After few more rounds of nomuhan session eh nag decide na kaming mag-enter nang BED. Pero bago pa kami maka-shoyo may chinika si Rica, “Is that who I think it is?”
1 …… 2 …… 3 …. best in choreography …. sabay-sabay naman ang lingon nang mga bakla.
FRANCHESKA: OH!
CLAUDE: MY!
RICA: GOD!!!!Sabay sight sa ‘ken ang mga veklores …..
Witchelles ko learn kung aneck ang eksena, okay fine may isang veklores na naka-darna costume na super dance at super rampa sa kalsada habang may-I-collect ng anda sa mga badinggerzie na nag-eenjoy.
RICA: Not her! HIM!
Sight ever naman akembang sa kung saanchienabelles naka-sight sina Rica just to make sense out of things.
Na-sight ko ang isang grupo nang kapamenchusan on their way to enter BED. At isa sa mga kapamenchusan eh ang isang lulurking pinilit kong burahin sa aking sa mga alaala at pati na ren sa aking mga wet dreams.
Pero napa-second-thirf-fourth glance akembang. Parang witchelles siya … pero siya. Ang laki nang pinagbago niya. But it all boils down to a *sigh* “Yup, it’s him!”
Yun na lang ang talak ko sa mga veklores. Suddenly, parang nawagtus ang lahat nang lakas sa shortawan kembang at parang bigla akez nakafeel nang dizziness na parang eynimomentz eh magdi-declare na lang akembang nang, “I think I’m pregnant!”
Bumalik akez sa pagkakaupo, witchelles learn kung anecklavu ang gagawen.
Witchelles kez na-anticipate na mangyayari ang ganitrix na eksena. Masyado naman yatang coincidence itembang.
After ten thousand years of not going to Malate, finally nagdecide akong iladlad muli ang kapa at muling rumampa for old times sake, then suddenly, masa-sight ko siya. Parang witchelles naman yata check itu.
“I don’t think na I can go in there,” chika ko sa mga veklores.
“Badette, don’t let him ruin our night! Anukaba. Kala ko ba naka-move on ka na,” talak naman nang baklang Rica.
Nag-jisep akembang nang slight. Corrected by naman si Rica, I won’t let this ruin the night.
So, finally, I was able to summon the courage to get in to BED.
Pag-josok na pag-josok namen eh parang naka-queue ang pag enter the dragon namen dahil bigla na lang tumili si Lady GaGa.
Ra . . . Ra … Ra … aah … aah
Roma… roma … aah … aah
Gaga … ooh .. la … la
Gagang-gaga nga! Isang malaking kagagahan itecklabernz.
I might have underestimated the Saturday night, kung anecklavu ang kinawagtus nang mga utawsingbelles sa labas eh yun naman ang ikina-plenty sa loob ng BED.
It’s exactly how it was … punung-punong pa ren nang mga veklores na hayuk sa pagparty.
Direcho na lang kami sa second floor for more space dahil pati yata ang super balingkitan kong shortawan eh witchelles kering makipagsiksikan sa baba.
More order na nang nomu at naloka naman ako sa mga waitrix, parang super forty eight years nga ang absence ko sa BED at ang mga waitrix eh nagsuper-thunder cats na … ang dating mga yummy-yummy na mga waitrix eh nagmukhang mga daddy-daddy na may pinapalaps na mga junakis morrissette.
Pero shempre eh witchelles naman kami nagpaawat at kulang na lang eh magproduction number kami to the tune of LADY GAGA!
Promise saulo talaga ng mga vekiloids pati ang steps …
As expected, rampa mode na ang Rica at ang Francheska na ayaw talaga magpaawat sa pagfi-fish while super senti mode lang kami ni Claudine sa bilog na couch sa second floor na kulang na lang eh lagyan mo nang salamin, nang mga kandila, bibliya at bulaklak eh altar na ang labas namin.
Super observe lang kami, with matching daot on the side and surprisingly, andaming familiar faces:
Si Duke, walang pinagbago, pokpok pa ren siya habang napapaligiran nang samu’t saring badette with all ages, shapes and sizes.
Si Kemerut na dating nakadukit ni BumBumKylie na parang at one time eh naka one-night-stand din ni Claude.
Si Lukring na dakilang freeloader na walang patumangga sa pakikipagsocialize na parang lahat na lang yata nang badezima past, present and future sa malars eh learn niya.
Si JB, na nabalitaan naming nakulong at one-time dahil sa more push ever ng Vitamin Nye as in nyekstasy.
After three glasses of vodka redbull. Suddenly eh I was transported in time, same place, same night. It occurred to me, this was the lifestyle that I used to want, the lifestyle that I used to like. Nagpapakashukamatay akembang if I miss one Saturday in BED. I was like an energizer bunny that keeps on going and going and going at kung makapagparty eh parang wala nang bukas. I used to know everyone there. And I have dreaded the fact na one day eh wala akong choice kundi maging isang old irritable faggot na mas pipiliin na lang na mag-cross stitch nang Hello Kitty kaysa mag party.
Shet! This is the time that I have hoped for so long not to come. I am nothing but an old irritable faggot na mas pipillin na lang mag-cross stitch nang Hello Kitty kaysa mag party. Pinilit ko mang tumayo at mag-enjoy. Gone were the days. I can’t find the party person in me. I have been reduced to nothing but a simple wallflower while everyone around me is partying their pinkish guts out.
Hindi ko kineri ang eksena, chika ko kay Claude aatak lang ako nang CR to make wiwi.
After ten thousand years in waiting-in-vain eh nagjosok din akembang sa nyiarette. Pinilit kong mawiwi dahil kung minsan eh may pagkashy-type si junjun pag na-eexpose sa public CR let alone sa CR ng Bed na walang concept nang privacy. So, super sight lang ako sa aquarium. May pamenchus sa tapat ko, nagbukas nang zipper at walang patumanggang iwinagayway ang kanyang junjun. In furness, keri keri naman ang junjun din kuya, walang konsepto nang pagiging shy. Dahan-dahang gumapang ang aking paningin sa shortawan ni kuya hanggang masight kez ang fezing niya. Witchelles niyang napapansin na nakasight akembang sa kanya dahil super sight lang siya sa junjun niya.
OMG! It’s him.
Si Varsity Captain.
All night eh I was wishing na witchelles ko siya makita sa loob nang BED at nyeta! Sa CR lang pala kami magkikita.
Hindi ko na pinilit si junjun magperform, tinaas ko na ang zipper ko at SHEEEEEEEEEEET! Napatili akembang bigla at napatalon nang slight dahil najipit si junjun. Makyoket ng fatalle.
Naloka si Varsity Captain sa kabilang side nang aquarium at napasight siya sa ken.
Napasight din akembang sa kanya, biglang nawagtus ang pain ni junjun.
Through na cloudy waters nung aquarium sa CR nang Bed eh muli kaming nagkatitigan. Iniisip nang isa’t isa kung isa lang ba itung malaking guniguni.
Deadma. Nagmamadali akong nagmay-I-go-out sa CR, then direcho labas. Baba nang stairs and walkathon nang fast pabalik sa kanto nang Orosa.
Halfway pa lang akembang eh nahearsung ko ang boses niya …
“Bernz!”
Deadma.
Walkathon na pang 3K pa ren ang drama.
“Benz!”
Another.
But this time, he was much closer. Super closer dahil naramdaman ko na lang ang kamay niya sa balikat ko.
Napahinto na ko sabay about-face.
“Oh! Hi! There!” with matching kolehiyala smile.
Bet ko sanang ganon na lang ang eksena kez pero witchelles.
Witchelles ako naka-spluk.
Naka-smile naman siya.
“Ano? Kamusta ka na? I am so happy to see you here. Who are you with? Kanina ka pa?”
Andami niyang tanong, witchelles ko knowing ko anechlavu naman ang una kong sasagutin.
Deadma pa ren!
Para akong nasa twilight zone. Parang for a moment eh nagblack out ako. Naging bulag-pipi at bingi.
Pinagmasdan ko siya. Anlaki nang pinagbago niya. He looks so much older. He lost weight. Nawala ang freshness. Dry ang skin. But his eyes are still the same. Nanunusok pa ren hanggang kaibuturan nang pagkatao.
At one point eh naisip kong magpanggap na ibang tao o kaya magpanggap na nagka-amnesia ako, parang mga storyline sa soap opera, pero napa-ikmyle na lang ako sa thought.
Marami siyang sinasabi pero wai akez naiintindihan as if he’s talking in a foreign language.
Hanggang may isang vecky na lang ang tumawag at lumapit sa kanya. Hiniwakan ang kamay niya at hinila papasok nang BED.
“I’ll see you inside!” chika niya habang papalayo.
Smile pa ren ako na parang mongoloid lang.
At that point eh parang nawala ang lahat nang tao sa paligid ko. Nawala pati lahat nang sounds. I was alone in a dark, dirty alleyway sa Malars. Lost. And above all isolated.
I didn’t expect that that night would end up so melodramatic.
Ginetching ko ang nyelpi ko then I texted Claude.
“FLY NA!”
*
"I am Changing" - Jennifer Hudson
Change is inevitable. Majority of people have this common fear … THE FEAR OF CHANGE.
We will have to CHANGE at point in time. Pwedeng sooner …. Pwedeng later. Depende na lang kung gaano tayo kadali mag-adapt at masanay sa mga pagbabago.
But ideally, CHANGE should always be for the better.
And one very critical part of accepting change is “moving on” and letting go of the old, the “had beens”, the “used to’s”.
If you get stuck in the past. Change will not happen.