Friday, July 28, 2006

BAWAL NA PAG-IBIG (IKALAWANG KABANATA)

DAY 1 sa BAHAY NI KUYA

Isang umaga, kasabay ang tostadong maling at 3-day old na gardenia eh biglang tumalak si Kiara:

"Mamah . . . . sa sobrang kabisihan mo at sa tinagal-tagal mong nawala dito sa balaybay mo eh wizzels mo nang nalalaman ang mga kaganapan dito."

"Baket? Ano ang latest chismis?" shornong kez with matching taas-kilay.

Wala nang ibang tao sa baler kundi kaming dalawa na lang, pero super sighteous pa ren si Kiara sa paligid na as if merong mga ispiyang umaali-aligid. Binaba niya ang siyensi na hawak at hininaan ang apoy sa ginagawa niyang kamote-que. Shumorbi siya sa kinajujupan kez at pabulong na shumorlak:

"Hindi ko sure ha . . . pero feeling ko eh there’s something fishy goin on . . . "

Napatingin lang akez sa kesame. Wa ispluk . . . .

"Anoba? Hindi mo ba nafi-feel?"

"Ang alen?", chika ko. In fairness, witchelles ko talaga ma-feel . . . . may pagkasanib pa naman ang baklang Kiara paminsan-minsan.

"Ang brudra mo . . . "

"Anong chismis sa brudra ko?"

"At ang alaga mo . . . . "

Sa chinika ni Kiara eh bigla ko tuloy nalunok ang nilapsalauriat kong maling nang walang nguyaan portion.

Pero . . . I doubt pa ren ang drama ko.

Hanggang sa . . . .

"Alam mo ba kung sino ang nagpa-plantsa ng mga damit ni Bunso kapag nagmamadali siya at late na siya sa raket niya?"

Deadma.

"Alam mo ba kung kanino siya nagpapamasahe kapag masakit ang mga kasu-kasuan niya?"

Deadma another . . . .

"Alam mo ba . . . . . kung kanino siya nagpapalagay 'nung body-scrub na binili mo sa body-shop na amoy kamanyang . . . "

Teka . . . . .

"Truelsa Clench mamah! At wala nang iba . . . . "

I doubt pa ren . . . chika ko sa sarili ko. Sabay bera kay Kiara, "Baka naman more frienship lang. Kasi naman e sila lang ang magka-edad dito noh. Sila lang ang pedeng maka-relate sa isa't isa. Masyado ka lang malisyosa, bakla ka!"

Isang umaatikabong "I DOUBT" ang tinalak sa 'kin ni Kiara, sabay tayo, talikod at sabay balik sa pagluluto ng kamote-que.

*


DAY 2 sa BAHAY NI KUYA

Alas-onse na ng gabi.

Nakalatag na ang sofa-bed ni Bunso sa sala.

Lahat kami eh nakabalagbag sa sofa-bed na iyonchie habang super watch ng SAKSI.

Nagpakuwento lang ako kay Bunso kung anechiwa ang mga latest chismis sa mga raket niya. The usual . . . merong isang talent manager na bet siyang sulutin sa 'ken . . . at mega-ligaw sa kanya. Chika ko naman sa kanya eh wag siyang magpadala sa mga ganoong drama dahil baka hada lang ang habol nila sa mura at makinis niyang shortawan.

Mega kuwento lang si Bunso. Nakahiga siya sa tabi ko. Sa tabi ko naman eh si Kiara. Habang ang aking matimtimang shofated eh naka-upo lang sa isang silya at super ming-ming lang sa isang tabi.

Biglang tumayo si Bunso. At shinonggal niya t-shiret niya, para ma-sight ko raw ang mga improvements sa shortawan since nung inenroll ko siya sa Slimmer's World Pasay Road (plugging . . . . )

So ang natira na lang na saplot sa bortawan niya eh ang maigsing boxers na parang may pinagkakatagong kuting sa loob.

Keri naman . . . haves nga ng improvement sa abs . . . sa chest . . . . sa tricep . . . etc. Pero di pa masyadong hinog.

"Tingin nga . . . . " nasira bigla ang konsentrasyon ko nang narinig ko ang shorfated kong tumalak at lumapit kay bunso.

Nagkahulihan naman kami ng tingin ni Kiara habang pinipindot-pindot ni Nicanor ang abs ni Bunso.

Hindi ko kinaya ang eksena at may-I-stand akez at atak sa kitchen to get water. May-I-follow naman si Kiara.

Habang super nomu akez ng borbeg eh parang uwak si baklang naghihintay ng dagang dadaan. Ineexpect niyang may itatalak ako. Pero wa akong talak.

"Oh. Mamah? Ngayon? Sinong malisyosa sa 'ming dalawa ng kapatid mo?"

*


DAY 3 sa BAHAY NI KUYA

Alas-dos ng madaling araw . . . .

Kararating ko lang sa baler. Umatak agad akez sa kwartobelles kez. Parang everybody is asleep na.

Pag-enter ko sa kwartobelles ko eh missing in action si Kiara.

Lumabas uli ko. Sight sa sala.

Super sight akez sa nakahilata sa sala.

Si Kiara.

Ginising ko si bakla.

Shinornong ko kung nasan si Bunso at kung baket hindi pa dumadating.

Chika na bakla, na maaga naman daw dumating at witchelles niyang na-felt na umisquierda.

So, ang tanong ng bayan . . . nasan si Bunso?

"Do the rounds, mamah!?" chika ni Kiara.

Tumayo si Kiara at dahan-dahan kaming naglakad paatak sa kwarto ni Nick.

Bubuksan ko na sana ang shintuan, but then . . .

Biglang . . .

PInigil ako ni Kiara.

Pabulong na chika ni bakla, "Wiz ka naman join sa pagka-thriller. Hear muna naten . . . "

Gumetching ng baso si bakla. Nilagay sa tenga at nilapat ang puwet ng baso sa shintuan ng kwartobelles ni Nick.

"Ano?" shornong kez.

"Ssssssssh"

"Haves?"

"Shuhimek . . . sound proof yata."

Nilagay ko na ang kamay ko sa doorknob. Sight kay Kiara. "Go . . . " signal ni bakla.

PInihit ko . . .

But then no . . . .

Naka-lock . . .

Bumalik kami sa sala for more balitaktakan.

"Baka naman wala si Bunso don," talak ko.

"Eh pano kung andon . . . . " talak ni Kiara.

"Harsh . . . "

Hinla ko si Kiara paatak ng laundry room.

Sa laundry roon eh may fire escape.

Jinuksan namin ang jintana ng fire escape at pinagkasya ang mga sarili namin sa majiit na jutas. And to think na nasa fifth floor kami ng isang gusali ha.

More mission impossible ang drama ng dalawang baklang dahang-dahang pagilid na naglalakad sa isang kakaramput na pasimano sa gilid ng gusali para lang makarating sa bintana ng kwartobelles ni Nicanor.

Pagdating namin sa bintana area . . . eh closing time naman ang mga bintana. Pero sight namin ang sillhoute sa loob ng kwartobelles pero di pa ren enough yon para ma-learn naming andon din sa kwartobelles si Bunso.

Tinry namin isa-isa yung jintana pero nakalock . . . hanggang sa dulong bintana . . . . pag-push kez eh gumalaw.

"Go mamah!" talak ni Kiara.

Dahan-dahan ko pinhit ang bintana. Haves ng slight wrong dahil biglang lumangitngit ang mga turnilyo.

Mega-freese naman kami ni Kiara . . . . . sight namin ang anino sa loob na gumalaw. Automatically eh bigla kaming napaluhod ni Kiara sa kakaramput na pasimanong kinatatayuan namin na parang suddenly eh haves kami ng powers ni Spiderman dahil hindi kami matinag-tinag sa pagkakakapit sa dingding.

Naghintay pa kami longer ni Kiara, tsaka siya sumilip. May maliit na awang na yung jintana na keri-keri nang masight ang inside story.

"Haves mamah!" chika ni Kiara.

Kag-sight naman akey hey hey hey.

Haves nga ng dalawang utaw sa kama.

Para kaming mga tikling na nagmadaling bumalik sa fire escape, jumosok sa laundry room at papasok sa baler.

Direcho sa shintuan ng kwartobelles ni Nick. And sabay katok.

Another rounds of katok . . .

Another round of katok . . .

Then nag-open sesame ang shintuan.

"Baket?" talak ni Nick na parang hindi pa totally gising.

"Wala lang. Chini-check ko lang kung andito ka."

"Himala . . . . "

"Sinong kasama mo 'jan?"

"Ha?"

"Okay lang naman na patulugin mo 'jan si Bunso as long as . . . "

"Hey wazzup?"

Napataligod kami ni Kiara at na-sight namin si Bunso, fully clothed.

"What are you doing there?"

"I just arrived?"

"But you're here . . . " habang mega turo akez sa shortobelles ni Nick.

"No, Im not there. Im here."

Napaharap uli ako kay Nick.

"Kuya?"

PInilit kong juksan ang shintuan, napatabi si Nick at pag-sight ko sa loob eh may isang lulurking naka-briefanggus lang ang nakahilata sa kama.

Wrong number . . . . .

"Kaklase ko," chika ni Nick. Sabay balagbag ng shintuan ara.

*