Monday, November 28, 2005

DEFINE WARLA

Habang super-channel surfing akez, isang SUNDAY, eh napahinto ang daliri kez sa pagpindot ever sa remotesive ng tivang kez sa isang channel na nagpapa-sight ng GAY PRIDE PARADE sa PTV 4. Nahappy naman akez sa eksena but then na-wrong akez bigla nang simula umispluk ang host.

Ang namesung ng show eh OUT OF TOWN, basta isang chakang travel show hosted by isang chakang menchus. Na-forget ko na yung name niya kasi walang glamour at hindi kaala-alala.

Anyway, ang featured city nung episode na 'yon eh TORONTO, CANADA.

Sabi ba naman ng chakang host:

"Halos taun-taon eh nagtitipon-tipon dito ang mga bading at tomboy para sa kanilang PRIDE MARCH. Ang hindi ko lang alam eh KUNG ANO BA TALAGA PINAGMAMALAKI nila at tawagin pang PRIDE MARCH ang event na toh."

Ayyyyy! Muntik ko nang ibato ang hawak-hawak kong bote ng coke 500 sa tivang kung witchelles ko lang napigilan ang sarili key hey hey hey!

At heto pa:

"Alam 'nyo bang may mga ilang siyudad dito sa Canada na legal na ang same-sex marriage. (Sabay laftir ang de-powta! Isang nakakalokang laftir) Kailan naman kaya magiging legal na ikasal ang tao sa aso?"

Luka-luka ano?

At ang ending eh:

"Hindi naman lahat ng ginawa ng Diyos eh PERPEKTO."

Aba'y anung ibig sabihin 'non? May perpekto at may hindi perpekto?? Parang ganito ang context eh: Hindi lahat ng ginawa ng Diyos eh NORMAL. Anu ang mga bading??? Hindi normal! Aba! Aba! Aba naman!!!!

May gawd! Nag-init lang ang dugo ko!!!!

Witchelles ko naman nang kelangang I-boycott ang Channel 4 dahil in the first place eh witchelles naman talaga akez nagwa-watch ng channel na yonchie.

I declare WARLA!

*

Witchelles pa nakakaadjust ang lungs ko sa harsh na hangin ng Maynila eh patung-patong na problema na ang ipinatong sa balikat ko ni Ursula.

Pag-sight kez sa kalendaryo ko eh fully-booked na agad ako starting from last 2 weeks of October hanggang second week of December. Shet na malagket!!! Last quarter na naman ng taon at nagpapakitang gilas na naman ang mga kliyente at may-I-produce here, may-I-produce there, may-I-produce everywhere ang drama nila.

Pa'no naman na ang mga dinner with friends ko? Pa'no naman na ang mga coffee contingents ko? Pa'no naman na ang mga veklores na nakikipagsession sa 'ken asking for advise and guidance!!!! (Taray da 'vah? Dra. Margarita Holmes, isdachu?!?!?!)

*

Unang production meeting for MTV SUPAHSTAR 2. Wala nang masyadong harshness dahil meron nang pattern na may-I-follow kami, yung show na ginawa nila sa Cebu and Davao. We've worked with MTV before for MTV PILIPINAS AWARDS 2004 at witchelles kong maibebera na ang MTV eh ang pinakamadaling kliyente sa balat ng lupa.

After ng production meeting, eh nag-treat ang director namen sa isang HETERO bar sa Tomas Morato dahil nga sa pagko-close ng MTV account na mejo daks nga naman. Pero parang no reason to celebrate dahil kangaragan naman ang kahulugan nitey hey hey hey!

On the way there, super text si Rica and ask kung saanchienabelles daw akey aatak, dahil kajointlackles nya ang baklang daot . . . . . si Jessica.

So, wala akez choice. Future client ko si Jessica so . . . . . go lang ng go. Patigasan na lang itey hey hey ng sikmura arabelles araboom araboomboombelles!!

Pag-arrive sa HETERO bar eh, andun na si Rica and Jessica. Well, I'm not very much in the party mood but then, nomu here, nomu there, nomu everywhere pa ren ang eksena! In no time, nge-nge bonel na ang mga veklores!

Jampacked na ang bar.

Akez and some other peeps eh nasa labas na lang for more fresh air.

Biglang nag-appear ang baklang daot na si Jessica, humahangos, warlang-warla.

Super ask kami kung ano ang eksena.

Chika ni bakla, may mga menchus daw sa loob na humahaggard sa kanya. Kasi, witchelles daw marunong mag-excuse ang mga menchus, kung makapang-bunggo daw eh kala mo mga wrestlers. All the time eh sadyang binubunggo at binubunggo siya.

Tinalakan naman ni Jessica, chika niya, "Magkano ba ang eduskasyon ngayon? Bibili ako, ibibigay ko sa inyo!!!"

At hayon, pinakyu raw siya 'nung isa sa mga menchus. At sabay lypsynch na, "B A K L A"

Laftir lang kami, chika namen hayaan na niya, iba lang talaga ang ruta kapag jollography na ang pinag-uusapan.

Pero talak naman si Rica, "Hay naku mamah! Will you make payag na ganun-ganun lang? Pinapakyu-pakyu ka na lang?!"

"Ano? Gusto mo balikan naten?" talak ni Jessica.

"Go!"

Deadma na lang ang others, including me . . . . ang mga bakla talaga . . . . kung hindi naghahanap ng menchus na hahadahin . . . . maghahanap ng menchus na babarubalin!!!!

After five minutes, nahearsung na lang namen na nagkakatilian na sa loob ng bar.

So, attack kami inside.

Pag-attack namin inside, na-sight namen na parang inispreyan ng insecticide ang mga utawsingbelles sa dancefloor at nawagtus at ang natira sa gitna eh apat na menchus na nakapalibot at pinagtutulungan ang isang . . . . . teka . . . teka . . . teka. . . .

SI JESSICA!!!!!

On the other side naman eh si Rica eh parang kolehiyalang pinipingot ang tinggil, super tili si bakla to the highest possible decibel, "JES!!! No!!!! Stop it!!!!!! Stop!!!! JES!!!!!"

Pero habang super pa-girl na mega-tili ang baklang Rica eh sumesegway siya sa paghahablot ng mga menchus by the shoulders na kumukuyog kay Jessica at pagbato sa kabilang side nang walang ka-effort-effort.

Pero go pa ren, mega punch sila kay Jessica pero katumbas ng sabay-sabay na sampung suntok nila eh ang katumbas eh isang suntok lang from Jessica eh tumarit na ang isang menchus . . . boom!!!! His nose is a BLEED!!!!

Hanggang sa nakapulot ng bote ng beranggju si Jessica at pinukpok sa ulo 'nung isang menchus . . . not once, not twice . . . not thrice . . . . . but one, two, three, four, five, six, seven, eight . . . hanggang witchelles nababasag ang botelya, at hanggang witchelles nauubos ang mga botelyang kering abutin.

And then, biglang nag-on na ang spotlight at ang houselights.

Naloka akez nang maliwanagan na ang avratheng.

All along ang jinijisip kez na kawawa naman si Jessica, pero pag-sight ko sa avratheng eh . . . shet! Kawawa naman ang mga menchus.

Hanggang sa inawat na sila.

Talak pa ren ng talak si Jessica, "O Ano?!?! Mga *****ina nyo! Sinu ngayon ang duguan sa 'ten!!!" IN fairness, parang dyamante si bakla . . walang kagalos-galos. Pero ang mga menchus . . . . ay nako!!!! Pwede nang magluto ng dinuguan!

After 'non eh presinto ang bagsak namen. Pero pinakawalan din kami dahil:

Number 1. Nairita ang pulisya dahil sa isang dosenang baklang tumatalak ng sabay-sabay in defense of Jessica, yung iba naman eh for the sake na makatalak lang.

May mga umeksenang, "This is a complete human rights offense against the homosexual people" . . . . with matching punchlines yan ha. Parang beaucon.

May mga rumaratrat nang rumaratrat ng katakot-takot na Ingles, na involve pa ang konstitusyon ng Pilipinas at pati na rin ang sistemang pampulitika ng bansa.

May mga umeksenang, "Kami naman ang biktima dito eh!!!"

At siyempre, may mga eksenang, "Officer, ang cute mo naman!"

At Number 2. Walang nag-appear na biktima, para magreklamo at magsampa ng kaso. Siyempre, sinung menchus ba naman ang may sikmurang aapear na bugbog sarado sa presinto at ituturo ang isang bakla at sasabihing . . . . "Siya po ang gumulpi sa 'ken!"?

VIOLENCE is never my thing. Pero proud ako kay Jessica. Witchelles naman sa pagiging basagulera or anything. But he appears to stand on what he believes to be right . . . even if he has to fight for it . . . . literally or otherwise.

Siguro nag-iiba na talaga ang imahen ng mga badinggerzie ngayon, no doubt naman da 'vah? Ang mga eksena naman daw talaga ng mga utawsingbelles eh ever evolving.

Baket may mga baklang super byorkot na lumabas sa kloseta at iproclaim sa sangkamunduhan na veklores sila? Isa sa mga rason eh bryokot silang pintasan, byorkot silang saktan physically and emotionally.

Nasanay na ang mga utawsingbelles sa 'ten na mambarubal ng bakla. Learnsiva kasi niletchie na keri lang na mambarubal ng bakla kasi naman ang mga bakla eh silent lang, ngiti lang and all that crap, witchelles lalaban kasi nga, malambot . . . . finess . . . . and avratheng.

Pero, hangga't witchelles siguro maninindigan ang mga veklores at lalaban against gay bashing eh magpapatuloy at magpapatuloy ang ganitong eksena.

Kaya I was enlightened in a way sa ginawa ni Jessica, even though na aminado akez sa sarili kez na never in my lifetime na makekeri kez ang ginawa niya. But yung fact lang na he fought back, I guess is something to be proud of.

But of course, violence is the last option.

Mas prefer kong, tumuwad na lang sa gitna nang matigil lang ang anumang kaguluhan! Echoz!

No comments: