Tuesday, April 25, 2006

STRANGER in DAVAO (PART 1)

Summer is just around the corner kaya pagkalabas kez ng balaysung eh mega best in summer wear na akembang with matching sunblock and shades na sa sobrang dakil eh mahihiya pati si Audrey Hepburn sa Breakfast in Tifanny's.

Gumetlack akembang ng shoxiebelles at sabay talak, "Sa airport . . ."

Haves akembang ng another raket sa Davao. Second time ko nang umataksiva doonchienabelles at ang first time na atak kez eh witchelles na nga akembang nakapagenjoy dahil ngaragan portion eh nawalan pa akembang ng cellphone at laptop. Haggardness to the fatalistic level.

That time eh dalawang araw na lang eh Fashion Week na and yes oh yes! Pinagpalit kez ang mga glamorosang raket for Fashion Week para sa Sales Convention ng instant noodles. Yes! Da 'vah from runway sana eh pang-kusina lang ang bagsak ng beauty kez. But then, of course eh you know naman . . . . budjey comes first. Eh mas malaki ang budjey ng instant noodles eh kaya go lang ng go!

Pagdating sa Domestic Airport eh sinalubong na kez ng counterpart ko sa Universal Robina . . . si Dakki. Noong una kong nasightchinabelles si Dakki eh parang nakita ko na ang soulmate kong matagal-tagal ko nang hinahanap-hanap. Narinig ko ang mga kalembang sa tenga ko . . . . . which signals na siya na ang lalaking maghihintay sa 'ken sa dulo ng altar with a wala nang kinabukasang-"Sam Milby smile", habang kumakanta ang Madrigal ng "Sana'y Wala Nang Wakas". Na-felt ko, as in felt na felt na felt . . . . siya ang lalaking magtataguyod ng pamilya ko at magiging ama ng mga anak ko . . . . shet! May pagka-chines itung si Dakki, or rather chines talaga siya at ang kutis eh parang kokomban na matapik lang ng kaunti ni Madame Sandra eh namumula nang daig pa ang kinalburong mabolo. And the way he moves and speaks eh parang learn na learn mo nang simula pa lang pre-school, hanggang kolehiyolo hanggang post-graduate eh LaSalle ang pinapasukan nitu with matching hatid-sundo ng chedeng na may druvang na may hawak parating dakil na payong.

Kaso nga lang eh may angking ka-bubistrihan itung si Dakki, which makes me wonder kung paano siya napadpad sa masho-as sho-as niyang posisyon sa kompanya nila. Oh well! Ayaw ko mang maging judgmental pero sabi nga nila . . . . No One is Perfect!

Anyway, pagdating sa airport eh pinabitbit ko na sa kanya ang mga bagelya kez. Oo naman noh! Para naman magkasilbi siya, ako na nga ang lahat na gumawa ng trabaho niya for the past month! Echoz! Gentleman lang talaga siya. Tarush noh! Babae talaga ang tingin ko sa sarili ko.

Pagkapostcard mag-check-in eh super waiting-in-vain lang kami sa VIP lounge. Powerful naman kasi si Dakki, marami siyang friends sa Cebu Pacific. But then, witchelles ko pa man na-aabuso ang libreng kape sa VIP lounge eh . . . . . "Flight no. chenelyn chenelyn bar bound to Davao is now boarding at gate chenelyn . . ."

Imberna!

So, go kami sa kainitan ng araw paatak sa jeroplano.

"Sa loob ng tintayang dalawang oras at dalawampung minuto, tayo po ay lalapag sa pandaigdigang paliparan ng Davao. Ikabit na po natin ang ating mga sinturong pangkaligtasan dahil tayo po ay lilipad na . . . ", sabi ng super gwapong flight steward na nagngangalang Ricky sa mic.

Habang nasa flight eh, I can't help but imagine . . . . . sa totoo lang eh isa sa mga pinaka na eh wildest pang pangarap ko eh ang makapagdookit sa isang super gwapong flight steward sa loob ng napakasikip na lavatory habang pa-crash landing na ang jeroplano. Siyempre naman noh . . . last momentz mo na yon on Earth . . . . better spend it wisely!

Anyway, after nga ng tinatayang dalawang oras at dalawampung minuto eh nakalapag din kami sa pandaigdigang paliparan ng davao.

Kakaloka pero in fairness . . . . . . wala kong masasabi sa airport ng Davao . . . as in na maliwanag na nilalampaso nitu ang lahat ng airport sa Pilipinas including NAIA. As in . . fabulous siya. Yun lang!

From the airport eh mahaba-habang biyahe pa another ang tinahak namin paatak sa Marco Polo Davao.

To be honest eh witchelles ko na nga iniisip ang convention the following day eh . . . ang tanging nasa isip ko lang ang mag-enjoy . . . . at mag-enjoy. Shet! Ang harsh ko noh?!

Pagdating sa hotel eh super check-in at buong akala ko pa naman eh magkajointforces kami ni Dakki sa room at nang makapagpulo't-gata na kame at looooong last . . . . . . . but then no! Tig-isang roomaloo talaga kami. Since keri naman daw na magwaldas ng salapi. Go lang ng go! At dahil 'jan hanggang pati sa niyosi kez eh ni-reimburse kez.

Anyway, after namin makapagsettle-down sa aming mga rooms eh betchay ko nang simulan ang Davao escapades kez. Inaya ko si Dakki but then, betchay daw muna niyang magrest. Text na lang daw niya ako pagdinner na.

So, hayon na . . . may I para akembang ng shoxiebelles na witchelles aircash. Trulagen! Haves talaga doonchienabelles ng shoxiebelles na witchelles aircash at ang flagdown eh 26 peysos at bawat pitik ng metro eh piso. Kaya siguro ang biyaheng parang from Baclaran to Fairview and back eh wala pang one hundred peysos.

Umatak akembang sa SM, more walkathon, more aurahan portion pero ligwak . . . . walang happy people. Tapos umataksiva akembang sa another mall, NCCC . . . kung anik man ang ibig sabihin non eh witchelles ko na inalam.

So, walk another . . . aura another . . .

Then, biglang pumasok sa jisip kez ang tinalak ng isang friendiva kez . . . . "Whenever in NEED . . . . internet is the answer"

So . . . . internet café ang bagsak kez.

Open ng MIRC at super chat sa . . . saan pa . . . e di sa DAVAO channel.

With na handle "Stranger in Davao" eh naghanap talaga akembang ng, you know, People Like Me . . . since I'm stranger in the area . . . siyempre super sightchinabelles akembang ng kachokara . . you know . . . to show me around . . . . to make gimik with me . . . have some coffee . . . or something more . . . .

Anyway, may isang goodhearted na guy ang nag-private sa 'ken. Even though, witchelles daw siya badinggerzie . . . straight na guy siya pero super close lang sya sa mga badinggerzie. Hayon, chinika niya sa 'ken na majijirapan daw akembang na makasightchinabelles ng "booking" sa channel na iyonchie. So, super suggest siya na umataksiva akembang sa channel na "Davaos*x".

Naloka naman akembang.

Super shornong akez kasi eynimomentzzzzz . . eh hetero channel iyonchie at baka mabalahura lang akembang ng todo-todo.

Chika niya, witteles!

So, go lang ng go!

Hayon na nga.

Pag-atak ko doonchie at pag-announce kez na stranger nga akembang . . . just arrived in town and all those achuchuchu . . . eh pinutakti agad akembang ng sangkatutak na private. Kakaloka.

Sa pagkakataong iyon eh magaganap na ang elimination period.

Pakitaan ng pichurs . . . and more chika-chika delight . . . witchelles naman akembang particular sa looks . . . . for me . . performance counts! Echoz.

So . . . from 15 semi-finalists . . . . . eh nakapili akez ng shotlo . . . na ginivesungan kez ng numbererette kez.

After non eh ginutom na akembang at super laps . . . then flyback sa hotel dahil learn kez na eynimomentz eh may schedule na . . . .

Bago pa akembang makaligo eh haves na ng texter's choice award . . . .

Si . . . Ed Michael . . . . .

TEXT:

Hi. Ed hir, u giv m ur nmbr s chat earlier. R u free na b?

To be continued.

No comments: