Wednesday, July 19, 2006

Humigit-kumulang na isang buwan akong nawala sa buhay-talaan na ito. Bukal sa pusong paumanhin ang aking inihahatid sa mga utaw na super waiting-in-vain ang drama sa mga kachervahang maaari kong italak dito.

Sa loob ng isang buwan na ito ay maraming kachervahang naganap sa aking buhay-bakla. Pero sa mga kachervahang itekla ay may isang namumukod-tanging istorya ang nais ko sanang ibahagi sa aking mga kaibigan at kaututang dila.

Ito ang istorya naming dalawa ni Frederico.

. . . . . . . . .

Okay, back to back to bakla to normal. Pasensya na at HIGH pa ren ako sa pagsinghot ng ipinagbabawal na utot.

Umatak muna tayo sa PROFILE ng napipintong love of my life:

NAME: FREDERICO "last name witheld"
AGE: 24
HEIGHT: 5'9 and 3 cms
WEIGHT: 135 lbs
BODY TYPE: SLIGHT BORTA with matching pa-develop na chanda romero
FEZ TYPE: Kafezing ni DREW ARRELLANO (accdg to Jessica); Kafezing ni Drew Arellano kapag na-haggard (accdg to CLAUDE).
HOBBIES: (1) Mag-singaling sa mga chipanggurutay na videoke na hinihulugan ng limang-piso. (2) mag-telebabad gamit ang SUN CELLULAR.
FAVORITE SONG: I MISS YOU LIKE CRAZY and RIGHT HERE WAITING FOR YOU
AMBITION: To be a successful HOSTO.

EMPLOYMENT HISTORY: Dating dancerey sa Eat Bulaga, hanggang na-cardiac . . . . nag-Japan-japanan portion for 3 months, wittelles naging successful; nag-dancerey sa isang bar na shinoshorwag na Superman; at ngayo’y isang WAITERLOO sa isang GAYBAR.
any discreet guys?

Okay, so hayon na nga . . . . basta isang gabi eh inaya akembang ni Mother Ricky . . . my fairy gay mommah na umataksiva sa isang Gay Bar sa Timog. Achully eh dapat wittelles na akembang sa pagka-atak but then, na-realize kez na wai naman akez kaganapan sa life ever ng gabing iyonchie kaya, umatak na akey hey hey hey!

Bago pa akez umenter sa nasabing Gay Bar eh biglang nagpupupumintig ang puriit ko ng walang humpay nang ma-sight ko si Frederico na naka-jupo sa may front entrance. Syempre at first eh deadma portion akez . . . super buysung ng bogarette.

May lagkit ang mga tingin niya sa akin, habang mega-standing ovation lang akez at mega subaroo like there’s no tomorrow. Alam ko ang klase ng mga tipo ng pagkalagkit na iyon . . . . tipong lagkit na parang ubeng halayang na-overcook.

Learnsiva ko naman na ang mga eksena sa ganitrix. Sa tinagal-tagal ko namang naging badinggerzie eh kagknowsline ko na ang atak ng mga menthol na super workaloo sa mga establisyementong sadyang ginawa para kurakutan ang mga badette. Mga tipong atakeng titingnan ka nila ng super pa-sweet at ipapa-felt sa iyez na ikawchienabelles na ang pinakamagandang hayop sa balat ng lupa (susunod kay Gloria Diaz).

After the yosi eh nag-enter the dragon na akembang sa naturang gaybar. Isang paraisong puno ng init para sa ilan.

Na-sight ko si Mother Ricky na tili ng tili sa isang sulok habang may isang macho-dancerey ang mega-kiss-kiss sa kanya ng nota. At kung makatili naman si Mother Ricky eh parang kolehiyalang pinalake sa kumbento ng mga birhen na madre.

Haves pa siya ng plenty na ka-joint na mga ka-henerasyon nya. More chikahan kami pagkaupo ko at umisquierda na ren ang menthol na nagpapadukwang ng nota for five hundred peysos. Chinika ni Mama Ricky na breaksiva na raw sila ni Lucky, yung konteserong jowa niyang muntik ko nang hadahin sa CR ng Metro Bar, kung hindi lang akembang binagabag ng konsensiya kong naging absent sa buhay ko for many years.

More chikahan, and more drink with matching nota-sightings on the side. Witchelles sa pagkaipokrita or pagkadyoza effect ha, pero sa truelili lang eh witchelles na akembang na-eerbogan sa mga luluking nakaboots, nakatibak, may gigantic na notring na winawagyway na parang endangered sawa sa manila zoo, habang super dancerey sa entablado sa saliw ng "It's All Coming Back To Me" ni Celine Dion. Para na lang silang mga Koalang masarap tingnan pero wit mo bet jorwakan.

Hanggang sa na-sight ko another si Frederico sa loob. More walk siya hanggang sa may tumapik sa kanya sa isang table.

Pinagmasdan ko talaga ang bawat body language. Chinika siya nung badette, super smile lang si Frederico, super offer sa kanya ng drinks, smile pa ren siya, at tumanggi, nakipagkamay another at umisquierda.

More walk again si Frederico hanggang sa inorwag naman siya ni Mama Ricky.

Lumapit siya sa table namin. Wiz naman ako sa pagka-sight. Kunwari eh witchelles ako interesado. Eh ang mga luluking itey, pag pinafelt mo sa kanila na ineteresado ka eh daig pa nila si Mike Enriquez sa pagtalak ng "Hindi Kita Ta . . . Tantanan!"

PInakilala siya sa amin ni Mama Ricky. Doon ko nalearn ang soap-operatic niyang namesung . . . Fredericohhhhhh. Parang bet ko namang sabihing . . . Maria Kondesa Bonita ang pangalan ko . . . echot lang.

Umupo sa Frederico sa tabi ni Mama Ricky, habang si Mama naman eh walang sinasayang na sandali, more kurot here . . . more kurot there . . . more kurot everywhere . . . . .mahihiya ang mga gobernador sa pagcha-chansing niya.

Hanggang sa tinalak ni Mama Ricky sa 'min na si Frederico lang daw ang betchay niya sa establisyementong iyon ng walang pag-iimbot at buong katapatan, pero sad to say . . . . . . si Frederico lang daw ang witchelles pa-booking sa establisyementong iyonchienabelles arabelles araboomboombelles.

Tumambling naman ako don.

Parang bet ko namang mapahalakhak na ala-Celia Rodriguez sa mga oras na iyon at tumalak ng "I don't drrrrrrink waterrrrrrr . . . . . waterrrrrr is bad forrrrrrrr my health."

Day-off daw niya at may hinhintay lang siyang friendiva. Witchelles nya inaaccept ang drinkaloo na ginigivesung sa kanya ni Mama Ricky. Tumagal pa ang mga oras at tumagal pa ang chikahan, witchelles ko learn kung naaapektuhan na ba ang sense of judgement ko dahil sa tumataas na ang alcohol level sa dugo ko o talagang nabibighani lang ako sa pagkatao ni Frederico.

Sabi ko sa sarili ko . . . . Wrooooooooooooooooooooooooooong! Mamah! Wrong!

Hanggang sa kaming dalawa na lang ang nagkukuwentuhan dahil bisi ang mga tiyahin ko sa pag-sight kay Suma at sa kanyang sawa.

Tumabi pa siya sa 'kin.

Chinika ko sa kanya kung sigurado ba siyang wittelles niya bet nomomi.

Nag-isip siya. Dalawang isip. Tatlong isip. Apat na isip.

"Sige, basta ikaw . . . ." bera ba naman.

Ask key kung anech ang bet niyang nomuhin. San Mig Light daw.

So more San Mig Light.

Marami kaming napagchikahan, in fairness, may sense siyang kausap. Chinika niya sa ken ang job description niya doonchie. More waitreloo and more GRO portion, more entertain ng customers pero witchelles sa pagpapatake-home. Sanay na raw siya sa ganong ruta at hindi na rin bago sa kanya ang kalakalan ng laman. Pero stick lang siya sa workaloo niya.

Mataray siya for that.

Hindi ko chinika sa kanya ang truelili kong namesung at witchelles ko rin chinika ang truelili kong workaloo, just to give him lang an idea . . . para isipin niyang . . . isa lang akong minimum wage earner.

Pero more chikahan portion pa rin kami. Wala rin yung mga ineexpect kong atake pailalim. As in . . . yung tipong aatake ang kamay niya sa ilalim ng mesa at sabay himas sa aking mga binti . . . to give a more erbog feeling.

Pwede kong sabihing . . . . meron na kong lapse of judgement sa mga oras na iyon . . . pero pwede ko ring sabihin na nagkamali ang tingin ko sa kanya noong una ko siyang na-sighteous. Mahirap mang paniwalaan . . . pero nakakapanabik malaman na iba siya . . . . dahil sabi ng ABC 5 . . . "astig maging iba!"

Lumalim na ang gabi at nakaramdam na ng antok (o sakit ng kasusuan, echoz) ang mga tiyahin ko at nag-aya nang jumuwelyon.

Nagpaalam na ako kay Frederico at umisquierda palabas.

Nasa labas na kami nang may tumawag sa akin ng ibang pangalan. Hindi ko pa nilingon nung una until na-realize kong yun pala ang namesung na ginivesung ko kay Frederico.

Humabol siya, sabay ask ng "May SUN ka ba?"

Chika ko, "GLOBE lang e."

"Ay sayang, titext pa naman sana kita. Pero bigay ko na ren number ko . . . . "

"Hindi naman ako madalas pumunta dito."

"Hindi lang naman dito tayo pwedeng magkita uli ah."

At ang mga huling salitang iyon ang naglagay ng ngiti sa aking mga labi hanggang sa pagtulog ko at paggising ko kinabukasan.
+++++++++++++++



No comments: