IKALIMANG KABANATA
Na-EEMPRANING AKO SA 'YO!!!!
Na-EEMPRANING AKO SA 'YO!!!!
Varisty Captain calling . . . .
Accept
Or
Reject
Call rejected . . .
Switch of . . . .
Naabutan akez ni Kiara kasama na si Gerard sa labas ng bar habang nagmumuni-muni kung super keri ba ang eksenang pagdeadma sa call ni Varsity Captain.
"Bakit di mo sinagot?"
Actually, yonchie din ang nasa jisip ko. Bakit nga ba witchelles kong sinagot ang shorwag?
Chinika kez sa sarili kez 'non na witchelles ko na jijisipin si Varisty Captain. I gave him a choice. And he made his choice. Umisquierda siya sa life kez at hinayaan ko siya. Ganon lang naman ang eksena . . . . . easy come, easy go. Pero ang witchelles kez na-realize . . . . . what if he comes back? Where will I go?
Akala kez, finish na anga evrything between us. Kinalimutan ko na siya. Before eh I’m handling my life pretty well. Wa na siya sa eksena, wa na siyang role sa buhay kez. Kicked-out na siya. Until . . . . that text message:
"Bernz, I want you back"
I could have ignored that text message. Keri ko siyang I-delete mas mabilis pa sa isang quickie sa nyiarette ng sinehan. Pero witchelles ko ginawa!!
Instead, nag-impake ako at itinigil pansamantala ang pag-jikot ng mundo kez. Sumakay ng eroplano at nag-fly back sa Kalibo. May hinahanap daw akong kasagutan? O siguro, super-borkot lang akez na harapin ang katotohanan na witchelles kong kering deadmahin lang si Varsity Captain . . . .
Dahil . . . .
Learnsiva kong deep-inside . . . . .
MAY FEELINGS PA REN AKO SA KANYA?!
Walang sagot na nakuha sa Kiara galing sa 'ken. Sa tagal naming magkakilala ni Kiara. Super learn na learn na niya ang takbo ng kukote ko. Bumalik kaming tatlo sa bar. Chinika ni Kiara na 'wag ko raw sirain ang gabi ko and it is supposed to be a fun night.
Okay lang siya???? Haller?!?!?!?! Tori Amos is singing on the background while the performer is on-break. Amoy scented candles ang buong paligid. At super-sight ko siyang may kalampungan na menchus. Witchelles ko learn kung nag-change na ba ang konsepto ni Kiara pagdating sa salitang "fun". This is not really my idea of having fun.
"Having fun?", shornong na lang bigla ni Bunso.
"To be honest, no."
"Well, my offer still stands."
"I'm sorry but I’m not really in the mood to get laid tonight."
"Yeah. I know. You got that look in your face. The I've-got-a-problem-with-my-boyfriend look."
"It's not actually a boyfriend. Anyway, if you knew, why’d you still ask me."
"Just to stir you around and make you smile. Think of it, if I haven't asked you that question, I won't see your smile. And if I didn't, I'd be more miserable than you."
"Something tells me you're an expert."
"That's for me to know and for you to find out."
After eight bottles of San Mig Light, three shots of tequila, tatlong dosenang kahindik-hindik na mga acoustic singaling na walang patumangga sa pagpuri sa katangahan ng pag-ibig at kung gaano kasarap maging tanga, at witchelles ko mabilang na trips sa CR, we finally decided to call it a night . . . . .
And so I thought . . . . . .
Ininvite ni Kiara almost everybody to his house for more party. Chika ko kay Kiara na masyado nang late at magiraffe nang magcommute paatak ng Kahabagan.
"And who said something about going home, Bernz? You will stay in my place. You and the other guys will sleep there."
Okay. A sleepover! So high school ang eksena ha.
"Dahil tomorrow, we have a trip to the mountains and to the magnificent river. Time to be wild!"
So ganun na nga ang eksena, the pamintas, Gerard and moi eh super atak na sa balaysung ni Kiara na medyo malayo sa sibilisasyon. Pati ang concept nang nomuhan session eh malayo din sa sibilasyon. So, nomuhan session talaga itu sa backyard with the trees and the bushes and avratheng, with the wooden benches and the cases of red horse . . . . . chaser lang daw yon . . . . . dahil ang nomu . . . . Emperador para sa kanila . . . . EmPRANING para sa 'ken.
Napansin ko ren na ang mga pamintas eh not so very paminta after all. Aside from Bunso, na obvious namang pula din ang hasang, the other guys seem to be silent, at witchelles masyadong vocal tungkol sa kanilang buhay-buhay. Until later that night, I’ve learned from Kiara na witchelles "pa naman" pala sila paminta. He used the term "LOST SHEEPS"
BERNZ: So, you're telling me na mga luluki ang mga itu.
KIARA: Luluki ka, luluki ako, luluki tayong lahat.
BERNZ: Ang ibig kong sabihin eh . . . . ano ba itu mga pamenchus . . . . . . or . . .
KIARA: Mga luluki who goes out with gays.
BERNZ: Mga luluki who goes out with gays are gays.
KIARA: Bernz, you can't tell them that. Hindi ito Manila. Iba ang kahulugan ng salitang "bakla" dito.
BERNZ: Ano ba ang kahulugan ng "bakla" dito?
Isang matinis na tili ang narinig namen.
Enter Rhoda.
Mahaba ang hair, layered. One-line ang kilay. Naka-foundation day ang ateh ko, no doubt, super red lipstick . . . a mortal sin . . . . . nakasando . . . . . with boobs. Fake boobs, not implants . . . . the detachable ones . . . . super pukiy shorts . . . . . and with open-sandals, high hills, bad pedicure.
Shet ang harsh ko! (Knock on wood)
Napatingin na lang ako kay Kiara. Sabay talak siyang, "Kailangan ko pa bang sagutin ang tanong mo Bernz?"
Wa na akez sumagot at ipinakilala niya sa 'ken si Rhoda.
Fowtangenang pakingshet, wa pa akez sa pangatlong shot ng empraning to be chased with a glass half-filled with red horse eh umiikot na ang mundo ko.
Pero ang mundo ko . . . . makulay . . . . . maski gaano pa kabilis ang pag-jikot niya.
Super bangka si Rhoda, habang nasa pagitan ni Tony and Manny. Na-learnchie kez na gumorah din pala siya sa same highschool na inatakan kez. Then, naalala niya akez. Akez daw yung crush ng bestfriend niya. Mega-shornong akez kung sinetch yung bestfriend niya, malamang raw eh witchelles ko learn kasi bilatsina itu. Super-heart-broken daw ang bilatsinang itu (maski witchelles pa kami nagkakakilala, mind you) kasi out of coverage area daw ang beauty kez . . . . cannot be reached.
Napalaftir akez sa idea.
May parlor si Rhoda sa bayan at tuwing weekends eh super singaling siya sa Heaven's. Super talakathon siya about his hadas, kung sinu-sinong menchus na ang naggetching niya, etc. etc. At witchelles na ren naman akez nasurprise 'nung tinalak niyang nahada na niya si Tony and Manny . . . . twice. Yung pangalawang beses eh sabay niyang kinopas ang dalawang jugets.
Sumakit ang tiyan kez sa kaboborwa sa mga eksenang tinatalak ni bakla. Sa truelili lang, I've been speaking about gays all the time sa blogsiva na itez pero ngayon kez lang narealize na I haven't seen them (us) all. Alam kez na may nag-eexist na Rhoda, in theory and in idea. I’ve met gays like him na rin naman in my line of work but Rhoda is still different . . . . brutal . . . . walang arte . . . . . . walang kiyeme . . . . . malaya . . . . . .
Behind that parloric image, that detachable boobs, that high-pitched voice and that one-line kilay is the epitome of gaydom. Siguro, may mga veklus na magrereact ditech . . . . na si Rhoda ang stereotype . . . . . na si Rhoda ang imahen na pinipilit burahin sa isipan ng mga modern utaw . . . . . . . pero sa palagay ko . . . . sa isang Rhoda nagsimula ang lahat. Sa isang sterotyped-parloric badinggerzie nasasalamin ang totoong kahulugan nang kabadingan . . . . . sa mga bali nang braso, sa mga taas nang kilay, sa pag-ipit ng boses . . . . ang pagiging malaya. Pero isa lang naman ang napansin kez . . . . na kahit gaano pa natin palalimin ang mga boses naten at pagurin ang mga sarili naten sa pag-gora sa gym, para lang mas magmukhang menchus . . . . . isang Rhoda pa ren ang sumisimbolo sa pagkabading naten.
Keri?
Keri!
O siya, deadma na sa pagrerehearse ng makabagbag damdaming talumpati. Lumalayo sa akez sa istorya . . . .
tungkol sa katabi ko 'nung nomuhan session na yon.
Siguro masyado akez nagiging judgmental or something pero sa unang gabing yon nagkakilala kami ni Bunso eh parang iba siya sa mga menchus sa paligid namen at iba siya sa mga menchus na nakilala ko before. Masyadong magaan ang loob ko sa kanya, witchelles lang dahil super cute ang jugets pero may jutak . . . . . sensible kausap may laman at ibig sabihin ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
Witchelles kez na masyadong naalala ang mga eksena nung gabing yon sa sobrang kabangagan kez pero naalala ko ang moment na nakaakbay sa 'ken sa Bunso at nakayakap akez sa mga baywang niya . . . . . for more! Sabi ko nga kay Kiara. Deadma na akez sa avratheng, landi na itu kung landi at dalahira na talaga akez kung dalahira. Ang huling naalala kez eh mega palakpakan ang everybody . . . . for more cheer there, cheer here, cheer everywhere . . . . . at ang spotlight eh nasa sa 'ming dalawa ni Bunso. Hanggang sa hinawakan ni Bunso ang magkabila kong pisngi at mega-titig siya sa mga mata kez. Super ngiti siya . . . . yung tipong ngiti na masilayan mo lang eh kering-keri mo nang magpasundo kay kamatayan kinabukasan. At lumapit nang lumapit ang mukha niya sa mukha ko . . . . . . . nagdikit ang mga labi namen . . . . . . witchelles ko learn kung anez ang gagawin kez . . . . . chika ng mudra kez: Never talk to strangers . . . . most importantly, never kiss strangers . . . . . Pero witchelles ko naisip yon nung naramdaman kez ang mga init ng mga labi ni Bunso. Magkadikit pa ren ang mga labi namen nang maramdaman ko ang dila niya sa loob nang bibig ko. Ninamnam ko itu . . . . . nagpakasasa sa kaligayahan na ng mga oras na ‘yon ay alam kong pansamantala lang. Kinalimutan ko ang lahat. Binagsak ko ang lahat. Hinalikan ko ren siya.
At ang mga alaala ng mga mapupusok na halik na iyon na ang dila ko ay nakikipag-tug-of-war sa dila niya ang gumising sa 'ken sa kasunod na araw kasabay nang mahapding pagguhit ng kirotsina sa ulo ko.
Napashoyo akez bigla sa kinahihigaan kez. Paking-shet, umiikot pa ren ang paningin ko at parang may mga mega-talim na kutsilyo ang mega-tusok sa bawat himaymay ng laman ng utak ko. Witchelles ko ren masyadong mabukas ang bibig ko . . . . nalalasahan ko pa ren ang Empraning. Nang mejo keri-keri na ang nafi-felt kez eh narealize kong witchelles lang pala akez mag-isa sa foam na hinihigaan ko. Nandon si bunso, under the sheets. Biglang napadilat ang mga mata niya. Shumoyo din at inakbayan akez. Shinornong kung okay lang ba akez. Chika ko keri lang. Mejo super-jilo lang ng slight. Chika niya, borlog na lang daw akez uli. Niyakap niya akez. Isang mahigpit na yakap at hinalikan niya akez sa pisngi. At humiga uli kami.