Friday shift eh I got an invitation from one of the bilat managers na di ko naman masyadong close sa office, may birthday celebration daw siya somewhere in Makati, Saturday night.
Chika ka witchickles ko pa sureness kung makakaatak akez. Parang the last thing I have in mind eh to spend my weekend off with officemates. Kasi parang useless, for sure eh work at work pa ren ang pag-uusapan at wala akong peace of mind na ma-achieve.
Pinipilit ako ni Anna na pumunta. Sabi niya everyone is going daw.
Akez naman. Derm!
“No! As in EVERYONE!” chika niya sabay tingin kay MHW na nagmumukmok lang sa station niya.
“Alam ko namang lahat ng rampage na you’re doing right now against MHW is nothing but a simple papansin!”
For the record, eh wai pang idea si Anna or anyone in office about that “afternoon delight”, as far as they know, eh parang deads na deads lang ang drama ko kay kuya.
So I finally decided to join the birthday party.
*
A couple of hours before the party eh paran na-excite naman ako nang slight.
EXPECTATIONS:
Siyempre parang bet ko namang magpakaglamorosa at magpaka-engrande, it even crossed my mind na magpa-parlor at magpasadya ng gown kay Paul Cabral, but then, dahil sa kapos sa oras eh deadma. I’ll settle for jeans, loafers, white shirt, jacket.
I’ll arrive fashionably late. Para namang hindi halatang masyadong excited.
Pagdating sa party. More chika-chikahan portion. Lafang-lafangan portion. Nongga-nonggahan portion.
But all along eh nasa peripheral vision ko si MHW, walang kausap sa isang sulok pero panay ang nakaw nang tingin sa akin.
Akez naman, dapat naka-timing ang hawi ng hair, ang pag-isolate ng leeg, ang pag-pout ng lips at ang pagtaas ng kilay na parang nasa isang couture na photo shoot.
Hindi ko siya papansinin hanggang sa makakahanap siya ng time na maso-solo niya akembang.
Lalapitan niya akez. May mga kabog akong mararamdaman sa dibdib ko na parang may mga kabayong nag-uunahan pero witchelles ako magpapahalata.
Compose … compose … i-channel si Miriam Quiambao.
Pagkalapit na pagkalapit niya eh titingnan niya muna ako habang super wet lang ako ng lips. Sabay shushorlak siya nang, “Bernz! I would like to apologize for whatever I did. I didn’t mean to hurt or disappoint you.”
Akez naman eh i-iiwas ang tingin sa kanya. Titingin sa malayo sabay deadma pa ren.
“Bernz! What happened between us could have been a mistake. Pero ginusto ko yon. Can you forgive me? I like you a lot. I have already broken up with my lover. Matagal kong pinag-isipan ito. Pero now, I am ready. Pwede bang mag-start tayo all over again?”
Ibabalik ko ang tingin ko sa kanya. May mga ngiting namumuo sa labi pero pinipigilan pa ren na mahalata. Titingnan ko lang siya. Hindi siya nagsisinungaling. May sincerity ang lahat ng sinasabi niya. Shet! This is it! This is really really it!!!
And then, we will live happily ever after.
*
Pero sa totoong buhay, hindi lahat nang ineexpect na mangyari eh talagang nangyayari at pwedeng mangyari.
So ano talaga ang nangyari?
I arrived fahionably late pa ren. But when I arrived, wala pa don si MHW.
More chika-cika. More lafang-lafang. More nongga-nonnga.
Kada bukas ng door eh super-sight naman akez, hoping na si MHW na yon.
Hanggang sa napagod akez sa kahihintay. Shet! Baka hindi naman siya pupunta.
Bumaba kami ni Anna para bumili ng bugarette. Wala na ko sa mood. Sana pala eh nasa bahay na lang ako at nanunuod ng Maalaala Mo Kaya.
Pero pagbalik namin sa hotel eh muntik nang lumundag ang puso ko ng biglang humabol si MHW sa elevator papaakyat.
Binati niya si Anna. Binati siya ni Anna.
Sa akin. Deadma.
Pagdating sa room eh parang lahat naman eh na-excite nung dumating na si MHW. Nyeta! Alam kaya ng mga bilat na badinggerzie din si kuya?
More nongga.
Hanggang na-realize kong nag-iisa na lang akong nag-momorenums na nakaupo sa sofa while MHW is mingling with the officemates.
Parang ang saya-saya naman ni kuya. Habang ako itong parang nilalapirot ang kaibuturan ng damdamin ko.
Tinitingnan ko siya pero he never even glances at me.
Finally, may moment na lumayo siya sa grupo to get a drink or something. Shet! This is it! It’s now or never, kung witchelles ngayon? Kelan? Kung witchelles akez? Sinetch?
Nilapitan ko siya.
“Uy,” chika ko.
“Uy,” chika niya.
Awkwardness on the loose.
“Uhmmmm …..”, fillers ko …
Nakatingin lang siya kin.
“Buti naman pinapansin mo na ‘ko”, sabi na lang niya.
“Eh. Ikaw nga ang hindi pumapansin sa ‘kin e …”
Deadma.
I continued, “Anyway, I just want to declare a truce. And I want to apologize. Alam kong my behaviors recently were unacceptable.”
“I understand, I’m partly to blame. So, I’m sorry na ‘ren. So peace?”
“Peace!”
And then, he went back with me to the group for more chikahan and more nonggahan pa ren.
The rest of the evening went very well. Siguro dahil na ren may isang malaking tinik na naalis sa lalamunan ko. Finally eh natapos na ren ang tantrums ko. But deep inside eh may isang malaking question mark pa ren ang nakatatak sa isip ko. Ganun na lang yon? Pero pano na yung nangyari sa amin? Talaga bang it was just brought about by unwanted impulses at dapat na talagang kalimutan?
*
We decided to call it a night. Nagpaalam na ko kay MHW, I’ll see him on Monday. Nakasakay na ko ng taxi nang biglang may-I-call si kuya. Tinanong niya kung gusto ko raw maglugaw. May alam siyang bonggang-bonggang lugawan sa JP Rizal.
Siyempre, ako naman tong kaladkarin na go lang ng go. Apparently, andun pa ren siya sa may hotel so pinabalik ko na lang si manong driver para sunduin siya and then we went dun sa bonggang-bonggang lugawan.
Habang super lafang with the tricycle drivers eh MHW is back to his unusual self. If I don’t know more, siguro iisipin kong may pagkakrung-krung itong si kuya. Multiple personalities on the loose. He appeared comfortable, free-spirited, happy. Kwento lang siya nang kwento nang kung anu-ano. And I just listened and looked at him.
Siguro ganun talaga if you are with the person that you really like. It’s regardless of how you spend the time together, or what you are doing, or eating, as long as you’re together, you’re genuinely happy.
Hanggang sa …
“So, hindi ba natin pag-uusapan kung ano yung nangyari sa atin?”, nasabi ko na lang bigla nung tumigil siya sa pagkwento dahil busy-bisihan siya sa paglalagay ng more sili sa lugaw niya.
Witchelles ko ren learn kung baket ko na-icherva yun pero bigla na lang lumabas sa bibig ko.
Napatihimik lang siya sandali.
Napaisip.
Napabuntong-hininga.
“Bernz, alam mo bang hindi ko minsan inisip na I would cheat on my lover?”
Parang ang nega naman ng sagot niya. Sana pala nananahimik na lang ako.
“We’ve been together for more than a year …. I never really cheated on him. Not until that afternoon that we’re together. So na-bother talaga ako. Pero whenever I am with you, outside the office ha, when you’re not a dragoness, parang I feel very comfortable with you …”
“So ……”
“So … I like you! There I said it! I really like you. Pero ayaw ko namang maging complicated ang lahat at madamay ka. Ayaw ko ren namang masaktan ka. It’s gonna be unfair for you and my lover.”
“So ….”
“Let’s just be like this …. There’s nothing wrong with that naman di ba?”
Blagag. Parang betchay ko namang mahulog non sa bangkong kina-uupuan ko.
*
Sometimes, we keep on looking for something and wanting it desperately, that when it finally comes, we’re so afraid to grab it because of the fear that we might lose it that easily.
And then, the desire keeps on getting stronger when we know that we can’t have IT.
A point comes when we learn that we can’t have what we desire. We will stage tantrums. We will be angry. We will formulate a grand scheme out of anger to achieve whatever we want. But we will still fail.
Then, some will walk out and head to the “forget-all-about-it” route. But there are some instances when we know that we can’t have everything, we will, then, settle for something.
After anger, we end up bargaining and compromising. Just because we don’t want to completely lose it.
Maybe it’s better this way …. You won’t have the entire cake but at least you’ll have a piece of it for you to savor.
But the problem is … you wouldn’t know how long it will last until you will be asking for more.
14 comments:
ayun naman pala te. maganda ka pa rin naman pala. may lover lang talaga na factor.
Nyeta ka! nakain ko hair mo. nabilaukan ko. itabi mo nga! ka-blam!
unless magkakatuluyan kayo... parang that's the best outcome to ask for naman :D
fling, flang, flok!
teh wag ka na mag bargain. rare breed itong si koya! luv him =)
Parang 500 Days of Summer lang! Derm!
ang sakit naman nun. haay. sayang naman... :(
dont be the next krista sister. Baka naman paubos ni jinkee ang lahi mo.
Dapat swabe lang ang pasok. Sila muna ang pagwasakin mo tapos chaka ka na mag enter the dragon. Keme. Para ka lang si Kim Chu at siya naman si Gerald Anderson. Ika nga ni Kim, shinota mo ang bestfriend mo!
shorkotnest!
Ateng, may nagtext!!!
"1) What are we doing here? 2) We're having lunch 3) I shouldn't be doing this... 4) You shouldn't be having lunch? 5) Not with you..." - Diane Lane to Olivier Martinez, Unfaithful (2002)
May potential. Be patient and get going. Persistence pays off. My thoughts are with you.
you made another person smile today. i love your sharing here. crazily, i checked every few months for your return. mwah
this feels like a scene from 500 days of summer. ang husay ng pagkakasulat.
anyway, yun din naisip ko when he wasn't speaking to u. i just wasn't sure if tama ba or hindi. siguro nakarelate narin ako. haha ang self-centered lang. seriously though, i was in that position narin. we didn't mean to but we ruined a lot of things. anyway, sana masave ang friendship.
at saan yang lugawan? taga JP rizal din ako eh.
hahaha - i love this.
Eto na lang isipin mo - maganda ka! Nagawa niyang mag-cheat sa lover niya dahil sa'yo.
Amen.
成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天
Post a Comment