ng borbeg eh parang uwak si baklang naghihintay ng dagang dadaan. Ineexpect niyang may itatalak ako. Pero wa akong talak.

"Oh. Mamah? Ngayon? Sinong malisyosa sa 'ming dalawa ng kapatid mo?"

*


DAY 3 sa BAHAY NI KUYA

Alas-dos ng madaling araw . . . .

Kararating ko lang sa baler. Umatak agad akez sa kwartobelles kez. Parang everybody is asleep na.

Pag-enter ko sa kwartobelles ko eh missing in action si Kiara.

Lumabas uli ko. Sight sa sala.

Super sight akez sa nakahilata sa sala.

Si Kiara.

Ginising ko si bakla.

Shinornong ko kung nasan si Bunso at kung baket hindi pa dumadating.

Chika na bakla, na maaga naman daw dumating at witchelles niyang na-felt na umisquierda.

So, ang tanong ng bayan . . . nasan si Bunso?

"Do the rounds, mamah!?" chika ni Kiara.

Tumayo si Kiara at dahan-dahan kaming naglakad paatak sa kwarto ni Nick.

Bubuksan ko na sana ang shintuan, but then . . .

Biglang . . .

PInigil ako ni Kiara.

Pabulong na chika ni bakla, "Wiz ka naman join sa pagka-thriller. Hear muna naten . . . "

Gumetching ng baso si bakla. Nilagay sa tenga at nilapat ang puwet ng baso sa shintuan ng kwartobelles ni Nick.

"Ano?" shornong kez.

"Ssssssssh"

"Haves?"

"Shuhimek . . . sound proof yata."

Nilagay ko na ang kamay ko sa doorknob. Sight kay Kiara. "Go . . . " signal ni bakla.

PInihit ko . . .

But then no . . . .

Naka-lock . . .

Bumalik kami sa sala for more balitaktakan.

"Baka naman wala si Bunso don," talak ko.

"Eh pano kung andon . . . . " talak ni Kiara.

"Harsh . . . "

Hinla ko si Kiara paatak ng laundry room.

Sa laundry roon eh may fire escape.

Jinuksan namin ang jintana ng fire escape at pinagkasya ang mga sarili namin sa majiit na jutas. And to think na nasa fifth floor kami ng isang gusali ha.

More mission impossible ang drama ng dalawang baklang dahang-dahang pagilid na naglalakad sa isang kakaramput na pasimano sa gilid ng gusali para lang makarating sa bintana ng kwartobelles ni Nicanor.

Pagdating namin sa bintana area . . . eh closing time naman ang mga bintana. Pero sight namin ang sillhoute sa loob ng kwartobelles pero di pa ren enough yon para ma-learn naming andon din sa kwartobelles si Bunso.

Tinry namin isa-isa yung jintana pero nakalock . . . hanggang sa dulong bintana . . . . pag-push kez eh gumalaw.

"Go mamah!" talak ni Kiara.

Dahan-dahan ko pinhit ang bintana. Haves ng slight wrong dahil biglang lumangitngit ang mga turnilyo.

Mega-freese naman kami ni Kiara . . . . . sight namin ang anino sa loob na gumalaw. Automatically eh bigla kaming napaluhod ni Kiara sa kakaramput na pasimanong kinatatayuan namin na parang suddenly eh haves kami ng powers ni Spiderman dahil hindi kami matinag-tinag sa pagkakakapit sa dingding.

Naghintay pa kami longer ni Kiara, tsaka siya sumilip. May maliit na awang na yung jintana na keri-keri nang masight ang inside story.

"Haves mamah!" chika ni Kiara.

Kag-sight naman akey hey hey hey.

Haves nga ng dalawang utaw sa kama.

Para kaming mga tikling na nagmadaling bumalik sa fire escape, jumosok sa laundry room at papasok sa baler.

Direcho sa shintuan ng kwartobelles ni Nick. And sabay katok.

Another rounds of katok . . .

Another round of katok . . .

Then nag-open sesame ang shintuan.

"Baket?" talak ni Nick na parang hindi pa totally gising.

"Wala lang. Chini-check ko lang kung andito ka."

"Himala . . . . "

"Sinong kasama mo 'jan?"

"Ha?"

"Okay lang naman na patulugin mo 'jan si Bunso as long as . . . "

"Hey wazzup?"

Napataligod kami ni Kiara at na-sight namin si Bunso, fully clothed.

"What are you doing there?"

"I just arrived?"

"But you're here . . . " habang mega turo akez sa shortobelles ni Nick.

"No, Im not there. Im here."

Napaharap uli ako kay Nick.

"Kuya?"

PInilit kong juksan ang shintuan, napatabi si Nick at pag-sight ko sa loob eh may isang lulurking naka-briefanggus lang ang nakahilata sa kama.

Wrong number . . . . .

"Kaklase ko," chika ni Nick. Sabay balagbag ng shintuan ara.

*

Wednesday, July 19, 2006

Humigit-kumulang na isang buwan akong nawala sa buhay-talaan na ito. Bukal sa pusong paumanhin ang aking inihahatid sa mga utaw na super waiting-in-vain ang drama sa mga kachervahang maaari kong italak dito.

Sa loob ng isang buwan na ito ay maraming kachervahang naganap sa aking buhay-bakla. Pero sa mga kachervahang itekla ay may isang namumukod-tanging istorya ang nais ko sanang ibahagi sa aking mga kaibigan at kaututang dila.

Ito ang istorya naming dalawa ni Frederico.

. . . . . . . . .

Okay, back to back to bakla to normal. Pasensya na at HIGH pa ren ako sa pagsinghot ng ipinagbabawal na utot.

Umatak muna tayo sa PROFILE ng napipintong love of my life:

NAME: FREDERICO "last name witheld"
AGE: 24
HEIGHT: 5'9 and 3 cms
WEIGHT: 135 lbs
BODY TYPE: SLIGHT BORTA with matching pa-develop na chanda romero
FEZ TYPE: Kafezing ni DREW ARRELLANO (accdg to Jessica); Kafezing ni Drew Arellano kapag na-haggard (accdg to CLAUDE).
HOBBIES: (1) Mag-singaling sa mga chipanggurutay na videoke na hinihulugan ng limang-piso. (2) mag-telebabad gamit ang SUN CELLULAR.
FAVORITE SONG: I MISS YOU LIKE CRAZY and RIGHT HERE WAITING FOR YOU
AMBITION: To be a successful HOSTO.

EMPLOYMENT HISTORY: Dating dancerey sa Eat Bulaga, hanggang na-cardiac . . . . nag-Japan-japanan portion for 3 months, wittelles naging successful; nag-dancerey sa isang bar na shinoshorwag na Superman; at ngayo’y isang WAITERLOO sa isang GAYBAR.
any discreet guys?

Okay, so hayon na nga . . . . basta isang gabi eh inaya akembang ni Mother Ricky . . . my fairy gay mommah na umataksiva sa isang Gay Bar sa Timog. Achully eh dapat wittelles na akembang sa pagka-atak but then, na-realize kez na wai naman akez kaganapan sa life ever ng gabing iyonchie kaya, umatak na akey hey hey hey!

Bago pa akez umenter sa nasabing Gay Bar eh biglang nagpupupumintig ang puriit ko ng walang humpay nang ma-sight ko si Frederico na naka-jupo sa may front entrance. Syempre at first eh deadma portion akez . . . super buysung ng bogarette.

May lagkit ang mga tingin niya sa akin, habang mega-standing ovation lang akez at mega subaroo like there’s no tomorrow. Alam ko ang klase ng mga tipo ng pagkalagkit na iyon . . . . tipong lagkit na parang ubeng halayang na-overcook.

Learnsiva ko naman na ang mga eksena sa ganitrix. Sa tinagal-tagal ko namang naging badinggerzie eh kagknowsline ko na ang atak ng mga menthol na super workaloo sa mga establisyementong sadyang ginawa para kurakutan ang mga badette. Mga tipong atakeng titingnan ka nila ng super pa-sweet at ipapa-felt sa iyez na ikawchienabelles na ang pinakamagandang hayop sa balat ng lupa (susunod kay Gloria Diaz).

After the yosi eh nag-enter the dragon na akembang sa naturang gaybar. Isang paraisong puno ng init para sa ilan.

Na-sight ko si Mother Ricky na tili ng tili sa isang sulok habang may isang macho-dancerey ang mega-kiss-kiss sa kanya ng nota. At kung makatili naman si Mother Ricky eh parang kolehiyalang pinalake sa kumbento ng mga birhen na madre.

Haves pa siya ng plenty na ka-joint na mga ka-henerasyon nya. More chikahan kami pagkaupo ko at umisquierda na ren ang menthol na nagpapadukwang ng nota for five hundred peysos. Chinika ni Mama Ricky na breaksiva na raw sila ni Lucky, yung konteserong jowa niyang muntik ko nang hadahin sa CR ng Metro Bar, kung hindi lang akembang binagabag ng konsensiya kong naging absent sa buhay ko for many years.

More chikahan, and more drink with matching nota-sightings on the side. Witchelles sa pagkaipokrita or pagkadyoza effect ha, pero sa truelili lang eh witchelles na akembang na-eerbogan sa mga luluking nakaboots, nakatibak, may gigantic na notring na winawagyway na parang endangered sawa sa manila zoo, habang super dancerey sa entablado sa saliw ng "It's All Coming Back To Me" ni Celine Dion. Para na lang silang mga Koalang masarap tingnan pero wit mo bet jorwakan.

Hanggang sa na-sight ko another si Frederico sa loob. More walk siya hanggang sa may tumapik sa kanya sa isang table.

Pinagmasdan ko talaga ang bawat body language. Chinika siya nung badette, super smile lang si Frederico, super offer sa kanya ng drinks, smile pa ren siya, at tumanggi, nakipagkamay another at umisquierda.

More walk again si Frederico hanggang sa inorwag naman siya ni Mama Ricky.

Lumapit siya sa table namin. Wiz naman ako sa pagka-sight. Kunwari eh witchelles ako interesado. Eh ang mga luluking itey, pag pinafelt mo sa kanila na ineteresado ka eh daig pa nila si Mike Enriquez sa pagtalak ng "Hindi Kita Ta . . . Tantanan!"

PInakilala siya sa amin ni Mama Ricky. Doon ko nalearn ang soap-operatic niyang namesung . . . Fredericohhhhhh. Parang bet ko namang sabihing . . . Maria Kondesa Bonita ang pangalan ko . . . echot lang.

Umupo sa Frederico sa tabi ni Mama Ricky, habang si Mama naman eh walang sinasayang na sandali, more kurot here . . . more kurot there . . . more kurot everywhere . . . . .mahihiya ang mga gobernador sa pagcha-chansing niya.

Hanggang sa tinalak ni Mama Ricky sa 'min na si Frederico lang daw ang betchay niya sa establisyementong iyon ng walang pag-iimbot at buong katapatan, pero sad to say . . . . . . si Frederico lang daw ang witchelles pa-booking sa establisyementong iyonchienabelles arabelles araboomboombelles.

Tumambling naman ako don.

Parang bet ko namang mapahalakhak na ala-Celia Rodriguez sa mga oras na iyon at tumalak ng "I don't drrrrrrink waterrrrrrr . . . . . waterrrrrr is bad forrrrrrrr my health."

Day-off daw niya at may hinhintay lang siyang friendiva. Witchelles nya inaaccept ang drinkaloo na ginigivesung sa kanya ni Mama Ricky. Tumagal pa ang mga oras at tumagal pa ang chikahan, witchelles ko learn kung naaapektuhan na ba ang sense of judgement ko dahil sa tumataas na ang alcohol level sa dugo ko o talagang nabibighani lang ako sa pagkatao ni Frederico.

Sabi ko sa sarili ko . . . . Wrooooooooooooooooooooooooooong! Mamah! Wrong!

Hanggang sa kaming dalawa na lang ang nagkukuwentuhan dahil bisi ang mga tiyahin ko sa pag-sight kay Suma at sa kanyang sawa.

Tumabi pa siya sa 'kin.

Chinika ko sa kanya kung sigurado ba siyang wittelles niya bet nomomi.

Nag-isip siya. Dalawang isip. Tatlong isip. Apat na isip.

"Sige, basta ikaw . . . ." bera ba naman.

Ask key kung anech ang bet niyang nomuhin. San Mig Light daw.

So more San Mig Light.

Marami kaming napagchikahan, in fairness, may sense siyang kausap. Chinika niya sa ken ang job description niya doonchie. More waitreloo and more GRO portion, more entertain ng customers pero witchelles sa pagpapatake-home. Sanay na raw siya sa ganong ruta at hindi na rin bago sa kanya ang kalakalan ng laman. Pero stick lang siya sa workaloo niya.

Mataray siya for that.

Hindi ko chinika sa kanya ang truelili kong namesung at witchelles ko rin chinika ang truelili kong workaloo, just to give him lang an idea . . . para isipin niyang . . . isa lang akong minimum wage earner.

Pero more chikahan portion pa rin kami. Wala rin yung mga ineexpect kong atake pailalim. As in . . . yung tipong aatake ang kamay niya sa ilalim ng mesa at sabay himas sa aking mga binti . . . to give a more erbog feeling.

Pwede kong sabihing . . . . meron na kong lapse of judgement sa mga oras na iyon . . . pero pwede ko ring sabihin na nagkamali ang tingin ko sa kanya noong una ko siyang na-sighteous. Mahirap mang paniwalaan . . . pero nakakapanabik malaman na iba siya . . . . dahil sabi ng ABC 5 . . . "astig maging iba!"

Lumalim na ang gabi at nakaramdam na ng antok (o sakit ng kasusuan, echoz) ang mga tiyahin ko at nag-aya nang jumuwelyon.

Nagpaalam na ako kay Frederico at umisquierda palabas.

Nasa labas na kami nang may tumawag sa akin ng ibang pangalan. Hindi ko pa nilingon nung una until na-realize kong yun pala ang namesung na ginivesung ko kay Frederico.

Humabol siya, sabay ask ng "May SUN ka ba?"

Chika ko, "GLOBE lang e."

"Ay sayang, titext pa naman sana kita. Pero bigay ko na ren number ko . . . . "

"Hindi naman ako madalas pumunta dito."

"Hindi lang naman dito tayo pwedeng magkita uli ah."

At ang mga huling salitang iyon ang naglagay ng ngiti sa aking mga labi hanggang sa pagtulog ko at paggising ko kinabukasan.
+++++++++++++++



Tuesday, July 11, 2006




Hindi ko inakalang dadating sa buhay ko si Frederico . . . . sa isang di-inaasahang pagkakataon at sa di inaasahang oras . . . isang hatinggabi, isang Miyerkules sa ilalim ng mga kumukurap-kurap na ilaw na lumilibot sa mga letrang nagsasabing "ADONIS".

Mag-isa siyang naka-upo sa isang silyang yari sa kahoy, na parang isang anay na lang ang hindi pa pumipirma ay mababaldado na nang tuluyan ang apat na paa nito, katabi niya ang guawardiyang parang asong nakakain ng butong pinagulong sa vetsin. Tahimik niyang hinihigop gamit ang pulang straw ang iced-tea na may maputlang kulay, marahil ay natunaw na ang yelo at sa maliliit na pahigop ay mapapatagal ng isang oras ang isang baso na ang tunay na kahalagahan ay ang pumatid uhaw.

Malayo ang tingin niya at mukhang malalim ang iniisip, na noong una ay nakapagpagulo sa isipan ko dahil malayo naman sa hitsura niya ang mag-isip. Sa totoo lang, sa unang tingin ko pa lang sa kanya ay "kama" agad ang pumasok sa isip ko. Sabi nila, lahat tayo ay nilikhang may angking kagandahan . . . . ang gandang natural . . . gandang ricky reyes . . . . gandang panghalimaw at higit sa lahat ay may gandang pangkama.

Sa unang pagdapo pa lang ng aking mga mapanuring mata sa mga tila nagliliyab na balat ni Frederico ay iba’t ibang imahe na ang nabuo sa hinuha ko . . . . . mga nagtitirikang mga mata . . . kagat-labing panggigigil . . . . mga madidiing kapit na halos bumabaon sa balat . . . likod na nakaliyad at higit sa lahat . . . . mga daliri sa paa na nagbabalukturan at nagtutunugan . . . mga imahen ng masidhing tagpo ng dalawang taong nagkakainigan.

Napahinga na lamang ako ng malalim habang pinipilit na huwag maglaho ang kapana-panabik na tagpong pinapalabas sa isang channel sa utak ko ngunit nabigo ako. Nawalan ng signal.
Napasinghal na lang ako, napabulong sa sarili, "THIS IS NOT IT . . . . THIS IS REALLY REALLY NOT IT."

Tuesday, June 13, 2006

Photobucket - Video and Image Hosting


Pag-return of the jedi kez from Davao eh I made a self-declared rest day or rather rest week. Tinigbak kez lahat ng line of communication from the outside world and parang ang betchay kez lang eh ang mag-hybernate hanggang dumating ang second coming. Witchelles naman akez yung tipong utaw na haggardin . . . well physically speaking . . . . haves akembang ng resistensiya ng horse (wish ko lang nota na lang na nota ng horse ang nakuha key hey hey hey) pero mentally speaking eh . . . . oh well . . . . . . madali akez ma-orgod . . . .

Before I go to my story of the day eh kaonting update lang.

Ang badinggerzie kong shofated, si Nick, eh super bisi-bisihan sa kanyang thesis. Supposedly eh dapat nakagraduate na siya 'nung March but then ewan ko ba kung anechiwa ang nangyari at biglang naging Octoberian si powtah. Sinasabi ko na nga ba eh, feeling kez eh dahil itu sa jowa-jowaan portion niya! (Insecure?!) Deadma, I made a vow na never ko nang shushukialaman si Nick regarding his personal life.

Si Bunso naman . . . . oh well . . . ano bang maichichika kez . . . . he's starting to get on his feet. 'Nung simulang niraket ko siya (modelling) eh naging sunod-sunod na ang booking ng bagets. In fairness . . . hiyang siya. Pero sa balaysiva kez pa ren siya nakatira-ara. Take note . . . sa sala itu ha. At walang physical contact itu since the time he moved in with us.

Si Kiara eh rampa lang ng rampa. Bago akez nag fly paatak ng Davao eh may jowa siya then, pagcome-back kez eh may another jowa na naman si de-powtah! Si bakla talaga, walang kupas ang kakatihan . . . . mahihiya ang gabi sa kanya sa pagkakati.

Speaking of kati-katihan portion . . . .

Disconnected ako sa mundo, until one Saturday evening 'nang dumating si Claude sa balaysung. Learn ko naman aapear siya that night dahil mega-text siya na aatak siya dahil witchelles ko nga bet lumabas.

So pagdating niya eh tulug-tulugan naman akembang. Nakahilata lang akez sa kama ng pumasok siya sa kwarto ko.

Ginising-gising niya akez, pero super deadma ako. Mega close pa ren ng eyes.

Naloka na lang akez nang na-feel kong umangat ang kutson ng kama ko and next thing I know eh nasa sahig na ko.

Powtah. Umiral na naman ang pagka-amazona ni bakla.

Sabi niya, magbihis raw akez at meron kaming aatakan.

Chika ko witchelles ko bet.

Chika naman niya eh wag ko na raw hintayin na siya pa ang magbihis sa 'ken at baka pa magkabali-bali ang mga bulalo ko.

Sa pagkahigante ni Claude eh mahirap mag-doubt na keri niyang panindigan ang mga chinichika niya. So, with matching dabug-dabugan portion eh nagbihis akez.

Sa buong akala ko pa ba naman eh malars ang atak namin but then naloka akez nang pa-cubao ang daang tinatahak ni bakla.

Talak niya aatak daw kami sa "F".

Mega-ask naman akez, "F??? Fashion . . . . Fabululoush . . . . . Facsist Bar . . . . ?"

"Farenheit!"

Sa isang salita na yon eh parang nayanig naman ang mundo ko.

I've heard of the place, but never been there.

"Teka . . . teka . . . . teka . . . ."

Bago pa ako makapagreklamo eh, "Wag ka nang magsalita pa . . . ." ang talak ni Claude at tumahimik na lang ako.

Honestly . . . . naloka akez . . . . becoz . . . .becoz . . . . hindi naman sa hindi ko gusto pero ang siste eh . . . . HINDI AKO PREPARED . . . . . . sinsabotahe na ba ako ng kaibigan ko. Imberna.

Tinahak namin ang kahabaan ng E.Rod. At huminto somewhere . . . .

Nakita ko ang signage . . .

Pero sa baba 'non eh parang walang pinto . . . parang puro walls lang.

"Bakla. Parang sarado na," talak ko kay Claude na pababa na ng caru.

Binuksan niya ang pinto sa side ko at pinababa na ren akez.

"Bukas yan," talak ng baklang hukluban.

May isang mama na naka-upo sa isang monobloc chair ang shumoyo paglapit namin at lumapit sa itim na dingding at naloka na lang ako na may handle pala don somewhere and viola! May pinto nang bumubukas.

I haven't been in a bathhouse for a long time. Ang huling bathhouse ko pa yata eh nung panahon na dinaraos ang sentenaryo ng kalayaan ng Pilipinas.

So, pa-virgin effect naman ako.

Bago kami nag-enter eh megakapa-kapaan portion ang mama.

Pag enter namin eh isang box office agad ang sumalubong sa amin. Well, more of like na parang booth na pinagbabayaran ng pusta sa mga karerahan ng kabayo. May dalawang menchus ang bisi-bisihan sa isang window at hindi pa 'ko nakakakurap eh may-I-give na sa 'ken si Claude ng isang papel na parang papel-de-ahensya. I have this feeling na parang meron akong isasangla ha.

"Fill-up", chika ni Claude in his usual superior-like-military tone na wala kang choice kundi sundin ang sinasabi niya.

Okay.

Name . . . .

Address . . . .

Birthday . . . .

Phone number . . . .

Signature . . . . . .

At kulang na lang eh proof of purchase at pwede mo nang ihulog sa suking tindahan.

After 'non eh mega-paysung na si Claude at ginivesungan naman akez ng bilat sa loob ng booth ng isang kakapiranggot na laminated na pink na papel. Yun na raw yung membership card ko.

Tapos sabay sigaw yung bilat sa loob ng "New Member!!!!!!"

Kakaloka. Kelangan talagang i-announce?

At biglang merong lumabas na menchus na naka-uniporme. "Sir, dito po." Talak niya sa amin.

Bago pa 'ko pumasok sa pinto eh may kumalabit sa aken.

Teka . . . teka . . . teka . . . . hindi pa ako nakakatatlong hakbang sa loob ng bathhouse eh may kalabitan portion na.

Paglingon ko eh yun palang baggage boy. Pinapashonggal niya yung jacket ko.

Nag-resist naman akez. Sabi ko witchelles ko bet. Tapos chika niya. Kelangan daw. Nako ha. Ayaw ko na lang makipagtalo sa isang baggage boy, sinurender ko ren ang jacket ko at super givesung siya ng isang tag na may goma.

Actually nag-resist talaga ako, dahil naka-sando lang akez. So, without the jacket and with my "yatis" na shortawan . . . . . eh parang hindi naman yata yon ka-aya-aya for a newbie. Witchelles makatarungan . . . . at ayaw ni Congresswoman Eta Rosales ng ganyan! Deadma. Na-realize ko na lang na later on eh shoshonggalin ko ren naman ang lahat-lahat sa ‘ken.

Super enter kami sa isang makipot na corridor then, bumulaga na sa 'ken ang isang entrance paakyat ng hagdan. Sa baba 'non ay may another menchus in uniform ang nagbabantay with a ledger of some kind. Sinundan ko na lang kung anech ang ginawa ni Claude. Nilabas niya yung wallet niya, phone and some other stuff na nasa bulsa niya. Na parang nahiya akong gawin dahil ang plenty ng nakalagay sa bulsa kez with matching a mini-stuff-toy na tweetie bird na key-chain. Nilista ang mga items nung menchus na parang si San Pedro at ginivesung sa another menchus na nilagay naman ang mga gamit sa isang bakanteng box kahelera din ang sangkaterbang maliliit na boxes . . . that would remind you of a post office. Pagkatapos non eh sinusi ang box at ginivesung ang another goma with two keys. In-explain sa 'ken 'nung menchus na yung isa eh yung susi 'don sa box at yung isa eh susi sa locker.

Nagbigay na ng go-signal yung San Pedro na nakabantay sa baba ng hagdan pagkatapos ang another kapa-kapaan portion at pinaakyat na kami.

All those times eh tahimik lang si Claude. 'Nung paakyat na kami eh bigla siyang tumalak.

"Okay. Siya na ang mag-ga-guide sa yo (referring to the menchus na sumundo sa 'min sa box office). Wala nang point na samahan pa kita. It would spoil the evening. I'll go ahead, magkita na lang tayo."

At nagmadaling nauna na si Claude.

Sa loob-loob ko naman eh potah naman pala 'tong si Claude sinama-sama pa akez and then all of a sudden eh solo-flight din pala ang labanan. Luka-luka!

Pag-akyat namen eh boses ng mga nagvi-videoke ang na-hearsung kez. Tapos may bar. I made a quick scan. In fairness . . . . okay yung place. Pero sa area na yon . . . eh lahat ng nasa-sight kez eh bihis pa naman . . . so far so good. Wala munang gulatan.

"Eto po yung bar . . . ." chika nung tourist guide.

Oh well . . . mukha siyang bar . . . . kelangan pa ba niyang i-define sa 'ken yon?

Tapos tumuro siya sa kaliwa . . . . "Eto naman po yung library."

Muntik naman akong matalisod 'dun sa narinig ko . . . LIBRARY talaga . . . ano 'to school?

Pagsilip ko eh na-sight ko ang hile-hilerang dirty magazines. Okay fine. Library na nga 'yon kung library.

We walked across the room. We passed the mga "pa-menchus" na super birit sa awiting "You Raise Me Up". . . the mere fact na iniwan ako ni Claude and the mere fact na mag-isa akong tinu-tour sa isang bathhouse eh nakapagpa-windang na ever sa mundo ko eh dinagdagan pa ng sakit ng ulo while hearing the group of pamenchus sing Josh Groban. Define "roller coaster of emotions."

Sa kabilang dulo ng room, huminto si tour guide, "Eto po yung audio-visual room . . "

Hanep! May library na nga, may AVR pa . . . . san ka pa?

Di ko na ninais na silipin pa kung anech ang nasa loob, seeing the "library" gave me the whole point.

Umatak kami sa isang corner na 'nung unang sight ko eh akala ko naman eh dead-end dahil puro salamin, but then no! May hagdan pala ditey pababa.

So . . . . baba naman kami.

Pagbaba eh biglang nag-dilim naman ang lahat. Pula . . . masyadong red ang ambiance. Meron na namang ala-San Pedro ang nakabantay don at heto pa, may podium talaga siya. Another set of kapa-kapaan portion. No wonder, malamang eh super heated up na ang mga menchus bago pa man maka-aksyon sa pinaka-loob sa dami ba naman ng mga buffy menchus na kumakapa-kapa pag-enter.

Pag-pass namen doon eh unang tumambad sa 'ken ang mga gym equipments that were awkwardly positioned. Yung mga tipong parang hindi sila para 'don. The way they appear eh parang hindi naman sila nagagamit . . . in short . . . display!

Sa kaliwang side ng room na yon eh ang mga lockers. In fairness . . . bet ko ang interior design 'nung place ha. Check na check.

"Eto po yung mga lockers . . . "

Aba'y malamang . . . . hindi naman sila mukhang mga "room for rent" sa 'ken.

Tapos eh sinenyasan ako nang menchus na kumanan muna, passing the gym equipments kuno, to a more dilemma place. Pag enter namen don eh parang crystal maze naman ang labanan, super paliko-liko . . . at salamin here . . . salamin there at salamin everywhere . . . . kulang na nga lang eh humawak ako sa tour guide or else eh witchelles ako makakalabas 'don. Inside the crystal maze eh ang shower room . . . tapos sa may bandang dulo eh ang sauna. Doon pa lang eh plenty na ang mga nagle-lurk na mga menchus na super tapis-tapisan portion na lang ang labanan. Samantalang ako itong all-dressed up pa . . . with matching tour guide . . . . could my entrance be less conspicuous than that? Harsh!

May-I-follow lang ako sa tour guide hanggang makalabas sa crystal maze. At nakahinga ako ng malalim

Sa likod naman ng mga lockers eh may daanan . . . another lagusan ito. With another shower room . . . and another bar.

Kung yung bar sa taas eh filled with "dressed" people . . . yung bar naman sa baba eh filled with "undressed" people. Ang funny ng concept ha.

More lagusan at hanggang sa makarating kami sa another stairs paakyat.

"Dyan po mas maraming place . .. tapos may mga booths . . .hindi na po tayo pwede umakyat dahil nakabihis tayo."

With the tone of his voice . . . . I believe na yun na ang this-is-it na place.

Got it.

Sa dami ng lagusan at pajikot-jikot nung lugar na yon eh naloka ako. One turn, may mga gym equipments na parang useless, one turn . . . eh may mga menchus na naghuhubad at nagtatapis, one turn . . . eh isang bar na ang mga naka-upo eh mga menhus na walang pakundangan sa pagbukaka . . . one turn eh ang crystal maze . . one turn eh shower room with menchus na mega shower all-the-way . . . . one turn eh stairs . . .one turn . . .another stairs . . . . talk about direction overload . . . .

"Okay sir. Pag may problema po eh ipatawag niyo na lang ako. Pwede na kayong magbihis."

At iniwan na ko ng tour guide.

At that point eh parang I felt that the entire place is closing in on me . . . . it's me against the world . . . . .

Attack na ko sa mga lockers. Hinahanap ko si Claude pero nowhere in sight siya. Hinanap ko ang locker ko. Gustuhin ko mang tumingin-tingin sa paligid ko at i-sighteous ang hitsura ng mga utaw eh parang witchelles ko ren kinaya.

So, open ng locker . . . getching ng tinnie-winnie na tuwalya at slippers. Hubad . . . . . . hubad . . . and hubad . . . . .

Huminga ng malalim then . . . . bahala na si batman.

To be continued . . . .

Wednesday, May 31, 2006

STRANGER in DAVAO (part 4)

THE SECRET IS OUT


Bading ako . . . . .
Bading ka . . . .
Bading sila . . . ..
Bading tayong lahat . . . .. .

Who cares?
*

Itechiwa lang ang mga salitang naglalaro sa isip ko na parang mga gamu-gamong jumijikot-jikot sa apoy ng shondila, habang nasa carumba ni DEEP VOICE.

Pagkagaling sa Jack's Ridge eh ask si DEEP VOICE kung ngaraggedy-anne-and-andy na raw ang drama ko. Talak ko, witchelles pa naman. Sabi niya may isang place pa raw kaming aatakan, "more private."

Akez naman eh Go Japan! lang.

Matapos ang usapan nila ni Councilor cherva-er-er-chervavich eh witchelles ko na kinailangan pa ng paliwanagan o ng mahabang eksplanasyon na parang na-feel na rin naman ni DEEP VOICE. Witchelles din naman niya dinepensa ang sarili. Gustuhin ko man ng confirmation tungkol sa mga jinijisip kez eh parang witchelles ko na ren na-bettan dahil baka eynimomentz eh mas harsh pa ang marinig ko at magsisi lang akez in the long run. Shit! To think of it . . . . I got myself into a deep shit kung sakali, pero deadma.

Noong unang panahon eh mejo witchelles ko feel ang mga drama ng mga klosetang veklores. Ewan ko ba pero parang witchelles ko lang talaga sila feel. Siguro dahil sa fact na out ako at sila hindi. I mean, parang wrong. Alam kong I'm in no position to judge . . . but parang I feel bad for them . . . na ako itong pinker than pink ang drama samantalang sila eh witchelles man lang makapagladlad maski isang-inch ng kapa nila. I know, they have their reasons. But feeling ko eh instead of making things better . . . . eh parang mas na-o-opress naman siletchie. At parang unfair din . . . for them . . .

Ano ba ang mga rason kung baket witchelles makapag-out ang isang veklore????

(1) Ang pinaka-common na rason eh ang eksena ng kanilang "Familia Zaragoza". May strict na father o may muder na aristocratic . . . . kultura ren siguro . .
.exemple gratia: learn kez na sa super-mega-over chines na family to the most
traditional level eh witchelles bet ang halamang-dagat na member.


(2) Masyadong mababa ang pagtingin ng isang kloseta sa "sangkabaklaan" para
ihanay ang sarili niya sa mga ito. Witchelles niya kering shonggapin sa sarili
na veklore siya. Witchelles! Kahit na learn naman niyang nota din ang habol
niya. Go pa ren siya living a pretentious life.


Pero ganon talaga ang life. At may ganon talagang utaw. It doesn't mean na mas mababa ang uri nila. Live and let live, chika nga.

From Jack's Ridge eh umaatikabong maTagalog-movie-greats na biyahihan ang naganap.

More na pasikut-sikut na kalsada, nagdidiliman at nagtatarikang bangin.


Hanggang sa nakarating kami sa parang nag-iisang balaysiva lang sa lugar na yon.

At super daks na balaysiva itez take note. At take note, rest house lang daw yon ni DEEP VOICE. Kapag witchelles niya bet ang mga eksena niya in the real world eh sinsegregate niya ang sarili, umaataksiva sa balaysiva na iyonchienabelles at super rest sa house. Kaya nga siguro shinorwag na rest house. Corny!

Kakaloka.

Pag enter-the-dragon pa lang namin eh naloka na akez. Pag-on ng lights eh sumalubong sa ken ang mga banga na mas malalaki pa yata sa akin. At ang floor . . . . marble kung marble ito ha na sa sobrang kintab eh keri-kering manalamin.

Dumirecho kami sa living room. At jupostrax naman akembang sa isang couch na sobrang daks din at super lambot na parang nangangain ng tao.

Nag-excuse si DEEP VOICE.

Akez naman eh super waiting-in-vain lang don at super jisip sa mga nagaganap. Baka eynimomentz eh may umataksiva na lang doonchienabelles na mga Mang Jun Pulistiko at damputin si DEEP VOICE not knowing na drug lord si powtah. But then no! Siguro naman witchelles.

Pagbalik ni DEEP VOICE eh haves na siya ng isang bote ng Chardonnay (hindi ko kinaya ang kasosyalan ng nomu ha) at dalawang glass. Mega drinkaloo lang akez dahil paminsan-minsan lang nasasayaran ng mamahaling alak ang lalamunan kez . . . pasko pa.

Habang ninanamnam kez ang mamahaling alak eh biglang tumalak si DEEP VOICE.

Kung ano man ang mangyari eh ready na akez, since andon naman na ako. Kung bet niyang kunin na ang lahat sa akin eh go lang ng go. May magagawa pa ba akembang? Sa mga oras na ganoonchienabelles eh wala nang panahon para pa i-test ang pagkaganders at magmiganju.

"Mayroon akong dapat sabihin sa 'yo," talak ni DEEP VOICE. At serious kung serious ito.

Shinornix kez kung anech naman yonchie na dapat niyang ishorlak.

"Pero hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sabihin or not," talak niya another.

Make up your mind ha! I'm always here . . . . waiting for you to attack! Charing!

Hanggang sa lumabas sa mga bibig niya ang mga nakakashombling na salita na mas nakakashombling pa kaysa sa pag-shorlon sa bangin ni Lady Choi!

"I have 2 kids na . . . . . . "

Yes . . . oh yes . . . . . he is indeed a PAPAble . . . .Papa as in . . . you know . . . . with kids.

Naloka naman akez at biglang nawala ang pag-iinit na kaniney ko pa nafi-feel sa shortawan kez. Napaupo akez ng direcho. Witchelles ko learn kung anech ang itatalak ko and besides, witchelles ko rin naman learn kung baket niya tinalak sa aken yon noh! Kung ang plano niya eh sirain talaga ang libido ko eh pwes . . . . successful siya.

Super waiting-for-tonight si DEEP VOICE sa kung anechiwa man ang ishoshorlak kez but then, wala din siyang nahita. Wa akez spluk.

Shumoyo siya. Super smile, "It's fine naman for me if you know . . . you don't want to do it . . . with . . . someone like me who has kids already."

Sa truelili lang, witchelles naman sa ayaw ko . . . . witchelles ko lang learn kung anech ang magiging reaksyon ko. Okay lang naman noh. May nota pa ren naman siya. Luluki pa ren naman ang tingin ko sa kanya, kahit na may mga junakis morrisette na siya. The thing is, I never like did it before with a real Papa . . . I mean, I might have had sex na ren with a "Papa" nang hindi ko learn, pero at least eh hindi ko nga learn . . . eh si DEEP VOICE, kelangan talaga bang ipalearn sa 'ken. Harsh!

Tumagal pa ng ilang minuto ang dead air sa pagitan naming dalawa nang biglang nag-ringaling ang fonilya niya.

Nag-excuse siya at umatksiva sa kusina.

After a few moments eh nahi-hearsung ko na siyang nakikipagtalakan as in warla mode sa kung sinech man ang kabersahan niya sa fonilya.

Naloka na naman akembang at this time, with matching jugjug . . . . . jugjug . . . . sa dibdib.

Is this not it?!?!?! Is this really really not it?!?!?!?!

Pagbalik niya sa sala eh ibang-iba na ang mood niya. Nag-sorry siya at chinika niya na we have to go. Bet niyang ihatid na muna akembang sa hotel chenelyn but then, chika niya na may dapat siyang atakan agad-agad. Kaya't hinila na niya akembang, joinlackes sa carumba at druvang to the fastest maximum level.

Witchelles pa kami nakakalampas sa Jack's Ridge, mga wala pang thirty-minutes eh nag-enter kami sa isang subdivision . . . . at nag-stop sa isang block ng mga housing units na identical. Chika niya sa 'kin na mag-stay lang daw akembang sa carumba. So, akez naman . . . with matching all the kaba and the facial expression of "what's goin' on?!???!?!?!" eh mega-sit na lang.

Bago pa siya maka-josok sa isang housing unit eh jumukas ever ang shintuan at lumabas ang isang babaeng ka-karakas ni Martha Stewart, pinay version nga lang . . . . with all the pearls . . . the matching blouse and pants and don't forget the handbag. Parang warla ang bilatchus, witchelles ko nahi-hearsung kung anechiwa ang nangyayari doonchienabelles pero I got this feeling na umaatikabong ratratan portion ang sumalubong kay DEEP VOICE.

Kaloka.

After a few minutes eh may menchus naman na lumabas din sa balaysung. Wala rin siyang magawa . . . . dahil niraratrat din siya ni Martha Stewart look-alike.

Ang harsh ng eksena dahil unang-una eh para akong mega-watch ng silent movie. At pangalawa eh I can sense a disaster unfolding right before my eyes. At andon akez . . . . na walang kamuwang-muwang . . . .

Si VAL!!!! Parati na lang si VAL!!!! Si VAL na walang malay . . . ang drama ko sa buhay. Parang bet ko nang bumaba sa carumba ng dahan-dahan at isquierdahan ang lugar but then no . . . para rin akong nasa point of no return.

Kung anech man ang eksena doonchie eh wala akong definite na idea pero felt na felt kong witchelles siya happy moments.

+

Medyo matagal bago pa nashorpos ang eksena. Nag-ending siya nang sumakay na lang bigla ang bilat sa carumba niya at umisquierda.

Inimbitahan akez ni DEEP VOICE sa loob 'nung housing unit. Na-learn ko kung sinech ang menchus. At nagpaliwanag si DEEP VOICE.

I will not go into details for the sake of DEEP VOICE . . . . (and for the sake of my life . . .echoz!) but then, kayo na lang ang humusga.

Nakauwi din ako sa hotel. Nakatulog ng mahimbing at ginawa ang trabaho na dapat ko talagang gawin si Davao.

It was a helluva experience for me . . . .

+

We all have secrets . . . . . As we go on with our everyday lives, we meet and encounter people that at first look, we could have an idea of the totality of their character. But that is not enough . . . .

Behind a smile or a beautiful face . . . . underneath it might lie something that is not supposed to be seen or known.

Whatever the reason . . . . would be a mystery . . . .

But secrets are bound to be discovered.

The question is . . . like the song goes . . . "How do we ever keep a secret?"

But once the secret is out . . . . . . .

Do we stay in the shadows of our own deception or we accept the fact that the SOLUTION IS "OUT" . . . . ?





Photobucket - Video and Image Hosting

Wednesday, May 17, 2006

Monday, May 08, 2006

STRANGER IN DAVAO (part 3)

"SECRETS"

We all have secrets . . . . . even as I recount my life in this blog . . . I still keep secrets of my own. As we go on with our everyday lives, we meet and encounter people that at first look, we could have an idea of the totality of their character. But that is not enough . . . .

Behind a smile or a beautiful face . . . . underneath it might lie something that is not supposed to be seen or known.

Whatever the reason . . . . would be a mystery . . . .

* * *

Super fast and the furious eh nakapag-pa-fresh na akembang at nakababa sa lobby ng hotel.

Super waitsiva lang akez, habang super readaloo ng isang local newspaper na witchelles ko ren naiintindihan. Habang super pa-cute sa 'kin ang keri-kering concierge na kutis-molave. Ewan ko ba kung nabibighani lang siya sa angking kabyondahan kez o naloloka lang siya sa fact na super readaloo akembang ng dyaryo na wa ko rin naman learn ang mga nakachenelynbhar doonchinabelles.

Deadma.

Walang anu-ano eh biglang nag-vibrate na lamang ang nyelpie ko na medyo malapit sa puriit ko dahil nakalagay siya sa bulsa kez sa likod. Na-happy naman akembang dahil (1) hayan na siya at umoorwag na si DEEP VOICE, malamang; at (2) may kakaibang sensasyon akong nararamdaman sa may juriit kez. Happy da 'vah?

Anyway, this time eh numero ang lumabas sa screen kez.

So, super sagot naman akembang, pa-sweet . . . . pa-demure . . . .

"Hawwwwwwleeeeerrrrrrrrrrrrqcksh!!!!!!!!!!"

Echoz . . .

Simpleng, "Hello," lang naman.

"Are you ready?" talak ni DEEP VOICE, nang narinig ko uli ang boses niya eh nakaramdam akez ng kakaibang init na nagmumula sa pinakakaibuturan ng damdamin kez na animoy fresh na fresh na magma na mabilis na umaagos mula sa puson ng mundo . . . . naghahanap ng biyak na lalabasan at handang-handang sumabog!

"I'm ready when you are," talak ko na mahihiya pati si Say Alonzo sa kalandian.

"I'm here at the hotel entrance," chika ni DEEP VOICE.

So, isquierda agad akembang paatakchienabelles sa entrance ng hotel.

Pag-sight kez, eh waz namang utawsingbelles doonchie bukod sa isang daks na itim na sasakyan, parang "Everest".

Nasa-linya pa rin si DEEP VOICE.

Shinornong kez kung siyachie ang nasa daks na carumba.

Confirmed.

Mega kaway pa siya pero witchelles ko maaninag ang herodes na nasa loob.

So, labas akez, open-sesame ng door ng carumba, then enter.

Hayon na. Pag-sightchinabelles ko sa kanya eh nagkaroon nag-materialize na ren ang mga imahen na kaniney pa naglalaro sa isip ko. Mejo swak ang expectations ko.

Matured guy . . . siguro around mid-thirties. May mga stubbles sa fez. Naka-best in formal wear pa siya na parang feeling kez eh iyonchienabelles pa ang suot-suot niya sa office. Naka-tupi na lang ang sleeves to reveal his bulging biceps. Si daddy ha . . . .di nakakalimutang mag-gym, in fairness.

"Is this your first time?" shornong ni DEEP VOICE habang mega-druvang. In fairness naman talaga, ibang-iba ang hagod ng boses . . . parang nanunukso . . . nangaakit . . . . nakakapangilabot . . . . nakakatindig . . . . . you know . . . . balahibo.

"First time what? To be picked up by a stranger in my hotel?" sagot na tanong kez.

"No . . . in Davao . . . " klaro niya.

Ah okay . . . si daddy naman kasi eh . . . witchelles dinidiretso ang tanong para sa isang veklores na sadyang luntian ang pag-iisip na tulad ko.

"Technically no . . . . pero, the first time that I was here, hindi rin ako nakapaggala and nakalabas ng hotel dahil sa dami ng work and limited ang time."

"So . . . . it is your first time . . . . "

"Di nga eh."

"I mean . . . to be picked up by a stranger in your hotel . . . . "

"Ah . . . actually . . . I've been picked up by a lot of strangers na in a lot of times (kape!)"

Shuhimek lang kami ng slight then, talak siya, "So . . . how was it so far . . . . "

"Okay lang naman. Exciting. Adventure. Kasi 'di mo alam kung anong mangyayari sa inyo kapag as in total stranger ang naka-meet mo . . . pero happy naman so far . . . . di pa naman ako nagigilitan . ."

"I mean . . . . your stay here in Davao?"

Naiinis na ko sa usapang ito ha.

"Davao. Great. Okay lang . . . . ganda nga eh . . alam mo, given the opportunity . . . I can actually live here."

"Anong klaseng opportunity naman yon?"

"Kapag, alam mo yon, siguro merong mag-ooffer sa 'ken ng bahay at high-paying job eh di why not?"

"What if I offer you a house and a high-paying job, right now? What would you say?"

"Nako. 'Wag ka namang magbiro ng ganyan. Alam mo, if you're in Manila. I wouldn't just offer you a house and a high-paying job."

"Of course not . . . I can see that you can't afford it naman and besides, if I'm in Manila, I would stay in my unit in the Residences."

Parang at that momentzzzz eh parang gusto ko namang hanapin ang intertropical convergenze zone dahil may nafi-felt akez na may panaka-nakang pagbuga ng malakas-lakas na hangin sa may bandang driver's seat until narealize kong si DEEP VOICE yon na parang may built-in industrial fan.

Wit naman akez agad na natiwang . . . betsiva kez ang mga utawsingbelles na ganitrax . . . . .may bilib sa sarili . . . . at katakut-takot na self-confidence ang inee-exude. Ibang level ito . . . . may challenge.

Kunwari ay namangha naman akez sa tinalak niya. Kung makapag-"Residences" naman siya eh parang ang mga unit sa Greenbelt eh nabibili lang ng kinse isang tumpok ha.

After 20 minutes eh witchelles pa ren kame nakakarating sa dapat na marating namin at nagsisimula na 'kong maloka dahil pa-sukal na ng pa-sukal ang mga daan na tinatahak namin.

Pero, inassure naman niya akez na super happiness ang aatakan namin kaya patience lang daw.

* * *


We all have secrets . . . . As we go on with our everyday lives, we meet and encounter people that at first look, we could have an idea of the totality of their character.

We may encounter some people who at first are already very outspoken, they could be bright individuals. Used to be at the top of class . . . . achievements fill up the last 3 pages of their curriculum vitae. They could also be not well-liked.

On the other hand, there are those who could barely speak a word. Insecurity fills the air whenever they're around . . . . . people with low self-esteem and self-confidence. They'd rather be silent in ages than commit a mistake in a second.

Voices and the manner of speaking could also tell a lot . . . . . a person who speaks very fast and spontaneous can be an intelligent one . . . . a person who speaks very fast but doesn't make any sense at all can be a poser . . . . a person who could not finish a sensible sentence could be a shy type if not probably a model . . . . a high-pitched voice that has more intonations than the YES.FM jingle could be a very joyful person and if it is a guy then he might be gay . . . . a very DEEP and modulated VOICE could be the mysterious type . . . .

But, then again, these are not enough. Still . . . there's more than what meets the ears and the eyes.

* * *


Finally, after forty-years in the travelling portion at halos bumaligtad na ang matres ko sa pajikut-jikot na daan at super lalim ng mga bangin eh nakarating din kami sa isang super happy na place at the top of a hill. "Jack's Ridge" daw ang namesung ng place. In fairness, super happy talaga.

It reminds me of . . . . .

Haaaaaay . . . . I promised myself not to think about it . . . .pero heto najisip ko na naman . . . at since nandito eh . . . . eh ichichika ko na lang din . . . .

It reminds me of Antipolo and the overlooking chenelynbhar . . . . at sa tuwing may-I-remember ko ang place na yonchie eh super najijisip ko ren ang mga eksenang naganap sa 'ken doonchinabelles . . . with "who else"? "Him" . . . . whose name should not be mentioned.

Anyway, may ilang-ilang bar and resto donchie and isang coffee shop.

So, enter kami sa coffee shop ever.

Pag-sight kez sa menu eh naloka naman akey . . . . parang lahat ng category ng food and beverage eh may something that got to do with durian. Sa pastry section . . .eh may durian cheesecake . . . . meron ding durian cookies . . . . sa coffee section . . . may durian coffee . . . at sa frappe section eh may durian frap . . . . san ka pa?

Pano kaya sa Pangasinan . . . . since sikat ang bagoong doonchie . . . . haves din kaya ng bagoong cheesecake at bagoong frappe? Ang chaka ng eksena . . . .

Anyway . . .super order na lang akez ng latte with 1 shot of espresso for more energy and more gising-gisingan portion . . . .

Siyempre super treat naman itung si DEEP VOICE . . . eh siya naman kaya ang nag-aya noh . . choz! Mag-take advantage talaga? Actually, dumukot na akez (pero charing lang) . . . .he insisted to pay. Okay fine! Matino naman akong kausap noh . . . .

Pumuwesto kami sa labas. Na ang kashobe eh super tarik na bangin. Na mahipan ka lang siguro ng hangin . . . . . .at napatumbling ka lang ng slight eh . . . kinabukasan . . . . . closed coffin ang labanan.

At may napansin akong nakapaskil sa isang puno na karatulang chumichika nang "This is a designated smoking area". In-explain naman sa 'kin ni DEEP VOICE na sa Davao eh witchelles kering magyosi ka lang ng magyosi sa kahit saan. Maski open-air eh may "DESIGNATED SMOKING AREA" at kapag na-jullie-yap-daza kang super subey sa isang lugar na walang karatulang "DESIGNATED SMOKING AREA" eh haves ka ng instant bracelet na magkakadena sa magkabilang kamay.

Kaloka!!!

Pero in fairness . . . . . happy talaga ang place. Romantic . . . . the whole city eh sight na sight. Masarap ang hangin . . . at ang mga stars eh parang mega-connive pa sa pagningning para maging mas perfect ang gabi na papasa para sa isang uber-mushy na koreanovela na hindi naman nagre-rate.

So, hayon na nga . . . .chikahan kami ng slight-slight. Actually, ako lang ang more na chumichika. So, more ask akey.

Na-learn ko na isa siyang cabinet . . . . closet . . . closet-case . . . . tagong-bading . . . . . taong pinipilit na i-jobos ang hasang para hindi mahalata ang pagkapula neto.

So, tinanong ko sa kanya kung kamusta naman ang lovelife niya.

Chika niya na mahirap daw para sa isang tulad niya na magka-lovelife sa Davao, where everybody knows everbody. Sobrang maingat daw siya at kung minsan pa nga raw eh kapag sinusumpong siya ng pagka-Catherine-Zeta-Jones at witchelles masolusyunan nang pagkikipag-daupang-palad kay Mariang Palad (at kay "Haller Fingger") eh mega-travel pa siya sa Cagayan De Oro para bumuking. At take note ha . . Davao and Cagayan De Oro is not like Riverbanks and Lawton . . . . . Davao and Cagayan De Oro is super far sa isa't isa . . . like Riverbanks and Barasoain Church.

More chikahan . . more chikahan . . . hanggang napansin kong iritado ang tingin niya sa pagkaka-upo kez. Tapos, tumalak siyang . . . .

"Bernard . . . can you spread your legs apart."

Naka-de-kwatro ako 'non. Yung de-kwatrong pa-girl with matching kuyakoy-kuyakoy pa.

Alam 'nyo, in normal circumstances . . . I wouldn't be offended kapag tinalakan akong "spread your legs apart" because normal circumstances for me is when I am in bed with a guy.

Pero yung eksenang yon . . . is definitely not one of my normal circumstances.

Sumunod din ako maski labag sa loob kong bumukaka at umupo na parang konstru na nag-yo-yosi break sa construction site. Ano pa ba ang bettti-boop niyang gawen ko . . . . .gusto pa ba niyang palalimin ang boses ko to the baritone level? Pero witchelles naman na siya tumalak pa. Yung pagko-cross-legs ko lang daw. Masyado daw kasing pa-girl baka lang daw meh makahalata.

Eh kung tampal-tampalin ko kaya siya ng pa-girl kong mga kamay!?

Deadma na.

I respect naman him. Ayaw ko rin siyang mapahiya. Kaya sinaid ko na ang lahat ng menthol hormones ko para lang sa kanya.

Humaba pa ang chikahan . . . . . .

Hanggang sa may isang girl na lumapit at binati si DEEP VOICE.

Nagchikahan sila.

Noong una eh deadma akez sa usapan nila.

Hanggang sa . . . . nakahearsung akembang ng mga words na "motion" . . . "ordinance" . . . . "letter" . . . . "kausapin mo kaya si vice . . . . . "

Sa mga puntong iyon eh nagbago ang ekspresyon sa fezlack ko from Dorothy before OZ to Dorothy with the Munchkins and the wicked witch of the west!

Napansin ni DEEP VOICE ang pagkambyo ng fezlack kez.

Inontroduce niya agad akez sa girlaloo . . . . .

"Bernard, this is my colleague . . . . Councilor cherva-er-er-chervavich . . . . "

* * *

We all have secrets . . . . . As we go on with our everyday lives, we meet and encounter people that at first look, we could have an idea of the totality of their character. But that is not enough . . . .

Behind a smile or a beautiful face . . . . underneath it might lie something that is not supposed to be seen or known.

Whatever the reason . . . . would be a mystery . . . .

But secrets are bound to be discovered.

The question is . . . like the song goes . . . "How do we ever keep a secret?"


* * *


To be continued . . . .

Monday, May 01, 2006

STRANGER IN DAVAO (part 2)

TEXT:

Hi. Ed hir, u giv m ur nmbr s chat earlier. R u free na b?

Heto na ang first appointment kez.

So, go lang ng go.

Super teksami back akembang at chinikang, "I'm always free". Ginivesung ko na ren ang room numbererette kez para go na lang siya ng go.

Tapos, eh super enter na akembang sa shower for more freshness galore. Learn naman ng mga badinggerzie yon noh, na pag may dookit na magaganap eh kelangan talagang magpa-fresh, kalikutin ang dapat kalikutin . . . . . kiskisin ang dapat kiskisin.

Super sabon na akembang ng biglang nagringaling ang phonelya kez.

Nalorka naman akez, with all the sabon and shampoo and everything eh lumabas akez sa shower room at shinorgot ang phonelya.

Si Ed. Nasa door na raw siya.

KALOKA! Eh wala pang sasampung minuto eh nandon na siya. Hindi naman kaya siya masyadong excited sa lagay na yon noh?

So, ataksiva akembang sa shintuan ever, with the tapis, sabon, shampoo . . . . as in I'm dripping wet . . . . Open-sesame ng door at pina-enter-the-dragon si Ed.

Keri siya. Ang depinisyon ng "keri" sa 'ken eh wittelles chapter 10, verse 5 at wittelles din naman super hottest. Keri lang. Average baga.

May katangkaran siya ng slight, maganda ang hugis ng mga balikat. Yung fez niya eh yung tipong, magaganda lahat. Maganda ang eyes, maganda ang ilong, maganda ang lips . . . pero pag-sinama-sama na eh parang witchelles sila SWAK sa isa't isa. Pero keri lang. In moments like these, looks really doesn’t matter at all . . . . . . performance counts.

Nag-sorry akembang dahil na-sight niya akez na wet na wet, pinajupo ko siya at chika kong popostcardin ko lang ang palelegis kez.

Biglang chumika siya, in a bisaya tone, na jujoin raw siya.

Wittelles naman akembang kaagad na naka-ispluk, dahil wittelles pa akembang nakakakurap eh naka-jubadstra na siya agad. Parang magic! One moment his dressed . . . . . the other moment his naked and sacred! Kakaloka!

"Ano? Tara!?" chika niya at nauna na siya sa shower room.

In fairness, witchelles ko na maremember ang last time na nalegis akembang na may kajoint-forces. Kung witchelles akembang nagkakamali eh grade one siguro ang huling beses na nalegis akembang kajoint forces ang mga shopet balay sa probinsiya at sa poso pa yon ha!

Deadma na akembang. Enter-the-dragon naman na akez sa nyiarette.

Pag-enter ko eh don na naloka ang mundo ko.

Witchelles ko learn kung obvious ang tingin kez, pero feeling ko eh obvious, na noong pagjosok ko pa lang eh direcho ang tingin ko sa fezlack niya then automatically bumaba ang mata kez sa baba. You know . . . down there . . . witchelles ko talaga maiwasan.

Feeling ko eh may "attention-deficiency-syndrome" ang nota niya. Masyadong papansin.

Dahil in fairness, naman noh, witchelles pa sherlag ang notring niya eh parang may kung anumang mahabang bagay na super dangling in between his legs noh. As in majoba at makyoba, na sa unang sightchinabelles kez eh feeling ko eh bumibili akembang ng footlong sa harapan ng Beda.

Napalunok na lang akembang sa nerbiyus while standing there. Syet! Witchelles ko learn kung kekerihin ba ng powers ko ang deadly weapon na dala-dala niya na siguradong kapag sinampal ka non sa fezlack eh instant knock-out ka. Najisip kez na baka eynimomentz sa gabing iyon eh tuluyan nang mawarat ang pinaka-iingatan ko brilyante ng lupa!!!

Napa-sight siya sa 'ken dahil ilang segundo ren na nakashoyo akembang doonchie. So, for the sake, the witchelles naman akembang magmukhang shunga na parang noon lang nakasightchinabelles ng notring eh . . . . joint na ren agad sa shower.

So, hayon na nga . . . ligo . . . . ligo. . . . shower . . .shower . . . . sabon . . . sabon . . . . himas . . . . himas . . . .

Kelangan talagang may mga eksenang ganito ?!?!?!?!

Alam 'nyo na ha.

Shumoyo siya sa shorlikod kez at sinabon niya ang likodstra kembang. Bet ko sanang ichika na galingan niya ang paghagod dahil paminsan-minsan lang ako nakakapag-hilod ng likod. Pero wittelles ko naman na tinalak, baka eynimomentz eh masira lang ang momentum.

Then, unti-unti nang nag-iba ang mosyon ng kamay niya . . . . .gentler . . . softer . . . . nakakaerbog na ng fatalle. On my shoulders . . .on my chest (na di naman gaanong kalakihan) . . . . on my stomach (na panalo sa abs, charing!) . . . . on my navel . . . . parang ang mga kamay niya eh super explore na parang naghahanap ng "undiscovered territories" . . . . hanggang nakarating ang kamay niya sa "territory" na kanina pa eh willing na willing nang madiscover.

Witchelles ko na naiwasan ang panibugho ng pagkaCatherine-Zeta-Jones ko. Unti-unti nang nag-standing-ovation si junjun ko.

Humarap akembang sa kanya at mas lalong nanlaki ang mata kez. Tamang-tama nga ang pag-i-standing-ovation kez, dahil parang may pambansang awit na magaganap dahil merong nakatayong FLAGPOLE sa pagitan naming dalawa.

Shet na shet! As in shet na shet! No exaggerations . . . . . first time kong nakasightchinabelles ng malahiganteng notring na noong unang akala kez eh sa pantasya lang at sa dildo stores nag-e-exist!

Luluhod na sana akembang para sambahin ang pagkalalalake niya nang inunahan niya akez na lumuhod.

So, hinayaan ko na lang siya.

In total fairness naman, witchelles lang gifted ang notring niya . . . . gifted din siya sa paghada. Parang gusto ko tuloy mag-take ng crash course ng tamang paghada sa kanya.

So, hayon nga . . . . .

Tapos, bigla siyang shumoyo. Akala ko naman eh it's my turn . . .but then, ginetching niya ang shondomey na nakashotong sa lababo at ijinuot sa junjun kez.

Nyeta. Pabona ang potah!

Wala naman na akong choice eh andon na eh.

Shumorlikod siya again . . . and then . . . . . you know na what happened.

Ang mga tunog na nililikha ng malakas na buhos ng tubig sa shower ay napalitan ng mga halinghing at ipit na sigaw na sa una eh sigaw ng sakit pero nang sa kalaunan ay naging sigaw ng sarap.

Ang mabangong amoy ng sabon at shampoo ay napalitan ng mabigat na hangin na ibinubuga ng mga nag-uuminit na katawan.

Sa mga oras na iyon . . . . ang dalawa ay naging isa . . . . .

Hanggang sa . . . .

End of dookit.

Ayun lang.

Pagkashorpos ng shower-slash-dookit eh nagbihis na ren siya. Nagpasalamat at nagpaalam.

Sa loob-loob ko naman eh nyeta yon ha . . . . useless naman yata masyado ang kadakilaan ng junjun niya. Pero deadma . . . nag-enjoy din naman akez.

Nashogod akembang ng slight. May-i-higa-higaan portion akez sa bed habang inaasam-asam si Zanjoe Marudo sa loob ng bahay ni Kuya.

Nakakaborlog-borlog na akembang nang biglang nag-ringingbelles-jingle-belles ang phonil kez. Pag-sight kez sa screen eh "Private Number" ang talak.

Answer akez.

"Hello????"

"Are you the stranger?" sagot naman ng boses sa kabilang linya. Malalim at malaki ang boses niya. Buong-buo. Super DEEP VOICE.

Witchelles akez nakashorgot dahil honestly eh wala akong idea sa sinasabi niya.

"You gave me your number over the internet," sabi ni DEEP VOICE

Ahhhhhh. Okay. So, isa ito sa mga prospective bookings.

"Oh yeah . . . " chika ko na lang.

"So, wanna go out?"

Ichichika ko sanang super pagoda tragedy na akembang but then, I felt something . . . . na-curious naman akez bigla dahil sobrang ganda ng boses niya. Parang boses pa lang eh ulam na! Keri nang mag-mega-shingger-lickin'-good-at-KFC na ang drama mo habang pinapakinggan ang boses niya at solb-solb na.

"Ano naman ang gagawin natin," chika ko. SWITCH to flirt mode.

"Coffee . . . . I know a great place . . . . a must-go-to here in Davao."

"Okay. Sige."

"Okay then, I'll pick you up at your hotel, say in 20 minutes?"

"Can you make it 10?"

TO BE CONTINUED

Tuesday, April 25, 2006

STRANGER in DAVAO (PART 1)

Summer is just around the corner kaya pagkalabas kez ng balaysung eh mega best in summer wear na akembang with matching sunblock and shades na sa sobrang dakil eh mahihiya pati si Audrey Hepburn sa Breakfast in Tifanny's.

Gumetlack akembang ng shoxiebelles at sabay talak, "Sa airport . . ."

Haves akembang ng another raket sa Davao. Second time ko nang umataksiva doonchienabelles at ang first time na atak kez eh witchelles na nga akembang nakapagenjoy dahil ngaragan portion eh nawalan pa akembang ng cellphone at laptop. Haggardness to the fatalistic level.

That time eh dalawang araw na lang eh Fashion Week na and yes oh yes! Pinagpalit kez ang mga glamorosang raket for Fashion Week para sa Sales Convention ng instant noodles. Yes! Da 'vah from runway sana eh pang-kusina lang ang bagsak ng beauty kez. But then, of course eh you know naman . . . . budjey comes first. Eh mas malaki ang budjey ng instant noodles eh kaya go lang ng go!

Pagdating sa Domestic Airport eh sinalubong na kez ng counterpart ko sa Universal Robina . . . si Dakki. Noong una kong nasightchinabelles si Dakki eh parang nakita ko na ang soulmate kong matagal-tagal ko nang hinahanap-hanap. Narinig ko ang mga kalembang sa tenga ko . . . . . which signals na siya na ang lalaking maghihintay sa 'ken sa dulo ng altar with a wala nang kinabukasang-"Sam Milby smile", habang kumakanta ang Madrigal ng "Sana'y Wala Nang Wakas". Na-felt ko, as in felt na felt na felt . . . . siya ang lalaking magtataguyod ng pamilya ko at magiging ama ng mga anak ko . . . . shet! May pagka-chines itung si Dakki, or rather chines talaga siya at ang kutis eh parang kokomban na matapik lang ng kaunti ni Madame Sandra eh namumula nang daig pa ang kinalburong mabolo. And the way he moves and speaks eh parang learn na learn mo nang simula pa lang pre-school, hanggang kolehiyolo hanggang post-graduate eh LaSalle ang pinapasukan nitu with matching hatid-sundo ng chedeng na may druvang na may hawak parating dakil na payong.

Kaso nga lang eh may angking ka-bubistrihan itung si Dakki, which makes me wonder kung paano siya napadpad sa masho-as sho-as niyang posisyon sa kompanya nila. Oh well! Ayaw ko mang maging judgmental pero sabi nga nila . . . . No One is Perfect!

Anyway, pagdating sa airport eh pinabitbit ko na sa kanya ang mga bagelya kez. Oo naman noh! Para naman magkasilbi siya, ako na nga ang lahat na gumawa ng trabaho niya for the past month! Echoz! Gentleman lang talaga siya. Tarush noh! Babae talaga ang tingin ko sa sarili ko.

Pagkapostcard mag-check-in eh super waiting-in-vain lang kami sa VIP lounge. Powerful naman kasi si Dakki, marami siyang friends sa Cebu Pacific. But then, witchelles ko pa man na-aabuso ang libreng kape sa VIP lounge eh . . . . . "Flight no. chenelyn chenelyn bar bound to Davao is now boarding at gate chenelyn . . ."

Imberna!

So, go kami sa kainitan ng araw paatak sa jeroplano.

"Sa loob ng tintayang dalawang oras at dalawampung minuto, tayo po ay lalapag sa pandaigdigang paliparan ng Davao. Ikabit na po natin ang ating mga sinturong pangkaligtasan dahil tayo po ay lilipad na . . . ", sabi ng super gwapong flight steward na nagngangalang Ricky sa mic.

Habang nasa flight eh, I can't help but imagine . . . . . sa totoo lang eh isa sa mga pinaka na eh wildest pang pangarap ko eh ang makapagdookit sa isang super gwapong flight steward sa loob ng napakasikip na lavatory habang pa-crash landing na ang jeroplano. Siyempre naman noh . . . last momentz mo na yon on Earth . . . . better spend it wisely!

Anyway, after nga ng tinatayang dalawang oras at dalawampung minuto eh nakalapag din kami sa pandaigdigang paliparan ng davao.

Kakaloka pero in fairness . . . . . . wala kong masasabi sa airport ng Davao . . . as in na maliwanag na nilalampaso nitu ang lahat ng airport sa Pilipinas including NAIA. As in . . fabulous siya. Yun lang!

From the airport eh mahaba-habang biyahe pa another ang tinahak namin paatak sa Marco Polo Davao.

To be honest eh witchelles ko na nga iniisip ang convention the following day eh . . . ang tanging nasa isip ko lang ang mag-enjoy . . . . at mag-enjoy. Shet! Ang harsh ko noh?!

Pagdating sa hotel eh super check-in at buong akala ko pa naman eh magkajointforces kami ni Dakki sa room at nang makapagpulo't-gata na kame at looooong last . . . . . . . but then no! Tig-isang roomaloo talaga kami. Since keri naman daw na magwaldas ng salapi. Go lang ng go! At dahil 'jan hanggang pati sa niyosi kez eh ni-reimburse kez.

Anyway, after namin makapagsettle-down sa aming mga rooms eh betchay ko nang simulan ang Davao escapades kez. Inaya ko si Dakki but then, betchay daw muna niyang magrest. Text na lang daw niya ako pagdinner na.

So, hayon na . . . may I para akembang ng shoxiebelles na witchelles aircash. Trulagen! Haves talaga doonchienabelles ng shoxiebelles na witchelles aircash at ang flagdown eh 26 peysos at bawat pitik ng metro eh piso. Kaya siguro ang biyaheng parang from Baclaran to Fairview and back eh wala pang one hundred peysos.

Umatak akembang sa SM, more walkathon, more aurahan portion pero ligwak . . . . walang happy people. Tapos umataksiva akembang sa another mall, NCCC . . . kung anik man ang ibig sabihin non eh witchelles ko na inalam.

So, walk another . . . aura another . . .

Then, biglang pumasok sa jisip kez ang tinalak ng isang friendiva kez . . . . "Whenever in NEED . . . . internet is the answer"

So . . . . internet café ang bagsak kez.

Open ng MIRC at super chat sa . . . saan pa . . . e di sa DAVAO channel.

With na handle "Stranger in Davao" eh naghanap talaga akembang ng, you know, People Like Me . . . since I'm stranger in the area . . . siyempre super sightchinabelles akembang ng kachokara . . you know . . . to show me around . . . . to make gimik with me . . . have some coffee . . . or something more . . . .

Anyway, may isang goodhearted na guy ang nag-private sa 'ken. Even though, witchelles daw siya badinggerzie . . . straight na guy siya pero super close lang sya sa mga badinggerzie. Hayon, chinika niya sa 'ken na majijirapan daw akembang na makasightchinabelles ng "booking" sa channel na iyonchie. So, super suggest siya na umataksiva akembang sa channel na "Davaos*x".

Naloka naman akembang.

Super shornong akez kasi eynimomentzzzzz . . eh hetero channel iyonchie at baka mabalahura lang akembang ng todo-todo.

Chika niya, witteles!

So, go lang ng go!

Hayon na nga.

Pag-atak ko doonchie at pag-announce kez na stranger nga akembang . . . just arrived in town and all those achuchuchu . . . eh pinutakti agad akembang ng sangkatutak na private. Kakaloka.

Sa pagkakataong iyon eh magaganap na ang elimination period.

Pakitaan ng pichurs . . . and more chika-chika delight . . . witchelles naman akembang particular sa looks . . . . for me . . performance counts! Echoz.

So . . . from 15 semi-finalists . . . . . eh nakapili akez ng shotlo . . . na ginivesungan kez ng numbererette kez.

After non eh ginutom na akembang at super laps . . . then flyback sa hotel dahil learn kez na eynimomentz eh may schedule na . . . .

Bago pa akembang makaligo eh haves na ng texter's choice award . . . .

Si . . . Ed Michael . . . . .

TEXT:

Hi. Ed hir, u giv m ur nmbr s chat earlier. R u free na b?

To be continued.

Friday, April 21, 2006

THE "NOT SO" TWISTED WORLD OF JESSICA

Heto na nga! Since witchelles akey tinigilan ng sandamakmak na messages at email na super-demand ever kung aniklavu ang nangyari kay Jessica eh heto na . . . ibubuhos ko na.

As of the moment of this writing eh, I think mga 2 months na ang nakakalipas nang naka-flyuk ang my ever-dearest Jessica. Shet! You see how time flies?!

Anyway, hayun na nga.

'Nung gabing yon, nung super orwag si Miki eh direcho agad kami ni Claude sa Makati Med. At teka, bago ang lahat eh merong mga super-curiosity-kills-the-cat kung sinetchie uchimigawa si Miki. Hayon. Tumingin kayey sa sho-as arabum arabelles arabumbumbelles sa "Tingnan mo ko" banner . . . hayun ang Norweigian fly-in model, syempre, photo courtesy of Badinggerzie.

Loka da 'vah?

Hayon na nga . . . super suspense-thriller ang drama namin ni Claude on the way sa hospitality of culture. Naloka din ako dahil ang akala kong si Claude na may pusong pinatigas pa sa erna ng isang utaw na lumafang ng isang toneladang saging na lakatan eh may kapasidad pa rin palang maawa sa isang taong super binabalahura niya.

Pagdating namin sa emergency room eh nasightsiva na namen si Miki na jikot ng jikot na parang butiking na-tinga.

Nung nasightsiva niya kame eh bigla na lang siyang lumapet at napahinga ng malalim.

"Ay ran ran wana doo"

Ano raw . . . . . .

"Ay ran ran wana doo"

Potah. Siguro kung witchelles lang akey ngarageddy of culture 'nung mga oras na iyon at medyo tarantella eh nag-walk-out na lang akembang.

I don't know what to do daw . . . .

Hayun naman pala eh. Buti na lang eh may experience si Claude dealing with special child. Echoz!

Shinornong ni Claude kung nasaanchiewa si Jessica.

"Hisa stella ensad"

Ano raw uli . . . bat may stella L. na eksena?

He's still inside daw . . . .

Potah. Parang battle of the brains itu ha.

Shinornong ko siya kung anechiwa ba talaga ang nangyari.

Sa madaling sabi . . . ayaw ko na lang paduguin ang ilong ko pero . . . hayon pagka-isquierda raw nila sa Embassy at pagjuwelya sa Shang Makati eh dumiritsu na raw si Jessica sa nyi-arette at naloka na lang daw siya nang may ma-hearsung siyang super crayola to death sa loob ng kwartong pangkaruwagan. At hayon, pag enter the dragon niya eh na-sight niyang bloody mary na nga ang kamay ni Jessica.

Witchelles din daw niya learn kung anechiwa ang drama nung baklang may bukod sa may spotlight syndrome at bukod sa may short-term-memory-gap at bukod sa may malaking galet sa salapi eh may suicidal tendecies pa.

After siguro thirty minutes yon ng madugong usapan ng mga baluktot na ingles eh may jumubas na doktor in a white long gown at chinika kami kung kami daw ba ang kajoint-forces ni Jessica.

"We did everything that we can . . ."

Talak ba naman ng doktor. Harsh!

Parang itu ang favorite punchline sa mga telenovela kapag nashigbak na ang isang karakter ha.

"But he is still ang screaming fagot!"

Echoz!

Ang trueliling chika ng doktor eh keri naman na raw si Jessica. Minor injury lang naman, at witchelles naman kalaliman ang dinulot ng buckle ng Gucci na belt.

At doon ay halos isinuko ko na ang lahat-lahat sa akin nang ma-hearsung key hey hey hey ang talak na yon.

Gucci belt talaga ang ginamit ng baklang halimaw para pagpakashukamatay ara?!

Eksena ha!

At biglang lumabas na rin si Jessica sa ward na hapung-hapo na daig pa ang eksena ng isang comfort-gay na pinilahan ng tatlong batalyong hapones nung panahon ng giyera.

"I should've died," talak ng baklang Jessica na super trying-hard na magpapatak ng luha kahit sa sobrang kaOAyan niya eh papasa na siya para sa Etheria.

Pedeng-pede ko namang sabihin na, "Oo nga. Dapat natigok ka na. Sana sinundan mo lang ang madilim na ilaw pababa. Yon ang sundo mo nang mabawasan na ang mga baklang may maiitim na buto sa lupa . . . " But since being an always politically-correct gay eh ang tinalak ko na lang eh, "No, dear. Kaya mo yan. You can definitely manage."

Shet! Best in nyostikera of the year awardee naman akembang bang klang klang klang!

"I should've died . . . . I should've left this world and be in peace. Hindi ko na kaya. I should've died in the creation of my god (malamang eh yung Gucci yon)."

Deadma na lang akembang at super himas na lang kay Jessica na super inimagine ko na lang na isang pusang ligaw na gutom na nga eh nahulog pa sa imbornal. At si Claude naman eh naka-iwas ng tingin with matching tirik-tirik ng eyeballs on the loose.

Pero deadma na. Dinamayan ko na lang siya to the best na kinaya ng sikmura ko.

Seriously (and dautan aside), after that eksena eh witchelles na rin naman tinalak ni Jessica kung aniklavu ang naging drama niya at nagbali-baliwag portion siya at najisipang magshukamatay. Siguro, later on, eh pati sya eh nahiya sa mga pinaggagagawa niya.

Pero, it's a serious matter.

Maski naman siguro na witchelles aminin ni Jessica ang dahilan eh para sa akin eh super obvious naman.

Imagine a person na a couple of years ago eh super salat sa pamumuhay na halos pangkain na lang eh shinishipid-shipid pa para lang may pamasahe para pumasok sa eskwalahan nang makashorpos at mai-ahon ang naghuhumikahos na pamumuhay at kung minsan eh minamalas-malas pa na walang pamatud eh super walkathon to the college ang labanan.

Tapos biglang umibig at inibig (pansamantala).

Pakkkkkkatapos, jiniwan din siya ng jowa niya dahil nga sa sitwasyon niya sa life. Even though na chismis lang yon pero nafi-feel kong may ganong factor talaga.

Then, this person had an opportunity . . . . a very BIG opportunity. Sinunggaban niya agad iteckla kahit anechiwa pa ang jicipin nang kung sinung herodes at hayon . . . . JACKPOT!!!!

At ang mga kaligayahang witchelles niya natamasa nung mga panahong kapitbahay niya eh pusali eh nadama niya. Or rather, binili niya.

Jumelya sa Pilipinas, para lang ipamukha sa ibang mga utaw na yumurak sa kanya na RICA PARALEJO na siya at in fairness, eh sinamba naman siya ng todo-todo.

Pero isa lang ang witchelles niya nabili. Ang rason ng lahat ng pagsusumikap niya . . . . . ang totoong rason kung baket siya jumuwelya sa Pilipinas . . . . ang PAG-IBIG na nawala.

Sa labas nga eh masaya siya, okay fine, mamahalin ang mga damit na bumabalot sa katawan niya pero ang witchelles ko lang sure eh kung masaya ba talaga siya inside. Siguro naman eh witchelles pagpapakamatay ang isang utawsingbelles kung masaya siya inside da ‘vah?

Parang gusto ko na tuloy maniwala sa kachikahang "Money can’t buy everything!!"

I really don't know. Ayaw ko namang maging jugmental at baka maging kontrabida pa ang image ko but then . . . hayon na nga, deep inside me eh I feel sorry for Jessica.

Kasi parang in the end, it all boils down to one thing. Let's strip Jessica of his expensive clothes, new-yorker accent and a 5th avenue attitude eh he is just a plain-old-simple badinggerzie that is longing to be loved. Na kung minsan eh nagegetching niya ang everything pero witchelles pa rin siya happy kasi witchelles naman talaga yonchie ang desire niya. Ang totoong desire niya eh ang pag-ibig na na-loss na super waiting-in-vain pa rin siyang maibalik uli but then, nothing happened. Hindi rin siya binalikan ni Gerry maski tumaas na ang market value niya. Witchelles ko sure kung aniklavu naman ang rason ni Gerry, siguro may jowa na siya as of the momentzzz or witchelles lang talaga niya feel o siguro wala na talaga yung kilig factor. It's just another case of a failed love. Parang akez. Parang ikaw lang, na super readaloo ng blogsiva na itey sa opisina habang super nakahanda ang mga daliri sa Alt+F4 just in case na my opismate na dumaan, parang ikaw . . . . oo ikaw . . . na super deny to death na witchelles ka badinggerzie dahil isa ka ngang "bi" . . . . . tsaka ikaw din na kahapon lang eh ang sweetness than sugar ang drama nyong magjowa but today eh bitterness than apdo ng tilapia naman ang drama. We all crave for one thing siguro.

I don't know. Pedeng mali ang assumptions ko regarding Jessica. Pero that's how I saw things.

Come to think of it, Jessica's world is not that twisted naman pala after all.

Monday, April 10, 2006

LET'S GET STRAIGHT TO THE POINT (AFTERSHOCK)

Haller!!!!!!!!! With matching wave ala-miss universe, smile-litaw-gilagid na parang wala nang kinabukasan, at cartwheel with rolling drums and trumpets on the side, tayo then talon ng dalawang beses then GABUGSHK!!!!! SPLIT!!!!

Sorry sa mejo mashugal-shugal na panahon na walang update dahil . . . . .'wag niyo na munang alamin . . . .

Anyway, bago ang lahat eh betchay ko lang balikan ang PREVIOUS EPISODE (Let's Get Straight to the Point) dahil nalukresia-kasilag naman akey hey hey hey daw sa mga reaksyones por pabor ng iba't ibang utaw.

Itechiwa naman kasi ang betchay ko sa blogsiva na itey. Aside from writing the stories of my life and sharing it to you guys eh nagiging venue din siya ng mga mas makabuluhang balitaktakan. O da 'vah. It only proves, that there's more to life than kabaklaan. There's more to life than more kembot and more foundation day! Yeys! Because there is no life without hada and bona! Echoz!

Ang point ko lang eh sa bawat bagay na ginagawa at nangyayari sa ating life ever eh may lesson tayong natutuhan at may sense tayong nahuhugot maski ang pinakamaliit na pilantik ng ating mga daliri.

Okay so here it goes:

From Gerard (http://www.rainwaterkennel.com/): Hirap ng tanong mo ateng, para mong tinanong kung nauna ba ang itlog o ang manok.

HARSH!!!!

BADINGGERZIE: Gerard, ganun talaga ang buhay mare. Kung minsan eh haves talaga tayez ng mga shornong na super best in Battle of the Brains. At dahil dyan, HARSH!!!!! Talaga!


From ANONYMOUS: It will take a lot of sacrifices on both part. Mahirap makuntento sa isang bilat kung menchus talaga ang mas bet mo. At sa part naman ng girl, mental torture na isipin na nag-e-egg hunting ang love mong gay kahit hindi easter!

BADINGGERZIE: Bago ang lahat, sino ba talaga si ANONYMOUS, kase simula pa lang na ginawa ang internet eh parati ko na siyang nasa-sight? Ang tanong ng bayan . . . ANONYMOUS! Sinu ka ba? Echoz! Anyway, "Mahirap makuntento sa isang bilat kung menchus talaga ang hanap mo"-yun nga eh, so baket kelangan pang may BILAT factor da 'vah? Di ba kering kung bilat eh bilat talaga at kung menchus eh menchus na lang? Para fair naman da 'vah? Regarding dun sa part ng girl, trulagen yan, mental torture ang fact na ma-learn ng isang bilat na ang bet niyang putahe eh bet din ng jusawa niya.

From ILAJ: true that love really exists. but a straight man can never love a homo the way a homo can love a straight guy. all of us are witnesses to that. but for the search of true love and happiness, we let ourselves be blinded with some straight guys' sweet nothings, promises, and of course, the overwhelming joy they bring. there are resons why a straight guy enter a man to man relationship. sometimes, for companionship. sometimes, plain lust. most of the time, MONEY. but they never do it for love. we all know that. but why can't we learn from the mistakes of the past? maybe deep inside, there in the backs of our minds and heart, we all feel that we are women longing to be with a real man. and thats all shit.

BADINGGERZIE: Ito ang unang pag-tumbling ko habang nagbabasa akez ng mga talak. Ibang level ka ILAJ! You're like so up there ha. ". . . . a straight man can never love a homo the way a homo can love a straight guy"-sheeeeet! Bet ko yang linyang yan!!!! Parang bet kong ipa-cross-stitch at ipa-laminate. "we let ourselves be blinded with straight guys' sweet nothings . . . . " Honga naman! Ang mga veklores naman kasi, nginitian lang ng konte, sinundot sa tagiliran . . . eh hayon . . . namamalipit na sa kilig na daig pa ang pusang di mapaanak. REASONS WHY A STRAIGHT MAN ENTER A MAN TO MAN RELATIONSHIP-true yang mga tinalak mo base sa sosyolohikal at sikolihikal na pananaw. Pero ang tanong ng bayan eh hayun na nga. KUNG ANG STRAIGHT EH PUMATOL SA BADINGGERZIE EH STRAIGHT PA REN BA SYANG MAITUTURING (maski sabihin nating wala ngang true love na involved) WHY CAN'T WE LEARN FROM THE MISTAKES OF THE PAST. . . . eh mga bakla pa! May learn nga akez janchie eh habang super sightchienabelles ng booking sa circle of life eh nanyoldafie ever at after one week eh rampa na naman sa circle of life. Walang kadala-dala.

"We all feel that we are women longing to be with a real man"-shit nga itu. Parang peanut butter! Di ba pedeng "we all feel that we are feeling-women longing to be with another feeling-woman"? Echoz garbanzos!

From STELLAR (http://mywaymilkyway.blogspot.com/): even the concept of romantic love is socially constructed. we're still being guided by the normativity of a heterocentric society that's why i guess for most of us, love still [and hopefully not always and forever and ever] sees sexual preference. even the concepts of love and emotions are socially constructed. so i guess, we can never really tell if true love exists or what true love really means.

BADINGGERZIE: Pangalawang pagtumbling ko! Misteryo ng HAPIS! Hindi ko kinaya ang "normativity" at "heterocentric". Nosebleed! Echoz!!! Pero like ko ang point mo STELLAR, so very Fyodor Dostoevsky sa Notes from the Underground.

From SAIKEE (http://lobster-tony.livejournal.com/): I wrote this poem for a friend of mine when he became jaded about love.

Poor love, battered and bruised and found wanting
Poor love, expected to outdo everyone and everything
Poor love, forced to change by one's beliefs, virtues and expectations
Poor love, never feeling the bliss she/he bestows

BADINGGERZIE: Nahipo akez sa poem mo mare pero keri lang bang gawan ko itu ng sariling version.

Poor brown star, battered and bruised and found wanting
Poor brown star, expected to outdo everyone and everything
Poor brown star, forced to change by one's beliefs, virtues and expectations
Poor brown star, never feeling the bliss he bestows
Poor brown star, always longing to have a clitoris!

Echoz.

From Argel Sotto of UST: sana makalipad din ako na parang paru-paro tulad mo when i graduate..

BADINGGERZIE: Argel, hindi naman kelangan ang TOGA ang gagawin mong unang-unang long gown na isusuot noh. Oh well, feeling ko lang eh as of the momentzzzzzzz, spread your wings and prepare to fly . . . . YOU ARE A BUTTERFLY. ALWAYS BEEN A BUTTERFLY. WILL ALWAYS BE A BUTTERFLY. So . . . . watcha waitin . . . . watcha waitin . . . . . watcha waitin for!!!!???

From OHDIE: well, all i can ispluk is that true love really exists... pero sometimes witchelles ko ma-knowsline kung anda lang talaga ang gusto ng bf ko kasi naman noh may jusawa't junakis na siya and wit naman siya humihingi ng datung kusa kong binibigay itech hay kaloka,,,, ngayon im trying to avoid him muna and to think kung ano ba talaga kami.... ayoko muna ulit masaktan,masarap magmahal at mahalin pero ewnachi ko ba.... i love your blog grabe nakakaaliw ang mga story =) thanks.. well sana post ka ng mga story about gay-to-straight stories and kung anu ano pang mga kabaklaang story okei maraming salamat po have a nice day

BADINGGERZIE: Ohdie, sa totoo lang, curious lang ako. Ano ang feeling ng may jowang menchus na may jusawa't junakis? In short, ano ang feeling na maging isang querida? Echoz! Pero isa lang ang masasabi ko day! Panalo ka. Ang ganda-ganda mo! Hindi lang mahaba ang hair mo, madulas at makintab pa itu, parang nagpasalon. Bata pa lang ako, pangarap ko nang maging querida. Ewan ko ba.

Anyway, may naging jowa din ako non na straight-straightan or siguro fling lang kasi dalawang araw lang kami. Tapos, nung unang gabi na natulog siya sa haus, nagdookit kami. Hindi naman siya naningil pakatapos. Pagkagising ko, wala na siya. Wala na ren ang TV ko. Hindi ko naman inisip na minatudnila niya ang tivang ko. Inisip ko na baka na-misplace ko lang. Echoz!

From Kirk: haynako odhie... kahit kolboy nde manghihinge sayo noh! hihintayin nilang kusa mo silang bigyan! un lng..

BADINGGERZIE: May eksena ka talaga ditey hey hey hey!

From Carla: Yung ganito bang problema ng mga bakla sa society lang natin (Pilipinas, third world, etc.)? Kasi parang sa ibang bansa, e.g. Amerika, parang ok lang sila sa bakla sa bakla. Parang wala naman akong naririnig na Amerikanong bakla na gustong magka-boyfriend ng "straight". Dahil kaya sa ekonomiya natin: maraming mahirap na lalaki na gustong pagkakitaan ang mga bakla? O dahil kaya sa iba ang pag-define ng mga baklang Pinoy sa kanilang pagkabakla (gustong 'maging' o magmistulang babae)?

BADINGGERZIE: Betchay ko naman ang tanung na itu. Pang-thesis na ito ha! At dahil jan, thesis din ang sagot ko, please read NEIL J. GARCIA'S THE PHILIPPINE GAY CULTURE. Anjan ang lahat ng komprehensibong sagot patungkol sa kinalaman ng hubog ng ating kultura for the past centuries, simula pa nang bago unang tumapak ang mga kastilaloy dito sa ating bansa hanggang sa kasalukuyang panahon. Tinalakay din dito kung paano nakaapekto ang kulturang Pilipino sa pagbuo ng kulturang bakla na sa malamang ay malaki ang pagkakaiba sa kulturang bakla ng ibang bansa.

Yung tungkol sa ekonomiya cherva, eh witchelles ako sasang-ayon jan. Sa aking hinuha, ang isang tunay na lalake kahit pa sobrang isang kahid at isang tuka na lamang ang kanyang uri ng pamumuhay ay hinding-hindi ihahain ang kanyang ari sa mga binabaeng may kakayahang magbayad ng salapi. Maari pa silang magbuhat na lamang ng hollow blocks o di kaya'y mang-agaw na lamang ng cellphone sa quiapo.

Ngunit pero subalit datapwat meron nga tayong sinaunang kasabihan . . . . ANG TAONG NAGIGIPIT SA BADING KUMAKAPIT!

From ANONYMOUS: ateng Bernz ... i hate to correct you, but kipays do fart too.

I hope your friend, Kiara, gets out of that shitty relationship. Unless bulag talaga ang feelings niya, wala tayong magawa kung di pabayaan na lang siya na mag-concede sa come and go ever and ever ng partner niyang bi-bayotin, davah?

wish ko lang na sana magka-jusawa ka na soon para happy kaming mga followers mo.

BADINGGERZIE: Anonymous, ikaw na naman! Echoz! Umuutot ang kipay! Shet! I learned something today ha. At dahil jan, kinonfirm ko itu sa isang bilat kong officemate. Yeys. Umuutot daw ang kipay paminsan-minsan at ang tunog ay parang ganito: Huminga ng malalim sa ilong, hold your breath. Itiklop ang mga labi paloob sa bunganga. Sabay mabilis na mag-exhale gamit din ang bunganga causing the lips to fold out. Pag may narinig kayong tunog, yun daw ang tunog ng kipay pag umuutot.

Harsh!

Yung about dun sa wish mo. Wag kang mag-alala. Wish ko ren yon!

From EGA: i think most filipino gays should learn to detach from a feudalistic, gay- straight-man relationship particularly those monetized partnership. although mahirap kasi ang mga lalaking dumuduyan sa bading ay nag eexpect talaga ng pera, allowances, scholarship, shoes, clothes, relo, etc (kahit sabihin pa nating kusang binibigay). di madaling gawin ito pero, i think this is the only way out to free battered gays from a tragic relationship.

kaya nga sguro masaya tayong nagbabasa sa mga experiences ni bernz kasi, single sya na hindi nagpapaapi sa mga lalaking wanting for benefactors.

ako, i ams till learning the tricks on how to diplomatically distance myself from my other partners (i.e. richie, sherwin, henry boy, jon, edber who are quite madugo).

keri ko na yung isang ramir na may inanakang kipay pero sabi nya ay mas namimiss nya raw ako at ang aming mga kaganapan noon. hahay.

to kiara, kaya mo yan sister. get the needed break in manila and get back to work.

i hope i could see you in aklan next month.

BADINGGERZIE: Ega, kakalowka ka! "gays should learn to deatch from a feudalistic, gay-straight-man relationship particularly those monetized partnership" itu naman eh parang gusto kong ipa-ukit sa kahoy at idesplay sa sala ko. Karl Marx isdachu? Pero agree ako sa point mo! Kelan ka nga ba?

Pero mas naloka ako!!! Meron ka bang gustong ipahiwatig at kelangang may special metion pa ng mga namesung galore!!!

From RAE: Why is it in the philippines that a so called "straight" guy will go into a gay relationship with the perks of money,clothes,and other material things?pero meron din naman ilang boys na attention and caring lang , carry na? dito sa states, bakla sa bakla, kahit gaano ka-hotness ang mhin, pag nalaman mong straight, deadma na lang. pero once you feel that he might play with the same team, abay go for the gold ka na.some countries in the middle east , medyo iba nag drama, parang mentor- student ang drama, purely sex lang pag prapractisan ka lang ng mentor mo. pag nagka dyowa na siya ng bilat, then ikaw naman ang hahanap ng student mo, winner di vah ?

BADINGGERZIE: Rae, (TFC subscriber din itu ha!) honga naman, buti pa sa stits walang dramang straight-straightan portion. Join lang ng join. Bakla sa bakla. Kapwa ko mahal ko. Haaaaay. Sana sa stits na lang akez pinanganak. Nakakarami na sana ako ngayon.

About dun sa mentor-student na drama ay trulagen colagen sustagen yan! Even as early as the time of ancient greeks eh wala namang malisya na ang isang menchus eh magpa-bona sa isang mas nakatatandang menchus. Isa itung initiation bago pa tumuntong ang mas kyotabelles na menchus sa buhay thundercats. Parang si Plato, binona muna si Socrates, tapos si Socrates binona si Aristotle (tama ba ang sequence?) At si Artistotle naman eh binona si ALEXANDER THE GREAT. Kaya hayun ang lola ALEXANDRIA naten best in GAY of the ancient history award. Pero di ba? The person who is considered as one of the best generals in human history eh isang badinggerzie. Laban kayo don? At dahil jan. Hala sige. Para maging successful ang mga koodetah attempts eh i-try naman nila minsan na gawing bading ang gawin nilang leader. Echoz lang! Eynimomentz! Inciting to sedition on the loose. Baka posasan nalang ako bukas at ikulong katabi ni Dinky Soliman! Shet! Makakabog naman ako sa best in Highlights!

From Erwin/Tangerine: Mahusay ka ateng! Isa kang henya! Ilang beses na akong sinasabihan ng ditseng kobang kong taga LA na lulong-na lulong sa maka-droga mong blog! Salamat sa mga nakaka-tumbling mong blogs! Super enjoy ako sa pag-basa! At aminin, talagang may diskusyon kami ng ditseng kobang ko tungkol sa mga istorya mo. Lamon ang book review. Kung meron kang fans club, pwede bang mag-volunteer na maging presidente dito sa East Coast (eching bagatsing!)

O siya, ipagpatuloy ang mga kwento....suportado ka namin dito sa tate!


BADINGGERZIE: Erwin, salamat sa walang patumanggang papuri. Nag-b-blush naman ako. Nakakaloka ang fact na hanggang sa Stits eh nakakarating ang buhay ko.

Mahal ko kayong lahat jan.

Basta lang ha. Pag-uwe ditey. Ang mga pasalubong! Echoz! Mangga-mangga hinog ka na ba?

From Myrrh (http://greeneight.blogspot.com/): love exists.. share ko lang, kaloka kanina, yung mga college friends ko hindi yata maimagine na someday makikipagsex akez sa kapwa ko. Kaya hayun, mega-make ako ng kontratatata na friends parin kaus even though hindi na akez birhen. Pinirmahan naman nila provided 20+ na akez and sa worthy man dapat.. hahaha.. kaloka talaga.. wala lang, share share lang...

BADINGGERZIE: Myrrh, hay nako. Ang mga totoong friends eh friends mo talaga ano man ang gawin, mirese trese kwatorseng, jergens ka pa o naipamigay mo na ang brilyante ng lupa mo 'nung thirteen years old ka sa isang panadero sa kanto o kahit pa kapwa mo eh mahal mo o maski lumalala ka pa ng papaitan. Witchelles na kelangan ng kontrata-kontrata noh. Malalaman mo ang truelili mong friendiva kapag super stand-by-me pa ren ang drama nila maski makipag-sex ka pa sa pusa noh!


Hay nako. Naloka ako sa pagsagot ng mga chenelyn bar.

Kaya sige . . . talak lang ng talak. I really appreciate that you guys are reacting. At least nararamdaman kong hindi kayo mga manhid noh at nafi-feel kong meron nagbabasa ng mga kachenesang pinagsusulat ko.

You make my heart bigger kaya eynimomentzzzz . . . . heart attack ang drama ko. Enlargement of the heart.

Echoz!!!!