Monday, November 28, 2005

DEFINE WARLA

Habang super-channel surfing akez, isang SUNDAY, eh napahinto ang daliri kez sa pagpindot ever sa remotesive ng tivang kez sa isang channel na nagpapa-sight ng GAY PRIDE PARADE sa PTV 4. Nahappy naman akez sa eksena but then na-wrong akez bigla nang simula umispluk ang host.

Ang namesung ng show eh OUT OF TOWN, basta isang chakang travel show hosted by isang chakang menchus. Na-forget ko na yung name niya kasi walang glamour at hindi kaala-alala.

Anyway, ang featured city nung episode na 'yon eh TORONTO, CANADA.

Sabi ba naman ng chakang host:

"Halos taun-taon eh nagtitipon-tipon dito ang mga bading at tomboy para sa kanilang PRIDE MARCH. Ang hindi ko lang alam eh KUNG ANO BA TALAGA PINAGMAMALAKI nila at tawagin pang PRIDE MARCH ang event na toh."

Ayyyyy! Muntik ko nang ibato ang hawak-hawak kong bote ng coke 500 sa tivang kung witchelles ko lang napigilan ang sarili key hey hey hey!

At heto pa:

"Alam 'nyo bang may mga ilang siyudad dito sa Canada na legal na ang same-sex marriage. (Sabay laftir ang de-powta! Isang nakakalokang laftir) Kailan naman kaya magiging legal na ikasal ang tao sa aso?"

Luka-luka ano?

At ang ending eh:

"Hindi naman lahat ng ginawa ng Diyos eh PERPEKTO."

Aba'y anung ibig sabihin 'non? May perpekto at may hindi perpekto?? Parang ganito ang context eh: Hindi lahat ng ginawa ng Diyos eh NORMAL. Anu ang mga bading??? Hindi normal! Aba! Aba! Aba naman!!!!

May gawd! Nag-init lang ang dugo ko!!!!

Witchelles ko naman nang kelangang I-boycott ang Channel 4 dahil in the first place eh witchelles naman talaga akez nagwa-watch ng channel na yonchie.

I declare WARLA!

*

Witchelles pa nakakaadjust ang lungs ko sa harsh na hangin ng Maynila eh patung-patong na problema na ang ipinatong sa balikat ko ni Ursula.

Pag-sight kez sa kalendaryo ko eh fully-booked na agad ako starting from last 2 weeks of October hanggang second week of December. Shet na malagket!!! Last quarter na naman ng taon at nagpapakitang gilas na naman ang mga kliyente at may-I-produce here, may-I-produce there, may-I-produce everywhere ang drama nila.

Pa'no naman na ang mga dinner with friends ko? Pa'no naman na ang mga coffee contingents ko? Pa'no naman na ang mga veklores na nakikipagsession sa 'ken asking for advise and guidance!!!! (Taray da 'vah? Dra. Margarita Holmes, isdachu?!?!?!)

*

Unang production meeting for MTV SUPAHSTAR 2. Wala nang masyadong harshness dahil meron nang pattern na may-I-follow kami, yung show na ginawa nila sa Cebu and Davao. We've worked with MTV before for MTV PILIPINAS AWARDS 2004 at witchelles kong maibebera na ang MTV eh ang pinakamadaling kliyente sa balat ng lupa.

After ng production meeting, eh nag-treat ang director namen sa isang HETERO bar sa Tomas Morato dahil nga sa pagko-close ng MTV account na mejo daks nga naman. Pero parang no reason to celebrate dahil kangaragan naman ang kahulugan nitey hey hey hey!

On the way there, super text si Rica and ask kung saanchienabelles daw akey aatak, dahil kajointlackles nya ang baklang daot . . . . . si Jessica.

So, wala akez choice. Future client ko si Jessica so . . . . . go lang ng go. Patigasan na lang itey hey hey ng sikmura arabelles araboom araboomboombelles!!

Pag-arrive sa HETERO bar eh, andun na si Rica and Jessica. Well, I'm not very much in the party mood but then, nomu here, nomu there, nomu everywhere pa ren ang eksena! In no time, nge-nge bonel na ang mga veklores!

Jampacked na ang bar.

Akez and some other peeps eh nasa labas na lang for more fresh air.

Biglang nag-appear ang baklang daot na si Jessica, humahangos, warlang-warla.

Super ask kami kung ano ang eksena.

Chika ni bakla, may mga menchus daw sa loob na humahaggard sa kanya. Kasi, witchelles daw marunong mag-excuse ang mga menchus, kung makapang-bunggo daw eh kala mo mga wrestlers. All the time eh sadyang binubunggo at binubunggo siya.

Tinalakan naman ni Jessica, chika niya, "Magkano ba ang eduskasyon ngayon? Bibili ako, ibibigay ko sa inyo!!!"

At hayon, pinakyu raw siya 'nung isa sa mga menchus. At sabay lypsynch na, "B A K L A"

Laftir lang kami, chika namen hayaan na niya, iba lang talaga ang ruta kapag jollography na ang pinag-uusapan.

Pero talak naman si Rica, "Hay naku mamah! Will you make payag na ganun-ganun lang? Pinapakyu-pakyu ka na lang?!"

"Ano? Gusto mo balikan naten?" talak ni Jessica.

"Go!"

Deadma na lang ang others, including me . . . . ang mga bakla talaga . . . . kung hindi naghahanap ng menchus na hahadahin . . . . maghahanap ng menchus na babarubalin!!!!

After five minutes, nahearsung na lang namen na nagkakatilian na sa loob ng bar.

So, attack kami inside.

Pag-attack namin inside, na-sight namen na parang inispreyan ng insecticide ang mga utawsingbelles sa dancefloor at nawagtus at ang natira sa gitna eh apat na menchus na nakapalibot at pinagtutulungan ang isang . . . . . teka . . . teka . . . teka. . . .

SI JESSICA!!!!!

On the other side naman eh si Rica eh parang kolehiyalang pinipingot ang tinggil, super tili si bakla to the highest possible decibel, "JES!!! No!!!! Stop it!!!!!! Stop!!!! JES!!!!!"

Pero habang super pa-girl na mega-tili ang baklang Rica eh sumesegway siya sa paghahablot ng mga menchus by the shoulders na kumukuyog kay Jessica at pagbato sa kabilang side nang walang ka-effort-effort.

Pero go pa ren, mega punch sila kay Jessica pero katumbas ng sabay-sabay na sampung suntok nila eh ang katumbas eh isang suntok lang from Jessica eh tumarit na ang isang menchus . . . boom!!!! His nose is a BLEED!!!!

Hanggang sa nakapulot ng bote ng beranggju si Jessica at pinukpok sa ulo 'nung isang menchus . . . not once, not twice . . . not thrice . . . . . but one, two, three, four, five, six, seven, eight . . . hanggang witchelles nababasag ang botelya, at hanggang witchelles nauubos ang mga botelyang kering abutin.

And then, biglang nag-on na ang spotlight at ang houselights.

Naloka akez nang maliwanagan na ang avratheng.

All along ang jinijisip kez na kawawa naman si Jessica, pero pag-sight ko sa avratheng eh . . . shet! Kawawa naman ang mga menchus.

Hanggang sa inawat na sila.

Talak pa ren ng talak si Jessica, "O Ano?!?! Mga *****ina nyo! Sinu ngayon ang duguan sa 'ten!!!" IN fairness, parang dyamante si bakla . . walang kagalos-galos. Pero ang mga menchus . . . . ay nako!!!! Pwede nang magluto ng dinuguan!

After 'non eh presinto ang bagsak namen. Pero pinakawalan din kami dahil:

Number 1. Nairita ang pulisya dahil sa isang dosenang baklang tumatalak ng sabay-sabay in defense of Jessica, yung iba naman eh for the sake na makatalak lang.

May mga umeksenang, "This is a complete human rights offense against the homosexual people" . . . . with matching punchlines yan ha. Parang beaucon.

May mga rumaratrat nang rumaratrat ng katakot-takot na Ingles, na involve pa ang konstitusyon ng Pilipinas at pati na rin ang sistemang pampulitika ng bansa.

May mga umeksenang, "Kami naman ang biktima dito eh!!!"

At siyempre, may mga eksenang, "Officer, ang cute mo naman!"

At Number 2. Walang nag-appear na biktima, para magreklamo at magsampa ng kaso. Siyempre, sinung menchus ba naman ang may sikmurang aapear na bugbog sarado sa presinto at ituturo ang isang bakla at sasabihing . . . . "Siya po ang gumulpi sa 'ken!"?

VIOLENCE is never my thing. Pero proud ako kay Jessica. Witchelles naman sa pagiging basagulera or anything. But he appears to stand on what he believes to be right . . . even if he has to fight for it . . . . literally or otherwise.

Siguro nag-iiba na talaga ang imahen ng mga badinggerzie ngayon, no doubt naman da 'vah? Ang mga eksena naman daw talaga ng mga utawsingbelles eh ever evolving.

Baket may mga baklang super byorkot na lumabas sa kloseta at iproclaim sa sangkamunduhan na veklores sila? Isa sa mga rason eh bryokot silang pintasan, byorkot silang saktan physically and emotionally.

Nasanay na ang mga utawsingbelles sa 'ten na mambarubal ng bakla. Learnsiva kasi niletchie na keri lang na mambarubal ng bakla kasi naman ang mga bakla eh silent lang, ngiti lang and all that crap, witchelles lalaban kasi nga, malambot . . . . finess . . . . and avratheng.

Pero, hangga't witchelles siguro maninindigan ang mga veklores at lalaban against gay bashing eh magpapatuloy at magpapatuloy ang ganitong eksena.

Kaya I was enlightened in a way sa ginawa ni Jessica, even though na aminado akez sa sarili kez na never in my lifetime na makekeri kez ang ginawa niya. But yung fact lang na he fought back, I guess is something to be proud of.

But of course, violence is the last option.

Mas prefer kong, tumuwad na lang sa gitna nang matigil lang ang anumang kaguluhan! Echoz!

Monday, November 21, 2005

Shet! Shet! Shet!

I'm back to back to bakla na sa Manaylus. Wa ng fresh air. Wa ng mga utawsingbelles na mga uzi. Wa ng mga araw na keri mo lang maborlog nang maborlog, lumafus nang lumafus na waing pinoproblema. Wa na ang surreal feeling of living a happy life. In short, I'm back in the real world.

And the REAL world is NOT a GOOD world.

Habang super walkathon akez sa Ayala ng super morning glory, kasabay ang mga utawsingbelles na pajosok sa kani-kanilang opisina, nagmamadali para witchelles sila ma-late, eh nafelt kong I didn’t miss this at all . . . . . and of course, they didn't miss me at all.

Narealize kez na ang existence ng karamihan ng utawsingbelles sa paligid kez eh witchelles nakabase kung humihinga pa ba siletchie or kung tumitibok pa ang mga puso nila, rather, nakabase itu sa pang-araw-araw na routine. Gigising ng super early, fly para makipagsapalaran sa pagko-commute, kelangan witchelles male-late para waing markang tardy sa DTR. Jojosok, gagawin ang mga bagay na ginagawa araw-araw, magla-lunch-break, josok another, then juwelya sa balaysung, borlogistri ng maaga para maaga na namang magising the following day and so on and so forth ad infinitum.

Save me! I'm in the Matrix!!!!

Pagpasok kez sa office eh sinalubong na naman akez ng usual na panira ng araw kez . . . . . si Becky!

Chika siya, kung anez daw ba ang nangyari sa 'ken. Kung okay lang ba daw akez. Kung anez ang pinaggagagawa kez sa lyf ever kez at kung anez-anez pang ka-uzihan na witchelles kez na pinansin at witchelles kez na pinakinggan. For the past months eh na-master kez na ang the-art-of-eliminating-becky-in-the-material-world-routine. Iniimagine ko na lang na isa siyang ispiritung ligaw na naghahanap ng atensyon para masagip ang kaluluwa niya sa Purgatoryo.

Tatlong accounts ang nag-aabang sa table kez. Isang modelling search sponsored ng MTV at ng condoms, isang fashion show para sa isang skin and face clinic ng isang gym na wala nang maisip na matinong gaweng promo at isang national campaign para sa isang cable-satellite company para sa kung saang-saang lupalop ng Pilipinas kung saanchie eh witchelles pa naiimbento ang CABLE at ang learn lang ng kanilang mga telebisyon eh ang dalawang major channels.

Same old same old. Kelangan na namang mag-isip ng matinong concept, program at magsulat ng technical script para maging fabulous ang show at para bolahin ang lahat ng nanunuod.

Pagdating ng lunch break eh warla.

SHET number 1. I can't afford na lumafuk sa Greenbelt. I'm broke. Isang buwan na pagbabakasyon, pagliliwaliw at pagpapakasaya sa probinsiya at ang exchange gift naman nento eh pagpapakasakit sa siyudad. Pagbalik kez eh sinalubong akez ng sangkatutak na bill, kuryente, borbeg, apartamentus, credit card, cellphone, tuition fee.

Balik bounce . . . . bounce . . . . balik harshness.

At buti na lang eh nasave akez sa paglalunch sa jolly jeep nang makareceive akey hey hey ng textsami from Rica. He's going to buy me lunch. Hahaha. I'm REDEEMED!!!! (Just for the day)

So, ganon na nga ang eksena . . . . siyempre minangga key na lang ang offer ni Rica.

We were joined by Rica's friend . . . . si Jessica. Si Jessica eh kaka-flyback lang sa Pilipinas . . . . At ang tanong ng bayan . . . . . saang lupalop naman ng mundo nanggaling si Jessica. Aaaaaay. Hindi magpapakabog ang bakla. New Yorker itu. Na-learnsiva kez na ang bakla pala eh mega boral sa Parsons . . . . it is not "a" fashion school but "the" fashion school.

Wa akez ma-ispluk. Tumbling na lang akey hey hey at mega-tirintas na lang ng mahaba kong heraton.

Mataray si Jessica. Unang sight kez pa lang sa kanya eh parang hurricane na ang sumalubong sa 'ken na keri akez liparin hanggang Mantrade. Shades pa lang eh naghuhumiyaw na Channel na . . . . . when Rica asked for the tatak ng t-shirt niya eh, sabi naman, "Would you like to read the tag?" Tambling to the nth level, basa si Rica: Designed for "INSERT FULL NAME NI JESSICA" BY Donna Karran . . . wa akez maispluk, at ang belt ay Gucci at ang shontolon, if I'm not mistaken eh D2 . . . . ang nagdesign ng shontolon ni Madonna sa Music at Don't Tell Me videos. Naglalakad na New York Fashion Week ang bakla.

At itu ang malaking tsek . . . . lean and fit si bakla.

Sa gitna na mahalimuyak at busilak na kabaklaan eh ang mala-Adonis na katawan. At bukod pa diyan eh pinanghahawakan niya ang pinaka-mabyondang noseline sa balat ng lupa. Yung tipong noseline na bibitbitin mez kay Vicky Bello pag bet mong magpa-tsug ng jilongis morissette.

Bigla ko na namang naramdaman na isa lang pala akong maliit na tuldok sa buong kalawakan. Isang alabok sa feather-duster. Isang butil ng buhangin sa gitna ng dalampasigan. Isang kulangot na nakasabit sa mucous membrane.

Anyway ang lafangan session eh naganap sa Oody's at in fairness, witchelles talaga akez fan ng maaanghang na lafyus, pero witchelles na 'kez umispluk . . . free lafyus den itu.

So, chikahan na ng slight. At witchelles kez na maiispluk na friendly si Jessica even though puro fabulous at gorgeous ang lumalabas sa bunganga nitu . . . . pero obyosa delarosa namang out of politeness lang. Sa bawat ask kez ng shornong eh sagot lang si bakla. Isang tanong, isang sagot.

Hanggang chinika ni Rica na bet nga raw mag-organize ng "homecoming" party ni Jessica for his friends and akez ang nirerekomenda niya na mag-ayos ng party.

Sabay sabat ni Jessica na he wants it to be simple, cheap and less elegant . . . . .

"Meron ka na bang naisep na venue?" shornong kez.

"Say Shangri-La Makati?"

Yessssssssss. Define, simple, cheap and and less elegant da 'vah? Tadong bakla 'toh ha . . . kung makapag-simple, cheap and less elegant eh akala mo si Madame Imelda Marcos.

"And I want it to be a small crowd. Around fifty guests . . . . tops. I want it to be purely invitational. I do not want faggots gate crashing in my party."

Eh kung tampal-tampalin ko kaya siya ng mga faggot na kamao ko nang ma-sighteousbelles niya ang hinahanap niya.

SHET number 2! Mas lalo lang na-imberna ang araw kez 'nung nakaharap ko si ilong ranger na nakatuntong lang ng New York eh akala mo na kung sino.

Chika ni Rica mabaet naman siya, kung minsan lang eh may mood swings. Talak ko sa kanya na kung ganonchie kalala ang mood swings ng isang tao eh kelangan nang mag-seek ng professional help.

Talak pa ni baklang Rica na baka siya na ang sumunod na Monique Lhuillier. Ang spluk kez naman eh mirese trese kwatorseng siya pa ang sumunod na Monique Lhuillier . . . wa akez pakealam. Kelangan niyang mag-take ng crash course about proper attitude. Keri lang, mas bet kong siya ang sumunod na Gianni Versace . . . . para eynimomentz eh babarilin na lang siya ng jowa niya para deadsung agad sa face of the Earth.

Hahahaha.

Ang bad-bad ko.

Knock on wood.

Sana magkatotoo.

Echooooowzzzzzz.

Hayniwayz . . . hayon lang balik opis at juwelya na.

Nasa bahay na si Nick nang maka-juwi akez.

Give-love ko na sana yung pang-tuition niya, since finals na at malapet na ang sem break. Witchelles niya ginetching ang ukani. Nakapag-payola na raw siya.

Naloka naman daw akembang klang klang klang.

Idagdag ko na lang daw yung ukanibelles sa pang-payola ng apartamentus.

Ask akey hey hey hey kung pa'no siya nakapagpay ng tuition galore.

Ipon niya raw.

Ipon?

Eh isa pang waldas ang bakla kong kapatid. Parang halos every week eh may bagong mga chenelyn at kalandian . . . at nakakapag-ipon pa siya sa lagay na 'yon?

After naming magdinner eh nagbihis siya at nagpaalam, may pupuntahan lang daw siyang friendiva.

May na-sight akez sa kanya.

Bagong relos.

Pinalapit ko siya at super-sight sa relos. Talak ko ang byonda ng relos niya ha. Fossil itu ha with matching 100% leather strap made in Italy.

Samantalang akez itung natitiis sa five year old kong SWATCH na binayla kez lang dahil si Borgy ang nag-endorse. Masakit pa sa loob ko 'yon.

Chika ko mukhang expensive.

Sabay talak siyang, "199 dollars lang yan. Sale."

Isang buwan lang akong nawala, pagbalekwas kez eh dollars na ang currency na ginagamit ng shofatembang klang klang klang kez.

"At pano ka naman nagkaroon ng 199 dollars na relo, mahal kong kapatid?"

"Wala yan. Bigay lang yan ng friend ko," sabay talikod at isquierda.

Ang unang pumasok sa kukote ko eh witchelles ang relos . . . . ang thought na sana ipakilala niya sa 'ken ang friend na iyon at maging friend ko ren at bigyan din akez ng 199 dollars na relo, okay lang maski hindi sale. Saanchie kaya nakakahanap ng ganoong kaibigan?

Habang naghuhugas akez ng pinggan sa saliw ng aking magandang tinig na mega-singaling ng "May pumukol na pipit . . . . . ." ay bigla na lang akez natauhan, napaharap sa salamen sa taas ng lababo . . . . .

"Shet number 3! Colboy na yata ang kapatid ko!"

Now, can somebody have more SHET in a day?

Wednesday, November 02, 2005

GOODBYE! Bunso!!!!!

Image hosted by Photobucket.com




The following day . . . . . mga alas-kwatro ng hapon eh sleeping beauty pa ang drama ko ng mega-katok si Tita Lorns. So, nagising ang bakla sa talak ng mudra, chika niya haves daw akez ng friendiva na mega-waitsiva sa sala. Najisip kez agad si Rica or Claude. So, chika kez kay Tita Lorns na paatakin na lang sa kwartobelles kez at washington pa akez sa mood na shumoyo ever.

"Hello there sleepyhead,"

With all my topless body and my spongebob boxers, sabog-sabog na heraton at fezlack na wa pang hilamos ever . . . . halos napabalikwas akez sa hinihigaan kez nang masighteous kez na witchelles si Rica o si Claude ang jumosok sa kwartobelles kez.

"Bunso!? What are you doing here?"

Hinila kez agad ang kumot to cover my naked (and vuloptuous) body.

"I decided to drop by. And I heard about Kiara's wedding tomorrow."

May-I-sit si Bunso sa gilid ng kama kez habang tulala pa ren akez sa momentz.

"So, what are you up to?" chika ni Bunso habang megashitig sa eyes kez na feeling kez eh may muta-muta pa.

"Nothing! Nothing much. I'm 'just taking some rest…. You know Bunso, I have to tell you something . . . . . . ."

Super summon akez ng powers sa itatalak ko kay Bunso.

" . . . . . . Bunso, you know, after Kiara's wedding, I'll immediately go back to Manila."

"Really? Why?"

"Well, because I have to. I have a work there. I have a life there."

"You shouldn't go back to Manila."

Napalaftir akez sa tinalak ni Bunso. "And can you give me a valid reason why I shouldn't?"

"Because I'm here."

Ishoshornong kez sana kung seryoso siya sa tinalak niya pero pag-sight kez sa mga mata niya eh feeling kez eh seryoso nga ang jugets kahit nakasmile siya na parang nakakaloko.

"You know what Bunso, maybe you should start learning Tagalog. And this is your first lesson, MAGKAPE KA!"

"What?"

"Follow me, MAG-KA-PE KA!"

"MEG-KE-PEY KE!"

"Good!"

"What does that mean?"

"Nothing, it is just an expression. You tell that to somebody who needs to feel nervous once in a while."

"So, you're telling me that I should be nervous? Why?"

"It's a long story. . . . . . . . . . . but seriously Bunso, I'd like to thank you for everything. For keeping me company. For hanging out with me, for all the crazy stuff that you do. You're very special. So, let's make this a bit easier for us. I really have to go back and we may not see each other again for a long time."

"Yeah. I kinda figured that out. That's why I prepared something for us. Just a sec. I'll get something from my car."

So, nung umisquierda si Bunso eh fast and the furious akez na nagshorts at nag-t-shirt, umatak ng nyi-arette, hilamos, toothbrush galore, konting suklay and avratheng.

At pagbalek kez sa kwarto eh andon na si Bunso . . . . . .

"Well, I heard that you are a big fan of wines."

"Bunso, you shouldn't have . . ." sinight kez ang wine . . . . . . isang Merlot, Italian, 1932. "This is expensive."

"No worries, it didn't cost me a penny."

Windang akez.

"It's my dad's. He got a lot of this stuff."

"You little thief."

So with a cork-screw eh inopen niya ang bote ng wine at may baon talaga siyang long-stemmed wine glasses.

After some landian portion and a couple of glasses of the super-sarap na merlot habang naka-indian sit talaga kami sa kama key hey hey eh napansin kong super-shitig lang sa 'ken si Bunso habang mega-kwentobelles akey tungkol sa mga eksena namin ni Varsity Captain.

Binato ko siya ng unan, "Bunso, you're not listening."

"I'm sorry, I'm a bit distracted."

"Huh . . . ."

"Your eyes. It's distracting."

"So, don't look at them."

"I can't."

"And why?"

"It has a somekinda spell or something."

"Ha!"

"Maybe thats why Im so into you. You have special powers, dont you? You have the powers to captivate somebody and you start enticing that person with your eyes."

"Will you shut up? Youre full of bullshit."

"It's not bullshit, Bernard. Do you know that you have talented eyes?"

"Ha!? Talented eyes. That's a first."

"You have this certain stare when you are talking and it holds me, or anyone that you're talking to. It's inescapable. And you have this another look when you are pissed."

"I never get pissed."

"Yes you are, liar! You get pissed . . . . . remember when we were walking together and someone made a remark, I really didn't understand but you gave him this look that as if you are going to tear his limbs apart. You do that without even moving your eyebrows. You have this another look when you are thinking of what you're going to say that you move your eyeballs to the back of your head and your eyes are all white, the first time I saw you did that, shit! I got freaked out, your like a witch or something. And you have this look. That look that you have right now, I never saw that before. Now, I don't know what that means. Tell me?"

"What look? I just look all the time, I really didn't know that I have multiple looks."

"You see, you did that again."

"What?"

"That look that I just saw. Is that the look of a Bernard who's happy?"

"Hahaha. Maybe perhaps, thats my look when I know that somebody is bullshitting me!"

Napalaftir si Bunso, ginetching niya ang unan na binato ko sa kanya at ipinaslak talaga sa fez ko. Pilita Corales naman akez onggalin, chika ko shorma na ang harutan at baka-mashorpon ang wine-galore sa kama kez. At nang shinonggal na niya ang unan sa fezlack ko eh his face is already inches away from my face. Wa siya smile or anything. Nakatitig lang siya sa mga mata key na parang may hinahanap.

"Stop that Bunso, you're freaking me out."

Hindi gumalaw si Bunso, try kong lumayo sa fezlack niya pero hinawakan niyang ang balikat kez.

"Is this a staring contest? Because if it is, I just lost. I'm not very good at staring contests."

"Can't you see? I'm seducing you." Chika niya with a very soft voice, waing expression ang fez at biglang inilabas niya ng slight ang dila niya at ipinadaan dahan-dahan sa pagitan ng kanyang lips.

"Well . . . . . you're not very good at it," chika ko with a soft and gentle voice den at in fairness, hindi ko kinakaya dahil bet ko na talaga siyang sunggaban kanina pa.

"Bullshit . . ." pahina nang pahina ang boses niya. "Kiss me . . . " chika niya another na halos bulong na lang. Super lapit na ren ng fez niya sa fez ko, super hearsung ko ang paghinga niya, at super hearsung ko ren ang jugjug . . . jugjug . . . . . sa dibdib ko at pati na ren sa junjun ko.

Ginetching niya ang isang kamay kez at ishinotong sa junjun niya.

Get! Get! Awwwwwwwww!

Sherlag na din siya!!!!

Junjun!!!!! Maghunos dili ka junjun!!!!!

Ipinatong niya ang baso niya sa mesa at ginetching din niya ang baso kez.

Witchelles pa ren kami kumakawala sa titigan portion at ang dalahira kong kamay na may sariling buhay ay parang ninamnam naman ang junjun ni Bunso na para din namang may sariling buhay.

Hay nako!

Attack!

Hinalikan ko siya. Or rather sinunggaban ko na talaga siya. Lapchukan galore. Hininga sa hininga. Labi sa labi. Dila sa dila. Isang umaatikabong lapchukan portion na parang wala ng kinabukasan. Maski nauubusan na kame ng hininga eh go pa ren ng go. Atak pa ren ng atak. Join lang ng join.

Hanggang . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . .

Hanggang sa hanggang doon na lamang po at maraming salamat.

. . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . . .

O siya siya. Sige. Nangyari na nga ang dapat mangyari. Isang maliwanag na FAREWELL FUCK. At since, general patronage ang blogsiva na itey hey hey eh witchelles na akez gogorah sa details and besides, eynimomentz eh may magnakaw na naman ng entry na itez at mabalahura lang akey hey hey dahil ipopost na lang bigla sa isang online tagalog porn stories. Harsh!!!!