It was Jessica's BIG DAY. Ang HOMECOMING party na ilang buwan naming pinagplanuhan eh natuloy na.
At katulad ng demands niya, "And I want it to be a small crowd. Around fifty guests . . . . tops. I want it to be purely invitational. I do not want faggots gate crashing in my party."
Nabooking namen ang Embassy, but since, it's Embassy, WEDNESDAY naganap ang party dahil witchelles keri itong gawing private ng operating nights.
It was a total party and I can say na itechiwa ang best party na na-put up kez. Well, siguro dahil glamorosa at pasosyal si Jessica eh waldas lang ng waldas ng salapi.
Ang chika niya, he wants IBIZA to happen in Manila. 'Nung una eh witchelles kez pa na-getz 'coz he pronounced it as IBITZA. Until I realized, thanks to my socially-responsible friends, na yun pala ang correct pronunciation. Shukialam ko ba kasi.
Anyway, gusto niya ng IBIZA. I gave him IBIZA. Sa additional lights pa lang eh halos dumugo na ang ilong niya sa presyo, pero go pa ren si bakla . . . . . tapos sa sounds pa . . . . . tapos sa DJs . . . . . imported pa galing sa Manila DJs Club . . . . sa design ng venue eh mejo nalulumpo na siya . . . pero biglang na-reenergize ang puta na ma-learn niyang may mga go-go boys akong na-hire.
Naloka akez sa mga guests ni Jessica. Now I know kung baket purely invitational lang ang eksena. Pero, since I have signed a confidentiality agreement . . . . . witchelles kong pedeng italak kung sinech-sinech ang na-discover kong famous personalities na badinggerzie din pala. Not only famous . . . some are even powerful or rather . . . in power . . . . hay, nangangati pa naman ang daliri ko, todo-todong scoop itu. But then, witchelles keri.
I realized na my GAYDAR is not that effective at all.
Umaapaw ang drinkaloo and the most expensive vodka in the world was served . . . I forgot the name eh . . something with a goose yata yon . . . anyway, among the "personalities" na umatak sa party eh syempre present din si Rica and Lucas, at si Claude, even though na super pinilit ko si Jessica na iinvite si Claude at finally nung pumayag na siya eh super effort naman akez na papayagin si Claude na umatak. Chika pa ni Claude na aatak siya don for me and Rica not for Jessica.
"We thought that you and Jessica are getting along fine?" talak kez habang nasa bahay kame ni Rica two hours before the party.
"We are not getting along fine and we will never get along. Ever!" talak ni Claude habang mega-feed ng mga piranha ni Rica.
"Baket naman?"
"Ask Rica."
Tinanong kez kay Rica kung anechiwa ang chismis pero witchelles bet italak ni bakla. Pero, he made this expression na parang I'm digging too deep na at parang super-exciting ang nasa ilalim. At siyempre, ang mga badinggerzie pag nafi-felt nang may ganitrix na klaseng chismax eh mas lalong kumakati at naghihilagpos ang mga mimosa factors.
Witchelles kez tinantanan si Rica hanggang witchelles itu umiispluk.
Until . . . . .
Di rin nakatiis si bakla. Kung mimosa akez eh wala nang mas mimimosa pa kay Rica.
Nagsimula ang chismis:
Magkaklase si Rica and Jessica sa Beda from high school to college. Pero witchelles sila ganon kaclose dahil ang chismis nga eh itung si Jessica eh super purita gonzales. Naka-enter lang ng Beda dahil sa scholarship. Purita daw siya as in to the poorest level as in skway . . . skwayla . . . .sKuala Lumpur ang labanan ng balaysung sa Sampaloc. Witchelles daw nakakalafuk tatlong beses isang araw at I quote: Minsan lang nasasayaran ng mantikilya ang mga labi niya, pasko pa.
Anyway, witchelles nakapost-card sa pagboboralsiva si Jessica. Until, may kinarir daw itung certain "Gerry" na kina-enlababuhan niya ng fatalle at in fairness din naman daw, sabi ni Rica, slight na-enlababo din naman si Gerry sa baklitang purita. Pero, witchelles din sila nagtagal dahil parang wrong-kangkong nga ang eksena dahil parang witchelles bet ni Gerry and his friends ang eksenang join-join sa PNP or Payak Na Pamumuhay or in short, kajirapan evur. So, nagbreak sila.
Nawarla ang baklang Jessica. Pero wai siyang nagawa. Cryola na lang daw siya sa isang sulok.
Tumbling naman daw akez sa mga eksena, baket witchelles ko itu learn, "Don’t tell me, Claude, alam mo ren 'to?"
Tumango si Claude, smiling.
"Pa'no?"
"I am one of the 'friends"
Anyway, continue si Rica sa talak. Basta raw, may na-fish si Jessica na witchelles lang malaki-laking isda pero UBER-DAKS na isda sa GAY.COM. Noong una raw eh mega-western-union ang eksena . . . . dollars and avratheng itu until hayon na nga, yung karir sa GAY.COM eh super sponsorship galore para lang maka-fly si Jessica sa istits at makapag-boralsiva at makamit ang kanyang mga pinapangarap.
Hayon na nga, nakafly si Jessica sa New York . . . . boom . . . instant Rica Paralejo si bakla. Hayun ang pangarap niyang Jackpot. Daig pa ang nagwinadol sa lotto.
Speechless akez sa chismis. Hindi ko yon kinaya for a minute ha.
Anyway, back sa party. Habang iniistima kez ang mga nagaganap eh pinipilit kez na burahin sa jisip kez ang mga tinalak nila Rica. Gaano kaya 'yon ka-true? Pero, in a way eh parang naaalala kez na haves ng "Gerry" sa listahan ng mga ginivesungan ng invitation evur.
Habang nasa bar akez at dinadasalan ang isang drinkaloo na nanggaleng yata sa impyerno dahil halos lahat yata ng alkohol sa mundo eh hinalo sa isang shot glass eh umenter sa eksena si Claude na may kajoint-forces na menthol. Ginetching niya ang drinkaloo kez at ninomo ng walang kaeffort-effort. Powerful, sabay talak, "Bernz, I never thought I'm going to meet someone here that I know. I’d like to introduce you to my old friend GERRY!!!!"
Muntik nang mag-collapse ang mundo kez at parang jumijikot-jikot ang paningin kez na parang tsubibo at sabay enter ng heavy frankenstein music . . . .
JAAAAAAAAAAAAAAAAAAAN!!!!!!!!! JAN!!!!!! JAN!!!! JAN!!!! JAAAAAAAAAAAAAAAAAAAN!!!!!!!!!
"Claude, you're not planning to ruin my party, are you?", pabulong kong tanong kay Claude.
"Friend, this is not your party."
"I know, it's Jessica's and I represent him!"
"Relax, Gerry was invited. You know how the song goes friend, First love never dies."
Tapos, eh biglang isquierda naman sila palayo sa 'ken.
In fairness, natarantella akez ng fatalle. Hinanap kez agad si Rica at nasighteous ko siyang nakikipaglampuchingan na naman sa jowa niya. Tinalak kez ang na-sight kez at super nerbiyus akez na eynimomentz eh gumawa ng eksena si Claude knowing kung gano siya kawarla kay Jessica. Pero, witchelles naman nag-react ng harsh si Rica. Paranoid lang daw akey hey hey hey.
Hey hey hey hey hey talaga!!!!!!!!!!!!!!!!
This is my party. This is my project. Friendiva kez si Claude pero di ko hahayaang sirain niya ang avratheng. Witchelles kong hahayaang masira ang trabaho kez dahil lang sa pagmamagandahan ng dalawang bakla.
May-I-search naman akez for Jessica. Na-sight ko siyang katalakan ang iba niyang friends at si . . . Miki!
Super closeness to death sila ha. At inontroduce talaga ni Jessica si Miki as his 'date'.
Define kape. Anyway, deadma naman si Miki. Jinisip ko na lang na its in the culture. He's a European. In Europe, it is not weird when a guy sleeps with another guy. Oooooooh! Suddenly, I wanna go to Amsterdam. Echoz!
Deadma.
Nag-excuse akez at kinorner si Jessica para magkausap kami in private.
"I just wanted you to know that Gerry's here," talak ko agad with matching nerbiyus tone.
"Gerry?"
"Gerry."
"Ah. Gerry!!!!! Yeah. He's here. I invited him"
"Yeah. I know. And you know, I invited Claude. And they're here, together."
"So?"
"Wala lang. I just think that you should know."
Biglang napa-isip si Jessica. Shet! Witchelles ko bet ang eksenang tumatahimek at biglang nag-iisep si Jessica kasi most of the time eh witchelles naman talaga siya nag-iisep.
After a couple of seconds, "I guess you already know my love story," at laftir si bakla. "He's totally out of my life. I have already put everything that concerns him behind me now. I just wanted us to be very good friends."
At shumilikod siya at bumalek sa crowd niya. Sa una, na-felt ko ang sincerity sa mga salita ni bakla, but then, it's too sincere. It was so very unlike Jessica.
Anyway, hayon, nakiparty na lang din akez even though wai akez masyadong kilala sa mga utawsingbelles doonchie aside from my friends, well, marami akong kilala evur pero ang tanong: kilala ba nila akey hey hey hey hey!!!!!!
Tumuntong na si Jessica sa isang ledge hawak ang isang mic, time na for his speech. Sa ledge, nang tinamaan siya ng lights galore eh fabulous pa ren ang bakla even though slight ngenge-bonell na siya. Kelangan pa siyang tulungan ng dalawang go-go boys para maka-climb evur. Pero, in fairnezzzzz, dazzling pa ren and fabulous in his black Armani top . . pati siguro ang jeans niya eh Armani . . . sleak Italian ang drama ng outfit niya.
Nagpasalamat siya sa mga umatak doonchinabelles, sa mga 'friends' niya. Napatingin uli akez sa mga utawsingbelles, I doubt na truelili na mga friendiva nga ang mga utaw na yonchie. Malamang karamihan doonchie eh na-meet lang niya for the past two months, during his stay here. Yung iba naman eh nakadookit lang niya. Pero lahat naman siletch eh clap galore at happy, witchelles sa sense na truksiva nilang friendiva si Jessica but then, siguro, sa sense na na-invite sila sa isang exclusive party with exclusive people, with free booze and drinks, hosted by a Pinoy-future -designer based in New York.
Ganon lang naman talaga lagi ang eksena, be friends with the right people, whether you like it or not then boom . . . . . you suddenly see yourself one notch higher in the social niche.
Pa'no kaya pag na-learn nila ang totoong background ni Jessica, kung truelili man ang mga chismis? Andito pa kaya sila? Pa’no kaya pag nalearn nilang galing siya sa pusali at dahil lang sa isang jackpot na affam na plenty ang andalucia eh kaya siya nakapag-boralsiva sa Parsons?
Bumalek na lang akez sa ulirat nang masense kong gumagalaw-galaw ang follow-spot . . . .
"There he is," talak ni Jessica sa mic habang mega point.
Sinundan ng tingin kez ang daliri ni Jessica at kasabay ng pagbagsak ng ilaw eh na-learn kez kung sinetchie ang tinutukoy niya . . . . .
"Guys, I want you all to meet Gerry . . . . . . Take a good look at that face."
Witchelles learn ni Gerry kung aniklavu ang gagawen niya 'nung nakasighteous ang lahat ng utawsingbelles sa kanya with the lights and everything. Pangiti-ngiti na lang siya na parang kyotabelles na nahuling najipet ang kamay sa cookie jar.
"He is my first love . . . . . . . "
Nagtilian naman ang mga utaw . . . . clap galore another . . . . . akez naman eh parang eynimomentz eh majijihi na akez sa pants kez.
"But we never got the chance to stay together for a long time . . . . . . "
Sa bawat spluk na binibitawan ni Jessica eh para akong kandilang unti-unting nauupos.
"You know why?"
I know why. At witchelles na nila bet malaman.
"You know why?"
Warla mode na si bakla, pati ang mga utawsingbelles eh mejo nanenega na sa eksena. Tahimek na ang lahat . . . .
"Why?" talak ng isang utaw sa may dulo . . . . shet! Si Claude.
Bet ko nang sumigaw ng "pack-up! Pack-up! Tapos na ang shooting." But then, witchelles itu shooting.
"Because he is a god damned moron who doesn't know how to think for himself," matatalim ang bawat salita na yon. Pati akez eh nasusugatan. Pano pa kaya si Gerry?
Pag-sight kez sa kanya eh shumorlikod na siya at umisquierda pababa at palabas ng venue.
"See? He can't even stand up for himself. Gentlemen, learn something from this. Do not ever trust a person like him. Thank you and that's all. Party on!!!!"
Nag-blast ang music at back to party mood ang everybody na parang walang nangyari.
Sinalubong ko naman si Jessica, "Ano yon?"
"Bernz, dear, since I assume that you already know my story, you should've guessed right now what is this party all about."
Ikmyle lang si Jessica at jiniwan na akez. After five minutes eh jiniwan na ren niya ang party.
Tumagal pa halos ng dalawang oras ang party. Witchelles man nila na-felt na wai na ang presensiya ng hostess pero go pa ren ng go. After ng party eh sabay na kaming jumuwelya ni Claude. Si Rica eh jumoint na sa jowaers niya. Windang evur pa ren akez sa mga nangyari.
"I couldn't believe na Jessica would spend that much, the effort and the money just to humiliate that poor guy."
Napangiti lang si Claude, "Who can blame him?"
Bago pa kame makalabas ng The Fort eh na-felt kong nag-vibrate ang phonil kez.
Miki calling . . . . .
Anechiwa naman kaya ang eksena nitu? Nag-OPM kaya si Jessica at witchelles na-paysung ang fees niya.
Pagsagot kez sa telepono eh wai akong maintindihan. A Norwegian guy na witchelles maka-ispluk ng diretsong inglet at this time with matching stuttering on the loose, define HALLLLLER. Pinaulit kez sa kanya nang pinaulit ang sinasabe niya dahil witchelles ko nga maintindihan. Chika kez na huminga muna siya ng malalim then talk . . . . .
Tumahimek siya for a while . . .
Tapos tumalak:
"Jessica slashed his wrist."
The Long View: Dispatch from South Korea (2)
-
Columnists The Long View Dispatch from South Korea (2) By: Manuel L.
Quezon III – @inquirerdotnet Philippine Daily Inquirer / 04:30 AM
December...
3 days ago