In the middle of the day eh nagtext ang baklang Kiara, chika niya, 'wag na raw akez lumandi at dumirecho na akez sa balaysung dahil nga sa gift niya.
So, ako naman excited. Di ko na tinatapos ang dinner ko with some models at nag-fly na ren pajuwelya.
Nadatnan ko si Kiara na super feel at home sa zebra-printed kong sofa at super deadma sa aken at watch lang ng tivang.
Akez naman eh super pigil sa aking super excited na feeling dahil nga may gift sa 'ken ang bakla. Deadma lang din ako kunwari pero nafi-felt kong nagtu-twitch ang mga lips ko dahil sa pigil na ngiti.
Pag-sight sa ken ni Kiara eh parang wala lang.
Super smile naman akez na parang batang nag-aabang ng surprise sa kanyang 10th birthday party. Or rather, parang isang baklitang, nag-aabang ng hubad na menchus na lalabas sa isang life-size cake.
Titig lang sa 'ken si Kiara, nahihiwagaan sa facial expression ko.
Tado to ha! Parang bet ko namang dagukan si Kiara, nagmamadali pa naman akong jumuwelya para sa gift niya tapos dedeadmahin niya akez ng ganitezt.
Hanggang, "Ahhhhhhhhh!" bumalik din sa sariling katinuan si Kiara.
"Nasan na?" di na na napigil ang excitement kez.
"Yung gift?"
"Naman!"
"May binili lang, hintayin mo parating na yon."
Naloka naman daw ako. May binili? Sino? Parang may sariling buhay naman yung gift ko.
"Speaking . . . ." talak ni Kiara sabay tingin sa pinto sa likod ko.
Bigla naman akong tumalikod at shet! May sariling buhay nga ang gift ko at parang ang sarili ko namang buhay ay parang biglang lumipad sa kawalan.
"Anong ginagawa niya dito?" pasigaw kong shornong kay Kiara.
"You don't like my gift?"
Napatingin uli ako sa likod ko, super wish na baka namamalikmata lang ako, pero trulagen colagen sustagen!!! Trulagen colagen sustagen!!!! Siya nga.
"Gusto ka daw niyang makita, nagkataon na hindi kami nagkasabay kahapon, sumunod na lang siya."
"Hi, Bernz," bati niya sa aken na parang bata na pinapagalitan ng titseraka.
"Hi, Bunso!"
At parang nagblanko na ang utak ko pagkatapos nung eksenang yon.
*
May mga momentz sa gay na gay na life ever naten na super windangers morrisette ang drama naten and avratheng. Yung mga tipong super naba-blanko ang utak naten, and parang nalunon naten ang sarili nating dila. Parang, suddenly, eh na-mongoloid tayez at witchelles makapagconceive ng mga tamang salitang sasabihin at ni hindi man lang tayez makapaghold ng sensible na thought for more than 10 seconds.
Naranasan ko na yon minsan, isang night out sa Malate, tapos na-short akez ng cash ever. So, kinailangan kez na mag-withdraw or else wai akez andalucia na pang-pagas sa mga ninomo at , nilafunggas key hey hey hey. Mega-attak ang bakla sa pinakmalapit na ATM, which is yung malapit na mismo sa TAFT.
So, parang si Little red Riding Hood, with matching kendeng-kendeng pa eh super attaksiva ako sa ATM. Super-withdraw at paglabas ko sa booth eh super windang nang may isang menchus na bigla na lang sumulpot sa kawalan na may hawak ever na something na matulis at super shutok sa leeg key hey hey. Wai na akez nagawa, nagpa-girl na lang akez at ginivesung ang anda ko sa menchus. Baka naman kasi eynimomentz, pag nagmaganda pa akez, eh magripuhan akez at umattak back na lang akez sa Bed with matching tagas sa leeg at baso-basong bloody mary ang bitbit-bitbit key hey hey hey.
Buti na lang considerate enough siya at witchelles na niya ginetching ang nyelpie kez at ang puri kez. Sayang, willing pa naman sana akez na ibigay ang puri ko sa kanya ng buong-buo. Echoz! Witchelles ko naman ginetching ang lahat ng anda kez sa ATM kaya super withdraw na lang akez another sa another ATM which is like 48 blocks away. Haggardness!!!!
Ayon eh isa sa mga pinakawindangers morrisette na eksena ng life ever key hey hey hey at wishing na witchelles ko na ulit itey mafi-felt again and again. But then, nabigo akez.
Ganon na ganon ang feeling kez ng nasightchinabelles kez si Bunso sa apartment ko.
Pagkatapos ng dinner eh tsaka lang akez bumalik sa katinuan at napatunayan kez sa sarili kez na witchelles akez nababangungot.
Nagpasama akez kay Bunso sa rooftop para gumetching ng sinampay at shempre eh para na ren makasegue at maka-usap ko siya ng masinsinan.
Sa una eh witchelles makatingin sa 'ken ng direcho si Bunso. He must've felt bad. Sorry!!! Eh ganun talaga ang reaksyon ko. Ang pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat eh yung namamlastik ng kapwa ko.
Pero confront din akez in the end. Chinika ko sa kanya na nasurprise talaga akez sa presence niya. And it doesn't necessarily mean na surprised in a "good way" dahil hindi ko talaga siya ineexpect. I felt bad din naman sa sinabi ko. Parang harsh. Hindi. Harsh talaga! Imagine, he flew all the way from Aklan, just to see me tapos ganon ang isasalubong ko sa kanya. Ang bastos ko noh? Harsh!
Sabi niya sa aken in his usual American accent na witchelles pa ren nababahiran ng puntong bisaya na matagal na daw nyang bet pumunta sa Manaylus dahil super boredom fatalle na siya sa Aklan. Gusto niyang umatak ditey dahil, number 1, gusto niya akez makita at makausap. Number 2, para na ren maghanap ng workikay dahil they are not getting any richer. Even though, nag-iinsist ang fudra niya na magboralsiva na lang muna siya since hindi din naman niya natapos ang studies niya sa Stits. Number 3, to experience life once again to the fullest, dahil nga parang nabagwisan siya nang madeport ang pamilya niya from the States. At super hirap for him to have a sudden shift of lifestyle, or rather LIFE.
Bigla naman daw ako nakonsiyensiya dahil sa sinabi niya. Parang sobrang itim naman ng buto ko at sobrang halang ng bituka ko.
Tinanong ko naman kung anung klaseng work naman ang ineexpect niyang makuha. Inexplain ko sa kanya na ang Maynila ay ibang-iba sa States na konting kembot lang eh super keri-keri nang makagetching ka ng workikay ever.
Sabi niya, okay lang daw kahit na ano, since hindi siya susustentuhan ng fuderakis niya.
Aaaaaaay! Nakakaloka. He's so young. Ni hindi pa nga siya nakakatuntong sa legal na edad e bigla na siyang nagtake-control sa buhay niya. Suddenly, I felt I'm responsible.
Sabi niya, hindi ko naman daw kailangang mag-worry. He can find his ways daw.
Sabi ko naman, hindi ko naman yata hahayaan na umisquierda na lang siya at gumala-gala sa Maynila trying to find his "ways". Manila is not a safe place.
'Wag ko daw siyang i-underestimate.
Hindi ko siya ina-underestimate. Mataas lang talaga ang kompiyansa ko sa kaguluhan ng Maynila.
So, hayun, lumabas na ren ang bagay na dapat lumabas. Sabi ko kanya, if he needs a place to stay, feel free to stay in my apartment until he can find something for his own.
Tapos super smile siya. Naglakad papalayo to have a better view of the skyline of Makati.
That night, as if the heaven is bejeweled with precious stones, stars suddenly decided to appear, is so solemn. My body is suddenly covered with warmth and intimacy. The horizon is a sight of buildings standing erect like phalluses, trying to prove they're not yet sterile, waiting patiently to make love.
(In Shorgalog: Ang gabi, na parang ang kalangitan ay binudburan ng mamahaling diyamante, ang mga bituin ay parang biglang nagsulputan, ay napakatahimik. At ang katawan ko ay biglang nabalot ng init at kalibugan. (Choz!) Ang (sheeeet di ko alam ang tagalog ng Horizon!) chenelynbhar ay isang eksena ng mga gusaling nakatayo ng direcho a parang mga tarugong nais patunayan na hindi pa sila baog, puspos na naghihintay na makipagtalik.)
Humarap uli sa 'ken si Bunso, still smiling. Ang makinang na kalawakan ay ang nagsisilbing backdrop. Biglang may pumasok na idea sa isip ko.
"Bunso, I guess I can find you a job for the mean time."
No comments:
Post a Comment