I'm back to back to bakla na sa Manaylus. Wa ng fresh air. Wa ng mga utawsingbelles na mga uzi. Wa ng mga araw na keri mo lang maborlog nang maborlog, lumafus nang lumafus na waing pinoproblema. Wa na ang surreal feeling of living a happy life. In short, I'm back in the real world.
And the REAL world is NOT a GOOD world.
Habang super walkathon akez sa Ayala ng super morning glory, kasabay ang mga utawsingbelles na pajosok sa kani-kanilang opisina, nagmamadali para witchelles sila ma-late, eh nafelt kong I didn’t miss this at all . . . . . and of course, they didn't miss me at all.
Narealize kez na ang existence ng karamihan ng utawsingbelles sa paligid kez eh witchelles nakabase kung humihinga pa ba siletchie or kung tumitibok pa ang mga puso nila, rather, nakabase itu sa pang-araw-araw na routine. Gigising ng super early, fly para makipagsapalaran sa pagko-commute, kelangan witchelles male-late para waing markang tardy sa DTR. Jojosok, gagawin ang mga bagay na ginagawa araw-araw, magla-lunch-break, josok another, then juwelya sa balaysung, borlogistri ng maaga para maaga na namang magising the following day and so on and so forth ad infinitum.
Save me! I'm in the Matrix!!!!
Pagpasok kez sa office eh sinalubong na naman akez ng usual na panira ng araw kez . . . . . si Becky!
Chika siya, kung anez daw ba ang nangyari sa 'ken. Kung okay lang ba daw akez. Kung anez ang pinaggagagawa kez sa lyf ever kez at kung anez-anez pang ka-uzihan na witchelles kez na pinansin at witchelles kez na pinakinggan. For the past months eh na-master kez na ang the-art-of-eliminating-becky-in-the-material-world-routine. Iniimagine ko na lang na isa siyang ispiritung ligaw na naghahanap ng atensyon para masagip ang kaluluwa niya sa Purgatoryo.
Tatlong accounts ang nag-aabang sa table kez. Isang modelling search sponsored ng MTV at ng condoms, isang fashion show para sa isang skin and face clinic ng isang gym na wala nang maisip na matinong gaweng promo at isang national campaign para sa isang cable-satellite company para sa kung saang-saang lupalop ng Pilipinas kung saanchie eh witchelles pa naiimbento ang CABLE at ang learn lang ng kanilang mga telebisyon eh ang dalawang major channels.
Same old same old. Kelangan na namang mag-isip ng matinong concept, program at magsulat ng technical script para maging fabulous ang show at para bolahin ang lahat ng nanunuod.
Pagdating ng lunch break eh warla.
SHET number 1. I can't afford na lumafuk sa Greenbelt. I'm broke. Isang buwan na pagbabakasyon, pagliliwaliw at pagpapakasaya sa probinsiya at ang exchange gift naman nento eh pagpapakasakit sa siyudad. Pagbalik kez eh sinalubong akez ng sangkatutak na bill, kuryente, borbeg, apartamentus, credit card, cellphone, tuition fee.
Balik bounce . . . . bounce . . . . balik harshness.
At buti na lang eh nasave akez sa paglalunch sa jolly jeep nang makareceive akey hey hey ng textsami from Rica. He's going to buy me lunch. Hahaha. I'm REDEEMED!!!! (Just for the day)
So, ganon na nga ang eksena . . . . siyempre minangga key na lang ang offer ni Rica.
We were joined by Rica's friend . . . . si Jessica. Si Jessica eh kaka-flyback lang sa Pilipinas . . . . At ang tanong ng bayan . . . . . saang lupalop naman ng mundo nanggaling si Jessica. Aaaaaay. Hindi magpapakabog ang bakla. New Yorker itu. Na-learnsiva kez na ang bakla pala eh mega boral sa Parsons . . . . it is not "a" fashion school but "the" fashion school.
Wa akez ma-ispluk. Tumbling na lang akey hey hey at mega-tirintas na lang ng mahaba kong heraton.
Mataray si Jessica. Unang sight kez pa lang sa kanya eh parang hurricane na ang sumalubong sa 'ken na keri akez liparin hanggang Mantrade. Shades pa lang eh naghuhumiyaw na Channel na . . . . . when Rica asked for the tatak ng t-shirt niya eh, sabi naman, "Would you like to read the tag?" Tambling to the nth level, basa si Rica: Designed for "INSERT FULL NAME NI JESSICA" BY Donna Karran . . . wa akez maispluk, at ang belt ay Gucci at ang shontolon, if I'm not mistaken eh D2 . . . . ang nagdesign ng shontolon ni Madonna sa Music at Don't Tell Me videos. Naglalakad na New York Fashion Week ang bakla.
At itu ang malaking tsek . . . . lean and fit si bakla.
Sa gitna na mahalimuyak at busilak na kabaklaan eh ang mala-Adonis na katawan. At bukod pa diyan eh pinanghahawakan niya ang pinaka-mabyondang noseline sa balat ng lupa. Yung tipong noseline na bibitbitin mez kay Vicky Bello pag bet mong magpa-tsug ng jilongis morissette.
Bigla ko na namang naramdaman na isa lang pala akong maliit na tuldok sa buong kalawakan. Isang alabok sa feather-duster. Isang butil ng buhangin sa gitna ng dalampasigan. Isang kulangot na nakasabit sa mucous membrane.
Anyway ang lafangan session eh naganap sa Oody's at in fairness, witchelles talaga akez fan ng maaanghang na lafyus, pero witchelles na 'kez umispluk . . . free lafyus den itu.
So, chikahan na ng slight. At witchelles kez na maiispluk na friendly si Jessica even though puro fabulous at gorgeous ang lumalabas sa bunganga nitu . . . . pero obyosa delarosa namang out of politeness lang. Sa bawat ask kez ng shornong eh sagot lang si bakla. Isang tanong, isang sagot.
Hanggang chinika ni Rica na bet nga raw mag-organize ng "homecoming" party ni Jessica for his friends and akez ang nirerekomenda niya na mag-ayos ng party.
Sabay sabat ni Jessica na he wants it to be simple, cheap and less elegant . . . . .
"Meron ka na bang naisep na venue?" shornong kez.
"Say Shangri-La Makati?"
Yessssssssss. Define, simple, cheap and and less elegant da 'vah? Tadong bakla 'toh ha . . . kung makapag-simple, cheap and less elegant eh akala mo si Madame Imelda Marcos.
"And I want it to be a small crowd. Around fifty guests . . . . tops. I want it to be purely invitational. I do not want faggots gate crashing in my party."
Eh kung tampal-tampalin ko kaya siya ng mga faggot na kamao ko nang ma-sighteousbelles niya ang hinahanap niya.
SHET number 2! Mas lalo lang na-imberna ang araw kez 'nung nakaharap ko si ilong ranger na nakatuntong lang ng New York eh akala mo na kung sino.
Chika ni Rica mabaet naman siya, kung minsan lang eh may mood swings. Talak ko sa kanya na kung ganonchie kalala ang mood swings ng isang tao eh kelangan nang mag-seek ng professional help.
Talak pa ni baklang Rica na baka siya na ang sumunod na Monique Lhuillier. Ang spluk kez naman eh mirese trese kwatorseng siya pa ang sumunod na Monique Lhuillier . . . wa akez pakealam. Kelangan niyang mag-take ng crash course about proper attitude. Keri lang, mas bet kong siya ang sumunod na Gianni Versace . . . . para eynimomentz eh babarilin na lang siya ng jowa niya para deadsung agad sa face of the Earth.
Hahahaha.
Ang bad-bad ko.
Knock on wood.
Sana magkatotoo.
Echooooowzzzzzz.
Hayniwayz . . . hayon lang balik opis at juwelya na.
Nasa bahay na si Nick nang maka-juwi akez.
Give-love ko na sana yung pang-tuition niya, since finals na at malapet na ang sem break. Witchelles niya ginetching ang ukani. Nakapag-payola na raw siya.
Naloka naman daw akembang klang klang klang.
Idagdag ko na lang daw yung ukanibelles sa pang-payola ng apartamentus.
Ask akey hey hey hey kung pa'no siya nakapagpay ng tuition galore.
Ipon niya raw.
Ipon?
Eh isa pang waldas ang bakla kong kapatid. Parang halos every week eh may bagong mga chenelyn at kalandian . . . at nakakapag-ipon pa siya sa lagay na 'yon?
After naming magdinner eh nagbihis siya at nagpaalam, may pupuntahan lang daw siyang friendiva.
May na-sight akez sa kanya.
Bagong relos.
Pinalapit ko siya at super-sight sa relos. Talak ko ang byonda ng relos niya ha. Fossil itu ha with matching 100% leather strap made in Italy.
Samantalang akez itung natitiis sa five year old kong SWATCH na binayla kez lang dahil si Borgy ang nag-endorse. Masakit pa sa loob ko 'yon.
Chika ko mukhang expensive.
Sabay talak siyang, "199 dollars lang yan. Sale."
Isang buwan lang akong nawala, pagbalekwas kez eh dollars na ang currency na ginagamit ng shofatembang klang klang klang kez.
"At pano ka naman nagkaroon ng 199 dollars na relo, mahal kong kapatid?"
"Wala yan. Bigay lang yan ng friend ko," sabay talikod at isquierda.
Ang unang pumasok sa kukote ko eh witchelles ang relos . . . . ang thought na sana ipakilala niya sa 'ken ang friend na iyon at maging friend ko ren at bigyan din akez ng 199 dollars na relo, okay lang maski hindi sale. Saanchie kaya nakakahanap ng ganoong kaibigan?
Habang naghuhugas akez ng pinggan sa saliw ng aking magandang tinig na mega-singaling ng "May pumukol na pipit . . . . . ." ay bigla na lang akez natauhan, napaharap sa salamen sa taas ng lababo . . . . .
"Shet number 3! Colboy na yata ang kapatid ko!"
Now, can somebody have more SHET in a day?
3.5 try
-
*You have a new friend request.*
*Francis S.* would like to add you. You have 3 mutual friends, including
Jordan D., Lilia B., and Etienne R.
Would you ...
1 day ago
No comments:
Post a Comment