Friday, October 21, 2005

TILL TEGIBUMS DO US APART

WELCOME TO THIRD SEX IN THE CITY
Season 2


"Puta ka talaga bakla. Are you sure ba jan sa moment na yan? As they say, ang pagpapakasal is not like making eat the kanin na when it's hot you'll just make luwa," talak ni Rica habang mega-nomu ng kumukulong kape.

"Rica honey, you have to take note that this is not a heterosexual wedding. And besides, until now, wala pa rin akong pananalig sa salitang wedding. Pang-straight lang siya," Claude was the only one sitting on the other side of the table, as usual, mega-stiff pa ren si bakla, parang pareng militar.

"Mga bakla, after 48 years, ngayon lang tayo uli nagkita at dautin ba daw talaga ako? Sabi nga ni Eric Santos, This Is The Moment. This is my moment," nanglaki lang ang mga mata ni Kiara.

Ngayon lang uli naging all-star cast ang barkada namen after almost two years. And mega-coffee party na naman kame, bagay na witchelles mako-kyonggal sa itenerary forever. Pero ang difference eh witchelles mocha-frap o triple grande latte ang nilalatok namen, rather nakajupostrax kame sa isang hagdan, lumalatok ng brewed coffee from Dunkin Donuts. True, dahil isang special event itey eh kelangang magfly ni Claude and Rica sa Aklan. Witchelles kelangang ma-miss ang wedding of the century.

Pero siyempre, pag nagjoin-join ang mga bakla eh umaatikabong street-fighter ang eksena. Katulad nga ng chinika ko before, sa buhay ng bakla, imposibleng walang eksena. At pag bakla ka, imposibleng witchelles ka gagawa ng paraan para magkaeksena. It’s survival of the fittest.

Parang boxing:

Enter contender number 1:
Known to be as the talakera of the new millenium . . . . . Ang happy go lucky na bakla. Join lang ng join . . . . . . . Rica

"Hay naku, we have to admit na all of us na tukling eh may munting pangarap ever since that we knew that we're gay. The dream of making lakad down the aisle in a traje de boda. Wag kang magpakaplastik Claude! It's a known fact."

Enter conterder number 2:
Ang bakla parang minarenate sa essence of ampalaya. . . . . witchelles nawawalan ng point, pero kadalasan ang point ng baklang itu eh witchelles point ng many to mention . . . . . . Claudine

"I do not have anything to admit, because I didn't and I don't, well of course unless I am a frustrated drag queen na gustong rumampa sa simbahan with the daaaan . . . . dan . . . . dadan music background. Can't you see it guys? Iba tayo. That's why we were labelled, we were segregated. Now, why would we want to do something heterosexuals do? Because we want to be like them? Why would we want that?"

Enter contender number 3:
Ang baklang walang konsepto ng tunay na pag-ibig (dati). Isinugal ang buhay sa paglatok ng bote-botelyang ecstasy hanggang nauntog sa pader at nagising sa katotohanan. Umisquierda ng siyudad at nagbuhay donya sa proveng at nakakita ng straight (?) na menchus na humiling sa kamay niya . . . . . . Kiara.

"Mamah, wit itu tungkol sa pagiging bading o pagiging straight. This is a celebration of LOVE. And I want to experience it."

Royal Rumble ang eksena at kapag nagsisimula na ang talakathon portion eh sit na lang akez sa tabe at observe. Referee ang drama key hey hey.

"True, it is not masama na umibig and it is not masama den na iproclaim sa sambayanang Pilipino na you are in love and that you are being loved and that yung love nyo sa each other eh patitibayin ng isang wedding ceremony."

Aaaaaaay, parang tag-team na si Kiara at si Rica.

"Para ano? Para patunayan na babae kayo?! Hindi tayo mga babae! Mga bakla tayo! Kiara, when I first met you, I really liked you. A lot. Remember si, Ethan? Yung nanligaw sa 'yo way back Piggy's days. I was there, when he told you that he loves you. And I exactly remember how you reacted. You looked at him from head to toe and back to his face. You cracked a smile and laughed. And then you said, 'You are just saying that to get into my pants. Get real dude. I don't believe in your illusions! Say fuck me and I'll say yes. Say I love you and I'll say FUCK YOU."

Tsugug! Isang helicopter kick coming from Claude . . . . . tumilamsik ang lola Kiara.

"Why the sudden change of beliefs?"

Tsugug another! Isang follow-up uppercut sa plakdang Kiara.

Hingal si Kiara. Haves ng dugu-duguan portion sa bibig ara. Pumipilit shumoyo, nagre-recharge ng energy.

"Wala lang. Nagsawa na lang ako sa mga ganong ruta. Tumatanda na tayo. Kung ikaw gusto mong tumandang mag-isa at maggantsilyo forever . . . . ako hindi noh."

Isang kick para kay Claude pero witchelles ganon ka-harsh ang effect, parang kinurot lang si bakla.

"Kung magsalita ka naman Claude parang you did not experience na magmahal ah."

Rica to the rescue with the hundred hands.

Kaplang! Kaplang! Kaplang! Napatarit si Claude sa isang sulok.

"I did! But didn't feel the need to marry him!"

Ooooooh! Yogaflame!!!!

Nalokah ang mga bakla.

"If that is really LOVE, you know, you can express it anytime, you can celebrate it anytime. I am talking about weddings and I am against it. Anyway, baket nga ba ako apektado masyado hindi naman ako ang inayang magpakasal and besides, kasal-kasalan lang naman yan."

Aaaaaaaaaay!!!! Hindi nakuntento si Claude, isang haduken pa another but then below-the-belt itu.

Witchelles na naka-ispluk si Kiara, napanganga lang kame ni Rica sa tinalak ni Claude.

"Bakla, kung umatak ka dito para lang dautin ako sana hindi ka na lang umatak."

"Umatak ako dito because I love you. Because you're my friend."

Haaaaay! Ganon lang talaga ang konsepto naming magfe-friendiva . . . . . ang magdautan.

Pero dautan aside, napag-jisep-jisep ren akez sa talakathon na naganap. Truelili namench ang chinika ni Rica, maski naman akez 'nung kabataan kez eh pinangarap ko ren na rumampa sa simbahan as the bride. Though, witchelles naman siya connected sa "drag queen-tendencies" kez.

Napagjisip-jisip nga akez. Baket nga ba ang mga homosekswal eh pinagbabawalan pa ring ikasal?

Ang usual na sagot eh, dahil immoral ito at witchelles ito tinatanggap ng society ever. Sige, sabihin na nating immoral, witchelles naman necessarily na sa simbahang katolika ikakasal ang dalawang veklus o shomboyita. Pwede namang sa huwes lang or something da 'vah?

Parang nafi-felt kez tuloy na ang cause ng kawalang pananalig ng mga veklores lalu na ditey sa Pilipinas ever tungkol sa eksena ng tunay na pag-ibig forever and ever, eh dahil hindi sila (kami) pedeng ikasal. Walang dokumento o legalidad na magtatali sa dalawang utawsingbelles, for AIDA or HEALTH, for PURITA GONZALES or RICA PARALEJO, till tegibums na lang ang makapagpapahiwalay sa kanila.

At dahil diyan, sinumang veklores na nagmamahalan eh pede na lang mag-break nang mag-break at jumoin nang jumoin sa another relationship ever dahil wala ngang nagba-bind sa kanila, aside from pag-ibig. So, the next question, IS LOVE ENOUGH?

Witchelles kez naman chinichika na ang mga heterosekswal na kinakasal eh perpekto na at nagsasama habang buhay . . . . pero aminin . . . karamihan pa ren ng mga heterosekswal na relasyon eh nagtatagal dahil sa pangakong binitawan nila sa isang seremonyang maaaring simbolikal lamang pero may basbas ng simbahan at / o ng gobyerno.

It's unfair . . . . it's unfair!

Sabihen na nateng, tolerated na nga ang homosekswal na pamumuhay. Pero witchelles dapat napopostcard doonchie. Kelangan ng acceptance at hindi lang acceptance ng homosekswal na pamumuhay kundi pati na ren ang homosekswal na pagmamahalan.

Parang ang lumalabas kase, eh ganito: "Sige na! Yes! Mga bakla kayo! Alam namin at tanggap namen ang ginagawa 'nyo, pero hindi kami nananalig sa pagmamahalan 'nyo!"

Harsh da 'vah?

Anyway, sino ba naman akey hey hey hey!?

Siguro, hanggat witchelles nale-legalise ang homosexual marriages . . . . . mananalig na lang akez sa chinika ni Claude . . . . . na pag nagmamahalan kayo . . . keri na yon, witchelles na kelangan ng kung anik anik na seremonya ever arabum arabum arabumbumbelles.

Pero iba pa ren siguro ang feeling kapag maglalakad akez na naka-traje-de-boda . . . Echoz!!!!

No comments: