SEASON FINALE
ANO ANG SaGOT?????
ANO ANG SaGOT?????
Parang witchelles kez na-feel ang pag-usad ng panahon. Isang araw eh na-realize ko na lang na halos mag-iisang buwan na pala akez sa Aklan. Kung inde pa bumorwag sa 'ken si Ursula, ang pugita sa ilog pasig na bumubuga ng tinta, isang nilalang na tinatawag kong 'boss' eh witchelles pa akez magigising sa katotohanang kelangan kez magfly-back sa Manaylus or else I'll kiss my career goodbye. As if naman may 'career' talaga akez da 'vah. Tatlong accounts na ang dineadma kez at inisnab kez, chika ni Ursula pag witchelles daw akez bumalek within a week's time eh wag na raw akong mag-expect na may trabaho pa akez na babalikan.
Nagkita kame ni Kiara 'nung hapon na yon. Chinika ko ang mga events at baka umisquierda na ren ako.
"Babalik ka na? Baket nakita mo na ba ang hinahanap mo?"
Talak ko sa kanya na baka wala sa Aklan ang hinahanap kong kasagutan. I have to deal with Varsity Captain whether bet ko itez or not. At witchelles ko itu masosolusyunan kung mega-shorgo akez sa probinsiya. Witchelles na witchelles ko rin hahayaan na warlahin ni Varsity Captain ang life kez.
"Nung una, alam kong si Varsity Captain nga ang dahilan ng pag-stay mo dito pero nang tumagal-tagal na eh feel na feel kong hindi na si Varsity Captain ang rason kung baket ayaw mo pang bumalek sa Maynila."
"Meaning?"
"I think you're in love!"
Isang taas ng kilay at isang umaatikabong buntong-hininga ang sinagot ko kay Kiara. Obviously, he was referring to no one else than yung jugets na affam-affaman … si Bunso.
Well, matapos ang great adventure sa bundok at pagtatampisaw sa mahiwagang ilog eh nagkita pa rin kami ni Bunso. Kung minsan, mega-lafus lang kame sa bayan, kung minsan mega-nomuhan session sa Heaven's. Wa akez ma-iispluk sa kanya, he's cute, may sense siyang kausap, at higit sa lahat sweet. Kiver siya sa mga utaw sa paligid niya. Minsan pa nga eh sinusubuan pa niya akez ng spaghetti habang mega-watch ang lahat ng mga lumalafuk sa fastfood. Wai na akez maiispluk talaga, parang he got everything in a guy a gay wants. Pero isa lang ang wrong, he's 18.
"Soooooooooooooooooooooooooooooooooooooo?" tambling si Kiara nung tinalak kong witchelles ko siya bet dahil sa age niya.
Siguro, I just can't be involved with someone who's younger or at the same age as my brother's.
Let's face it. Bet na bet ko ang fresh meat. Sinetchie ba ang ayaw da 'vah. Kaya nga minsan isang gabi eh witchelles ko pinalagpas ang isang jugets sa Red Banana at sinunggaban ko agad siya ……… pero na-realize kong brudra ko siya at na-realize ko ren na badinggerzie ang younger bruderette kez.
Simula 'non eh parang witchelles na sumagi sa kukote kong makipagjowa o maski makipagdookit with someone his age ….. kasi parang parating jumojosok na lang sa jisip ko ang eksena nung gabing yon sa Red Banana at kung makipagdookit man akez sa isang menchus na kasing-jugets ng bruderette kez eh parang nakipagdookit na ren akez sa bruderette kez. Arrrrrrrrggggh! Harsh da 'vah?
Ganon ang eksena so kelangang shutulin kez na ang mga eksena between me and bunso bago pa akez makafly back ng Manaylus.
*
The next day na-learn kong witchelles lang pala akez ang may kinakaharap na problem-solving momentz. Amidst happy momentz, sa matitino at not-so-matitinong advice, may warla momentz din pala si Kiara.
Ka-jointforces kong namamalengke si Tita Lorns nang ma-sight kong si Gerard, ang menchhukulaytis-kamatis na jowaers ni Kiara na nakascooter, with matching bilat on the side. Bumaba ang bilat sa scooter at mega-kiss galore kay Gerard sabay isquierda.
Naloka akez sa eksena.
Bet kong itext agad si Kiara pero nagdalawang jisip akez.
Nung nagkita uli kami ni Kiara eh mega-ask ko kung kamusta naman ang love life niya. Chika niya okay na okay naman daw.
"Kiara, meron kang hindi sinasabi sa 'ken," talak ko with that serious face and avratheng.
"Anu naman?", chika ni bakla na learn at felt na felt kez na punong-puno ng kajijian.
So, witchelles na pilita corales, kung witchelles niyang bet italak e di 'wag.
Derm!
*
After three days …….
"Baklaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!", humahangos si Kiara pagenter-the-dragon pa lang sa kwartobelles kez. Namumutla ang luka-luka at red na red ang eyes ever.
"Anong eksena?"
"Si Gerard! May bilat!"
"Sabi ko nga. Oh well, I tried to confront you pero ayaw mong magsalita."
Haggard si bakla, chika galore lang siya at mega-listen naman akey hey hey. Chika niya na 48 years naman nyang learn na nag-sa-sight-sight pa si Gerard at ang ex-jowastergate nitez na bilatchiwariwariwaps. Pero in denial si bakla. Hinayaan lang niya ang mga eksena, talak niya na learn naman niyang super-menthol si Gerard at kahit na magtututuwad siya o umiyak man siya ng brilyantitos eh wai pa ren siyang matres at mas lalong wai pa ren siyang kipay. Hanggang sa dumating sa point na witchelles na niyang kineri dahil parang na-fi-feel niyang pafarrah-faucet na nang pafarrah-faucet ang feelings nila sa isa't isa.
"Bakla ka talaga? So anung ginawa mo?"
Shumoyo si Kiara, humarap sa salamin at crayola ng slight, "Nakipag-break ako sa kanya."
Witchelles akez nakareact agad pero learnsiva kez ang eksena ni Kiara sa lyf ever. Witchelles siyang nagpapa-luz-valdez. Fighter si bakla kahit saang anggulo mey I-sight. Yun lang siguro ang malaking pinagkaiba namen ni bakla. Malakas ang loob ng de-puta, strong . . . . . parang kapeng barako ng Batangas. Keri niyang mag-sacrifice and everything, samantalang akey hey hey itey na pa-sweet, at duwag-duwagan portion.
At that point, keri man o wit keri ang desisyon ni bakla eh mega-support na lang akez.
Hanggang . . . . . . .
*
Minsan eh chismisan galore kame ni Kiara sa shop niya nang ma-hearsung kez na may shumoshorwag sa kanya from downstairs.
"Deadmahin mo na yan bakla," chika sa 'ken ni Kiara.
Mega-silip naman akey sa bintana, na-sight key si Gerard sa sidewalk sa labas ng entrance ng shop ni Kiara. Mega-shout galore si Gerard. Shinoshorwag niya si Kiara.
"Hindi mo man lang siya haharapen?"
"We're through. Postcard na ang eksena namen. Hindi ko na siya haharapen!!" sabi ni bakla with all the conviction on earth.
*
And then another day . . . . . . .
"Kiara!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Gerard sa labas ng shop, iskandalong malinaw na ang nagaganap dahil mega-sight ang mga utawsingbelles around.
"Kiara!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Sorry na!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Pinagmamasdan kez si Kiara habang nagaganap ang eksena sa labas. Nag-aayos lang si bakla ng mga wig ng manequins niya and avratheng, parang walang naririnig, pero feel ko itu eh, may kilig factor pa rin na involved.
"Kiara, mahal mo pa ren siya anoh?"
"Sino?"
"Si Gerard!?"
"Sinong Gerard?"
Nilapitan ko si bakla at kinurot ko sa tagiliran, "Ang tamis-tamis mo naman masyado. May luluki na araw-araw eh nakatayo sa harapan ng shop mo, sinisigaw ang pangalan mo mare. Wala akong masabi. Para kang arnibal sa tamis. Kausapin mo na kase. Minor problem lang naman ang pinag-awayan nyo eh."
"Marce, minor? Kapag nakipagtitigan ang menthol mo sa isang bubuyi . . . . . yun ang minor. Kapag hindi siya nakapagpaalam sa 'yo kung saan siya pupunta . . . . . . yun ang minor. Kapag tinatamad siyang hugasan ang pinggan . . . . . yun ang minor. Pero!!!!!!! Kapag ang menthol mo eh kumakangkang ng bilat forever in a day and a day and a day . . . . . . hindi siya minor mamah!"
*
Isang gimik night eh naloka akez nang sinalubong akez ni Tita Lorns paglabas ko ng kwarto. Nakaget-up din ang muder ko. Ang chika niya, jujoin daw siya sa gimik ara.
Tumbling naman akey hey hey!
Pero its my muder! And its Tita Lorns! Kapag you go against her will eh magtago ka na. Kaya join-join ang mudra sa gimik namen ni Kiara.
So, Heaven's ang eksena, more bar-bar portion, nomo ng slight. Bonding-bonding kame ng mudra ng slight.
Hanggang sa dumating ang chikahan sa lovelife portion.
Unang-una eh witchelles akez komportable ara na ichika ang lovelife kez sa mudra ko, even though we're very open sa isa't isa. Pero ang dalahirang Kiara eh binuksan ang topic siyempre due to the recent break-up of his two-year relationship.
"So, kayo Tita Lorns, ano naman ang love story mo?", talak ni Kiara.
"Bakla, wala namang ganyanan." Nag-react agad akez siyempre.
"Okay lang yan 'Nard. . . . . . Alam mo bang naranasan ko rin yang mga kinukwento ni Kiara? Sa isang relasyon, hindi naman talaga maiiwasan ang third-party dahil dyan daw napapatunayan ang pagmamahal ng dalawang lovers sa isa't isa."
I swear . . . . . . . gusto ko nang magpalit ng mukha that moment. My mudra is making kuda of her lovelife in front of me.
"Alam mo ba Kiara, muntik na ren kameng magkahiwalay ng tatay ni Bernard. Bata pa siya 'nun so malamang hindi niya alam yung mga nangyari. Hindi naman ako ang unang girlfriend ng tatay ni Bernard. Meron pang nauna, si Corazon. Pero hindi sila nagkatuluyan dahil pumunta ng states si Corazon. So, ako na yung sumunod. Pakiramdam ko nga 'non consolation prize lang ako, pero tinanggap ko dahil mukha namang wagas ang pag-ibig sa 'ken ng tatay ni Bernard. Nalaman ko lang after ilang years na kameng kasal eh may communication pa pala si Corazon at ang mister ko. Hanggang sa nabalitaan kong umuwi yung babae dito at nagkikita pala sila ng mister ko. Ay! Sinasabi ko sa 'yo yun yung mga panahon na muntik na kong kumain ng isang paketeng mothballs. Pero sabi ko sa sarili ko, hindi . . . . . hindi ako magpapatalo.
"So, inalam ko kung saan nakatira si Corazon at pinuntahan ko siya. Nakausap ko lang yung tatay niya, medyo may edad na.
"Tapos, kinompronta ko ang mister ko, sabi ko sa kanya, alam ko na lahat ng nagaganap kaya pinapili ko siya. Nagdahilan siya, sabi niya mas mahal naman niya ako kesa kay Corazon at ginagamit lang daw niya yung babae dahil may plano siya. Gagamitin lang daw niya yung babae para makapunta siya sa states, at pag nakarating na siya doon eh kukunin na niya kame. Tinawanan ko lang siya. Sabi ko sa kanya, 'Sige! Pumunta ka na ng states! Pero tanggapin mo na lang na wala ka ng asawa at anak na kukunin dito.'
"Sabi ko sa kanya, mag-usap kami ng Corazon na 'yon. Noong una eh ayaw niya, nagmamatigas hanggang sa pumayag na ren siya.
"So, magkikita kami non sa isang beach. Kasama ko yung kumpare namen. At nagdala talaga ako ng balisong dahil pag nagdilim talaga ang paningin ko eh gigilitan ko talaga yung babae.
"E di hayon na. Nagkita kame ni Corazon. Sinamahan siya ng mister ko, pagbaba pa lang sa sasakyan eh nasuka na 'ko. Hindi dahil sa kung anumang milagro ang ginagawa nila pero dahil sa kapangitan nung babae. Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, alam kong hindi naman ako perpekto, pero talaga, totoo, ang panget-panget nya. Pagsalubong pa lang sa 'ken ng mister ko e yun agad ang sinabi ko sa kanya, 'Maghahanap ka na nga lang ng ibang babae eh yung panget pa. Bagay nga kayong dalawa, parehas kayong panget!'
"Sumagot yung Corazon, sabi niya, 'Buti nga nambabae ang asawa mo, hindi nanlalalake.' Ay!! Naku, kumulo talaga ang dugo ko, sinapak ko siya sa mukha, as in sapak! Hayun, plakda yung babaita sa buhanginan.
"Mejo matagal-tagal din yung trouble na 'yon. Ilang linggo rin. Pero dun ko napatunayan na mahal talaga ako ng asawa ko at mahal ko rin siya. Sabi ko sa kanya, patunayan niya na mahal niya talaga ako. Kaya hayon, itinigil din niya yung pakikipagkita niya sa babae."
O talakera ng mudra ko da vah?
In fairness, first time kong narinig ang istoryang yon. Natuwa naman daw akez. Kung witchelles siguro ganon kagabriela silang ang mudra kez eh siguro lumaki na akey hey hey sa isang broken family.
At dahil jan. Proud akey sa mudra ko. Powerful!
*
Another day sa shop ni Kiara, another desperate portion on the side of Gerard. Walang absent ang luluki. Araw-araw talaga siyang shumoshoyo don at mega-sigaw hanggang witchelles siya inaawat ng barangay.
"Bernard do me a favor. Lumabas ka nga at sabihin mo sa lalaki na yan na mag-isip siya ng magandang rason para patawarin ko sya."
"Bakla, wala talaga akong masabi sa katamisan mo."
So, bumaba nga ako at tinalakan ko si Gerard.
Hindi sumagot si Gerard. Nasight ko ang mata niya. Yung mga matang pinapangarap ko talagang makita sa isang luluki. Yung mga matang nagsasabing, 'Mahal na mahal kita'. Pero witchelles para sa 'ken yung mga matang yon. Para kay Kiara. Tumalikod si Gerard, wa ni ha ni ho, isquierda.
Chika ko kay Kiara na yun nga, umisquierda ang menthol. Kiver lang si bakla, pero parang deep inside eh disappointed si bakla. Eh kung makapag-miganju naman kase ang powtah da 'vah?
After an hour or so, nag-enter-the-dragon na si Gerard sa shop.
"Oh? Anong ginagawa mo dito?" talak ni Kiara, nakahalukipkip, taas-noo na parang nakikichikahan sa isang alipin-sa-gigilid.
Talak ang minogue, "Patawarin mo na ako, 'beh," tumbling akey. Kung makapag-'beh' talaga ang menchus da 'vah? "Na-realize ko na na mali talaga yung ginawa ko. Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko, nagkamali ako talaga, inaamin ko. Pero hindi ko kayang mawala ka sa 'ken."
Saaaaaaaaaaaaaaaaabeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!!!!!
At that point eh parang gusto kong kumain na lang ng bubog. Shet! Ang tisay-tisay naman ni Kiara da 'vah? Miztisahin!!!!!
"Patunayan mo!" chika ni Kiara, kiver pa ren pero alam kong pigil na pigil na ang kilig ni bakla.
Teka, familiar ang line . . . . . . . linya yon ng muder ko ha!
Derm!
Moment ni Kiara itey hey hey.
Lumuhod ang menchus sa harapan ni Kiara, huminga ng malalim, parang sisisid sa jilalim ng borbeg, "Kirk Marcus Madrigal, ikaw ang nagbibigay ng saya sa puso ko. Ikaw ang isinisigaw ng puso ko. Ikaw ang rason kung baket ako nabubuhay. Ikaw ang iniibig ko."
Sabay getching ng something si Gerard sa bulsa niya.
In-open niya itey sa harapan ni Kiara.
"Kirk Marcus Madrigal, will you marry me?"
……………….
……………….
……………….
……………….
Nataweng-weng naman na akez. Babae ang ateh ko!
Eh ano pa kaya si Kiara? Na-sight kong parang lahat ng dugo sa julo ni bakla eh bumaba sa shortawan niya. Nakanganga lang si bakla. Wa pa rin ispluk. Sabay fall ng tears.
Tinapik ko sa balikat si bakla.
Waitsiva pa ren ng sagot si Gerard.
Hinga din ng malalim si bakla. Sight siya sa 'ken at sight uli sa menchus na nakaluhod sa kanya na may hawak-hawak na box with the rings. Hinga again ng malalim then …………..
"Yes!"
*
Sa buhay ng tao, maraming mga tanong na gumugulo sa isip naten na gusto nateng hanapan ng konkretong kasagutan. Mga tanong na dulot ng takot at pangamba, dahil ayaw nating magkamali ……. Dahil ayaw nating masaktan.Bago ako umuwi sa Aklan ay may baon-baon akong mga katanungan na hindi ko mahanapan ng kasagutan. Nakita ko ang dati kong kaibigan, may nakilala akong mga bagong tao, mas nakilala ko ang nanay ko.
Pero kung iisipin ko pa ren ngayon habang sinusulat ko ito ay masasabi kong hindi ko pa ren nasagot ang tanong ko. Yun na talaga yata ang sagot na para sa 'ken: hindi ko masasagot ang tanong ko hangga't hindi ako gumagawa ng hakbang para makuha ko ito. Hindi pwedeng taguan o takbuhan ko ang problemang dapat sulusyunan, ang taong dapat kong harapin at kausapin.
Sa bawat tanong ay mayroon daw na sagot na nakalaan.
Pero, kung minsan ay may mga kasagutang hindi mo talaga makukuha kung wala kang tapang, wala kang lakas ng loob, kung parati kang takot na magkamali at masaktan.
Habang nasa Aklan pa ako ay napasulyap ako sa high school yearbook namen. May isang quotation doon ng isang batchmate ko ang nakakuha sa atensyon ko:
"If you want something you never had, you must do something you never done!"
No comments:
Post a Comment