Monday, April 10, 2006

LET'S GET STRAIGHT TO THE POINT (AFTERSHOCK)

Haller!!!!!!!!! With matching wave ala-miss universe, smile-litaw-gilagid na parang wala nang kinabukasan, at cartwheel with rolling drums and trumpets on the side, tayo then talon ng dalawang beses then GABUGSHK!!!!! SPLIT!!!!

Sorry sa mejo mashugal-shugal na panahon na walang update dahil . . . . .'wag niyo na munang alamin . . . .

Anyway, bago ang lahat eh betchay ko lang balikan ang PREVIOUS EPISODE (Let's Get Straight to the Point) dahil nalukresia-kasilag naman akey hey hey hey daw sa mga reaksyones por pabor ng iba't ibang utaw.

Itechiwa naman kasi ang betchay ko sa blogsiva na itey. Aside from writing the stories of my life and sharing it to you guys eh nagiging venue din siya ng mga mas makabuluhang balitaktakan. O da 'vah. It only proves, that there's more to life than kabaklaan. There's more to life than more kembot and more foundation day! Yeys! Because there is no life without hada and bona! Echoz!

Ang point ko lang eh sa bawat bagay na ginagawa at nangyayari sa ating life ever eh may lesson tayong natutuhan at may sense tayong nahuhugot maski ang pinakamaliit na pilantik ng ating mga daliri.

Okay so here it goes:

From Gerard (http://www.rainwaterkennel.com/): Hirap ng tanong mo ateng, para mong tinanong kung nauna ba ang itlog o ang manok.

HARSH!!!!

BADINGGERZIE: Gerard, ganun talaga ang buhay mare. Kung minsan eh haves talaga tayez ng mga shornong na super best in Battle of the Brains. At dahil dyan, HARSH!!!!! Talaga!


From ANONYMOUS: It will take a lot of sacrifices on both part. Mahirap makuntento sa isang bilat kung menchus talaga ang mas bet mo. At sa part naman ng girl, mental torture na isipin na nag-e-egg hunting ang love mong gay kahit hindi easter!

BADINGGERZIE: Bago ang lahat, sino ba talaga si ANONYMOUS, kase simula pa lang na ginawa ang internet eh parati ko na siyang nasa-sight? Ang tanong ng bayan . . . ANONYMOUS! Sinu ka ba? Echoz! Anyway, "Mahirap makuntento sa isang bilat kung menchus talaga ang hanap mo"-yun nga eh, so baket kelangan pang may BILAT factor da 'vah? Di ba kering kung bilat eh bilat talaga at kung menchus eh menchus na lang? Para fair naman da 'vah? Regarding dun sa part ng girl, trulagen yan, mental torture ang fact na ma-learn ng isang bilat na ang bet niyang putahe eh bet din ng jusawa niya.

From ILAJ: true that love really exists. but a straight man can never love a homo the way a homo can love a straight guy. all of us are witnesses to that. but for the search of true love and happiness, we let ourselves be blinded with some straight guys' sweet nothings, promises, and of course, the overwhelming joy they bring. there are resons why a straight guy enter a man to man relationship. sometimes, for companionship. sometimes, plain lust. most of the time, MONEY. but they never do it for love. we all know that. but why can't we learn from the mistakes of the past? maybe deep inside, there in the backs of our minds and heart, we all feel that we are women longing to be with a real man. and thats all shit.

BADINGGERZIE: Ito ang unang pag-tumbling ko habang nagbabasa akez ng mga talak. Ibang level ka ILAJ! You're like so up there ha. ". . . . a straight man can never love a homo the way a homo can love a straight guy"-sheeeeet! Bet ko yang linyang yan!!!! Parang bet kong ipa-cross-stitch at ipa-laminate. "we let ourselves be blinded with straight guys' sweet nothings . . . . " Honga naman! Ang mga veklores naman kasi, nginitian lang ng konte, sinundot sa tagiliran . . . eh hayon . . . namamalipit na sa kilig na daig pa ang pusang di mapaanak. REASONS WHY A STRAIGHT MAN ENTER A MAN TO MAN RELATIONSHIP-true yang mga tinalak mo base sa sosyolohikal at sikolihikal na pananaw. Pero ang tanong ng bayan eh hayun na nga. KUNG ANG STRAIGHT EH PUMATOL SA BADINGGERZIE EH STRAIGHT PA REN BA SYANG MAITUTURING (maski sabihin nating wala ngang true love na involved) WHY CAN'T WE LEARN FROM THE MISTAKES OF THE PAST. . . . eh mga bakla pa! May learn nga akez janchie eh habang super sightchienabelles ng booking sa circle of life eh nanyoldafie ever at after one week eh rampa na naman sa circle of life. Walang kadala-dala.

"We all feel that we are women longing to be with a real man"-shit nga itu. Parang peanut butter! Di ba pedeng "we all feel that we are feeling-women longing to be with another feeling-woman"? Echoz garbanzos!

From STELLAR (http://mywaymilkyway.blogspot.com/): even the concept of romantic love is socially constructed. we're still being guided by the normativity of a heterocentric society that's why i guess for most of us, love still [and hopefully not always and forever and ever] sees sexual preference. even the concepts of love and emotions are socially constructed. so i guess, we can never really tell if true love exists or what true love really means.

BADINGGERZIE: Pangalawang pagtumbling ko! Misteryo ng HAPIS! Hindi ko kinaya ang "normativity" at "heterocentric". Nosebleed! Echoz!!! Pero like ko ang point mo STELLAR, so very Fyodor Dostoevsky sa Notes from the Underground.

From SAIKEE (http://lobster-tony.livejournal.com/): I wrote this poem for a friend of mine when he became jaded about love.

Poor love, battered and bruised and found wanting
Poor love, expected to outdo everyone and everything
Poor love, forced to change by one's beliefs, virtues and expectations
Poor love, never feeling the bliss she/he bestows

BADINGGERZIE: Nahipo akez sa poem mo mare pero keri lang bang gawan ko itu ng sariling version.

Poor brown star, battered and bruised and found wanting
Poor brown star, expected to outdo everyone and everything
Poor brown star, forced to change by one's beliefs, virtues and expectations
Poor brown star, never feeling the bliss he bestows
Poor brown star, always longing to have a clitoris!

Echoz.

From Argel Sotto of UST: sana makalipad din ako na parang paru-paro tulad mo when i graduate..

BADINGGERZIE: Argel, hindi naman kelangan ang TOGA ang gagawin mong unang-unang long gown na isusuot noh. Oh well, feeling ko lang eh as of the momentzzzzzzz, spread your wings and prepare to fly . . . . YOU ARE A BUTTERFLY. ALWAYS BEEN A BUTTERFLY. WILL ALWAYS BE A BUTTERFLY. So . . . . watcha waitin . . . . watcha waitin . . . . . watcha waitin for!!!!???

From OHDIE: well, all i can ispluk is that true love really exists... pero sometimes witchelles ko ma-knowsline kung anda lang talaga ang gusto ng bf ko kasi naman noh may jusawa't junakis na siya and wit naman siya humihingi ng datung kusa kong binibigay itech hay kaloka,,,, ngayon im trying to avoid him muna and to think kung ano ba talaga kami.... ayoko muna ulit masaktan,masarap magmahal at mahalin pero ewnachi ko ba.... i love your blog grabe nakakaaliw ang mga story =) thanks.. well sana post ka ng mga story about gay-to-straight stories and kung anu ano pang mga kabaklaang story okei maraming salamat po have a nice day

BADINGGERZIE: Ohdie, sa totoo lang, curious lang ako. Ano ang feeling ng may jowang menchus na may jusawa't junakis? In short, ano ang feeling na maging isang querida? Echoz! Pero isa lang ang masasabi ko day! Panalo ka. Ang ganda-ganda mo! Hindi lang mahaba ang hair mo, madulas at makintab pa itu, parang nagpasalon. Bata pa lang ako, pangarap ko nang maging querida. Ewan ko ba.

Anyway, may naging jowa din ako non na straight-straightan or siguro fling lang kasi dalawang araw lang kami. Tapos, nung unang gabi na natulog siya sa haus, nagdookit kami. Hindi naman siya naningil pakatapos. Pagkagising ko, wala na siya. Wala na ren ang TV ko. Hindi ko naman inisip na minatudnila niya ang tivang ko. Inisip ko na baka na-misplace ko lang. Echoz!

From Kirk: haynako odhie... kahit kolboy nde manghihinge sayo noh! hihintayin nilang kusa mo silang bigyan! un lng..

BADINGGERZIE: May eksena ka talaga ditey hey hey hey!

From Carla: Yung ganito bang problema ng mga bakla sa society lang natin (Pilipinas, third world, etc.)? Kasi parang sa ibang bansa, e.g. Amerika, parang ok lang sila sa bakla sa bakla. Parang wala naman akong naririnig na Amerikanong bakla na gustong magka-boyfriend ng "straight". Dahil kaya sa ekonomiya natin: maraming mahirap na lalaki na gustong pagkakitaan ang mga bakla? O dahil kaya sa iba ang pag-define ng mga baklang Pinoy sa kanilang pagkabakla (gustong 'maging' o magmistulang babae)?

BADINGGERZIE: Betchay ko naman ang tanung na itu. Pang-thesis na ito ha! At dahil jan, thesis din ang sagot ko, please read NEIL J. GARCIA'S THE PHILIPPINE GAY CULTURE. Anjan ang lahat ng komprehensibong sagot patungkol sa kinalaman ng hubog ng ating kultura for the past centuries, simula pa nang bago unang tumapak ang mga kastilaloy dito sa ating bansa hanggang sa kasalukuyang panahon. Tinalakay din dito kung paano nakaapekto ang kulturang Pilipino sa pagbuo ng kulturang bakla na sa malamang ay malaki ang pagkakaiba sa kulturang bakla ng ibang bansa.

Yung tungkol sa ekonomiya cherva, eh witchelles ako sasang-ayon jan. Sa aking hinuha, ang isang tunay na lalake kahit pa sobrang isang kahid at isang tuka na lamang ang kanyang uri ng pamumuhay ay hinding-hindi ihahain ang kanyang ari sa mga binabaeng may kakayahang magbayad ng salapi. Maari pa silang magbuhat na lamang ng hollow blocks o di kaya'y mang-agaw na lamang ng cellphone sa quiapo.

Ngunit pero subalit datapwat meron nga tayong sinaunang kasabihan . . . . ANG TAONG NAGIGIPIT SA BADING KUMAKAPIT!

From ANONYMOUS: ateng Bernz ... i hate to correct you, but kipays do fart too.

I hope your friend, Kiara, gets out of that shitty relationship. Unless bulag talaga ang feelings niya, wala tayong magawa kung di pabayaan na lang siya na mag-concede sa come and go ever and ever ng partner niyang bi-bayotin, davah?

wish ko lang na sana magka-jusawa ka na soon para happy kaming mga followers mo.

BADINGGERZIE: Anonymous, ikaw na naman! Echoz! Umuutot ang kipay! Shet! I learned something today ha. At dahil jan, kinonfirm ko itu sa isang bilat kong officemate. Yeys. Umuutot daw ang kipay paminsan-minsan at ang tunog ay parang ganito: Huminga ng malalim sa ilong, hold your breath. Itiklop ang mga labi paloob sa bunganga. Sabay mabilis na mag-exhale gamit din ang bunganga causing the lips to fold out. Pag may narinig kayong tunog, yun daw ang tunog ng kipay pag umuutot.

Harsh!

Yung about dun sa wish mo. Wag kang mag-alala. Wish ko ren yon!

From EGA: i think most filipino gays should learn to detach from a feudalistic, gay- straight-man relationship particularly those monetized partnership. although mahirap kasi ang mga lalaking dumuduyan sa bading ay nag eexpect talaga ng pera, allowances, scholarship, shoes, clothes, relo, etc (kahit sabihin pa nating kusang binibigay). di madaling gawin ito pero, i think this is the only way out to free battered gays from a tragic relationship.

kaya nga sguro masaya tayong nagbabasa sa mga experiences ni bernz kasi, single sya na hindi nagpapaapi sa mga lalaking wanting for benefactors.

ako, i ams till learning the tricks on how to diplomatically distance myself from my other partners (i.e. richie, sherwin, henry boy, jon, edber who are quite madugo).

keri ko na yung isang ramir na may inanakang kipay pero sabi nya ay mas namimiss nya raw ako at ang aming mga kaganapan noon. hahay.

to kiara, kaya mo yan sister. get the needed break in manila and get back to work.

i hope i could see you in aklan next month.

BADINGGERZIE: Ega, kakalowka ka! "gays should learn to deatch from a feudalistic, gay-straight-man relationship particularly those monetized partnership" itu naman eh parang gusto kong ipa-ukit sa kahoy at idesplay sa sala ko. Karl Marx isdachu? Pero agree ako sa point mo! Kelan ka nga ba?

Pero mas naloka ako!!! Meron ka bang gustong ipahiwatig at kelangang may special metion pa ng mga namesung galore!!!

From RAE: Why is it in the philippines that a so called "straight" guy will go into a gay relationship with the perks of money,clothes,and other material things?pero meron din naman ilang boys na attention and caring lang , carry na? dito sa states, bakla sa bakla, kahit gaano ka-hotness ang mhin, pag nalaman mong straight, deadma na lang. pero once you feel that he might play with the same team, abay go for the gold ka na.some countries in the middle east , medyo iba nag drama, parang mentor- student ang drama, purely sex lang pag prapractisan ka lang ng mentor mo. pag nagka dyowa na siya ng bilat, then ikaw naman ang hahanap ng student mo, winner di vah ?

BADINGGERZIE: Rae, (TFC subscriber din itu ha!) honga naman, buti pa sa stits walang dramang straight-straightan portion. Join lang ng join. Bakla sa bakla. Kapwa ko mahal ko. Haaaaay. Sana sa stits na lang akez pinanganak. Nakakarami na sana ako ngayon.

About dun sa mentor-student na drama ay trulagen colagen sustagen yan! Even as early as the time of ancient greeks eh wala namang malisya na ang isang menchus eh magpa-bona sa isang mas nakatatandang menchus. Isa itung initiation bago pa tumuntong ang mas kyotabelles na menchus sa buhay thundercats. Parang si Plato, binona muna si Socrates, tapos si Socrates binona si Aristotle (tama ba ang sequence?) At si Artistotle naman eh binona si ALEXANDER THE GREAT. Kaya hayun ang lola ALEXANDRIA naten best in GAY of the ancient history award. Pero di ba? The person who is considered as one of the best generals in human history eh isang badinggerzie. Laban kayo don? At dahil jan. Hala sige. Para maging successful ang mga koodetah attempts eh i-try naman nila minsan na gawing bading ang gawin nilang leader. Echoz lang! Eynimomentz! Inciting to sedition on the loose. Baka posasan nalang ako bukas at ikulong katabi ni Dinky Soliman! Shet! Makakabog naman ako sa best in Highlights!

From Erwin/Tangerine: Mahusay ka ateng! Isa kang henya! Ilang beses na akong sinasabihan ng ditseng kobang kong taga LA na lulong-na lulong sa maka-droga mong blog! Salamat sa mga nakaka-tumbling mong blogs! Super enjoy ako sa pag-basa! At aminin, talagang may diskusyon kami ng ditseng kobang ko tungkol sa mga istorya mo. Lamon ang book review. Kung meron kang fans club, pwede bang mag-volunteer na maging presidente dito sa East Coast (eching bagatsing!)

O siya, ipagpatuloy ang mga kwento....suportado ka namin dito sa tate!


BADINGGERZIE: Erwin, salamat sa walang patumanggang papuri. Nag-b-blush naman ako. Nakakaloka ang fact na hanggang sa Stits eh nakakarating ang buhay ko.

Mahal ko kayong lahat jan.

Basta lang ha. Pag-uwe ditey. Ang mga pasalubong! Echoz! Mangga-mangga hinog ka na ba?

From Myrrh (http://greeneight.blogspot.com/): love exists.. share ko lang, kaloka kanina, yung mga college friends ko hindi yata maimagine na someday makikipagsex akez sa kapwa ko. Kaya hayun, mega-make ako ng kontratatata na friends parin kaus even though hindi na akez birhen. Pinirmahan naman nila provided 20+ na akez and sa worthy man dapat.. hahaha.. kaloka talaga.. wala lang, share share lang...

BADINGGERZIE: Myrrh, hay nako. Ang mga totoong friends eh friends mo talaga ano man ang gawin, mirese trese kwatorseng, jergens ka pa o naipamigay mo na ang brilyante ng lupa mo 'nung thirteen years old ka sa isang panadero sa kanto o kahit pa kapwa mo eh mahal mo o maski lumalala ka pa ng papaitan. Witchelles na kelangan ng kontrata-kontrata noh. Malalaman mo ang truelili mong friendiva kapag super stand-by-me pa ren ang drama nila maski makipag-sex ka pa sa pusa noh!


Hay nako. Naloka ako sa pagsagot ng mga chenelyn bar.

Kaya sige . . . talak lang ng talak. I really appreciate that you guys are reacting. At least nararamdaman kong hindi kayo mga manhid noh at nafi-feel kong meron nagbabasa ng mga kachenesang pinagsusulat ko.

You make my heart bigger kaya eynimomentzzzz . . . . heart attack ang drama ko. Enlargement of the heart.

Echoz!!!!

No comments: