Friday, July 28, 2006

BAWAL NA PAG-IBIG (IKALAWANG KABANATA)

DAY 1 sa BAHAY NI KUYA

Isang umaga, kasabay ang tostadong maling at 3-day old na gardenia eh biglang tumalak si Kiara:

"Mamah . . . . sa sobrang kabisihan mo at sa tinagal-tagal mong nawala dito sa balaybay mo eh wizzels mo nang nalalaman ang mga kaganapan dito."

"Baket? Ano ang latest chismis?" shornong kez with matching taas-kilay.

Wala nang ibang tao sa baler kundi kaming dalawa na lang, pero super sighteous pa ren si Kiara sa paligid na as if merong mga ispiyang umaali-aligid. Binaba niya ang siyensi na hawak at hininaan ang apoy sa ginagawa niyang kamote-que. Shumorbi siya sa kinajujupan kez at pabulong na shumorlak:

"Hindi ko sure ha . . . pero feeling ko eh there’s something fishy goin on . . . "

Napatingin lang akez sa kesame. Wa ispluk . . . .

"Anoba? Hindi mo ba nafi-feel?"

"Ang alen?", chika ko. In fairness, witchelles ko talaga ma-feel . . . . may pagkasanib pa naman ang baklang Kiara paminsan-minsan.

"Ang brudra mo . . . "

"Anong chismis sa brudra ko?"

"At ang alaga mo . . . . "

Sa chinika ni Kiara eh bigla ko tuloy nalunok ang nilapsalauriat kong maling nang walang nguyaan portion.

Pero . . . I doubt pa ren ang drama ko.

Hanggang sa . . . .

"Alam mo ba kung sino ang nagpa-plantsa ng mga damit ni Bunso kapag nagmamadali siya at late na siya sa raket niya?"

Deadma.

"Alam mo ba kung kanino siya nagpapamasahe kapag masakit ang mga kasu-kasuan niya?"

Deadma another . . . .

"Alam mo ba . . . . . kung kanino siya nagpapalagay 'nung body-scrub na binili mo sa body-shop na amoy kamanyang . . . "

Teka . . . . .

"Truelsa Clench mamah! At wala nang iba . . . . "

I doubt pa ren . . . chika ko sa sarili ko. Sabay bera kay Kiara, "Baka naman more frienship lang. Kasi naman e sila lang ang magka-edad dito noh. Sila lang ang pedeng maka-relate sa isa't isa. Masyado ka lang malisyosa, bakla ka!"

Isang umaatikabong "I DOUBT" ang tinalak sa 'kin ni Kiara, sabay tayo, talikod at sabay balik sa pagluluto ng kamote-que.

*


DAY 2 sa BAHAY NI KUYA

Alas-onse na ng gabi.

Nakalatag na ang sofa-bed ni Bunso sa sala.

Lahat kami eh nakabalagbag sa sofa-bed na iyonchie habang super watch ng SAKSI.

Nagpakuwento lang ako kay Bunso kung anechiwa ang mga latest chismis sa mga raket niya. The usual . . . merong isang talent manager na bet siyang sulutin sa 'ken . . . at mega-ligaw sa kanya. Chika ko naman sa kanya eh wag siyang magpadala sa mga ganoong drama dahil baka hada lang ang habol nila sa mura at makinis niyang shortawan.

Mega kuwento lang si Bunso. Nakahiga siya sa tabi ko. Sa tabi ko naman eh si Kiara. Habang ang aking matimtimang shofated eh naka-upo lang sa isang silya at super ming-ming lang sa isang tabi.

Biglang tumayo si Bunso. At shinonggal niya t-shiret niya, para ma-sight ko raw ang mga improvements sa shortawan since nung inenroll ko siya sa Slimmer's World Pasay Road (plugging . . . . )

So ang natira na lang na saplot sa bortawan niya eh ang maigsing boxers na parang may pinagkakatagong kuting sa loob.

Keri naman . . . haves nga ng improvement sa abs . . . sa chest . . . . sa tricep . . . etc. Pero di pa masyadong hinog.

"Tingin nga . . . . " nasira bigla ang konsentrasyon ko nang narinig ko ang shorfated kong tumalak at lumapit kay bunso.

Nagkahulihan naman kami ng tingin ni Kiara habang pinipindot-pindot ni Nicanor ang abs ni Bunso.

Hindi ko kinaya ang eksena at may-I-stand akez at atak sa kitchen to get water. May-I-follow naman si Kiara.

Habang super nomu akez ng borbeg eh parang uwak si baklang naghihintay ng dagang dadaan. Ineexpect niyang may itatalak ako. Pero wa akong talak.

"Oh. Mamah? Ngayon? Sinong malisyosa sa 'ming dalawa ng kapatid mo?"

*


DAY 3 sa BAHAY NI KUYA

Alas-dos ng madaling araw . . . .

Kararating ko lang sa baler. Umatak agad akez sa kwartobelles kez. Parang everybody is asleep na.

Pag-enter ko sa kwartobelles ko eh missing in action si Kiara.

Lumabas uli ko. Sight sa sala.

Super sight akez sa nakahilata sa sala.

Si Kiara.

Ginising ko si bakla.

Shinornong ko kung nasan si Bunso at kung baket hindi pa dumadating.

Chika na bakla, na maaga naman daw dumating at witchelles niyang na-felt na umisquierda.

So, ang tanong ng bayan . . . nasan si Bunso?

"Do the rounds, mamah!?" chika ni Kiara.

Tumayo si Kiara at dahan-dahan kaming naglakad paatak sa kwarto ni Nick.

Bubuksan ko na sana ang shintuan, but then . . .

Biglang . . .

PInigil ako ni Kiara.

Pabulong na chika ni bakla, "Wiz ka naman join sa pagka-thriller. Hear muna naten . . . "

Gumetching ng baso si bakla. Nilagay sa tenga at nilapat ang puwet ng baso sa shintuan ng kwartobelles ni Nick.

"Ano?" shornong kez.

"Ssssssssh"

"Haves?"

"Shuhimek . . . sound proof yata."

Nilagay ko na ang kamay ko sa doorknob. Sight kay Kiara. "Go . . . " signal ni bakla.

PInihit ko . . .

But then no . . . .

Naka-lock . . .

Bumalik kami sa sala for more balitaktakan.

"Baka naman wala si Bunso don," talak ko.

"Eh pano kung andon . . . . " talak ni Kiara.

"Harsh . . . "

Hinla ko si Kiara paatak ng laundry room.

Sa laundry roon eh may fire escape.

Jinuksan namin ang jintana ng fire escape at pinagkasya ang mga sarili namin sa majiit na jutas. And to think na nasa fifth floor kami ng isang gusali ha.

More mission impossible ang drama ng dalawang baklang dahang-dahang pagilid na naglalakad sa isang kakaramput na pasimano sa gilid ng gusali para lang makarating sa bintana ng kwartobelles ni Nicanor.

Pagdating namin sa bintana area . . . eh closing time naman ang mga bintana. Pero sight namin ang sillhoute sa loob ng kwartobelles pero di pa ren enough yon para ma-learn naming andon din sa kwartobelles si Bunso.

Tinry namin isa-isa yung jintana pero nakalock . . . hanggang sa dulong bintana . . . . pag-push kez eh gumalaw.

"Go mamah!" talak ni Kiara.

Dahan-dahan ko pinhit ang bintana. Haves ng slight wrong dahil biglang lumangitngit ang mga turnilyo.

Mega-freese naman kami ni Kiara . . . . . sight namin ang anino sa loob na gumalaw. Automatically eh bigla kaming napaluhod ni Kiara sa kakaramput na pasimanong kinatatayuan namin na parang suddenly eh haves kami ng powers ni Spiderman dahil hindi kami matinag-tinag sa pagkakakapit sa dingding.

Naghintay pa kami longer ni Kiara, tsaka siya sumilip. May maliit na awang na yung jintana na keri-keri nang masight ang inside story.

"Haves mamah!" chika ni Kiara.

Kag-sight naman akey hey hey hey.

Haves nga ng dalawang utaw sa kama.

Para kaming mga tikling na nagmadaling bumalik sa fire escape, jumosok sa laundry room at papasok sa baler.

Direcho sa shintuan ng kwartobelles ni Nick. And sabay katok.

Another rounds of katok . . .

Another round of katok . . .

Then nag-open sesame ang shintuan.

"Baket?" talak ni Nick na parang hindi pa totally gising.

"Wala lang. Chini-check ko lang kung andito ka."

"Himala . . . . "

"Sinong kasama mo 'jan?"

"Ha?"

"Okay lang naman na patulugin mo 'jan si Bunso as long as . . . "

"Hey wazzup?"

Napataligod kami ni Kiara at na-sight namin si Bunso, fully clothed.

"What are you doing there?"

"I just arrived?"

"But you're here . . . " habang mega turo akez sa shortobelles ni Nick.

"No, Im not there. Im here."

Napaharap uli ako kay Nick.

"Kuya?"

PInilit kong juksan ang shintuan, napatabi si Nick at pag-sight ko sa loob eh may isang lulurking naka-briefanggus lang ang nakahilata sa kama.

Wrong number . . . . .

"Kaklase ko," chika ni Nick. Sabay balagbag ng shintuan ara.

*

Wednesday, July 19, 2006

Humigit-kumulang na isang buwan akong nawala sa buhay-talaan na ito. Bukal sa pusong paumanhin ang aking inihahatid sa mga utaw na super waiting-in-vain ang drama sa mga kachervahang maaari kong italak dito.

Sa loob ng isang buwan na ito ay maraming kachervahang naganap sa aking buhay-bakla. Pero sa mga kachervahang itekla ay may isang namumukod-tanging istorya ang nais ko sanang ibahagi sa aking mga kaibigan at kaututang dila.

Ito ang istorya naming dalawa ni Frederico.

. . . . . . . . .

Okay, back to back to bakla to normal. Pasensya na at HIGH pa ren ako sa pagsinghot ng ipinagbabawal na utot.

Umatak muna tayo sa PROFILE ng napipintong love of my life:

NAME: FREDERICO "last name witheld"
AGE: 24
HEIGHT: 5'9 and 3 cms
WEIGHT: 135 lbs
BODY TYPE: SLIGHT BORTA with matching pa-develop na chanda romero
FEZ TYPE: Kafezing ni DREW ARRELLANO (accdg to Jessica); Kafezing ni Drew Arellano kapag na-haggard (accdg to CLAUDE).
HOBBIES: (1) Mag-singaling sa mga chipanggurutay na videoke na hinihulugan ng limang-piso. (2) mag-telebabad gamit ang SUN CELLULAR.
FAVORITE SONG: I MISS YOU LIKE CRAZY and RIGHT HERE WAITING FOR YOU
AMBITION: To be a successful HOSTO.

EMPLOYMENT HISTORY: Dating dancerey sa Eat Bulaga, hanggang na-cardiac . . . . nag-Japan-japanan portion for 3 months, wittelles naging successful; nag-dancerey sa isang bar na shinoshorwag na Superman; at ngayo’y isang WAITERLOO sa isang GAYBAR.
any discreet guys?

Okay, so hayon na nga . . . . basta isang gabi eh inaya akembang ni Mother Ricky . . . my fairy gay mommah na umataksiva sa isang Gay Bar sa Timog. Achully eh dapat wittelles na akembang sa pagka-atak but then, na-realize kez na wai naman akez kaganapan sa life ever ng gabing iyonchie kaya, umatak na akey hey hey hey!

Bago pa akez umenter sa nasabing Gay Bar eh biglang nagpupupumintig ang puriit ko ng walang humpay nang ma-sight ko si Frederico na naka-jupo sa may front entrance. Syempre at first eh deadma portion akez . . . super buysung ng bogarette.

May lagkit ang mga tingin niya sa akin, habang mega-standing ovation lang akez at mega subaroo like there’s no tomorrow. Alam ko ang klase ng mga tipo ng pagkalagkit na iyon . . . . tipong lagkit na parang ubeng halayang na-overcook.

Learnsiva ko naman na ang mga eksena sa ganitrix. Sa tinagal-tagal ko namang naging badinggerzie eh kagknowsline ko na ang atak ng mga menthol na super workaloo sa mga establisyementong sadyang ginawa para kurakutan ang mga badette. Mga tipong atakeng titingnan ka nila ng super pa-sweet at ipapa-felt sa iyez na ikawchienabelles na ang pinakamagandang hayop sa balat ng lupa (susunod kay Gloria Diaz).

After the yosi eh nag-enter the dragon na akembang sa naturang gaybar. Isang paraisong puno ng init para sa ilan.

Na-sight ko si Mother Ricky na tili ng tili sa isang sulok habang may isang macho-dancerey ang mega-kiss-kiss sa kanya ng nota. At kung makatili naman si Mother Ricky eh parang kolehiyalang pinalake sa kumbento ng mga birhen na madre.

Haves pa siya ng plenty na ka-joint na mga ka-henerasyon nya. More chikahan kami pagkaupo ko at umisquierda na ren ang menthol na nagpapadukwang ng nota for five hundred peysos. Chinika ni Mama Ricky na breaksiva na raw sila ni Lucky, yung konteserong jowa niyang muntik ko nang hadahin sa CR ng Metro Bar, kung hindi lang akembang binagabag ng konsensiya kong naging absent sa buhay ko for many years.

More chikahan, and more drink with matching nota-sightings on the side. Witchelles sa pagkaipokrita or pagkadyoza effect ha, pero sa truelili lang eh witchelles na akembang na-eerbogan sa mga luluking nakaboots, nakatibak, may gigantic na notring na winawagyway na parang endangered sawa sa manila zoo, habang super dancerey sa entablado sa saliw ng "It's All Coming Back To Me" ni Celine Dion. Para na lang silang mga Koalang masarap tingnan pero wit mo bet jorwakan.

Hanggang sa na-sight ko another si Frederico sa loob. More walk siya hanggang sa may tumapik sa kanya sa isang table.

Pinagmasdan ko talaga ang bawat body language. Chinika siya nung badette, super smile lang si Frederico, super offer sa kanya ng drinks, smile pa ren siya, at tumanggi, nakipagkamay another at umisquierda.

More walk again si Frederico hanggang sa inorwag naman siya ni Mama Ricky.

Lumapit siya sa table namin. Wiz naman ako sa pagka-sight. Kunwari eh witchelles ako interesado. Eh ang mga luluking itey, pag pinafelt mo sa kanila na ineteresado ka eh daig pa nila si Mike Enriquez sa pagtalak ng "Hindi Kita Ta . . . Tantanan!"

PInakilala siya sa amin ni Mama Ricky. Doon ko nalearn ang soap-operatic niyang namesung . . . Fredericohhhhhh. Parang bet ko namang sabihing . . . Maria Kondesa Bonita ang pangalan ko . . . echot lang.

Umupo sa Frederico sa tabi ni Mama Ricky, habang si Mama naman eh walang sinasayang na sandali, more kurot here . . . more kurot there . . . more kurot everywhere . . . . .mahihiya ang mga gobernador sa pagcha-chansing niya.

Hanggang sa tinalak ni Mama Ricky sa 'min na si Frederico lang daw ang betchay niya sa establisyementong iyon ng walang pag-iimbot at buong katapatan, pero sad to say . . . . . . si Frederico lang daw ang witchelles pa-booking sa establisyementong iyonchienabelles arabelles araboomboombelles.

Tumambling naman ako don.

Parang bet ko namang mapahalakhak na ala-Celia Rodriguez sa mga oras na iyon at tumalak ng "I don't drrrrrrink waterrrrrrr . . . . . waterrrrrr is bad forrrrrrrr my health."

Day-off daw niya at may hinhintay lang siyang friendiva. Witchelles nya inaaccept ang drinkaloo na ginigivesung sa kanya ni Mama Ricky. Tumagal pa ang mga oras at tumagal pa ang chikahan, witchelles ko learn kung naaapektuhan na ba ang sense of judgement ko dahil sa tumataas na ang alcohol level sa dugo ko o talagang nabibighani lang ako sa pagkatao ni Frederico.

Sabi ko sa sarili ko . . . . Wrooooooooooooooooooooooooooong! Mamah! Wrong!

Hanggang sa kaming dalawa na lang ang nagkukuwentuhan dahil bisi ang mga tiyahin ko sa pag-sight kay Suma at sa kanyang sawa.

Tumabi pa siya sa 'kin.

Chinika ko sa kanya kung sigurado ba siyang wittelles niya bet nomomi.

Nag-isip siya. Dalawang isip. Tatlong isip. Apat na isip.

"Sige, basta ikaw . . . ." bera ba naman.

Ask key kung anech ang bet niyang nomuhin. San Mig Light daw.

So more San Mig Light.

Marami kaming napagchikahan, in fairness, may sense siyang kausap. Chinika niya sa ken ang job description niya doonchie. More waitreloo and more GRO portion, more entertain ng customers pero witchelles sa pagpapatake-home. Sanay na raw siya sa ganong ruta at hindi na rin bago sa kanya ang kalakalan ng laman. Pero stick lang siya sa workaloo niya.

Mataray siya for that.

Hindi ko chinika sa kanya ang truelili kong namesung at witchelles ko rin chinika ang truelili kong workaloo, just to give him lang an idea . . . para isipin niyang . . . isa lang akong minimum wage earner.

Pero more chikahan portion pa rin kami. Wala rin yung mga ineexpect kong atake pailalim. As in . . . yung tipong aatake ang kamay niya sa ilalim ng mesa at sabay himas sa aking mga binti . . . to give a more erbog feeling.

Pwede kong sabihing . . . . meron na kong lapse of judgement sa mga oras na iyon . . . pero pwede ko ring sabihin na nagkamali ang tingin ko sa kanya noong una ko siyang na-sighteous. Mahirap mang paniwalaan . . . pero nakakapanabik malaman na iba siya . . . . dahil sabi ng ABC 5 . . . "astig maging iba!"

Lumalim na ang gabi at nakaramdam na ng antok (o sakit ng kasusuan, echoz) ang mga tiyahin ko at nag-aya nang jumuwelyon.

Nagpaalam na ako kay Frederico at umisquierda palabas.

Nasa labas na kami nang may tumawag sa akin ng ibang pangalan. Hindi ko pa nilingon nung una until na-realize kong yun pala ang namesung na ginivesung ko kay Frederico.

Humabol siya, sabay ask ng "May SUN ka ba?"

Chika ko, "GLOBE lang e."

"Ay sayang, titext pa naman sana kita. Pero bigay ko na ren number ko . . . . "

"Hindi naman ako madalas pumunta dito."

"Hindi lang naman dito tayo pwedeng magkita uli ah."

At ang mga huling salitang iyon ang naglagay ng ngiti sa aking mga labi hanggang sa pagtulog ko at paggising ko kinabukasan.
+++++++++++++++



Tuesday, July 11, 2006




Hindi ko inakalang dadating sa buhay ko si Frederico . . . . sa isang di-inaasahang pagkakataon at sa di inaasahang oras . . . isang hatinggabi, isang Miyerkules sa ilalim ng mga kumukurap-kurap na ilaw na lumilibot sa mga letrang nagsasabing "ADONIS".

Mag-isa siyang naka-upo sa isang silyang yari sa kahoy, na parang isang anay na lang ang hindi pa pumipirma ay mababaldado na nang tuluyan ang apat na paa nito, katabi niya ang guawardiyang parang asong nakakain ng butong pinagulong sa vetsin. Tahimik niyang hinihigop gamit ang pulang straw ang iced-tea na may maputlang kulay, marahil ay natunaw na ang yelo at sa maliliit na pahigop ay mapapatagal ng isang oras ang isang baso na ang tunay na kahalagahan ay ang pumatid uhaw.

Malayo ang tingin niya at mukhang malalim ang iniisip, na noong una ay nakapagpagulo sa isipan ko dahil malayo naman sa hitsura niya ang mag-isip. Sa totoo lang, sa unang tingin ko pa lang sa kanya ay "kama" agad ang pumasok sa isip ko. Sabi nila, lahat tayo ay nilikhang may angking kagandahan . . . . ang gandang natural . . . gandang ricky reyes . . . . gandang panghalimaw at higit sa lahat ay may gandang pangkama.

Sa unang pagdapo pa lang ng aking mga mapanuring mata sa mga tila nagliliyab na balat ni Frederico ay iba’t ibang imahe na ang nabuo sa hinuha ko . . . . . mga nagtitirikang mga mata . . . kagat-labing panggigigil . . . . mga madidiing kapit na halos bumabaon sa balat . . . likod na nakaliyad at higit sa lahat . . . . mga daliri sa paa na nagbabalukturan at nagtutunugan . . . mga imahen ng masidhing tagpo ng dalawang taong nagkakainigan.

Napahinga na lamang ako ng malalim habang pinipilit na huwag maglaho ang kapana-panabik na tagpong pinapalabas sa isang channel sa utak ko ngunit nabigo ako. Nawalan ng signal.
Napasinghal na lang ako, napabulong sa sarili, "THIS IS NOT IT . . . . THIS IS REALLY REALLY NOT IT."