Monday, January 02, 2006

PERHAPS THE LAST VARSITY CAPTAIN ENTRY

Noong kyotabelles pa akey hey hey hey eh parati na lang akez pinapagalitan ni Tita Lornz dahil witchelles raw ako marunong maglipgpit ng higaan ko. Ang rason ko sa kanya, bakit pa kailangang ayusin ang higaan ko kung tutulugan ko rin naman siya kinagabihan.

Hanggang ngayon eh witchelles ko pa ren ma-gets ang konseptong iyon. Parang relationships, ano pa ang rason na pumasok sa relationship kung it is deemed to be broken. Kung totoo nga ang sinasabi ni Claude na walang forever, lahat pala ng relasyon ay masisira at masisira din kahit na anong mangyari.

"Let's meet at Watering Hole in 30 minutes."

Chika ni Varsity Captain pag-orwag niya.

Nagpaalam na akez kay Rica, Claude at kay Mama Ricky. With a smile on my face.

"Uyy! May booking ang bakla," hiret ni Mama Ricky.

Laftir na lang akez. Baka pag humaba pa ang chikahan eh maibera kong ang jowa niya eh bumubuking ng ibang menchus at sa sarili pa niyang pamamahay.

So. Fly na akez.

After 45 minutes eh maski anino ni Varsity Captain eh witchelles kez pa nasisilayan sa Watering Hole.

Nakakatatlong beranggju na akez nang masight ko siya finally. Bumaba siya sa isang carumba at kumaway sa driver.

Na-sight niya akez bigla at dumirecho kung saanchinabelles akez nakajupostrax.

Gawd! I could have ran to him, take him in my arms . . . . . kiss him . . . . . from head to toe and ask him to fuck me like there's no tomorrow eh yun eh kung wala lang kame sa public place. Pero I missed that face. I dunno. It has been two or almost 3 months kong witchelles nasightchinabelles ang fezlack na yonchie na dumilubyo sa isip ko for some time now.

I stood while waiting for him.

He stroked my back and kissed me sa cheeks.

Shiiiiiit!

Tumayo lahat ng buhok sa katawan kez.

Then he smiled.

Para na naman akong ice-cream na iginigisa sa kumukulong mantikilya.

"Have a seat." Chika ko na lang. Not knowing kung anechiwa ba talaga ang unang ichichika ko sa kanya.

Smile lang siya.

Ang signature smile niyang parang mongoloid na nakakaloko.

"Your hair. It's longer ha. And you gained weight," napansin ko agad ang mga changes sa katawan niya. Shet! Kelangan ko nang I-update ang braincells ko for future daydreams.

"Yeah. Wala nang time na mag-work-out e."

Shumorwag akez ng waiter para maka-order ng berangju si Varsity Captain.

"So . . . . . what's up? Kamusta ka?" Super alert-alive-awake-enthusiastic naman daw akez sa pagchika, it's been so long since the time we last seen each other.

"Okay lang. Never felt better," bera niya. As usual, he's always a man of few words.

"Good! Nice."

Dead air.

Super smile lang kame sa isa't isa. Super wait akez kung haves ba siya ng sasabihen. At witchelles ko din naman talaga alam ang sasabihen ko. Gusto kong sabiheng. Love me!!! Love me!!! Love me now and I'll take you with no doubts! Pero witchelles pa naman yata ako ganon kagaga.

Hanggang sa dumating ang berangju niya.

"Bernz, I want to tell you something . . . ."

Shet! This is it . . . . heto na . . . . nag-lighten naman daw ang fez ko na parang tuta na pinakitaan ng fresh na buto.

After 10 seconds . . . .

Ganun pa ren ang hitsura ko . . . waiting . . .

After another 10 seconds . . . .

"I don't know really . . . ." nagmumble lang siya. Napakunot ng noo. Napahawak sa hair habang nakatingin sa floor.

Witchelles na ko nakatiis. "What is it?"

Tumingin siya ken ng direcho at ipinatong niya ang kamay niya sa kamay ko sa ibabaw ng table.

"Bernz, I really liked you a lot. I really do. But when you left and never spoke to me again, kala ko nakalimutan mo na ako."

"Hindi. Kaya ako umalis. Because of you. I really wanted you din. I wanted to have a peace of mind para masagot ko ang mga tanong sa sarili ko. And I did. I found my way. Now I'm ready."

"You know, there's this part of us that thinks we don't deserve to be loved . . . . so, we fall in love with someone we know we can't have and never gonna love us and we fantasize about the day when all of a sudden he realizes and sees everything he's been missing and all our dreams come true only it seems that that day will never come and before we knew it . . . . it's too late.”

"What are you saying?"

"Gusto ko lang inform ka na I have a lover. Si Bryan, remember the guy that I told you. Yung classmate ko. We've been together for a month."

Na-feel kong biglang umasim ang mukha ko pero super trying-hard pa ren akez na mag-smile na parang witchelles akez na-apektuhan sa ichinika niya.

"Wow. Nice."

That's really nice. He is really nice. Ang nice niyang tadjakan. Sorry. Pero yun yung nafeel ko. Anyway, alam kong hindi ko rin naman siya masisisi.

"I'm sorry."

In fairness, gusto ko na talagang umiyak non pero kinaya ko ang sitwasyon, "Sorry for what?" With all the smiling face and avratheng pa ren.

"I'm sorry, I wasn't able to wait."

Parang bet kong italak sa kanya na heto na. . . . . okay na ko . . . . sige na . . . . hindi ka na magwe-wait . . . maski magpropose ka sa aken eh oo ang isasagot ko . . . . but I'll just feel more defeated. Katulad nga ng sinabi niya . . . . it's too late.

"Okay lang yon. Anukaba?" Ginetching ko ang wallet kez at nag-iwan ng anda sa table. "I'm sorry I have to go."

Shumoyo akez. Wala na rin naman talagang rason para mag-stay pa ko don and besides . . . malapet na talaga akong sumabog. So nagpaalam akez sa kanya at mega-walkathon papalayo. . . . papalayo kay Varsity Captain . . . papalayo sa pag-asang magkajowa akez ng isang katulad niya.

Naglakad lang ako nang naglakad. Gusto na ng katawan ko na pumara na lang ng taxi, maupo at nang makauwi na agad, humiga at matulog pero parang ayaw pa ng isip ko. Sa tagpong katulad nito, malamang hindi masyadong madali para makapagpahinga. Iikot-ikot lang ako sa higaan ko, pipiliting dalawin ng antok pero maglalaro at maglalaro pa ren ang isip ko. Maglalakbay sa oras, mag-iisip at tatanungin ang sarili . . . . . . mali ba talaga ang nagawa ko? Kung tinanggap ko siya noon, masaya kaya ako ngayon? Baket ba ang gago-gago ko kung minsan?

Sa bawat yabag na parang walang nakikita at walang naririnig na mga bus at sasakyan sa EDSA, ang katumbas ay ang mga alaala ni Varsity Captain na sumasabog sa harapan ko na parang mga fireworks tuwing bagong taon sa Ayala.

Yung unang beses kong nasilayan ang mukha niya sa mga salamin ng CR ng government.

Yung magkasama kameng dalawa sa Subic habang pinapanood ang pagsikat ng araw.

Yung mga panahon na tinutulungan niya akong mag-impake para sa paglilipat ng bahay.

Sa bawat ingay na pumapaligid sa aken, ang naririnig ko ay ang mga matatamis at nakakakilig na usapan namin ni Varsity Captain.

Yung usapan namin habang super-ask siyang tulungan ko siya. Nasa Antipolo kami. Baket ba hindi ko pa sinabing YES!?!

Yung time na basa siya sa ulan at pumunta sa bahay ng madaling araw. 'Nung sinabi niyang, "I need you." Pero dinespatsa ko siya. At sinabi ko pa na "I may even love you"!! Pero parang wala lang.

At yung lintek na text message na yon that sent me packing my bags to Aklan.

That fucking text: BERNZ I WANT YOU BACK.

Those were the times, pero wala na 'yon. Walang-wala.

Pero sa kabila ng kunot ng noo at salubong na kilay ay bigla na lang ako mapapangiti at mapapailing sa tuwing pumapasok ang ideya na "ni hindi naman kami naging kami bakit ako masyadong apektado?". "Ni hindi ko rin naman sigurado kung mahal ko ba siya talaga?" "Siguro isa lang siya sa mga lalakeng dumaan sa buhay ko na makakalimutan ako at makakalimutan ko pagkatapos ng ilang araw."

"So, why the fuck am I feeling like shit?"

Tapos eh biglang babagsak ang mga labi sabay hinga ng malalim at mapapatingin sa mas malayo, "Kase sayang! Malay ko siya na 'yon. Tanga ka talaga Bernz."

"Anong magagawa ko? When he asked, I'm not yet ready for commitment . . . . . and I'm not even sure that I am the only one."

"Isa lang ang ibig sabihin 'nyan. Duwag ka kasi."

No comments: