Sunday, January 24, 2010

FIRST STAGE: DENIAL

Maraming salamat sa mga nag-react, natuwa, naluha, na-erbogan, at nakidalamhati tungkol sa chervahang naganap sa amin ni MHW. I really appreciate the comments. Keep ‘em cuming.

*

“So what happens next?” – Siguro ay itecklabernz ang isang malaking kweystiyon mark pagka-kyorpos nang first-time chervahan namin ni MHW.

Achaka, recently ko lang na-realize na in three years ko sa office eh witchelles pa akembang nakipag-kembangan sa kahit sino in the office … so technically … si MHW ang first and only “work-related” kembang kez.

In normal kembangan circumstances, the day after yesterday is nothing. Super muni-muni ka lang sa kung anong mga kahindik-hindik na bagay ang naganap. May mga moments na na-erbogan ka ulit sa thought at super bayambang, quezon ang drama mo. May mga moments din namang, super jisip ka kung ite-text mo ba siya, or kung ite-text ka ba niya or kung magkakasight-sight ba kayo ulit at magkakaroon pa ba nang another kembangan session lalo na’t pag isang malaking check na check ang performance ni kembangan partner.

Pero sa eksena namin ni MHW …. parang may isang malaking ekis. Witchelles ko learn kung anecklavu na ang magiging eksena kasi for sure eh magkikita at magkikita kami. We are working in the same floor for crying out loud! Pero derm! Witchelles ko naman ginawa ang ginawa ko dahil betchay ko lang siyang matikman. I desire him. More than the chervahan part.

Well, siguro ang isang malaking ekis eh kung baket sa kembangan session nagsimula ang lahat.

*

At around 9PM that same day, I woke up. Una kong tiningnan ang tasa sa side table. Andun pa ren ang kapeng hindi nabawasan. Shet! Hindi akembang nanaginip.

Umupo ako sa kama at gumetching nang subaramba. Binuksan ang mga bintana. Subey. Habang muni-muni. Super think! Tama ba ang ginawa ko?

And then, I showered, prepared for another night in the office. Pero na-felt kong this is not going to be an ordinary night.

Makikita ko ba si MHW ngayon? O isang nakakalokang resignation letter ang bubungad sa aken? Harsh siguro … pero posible.

Witchelles ko majisip kung anecklabernz ang ia-outfit kembang. Parang ten thousand years ago na ang nakakaraan nang huling nag-jisip akembang kung anung outfit ang susuutin for office.

Derm!

Try ko kayang mag-ball gown?

Hahahah …

Okay. So settle for the ordinary. Shirt, tie, jeans.

And then, sight sa mirror. Haggardness. Na-conscious naman akembang. Suddenly, parang I saw the seven signs of ageing na sa normal na araw eh witchelles ko naman napapansin. So … more ponds!

Na-realize kong para akong isang dalaginding na first time na nagkacrush. Conscious, sensitive at may kaunting kabog sa dibdib.

On my way to the office, kinailangan ko ng gabay ng sangkabaklaan.

I called Claudine:

CLAUDINE: So, nagsex kayo?

BERNZ: True! Pero hindi naman sex .. hinada ko lang siya.

CLAUDINE: Ayan na nga ba ang sinasabi ko.

BERNZ: Weh? Wala ka namang sinabi e. Bakla ka!

CLAUDINE: Gaga! Alam mo namang may jowa yung tao noh! Napaka-puta mo talaga.

BERNZ: Di naman puta .. maharot lang … pero hindi puta. (Laftir)

CLAUDINE: Che! Kahit ano pa. Hindi mo alam ang pinapasok mo. For sure, nagsisimula ka pa lang and right now you are expecting for something more than that. At sasabihin ko na ngayon. This is not a good idea. So better think twice!


Well, slightly trulagen collagen sustagen naman ang chika ni Claudine – I am indeed expecting something more. A deeper and more serious relationship. Pero yun nga lang … MAY JOWA SIYA! Ang harsh talaga ng reality!

*

Pagdating ko sa office, eh I tried so hard na magpaka-normal, although the only thing I am looking forward to eh ang pagsa-sight namin ni MHW.

Read ng isang toneladang emails – and when I say read … I CTRL+A+delete ALL.

After that … starbucks + oatmeal cookie.

Balik sa office … meet with the team managers ….

Review yesterday’s performance …. pero parang yung performance ko lang yesterday ang gusto ko isipin. Derm!

And then, MHW comes in.

Dumaan siya sa aquarium ko. Super waitsiva lang akong bumukas ang door. Pero after one minute. Derm! Hindi bumukas ang door. Di hindi man lang siya lumingon para silipin ako.

So tumayo ako from my desk.

Binuksan ko ang pinto … and I left it open.

Balik sa desk. Bisi-bisihan. Pero witchelles maka-powkus.

After 15 minutes, dumaan na naman siya. Super sight lang akey sa monitor kez pero ang balintataw eh naghihintay para sa pagpasok o paglingon ni MHW …. pero wrong … wa pa ren.

Shumoyo again akembang and this time, lumabas akez sa aquarium ko. Super sight kung saan aatak si MHW.

Sa pantry …

Go …

Follow the leader naman akembang na super dahan-dahan dahil eynimomentz eh baka mafelt ni kuya na sinusundan ko siya.

Pagdating sa pantry … na-sight ko siyang super sight ng mga lafang.

Bigla siyang humarap sa ‘ken.

Naloka akez … bigla akez tumalikod at super atak sa VENDO machine … panggap-panggap na may ba-buysungin. Pagdukot kez sa bulsa eh wa pala akez anda. Wrong!

Parang 2 minutes akong nakashoyo lang don na parang lukresia kasilag.

Umexit na siya. Deadma. Di man lang ako binati.

Harsh!

Napaisip tuloy ako: Is there something wrong?

Lumipas ang araw na ganon ang eksena. I was still hoping na mag-uusap kami. Pero hours passed pero deadmatology 101 talaga ang labanan.

Hindi man lang niya akez kinausap.

Hindi man lang niya akez binati.

Ni hindi nga niya akez tiningnan.

*

Napaisip tuloy ako. Whatever happened to us the other day eh parang wala lang. Sa kanya, parang wala lang nangyari samanatalang akez iteng parang isang assumptionistang dalagang pilipinang nag-iisip na pananagunatan niya ang kung anumang ginawa niya sa aken.

I had another realization: For the first time in my gay life eh I felt VIOLATED!! True … I really felt VIOLATED.

Ni-minsan eh witchelles ko inexpect na masasabi ko ang mga katagang iteckla pero … OO:

“Ginamit lang niya ako ….”

Ganun na lang ba yon? After dookit session eh deadma-deadmahan na? After all the efforts and the gag reflexes … eh parang walang nangyari.

How dare him?! Chos!

Pero seriously, I was wondering on what’s going on in his mind.

Well, siguro, hindi lang siya yung tipong tao na would like to talk after sex?

Aynaku … hindi ko talaga alam.

Pero the feeling was not pleasant.

I just wished …. nothing happened.

*

Maraming baka ang naglaro sa isip ko. Witchelles yung mga bakang tumatalon over the fence … pero mga bakang nagkukumbinsi sa sarili kong there’s nothing wrong.

BAKA he is just having a bad day.

BAKA meron pa siyang hang-over.

BAKA nag-away sila ng jowa niya.

BAKA hindi pa niya napag-iisipan mabuti kung ano ang sasabihin niya sa akin pagkatapos nang lahat.

BAKA kakausapin niya ako kinabukasan.

BAKA naghiwalay na sila .. and he is preparing to move on?

*

Ewan ko ba. Pero ako … magbaBAKAsakali pa ren ako.

Baket ba?

*

Kadalasan, witchelles madaling tanggapin ang katotohanan. Gagawa tayo ng mga rason …. gagawa tayo ng alternative “facts” … ng alibis …. just to feel good and to find logic with what we think are not logical. But in reality … witchelles lang natin betchay i-accept ang facts.

In the pursuit of our desires … we come across a time wherein we have this feeling that this will not work out … and we have to STOP … and start to let go of it ….

But that’s easier said than done … we encounter the first stage of letting go: DENIAL.

We will find ways to convince ourselves that this is not happening. And most of the time … we are successful in doing so. So … we think.. and decide … HELL NO! This is not yet the time to STOP.

Moreover, we might feel that we are indeed in DENIAL … but we keep on denying that we are in DENIAL.

True … or false?

Wag i-deny ….

18 comments:

Mike said...

Moral of the story:

Huwag dapat mahulog ang loob sa isang guy na may asawa at wag gapangin kapag lasing. Hehehehe!

:D

Mugen said...

Neng, graduate na ako sa ganyan at wag ka! Isang BUONG taon ko dinamdam ang fall out. Amfuta, pag iniisip ko ngayon medyo slight kamot pa rin ako sa ulo (sa taas) Lolz.

Pero its a risky business. Buti na lang at kinuwento ko sa dakilang bading-badingan sa office (na aking superior officer na ngayon) ang nangyari kaya nung nagkaroon ng confrontation. Saved ako!

Guess what. Nandun pa rin siya sa office, at ang interaction namin eh parang walang nangyari. And ironies of everything, ako si mister hunk ngayon at siya si mister pooh.

At in case na magresign ako bukas makalawa, I'll vote for him to be the next in line for my vacant position.

Angas diba?

BERNADETTE said...

@mike: re: patol = yeah .. i noseline ... but again it's easier said than done esp with the sharam-daram feelings ...

re: gapang = witchelles ko siya ginapang .. hahaha ... pinrovoke niya akez ...

@galen: ay sa true! ang hirap noh? May enlababo feelings ka ba non with the officem8 or dookite lang talaga?

Tristan Tan said...

Bruhang ito, mukhang one night stand lang yun nagmoment ka naman. Actually, hindi pa nga counted. Ganito na lang ate.... isipin mo na lang: MHW, check. :)

itsMePeriod said...

MINSAN ko sinubukan

pero mukhang tama ang naging statement ng aking kaibigan

'bakla ka na nga, magiging kabit ka pa..hindi ba masyado nang redundant yun?'

bagamat nakaka-offend, oo nga..mababa na nga ang tingin ng lipunan sa mga bading, tapos kukuha pa ba naman ako ng batong ipupukpok ko sa ulo ko?

ang panghihinayang ko nga lang..hindi ko siya natikman.

hehehe

na-touch naman ako at nasa listahan mo ako...naappreciate mo ang blog ko.

god bless

Gerard Catedrilla said...

Nabasa ko na itech! Parang ilang years ako.

Nakakalerkey sis. Dami mo naman tanongchi sis. Keber!

Para ka naman mga bata sa commercial ni Manny Villar, marami rin tanong. Try mo maligo sa gitna ng basura para ma felt ang answer. Keme lang sis.

Ganito na lang gurl, ika nga ni ate Vi, been there been that. Kla-blag!

BERNADETTE said...

@tristan tan: hmmm ... half-check lang ... hahahha

@anteros: 'bakla ka na nga, magiging kabit ka pa..hindi ba masyado nang redundant yun?' -- di naman masyado .. ang redudnant eh yung bakla ka na nga .. naka pink ka pa na payong ...

@gerard: lav! lav! lav! mare ... "nakaligo ka na ba sa dagat ng basura ..." ... "naka-experience ka na ba ng lalaking humahada" .... "Si manny villar ...." hahahah

check!

Anonymous said...

well, he's just not that into you. natikman ka na nya, he moved on.

BERNADETTE said...

@anonymous: narinig ko na rin yan .... maka-ilang ulit ... exact same words ... haist ...

sumasakit tuloy ang virtual bangs ko ...

Anonymous said...

ate, dito ako sa baka na ito:

BAKA hindi pa niya napag-iisipan mabuti kung ano ang sasabihin niya sa akin pagkatapos nang lahat.

Gerard Catedrilla said...

baka naman magkamatayan kayo sa kutob gurl. bakit hindi ikaw ang mag approach? humanda ka nga lang sa reaction, huh, what are you talking about keme keme?

pero kung wa'i ka gawin, baka mag ka cancer ka sis. cancer of the heart!

Eto ang tunay na correct na may check!!!

citybuoy said...

nalungkot naman ako. i guess a part of me was wishing na he would leave yung boyfriend nya for you. *big sigh*

bad siya. di natin siya bati.

BERNADETTE said...

@gerard: pa-demure ako eh ... di ako ang gagawa ng first move ..

laftir to death sa "magkamatayan sa kutob" ... hahaha

@citybouy: bad nga siya ... bet ko siyang paluin sa puwet!

/iambrew said...

nakakatuwa yung kwento... peo naSad ako dun sa emote mo na you felt violated. nakaRelate ako bigla. may mga times nga na ganun esp if you really like the guy more than his dick... Hayyyzzz...

Anywho, I love your blog and I'm gonna link it, ok lang ba?

garampingat said...

di lang sya nakakatawa..
nakakapag-isip kpa..
so luvveet..

Mugen said...

Ha! Na inlove ako dun ate! Isang taon. YES! Isang taon bago ako naka-move on sa aming isang linggong lab story. Hahaha.

Anonymous said...

Masyado kang emotera. Hindi sya nagalingan sa 'yo! Bagsak ang performance mo Bernz.

Anonymous said...

随聊视频聊天室 , 网爱吧多人视频聊天室 , 爱就爱吧视频聊天室 , 就爱吧聊天室下载 , 网爱吧聊天室 , 奇摩女孩免费视讯网 , 台湾甜心女孩视讯 , 甜心女孩视讯 , 台湾甜心女孩聊天室 , 台湾甜心聊天室