IKALAWANG KABANATA
THE QUEEN MOTHER
Syempre akez ang reyna ng kabahayan. Pero, sa lahat ng Royal family eh wala nang mas kakabog pa sa beauty ng Queen Mother. Wala nang iba ang Queen Mother kundi si Tita Lorns. Si Tita Lorns ang aking aking mudra. Nakasanayan ko na lang nai-reffer siya as Tita Lorna everytime na tumatalak akez tungkol sa kanya.
"Mga punyeta kayo!!!! Parati 'nyo na lang pinapasakit ang ulo ko. Kung hindi pa kayo sasabihan hindi kayo gagalwa!!! Para kayong mga de-susi!!!"
Pag-enter the dragon ko pa lang sa balaysung eh umaalingawngaw na ang boses ni Tita Lorns, with matching dagundong ever. Promise, iba ang decibel level na kayang i-produce ni Tita Lorns, na kapag shumulak na ever nang shumulak at super warla si bakla eh siguradong hihiwalay ang kaluluwa mo sa katawan mo!!! Walang kumakaya sa powers ni Tita Lorns.
Naabutan ko siyang tumatalak pa ren sa mga tauhan niya, meron kasi siyang maliit na restaurant sa bayan. Sideline lang niya yon. Ang wrokikay ni Tita Lorns eh sa Bureau of Internal Revenue.
"Nay!!!"
Talak pa ren si bakla, "Punyeta! Kakakakak kakakakakak kemeng brakatak!!!"
Nay!!!"
Napalingon na sa 'kin si Tita Lorns, finally. Lumapit na ko sa kanya. Eynimomentzzz kasi, pag witchelles ko pina-acknowledge ang presence kez, eh ma-flying kick na lang ni Tita Lorns. Territorial kasi si fokla. May lahing tigre yata ang ina ko!!!
"Nay, masyado ka na namang high blood. Hindi kayo mabubuhay ng matagal niyan eh."
"Hay nako! Yang mga yan kasi . . . . buti napa-uwe ka? Anu na naman ang masamang hangin ang nagpadpad sa 'yo dito? Nakabuntis ka ba?"
"Nay! Anu ka ba? Wala lang. Na-miss ko lang kayo. Napapagod na kasi ako sa Maynila eh."
"Yan kase!!! Ilang beses ko namang sinabe sa 'yo na dito ka na lang. Eh si Nicanor?"
"May pasok."
"Di ba sabi ko naman sa yo na umuwe ka lang dito pag may apo na ko?"
"Anu ba? Hindi pa ako nakakabili ng matres!"
"Nako 'Nard! Tigilan mo ako ha!"
"Pano ka naman magkakaapo eh allergic ka ako sa bilat."
"Allergic-allergic ka dyan! Pag ako naines eh kakausapin ko si Doktor De Guzman, papa-injectionan kita ng male hormones. O kaya, kukuha na lang ako ng babae, syempre yung maganda, tapos lalasingin ka namen."
In all fairnezz, shonggap na shonggap naman na ni Tita Lornz na badinggerzie akey hey hey! Simula pa lang na mega-dance to death akez sa harapan ng tivang havang watch kay Maricel Soriano dancing A Rico Mambo . . . simula pa nang super-singalingngaling akey hey hey hey ng Karma Chameleon habang naliligo akez at simula pa 'nang sumama akez sa dance number nung Grade 3 sa saliw ng "Wake me Up before you Go Go! . . . eh na-felt naman na niyang lumilihis na ng landas ang pagkalalake ko. At never ren siyang naging against sa pagka-badinggerzie kez. Minsan, 'nung high school eh naalala kong tumalak siya sa aken . . ."'Nard! Wala akong pakealam sa sinasabi ng ibang tao. Kilalala kita at may tiwala ako sa 'yo. Siguraduhin mo lang na wala kang gagawing kabulastugan na hindi mo malulusutan!"
Ang pangarap na lang ni Tita Lorns eh maka-shorpos ng pag-aaral si Nick at magka-anak ng babae. Eh since, almost menopausal na si bakla and besides, shinoli na rin naman ang matres niya nang ipinanganak si Nick eh wa na siyang hope na mahgkajunakis morisette ng bilatchiwariwariwaps. At ako na lang daw ang natitira niyang pagasa.
"Hay naku 'Nard. Tumatanda ka na ren. Hindi habang buhay eh kasama mo kame. Hindi habang buhay eh kasama mo si Nick. Isipin mo, sinu mag-aalaga sa 'yo? Sinung makakasama mo?"
"Wala pa sa plano ko ang magkaanak."
"Ano ngayon? Nasa plano ko naman siya."
"At saka, malay 'nyo, makahanap ako ng matinong partner for life?"
"Ay nako! Partner-partner ka dyan! Bernard, harapin mo ang katotohanan. Sa palagay mo, makakahanap ka ng lalakeng mamahalin ka habang-buhay?!"
Ouch!!!!
Bullseye si mama! Pasalamat siya at nanggaling ako sa puriit niya at kung hindi eh pinainom ko na siya ng lysol.
Anu burrrrr! Unang hakbang ko pa lang sa bahay eh talakathon portion na. Wala talaga kupas ang mudra ko.
+
IKATLONG KABANATA
NASAAN ANG TUNAY NA PAG-IBIG?
(the THIRD SEX in the PROVINCE version)
(the THIRD SEX in the PROVINCE version)
Mga apat na araw eh witchelles akez lumabas ng balaysung. Mega-higa, watch ng DVDs, watch ng TV . . . borlog . . . lafez . . . . sa una eh sobrang happy. Parang witchelles ko na bet mag-fly-back sa Manaylus. Ito ang life. Para lang akong prinsesang nakaupo sa tasa.
Sabi ko sa sarili ko bago pa ako pumunta dito sa Sitio Kahabagan, eh maghahanap ako ng konting kasagutan sa mga tanong na gumugulo sa isip ko. Anez nga ba ang eksena ko sa Life? Anez ang mga plans ko? Saan ako pupunta?
Home is where the answer is, ang talak sa 'ken ni Claude bago ako umatak ng airport. Malamang. . . . . .
Pagpasok ko pa lang sa lumang kwarto ko eh bumalik lahat ng mga masasaya at pati na rin ang mga masasamang pangyayaring naranasan ko. Saksi ang kuwartong itu sa paghubog ng Bernard na kilala ng marami ngayon. Saksi din ang kwartong itu sa mga hinagpis, kalungkutan at ang mga crayola marathon 'nung kabataan at kadalagahan ko.
Nang binuksan ko ang lumang closet ko ay sumalubong sa 'ken ang amoy na matagal ko nang hindi nase-sense. Laman pa rin niya ang mga lumang damit ko at mga outfit na hindi ko na-bring 'nung unang beses na umalis ako. May mga outfit din na imported from Manila na nakalimutan kong bitbitin 'nung last time na andito akez 5 years ago.
Pag-sight kez sa magkabilang pinto ng closet ay bumalik sa akin ang mga alaala . . at ang mga nilalaman ng isip ko 'non. Parang naging grafitti na ang likod ng pintuan. Mega-write ako ng mga bagay na hinawakan ko bilang prinsipyo, mga prinsipyo na ginuwardiyahan ko ng buhay ko pero may mga ibang prinsipyo na binitawan at kinalimutan ko na.
Napapailing ako habang isa-isang binabasa ang mga thoughts na 'yon.
Chika ko sa sarili ko, malaki na nga ang pinagbago ko:
"The cleverest of all is one who calls himself stupid once a month"
-Fyodor Dostoevsky
"The inherent stupidity of humankind is enough to make me give up hope on the whole world"
-Tami Hoag
"Show me a HAPPY homosexual and I'll show you a gay CORPSE"
-Mark Crowley
"Nothing is enough for someone whom enough is little"
-Epicurus
"The Greatest mystery of life is who we really are"
- Bernard Garcia
*
Gumetching ako ng isang lumang t-shirt. Highschool shirt pa itu. Ginetching ko ren ang shorts na bigay sa 'ken ng fudra ko.
Paglabas ko sa kuwarto ko ay ask ako ni Tita Lorns kung saanchienabelles akez aatak.
Chika ko, sa bayan lang.
Chika niya, papahanda raw niya yung carumba.
Chika ko, wai na. Hindi ko bet. Magco-commute na lang akey hey hey!
Keri?!
Keri!!
Isang thirty-minute jeep ride ang kelangan i-experience para makarating sa bayan ng Sitio Kahabagan. At pagdating ko sa bayan eh nagulat akez. Halos, wala pa ring pinagbago. Ang pinaka-sentro ng bayan namen eh tipikal na tipikal. May palengke, may simbahan, yung plaza sa tapat ng simbahan, at ang municipal hall. At ganun pa ren ang hitsura nila. Wala man lang mga bagong building na itinayo ang tanging pinagbago lang eh ang mga mukha na nakikita ko.
Wala na si Aling Marie na nagtitinda ng sampaguita sa tapat ng simbahan na inuutusan namen noon na bumili ng yosi para sa amen.
Sarado na ren yung Jepoy's, na may limang piso ka lang eh may lugaw ka na, at dagdagan mo lang ng dos eh may itlog na. Pinalitan na siya ng Burger Machine.
Pumasok ako sa plaza pero walang gaanong utaw dahil na ren sa weekday. Pero may mga ilan-ilang bata ang naglalaro. Lumapit ako sa isang bench sa dulung-dulo ng park, sa tabi ng puno ng ipil-ipil. Naalala ko. Doon ako umuupo 'non sa twing gusto kong mag-isa. Nag-vandal pa nga ako non, pero mukhang napipinturahan ang mga bench. Dito din ako nilapitan ni Nikolai, para sabihing mas maganda siguro kung tapusin na lang namin ang pagkakaibigan namen dahil ayaw niya lang akong masaktan dahil hindi naman daw niya maibibigay ang mga ineexpect kong ibigay niya. Bumuhos ang luha ko sa bench na itu, nagmamakaawa kay Nikolai na 'wag niyang sirain ang pagkakaibigan namin. Nakita ng bench na itu, kung paano ako hindi pinakinggan ni Nikolai at lumakad papalayo.
Nalungkot ako ng slight sa mga nakita ko . . . . hindi dahil sa mga alaala pero nalungkot ako dahil sa ngayon eh parang estranghero ako sa sarili kong bayan. Para hindi ko na siya kilala at hindi na rin niya ako kilala.
Bago pa ako lumabas ng plaza ay may tumawag sa pangalan ko.
Isang pamilyar na boses.
"Bernard, is that you?"
Si Kiara! (Kirk sa totoong buhay)
"Kiara!!!!"
Nilapitan ko siya at nagyakap kami ng mahigpit.
Sinabi ko sa kanya na kararating ko lang at first time ko lang bumaba ng bayan. Matagal ko nang kakilala si Kiara. College pa lang ako 'non nang makilala ko siya sa Malate. Isang full-blown paminta si Kiara. Siya ay isa mga unang naging kaibigan ko in the "paminta" crowd, knowing na allergic din ako sa paminta kung minsan. Dati eh isang party person si Kiara. Naalala ko na una kaming nagkita sa JOY sa malate. Siya ang nag-launch sa 'ken sa kakaibang crowd na witchelles ko pa naeexperience dahil tanging ang Lagoon lang at ang Sarah's ang mga party venue ko 'non. Certified na partyphile si bakla, lahat ng eksena eh present ang siya. Karay-karay niya ako sa everything everwhere. Hanggang sa na-learn kong magkababayan pala kami ni bakla. Well, hindi naman technically pero lumaki siya sa kabilang bayan katabi ng Kahabagan. Siya ren ang nag-introduce sa 'ken kay Claude and Taffer. Kaming apat ang original na third sexes in the city, hanggang sa biglang nagdesisyon si Kiara last year na iwan ang Maynila at bumalik na lang sa Sitio Kaluwalhatian para magtayo ng isang business. Isang Gown Shop.
Lahat kame eh halos tutol sa desisyon ni Kiara na iwan na ang Maynila. Pero sobrang tuliro si bakla 'nung mga time na yon. Kailangan daw magkaroon ng direksyon ang buhay niya at hanggang nasa Maynila siya ay hindi mangyayari 'yon. Kaya't sinuportahan na lang namen ang sister namen sa balak niya.
Chikahan galore kame. Ininvite niya ako sa shop niya. So walkathon kami, sa medyo likod lang itu ng palengke. Habang walkathon ever eh kwento here, kwento there, kwento everywhere. Chinika ko ang mga eksena ko sa life at chinika niya ang mga eksena niya sa life. Keri lang naman daw so far. In fairnezz, halata naman sa kanya with all the glowness and the freshness ovah dah!
At siyempre, witchelles mawawala sa mga kamustahan ng mga bakla ang tanong na,
"May jowa ka?"
"Wala," sagot ko. "Ikaw?"
"Asawa!?"
Tumbling ako sa sagot ni bakla. Asawa na talaga?
"Oh well! Nasabi ko naman na sa inyo non di ba? Mahirap maghanap ng tunay na pag-ibig sa Manaylus!!!"
Napa-laftir ako sa sagot ni bakla.
"So, palagay mo na-sight mo na ang tunay na pag-ibig?"
"Oo naman!"
"Ang happy happy naman. Happy ako sa 'yo ate? Sino naman ito?"
"Gerard ang name niya, taga-dito sa Kahabagan."
"Menchus?"
"Slight."
"So, veklores din ito?"
"Malaysia ko ate. Pero learn ko ito. Kompetensiya ko pa noon eh bilat. Kaso mas madulas ang hair ko. Tsinugi niya yung bilat at jumoin siya sa aken."
"So, menchus nga?!"
"Naman! Hay naku Bernard! Dito . . . . dyinodyoza ako, akala mo ba!"
"Aaaaaay! Dapat ma-experience ko din yang dyinodyoza ka ng mga kalalakihan effect."
"Madali lang ate. Join ka lang sa ken. Iintroduce kita sa menchus crowd."
Pagdating namen sa shop eh pinakilala sa 'ken ni Kiara ang kanyang "asawa", si Gerard! At in fairnezz, menchus na menchus nga ito.
Naloka ako sa eksena. Sa Manaylus, sanay ako at learn ko ang eksena ng menchus sa menchus. Pero sa mga probinsiya effect eh parang hindi ko pa masyadong learn ang ganitong kalakaran. Certified pamintollah si Kiara. As in, luluki siya in every aspect of his personality, well sa ngayon, aside from the gowns effect na business niya. At super menchus itung si Gerard. Mas kekerihin ko pa sana ang eksena nang super-pagirlitas patatas, tapos may jowang super menchus.
Later in life, shinornong ko si Kiara kung straightsiva ba si Gerard.
"Alam ko straight siya. Alam nang friends niya straight siya. Pero since pumatol siya sa 'ken. Malamang iisipin mo na hindi siya straight. Pero ate, na-sight mo naman di ba? Anong masasabi mo? Straight di ba?"
"Yeah. Naloloka nga ako sa 'yo eh. Anong sistema? Baka naman foundation ang eksena mo ateh?"
"Foundation ka dyan. Mayaman pa sa 'ken yon noh! Hindi kelangan foundationan pa!"
"So? Anong eksena?"
"Mahirap paniwalaan Bernard, pero ang feeling ko eto lang yon . . . . PAG-IBIG!"
Gusto kong ma-laftir sa sinabi ni Kiara. Alam ko noon noon pa, siya ang nagsabi sa 'ken na walang tunay na PAG IBIG. Hindi siya naniniwala na nag-eexist ang ganoong eksena. Pero ngayon eh chinichika niya na haves na niya ang tunay na PAG-IBIG.
Pero napag-isip-isip ko na keri namang magbago ang paniniwala ng tao sa mga bagay-bagay. Katulad ko, may prinsipyo akong binali na sa pagtakbo ng mga taon. Siguro nga . . . . so I'm giving Kiara the benefit of believing na nag-eexist ang tunay na PAG-IBIG, para sa kanya. Pero kung para sa 'ken, medyo tagilid pa ang eksena.
"So ano naman ang ginagawa ng Makati girl na katulad mo dito?" tanong sa 'ken ni Kiara.
"Ewan ko rin nga eh. Siguro para maghanap ng sagot na hindi ko mahanap sa Maynila."
"Sagot sa anong tanong?"
"Kung meron bang tunay na PAG-IBIG?"
Natahimik si Kiara. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sa mga puntong iyon, pero kinuwento ko ang mga nangyari at tungkol sa isang lalakeng nakilala ko ilang buwan na ang nakakalipas . . . . . si Varsity Captain . . . . kung baket hindi na kame nagkita hanggang sa huling-huling eksena bago ako umalis ng Manaylus. At dahil sa text message na iyon . . . . na hanggang ngayon eh hindi ko pa ren masagot-sagot:
Benz, I want you back . . . . .
Pagkatapos ng kwento eh witchelles naka-ispluk si Kiara. Hindi raw niya alam ang sasabihin niya pero alam niya na ang haba-haba raw ng hair ko.
"Sa palagay mo Kiara, iintertain ko ba siya uli?"
"Ateh! Ikaw lang ang makakasagot niyan. . . . . at dahil diyan. Umuwi ka muna sa inyo. Magpa-fresh ka. Tapos punta ka uli dito sa bayan mamayang gabi. Ilo-launch kita sa mga kapapahan. Malay mo, dito mo nga makita ang sagot na hinahanap-hanap mo."
No comments:
Post a Comment