Bago ang lahat ... eh betchay ko munang pasalamatan ang all-time favorite kong blogger-extraordinaire na si Mcvie for giving me a very very warm welcome .... with his "The Comeback Queen (Amidala)" entry ...
Naloka naman akey ... at parang bet kong magcollapse nang ma-readsung ko itez ... thanks McVie!!! I owe you coffee!!!
Okay .. so moving forward:
"Inday! Bahala ka sa buhay mo! Isa lang ang masasabi ko! Mahirap na -- digital na ang karma ngayon!"
Itechlavu ang talak sa akin ng baklang Claude habang super chat kami sa fezbook. Witchelles na kami madalas nagkakasight-sight nang veklus simula nung nagdecide siyang mag-alsabalutan "for good" (raw) at lumipat sa Timog Katagalugan para magsettle with Prince almost two years ago.
Siguro eh plentibelles na ren naman ang nag-evolve sa 'ming magfe-friendiva.
Si Claude na dating "one of the greatest sluts" there is eh nanalig sa salitang "pag-ibig" at nahugasan ang lahat nang kaasiman sa katawan at nagdecide na magpakapasweet na dadaigin pa ang panutsang ibinabad sa kumukulong arnibal.
Si Kiara naman eh nakapag-open na nang sariling boutique at gownshop sa may taft.
Akez ... ang dakilang badinggerzie eh nagpapakaalipin sa outsourcing industry ...
At si Rica .... eh ganun pa ren ...
Eyniwayz ... yung gabing yon eh naichika ko kay Claude ang eksena kez sa isang bagong saltang menchus sa office.
Unang beses ko siyang na-sight eh nung nakipagsiksikan akez sa elevator dahil late na akembang sa isang meeting. Pinagkasya ko talaga ang balingkinitan kong shortawan sa mga utawsingbelles sa loob mireseng maipit na akez nang elevator doors. Stomach in ang drama.
But wait ... eynimomentz eh may nafelt akez na kakaibang sensasyon sa bandang likuran. Derm! Siguro cellphone lang. Pero kakaiba siya eh ... kumikibot-kibot ... tumitibok-tibok .... Derm another! Siguro cellphone na nagva-vibrate.
Hanggang sa bumukas ang elevator.
"Excuse me! Excuse me!" Talak ng mga utawsingbelles sa likod na akala mo eh wala nang bukas. So step out ako to give way maski witchelles pa yon ang floor ko. Mega step out din yung menchus sa likod ko. Nagkasight kami while giving way to the others.
Ngumiti siya sabay nod.
Deadma naman akez. Di ko siya learn.
So shosok another. Slight nalurkey naman akembang dahil may limang utawchinabelles ang nag-exit sa elevatrix pero pag enter kez eh sinisiksik pa ren akembang nung menchus. Derm!
Siguro umiiral na naman ang pagiging damaera kez. Nasanay na akembang sa damaera feeling kez. Itecklavu ang effect ng dry season for the longest time ... feeling mo eh lahat ng menchus na makadaupang-palad mo eh bet nang kachervahan right there and then!
After one floor ... "Excuse me! Excuse me!" Talak na naman nang mga utawsingbelles sa likod. So exit na naman akembang na parang crew ng Jollibee at kulang na lang eh chumika akong "Thank you for coming! Come again!". Exit din naman ang menchus. Again ... ikmyle-ikmyle .. this time .. nag-ikmyle na akembang out of politeness. Pero isang weird and creepy smile na parang eynimomentz eh feeling mo eh titigbakin ka nang utaw na iniis-smylan mo.
Enter the dragon again.
Until finally nakarating na ako sa floor ko. After all the starts and stops ... mas mabilis pa yatang nakarating ang LRT sa baclaran station noh.
So exit na akembang dire-direcho sa conference room. Witchelles ko na nasight ang menchus.
Pag-enter kez sa conference room eh nagpalakpakan ang lahat nang utaw na parang mga audience sa wowowee ... feeling ko eh umenter akembang bilang isang candidate ng Miss Earth ready for the swim suit competition hanggang sa narealize kong witchelles pala akembang ang pinapalakpakan.
Plenty ang utaw .. siguro mga around 30-40 in a conference room that could only sit 20 people.
Na-remember kong ang eksena pala eh isang welcoming/orientation session for the onboarding new supervisors that were externally hired dahil sa mega over harsh na pagramp for the fourth quarter peak season.
"Anung eksena," bulong ko kay Anna, isang tenured supervisor-slash-rampadora na kakabugin pa ang mga pole dancers sa suot na knee-high boots, fishnet stockings at super pukiy skirt.
"They are introducing themselves ..." chika ni Anna.
"Gaga! Anung eksena nang suot mo? May production number ka ba?", chika kez dahil naloka naman talaga ako sa outfit ng ate ko na parang eynimomentz nga eh magsu-super jump sa conference table at bigla na lang mag-split!
"Hindi ka na nasanay dyan," sagot ni Juan, isa ding tenured supervisor na parang kababata ni Bob Marley with all that dreadlocks and avaratheng.
Hanggang sa bigla ko na lang narinig ang namesung ko from OD (Ops Director pero pede ding Over Dosed ... hahahaha), "And please meet Bernard, one of the most awesome managers in our campaign ..."
Awesome daw ..... sabeeeeeeeeeeeeeeeee ba naman! Sige nga spell "awesome" ... echos!
Then ... lahat ng utawsingbelles ... old and new fezlacks .... eh biglang na lang super-sight sa 'ken. Para naman akong bawang na biglang namula habang ginigisa kasama ng mga sibuyas. Teka! Witchelles naman akez mestiza ... so nag-golden brown ... keri na yon.
"Hi!!!!!!!"
At yun lang ang nasabe ko with matching Miss Universe wave.
Witchelles naman akembang prepared.
"Carry on ..." chika ko na lang kay OD.
"May boylet ba?" chika ko another kay Anna.
"Naku! Asa ka pa! None so far!", talak ni Anna. Parehas kami ni Anna, we belong to the "Oh My Single Ladies" Club na kinabibilangan ng mga utawsingbelles na hayuk sa laman!
So kada may bagong salta, the ultimate question is .... "May boylet ba?"
And then, bumukas ang pinto ng conference room at may nagchikang "Sorry, I'm late ..." with a very deep and modulated voice na parang si Ray Langit lang.
"ohhhhh! Hello there!", bulong ni Anna sa 'ken referring to the guy who just stepped in. "Oh! Bernz! Just in time for your question."
Super sight naman ako kay kuya. Shet! Siya yung menchus sa elevatrix.
"Hello Philippines and Hello WORLD!", bulong ulet ni Anna, habang super focused ang sightness sa pantalon ni Kuya na para nga namang may ibinaong kuting.
That time lang nabuo ang image niya sa ken. He has this "emo" hair going on ... na neat pa ren namang tingnan, with all the bangs and with all the waves. White long sleeved polo na naka-tuck-in sa jeans. Broad shoulders, nice chest ... walang beer belly .... construction worker itu ... echos ... mukha lang talaga siyang fit. And yes .... the "Hello Philippines and Hello WORLD" na eksena sa pants niya na pinagkamalan kong nagva-vibrate na cellphone sa elevator habang sumusundot-sundot sa likuran kong parang pati pagkatao ko na yata ay nasundut-sundot!
Bigla ko na lang nalunok ang laway na naipon sa ngangaboo ko.
He was asked to introduce himself ... in furness ... plakado ang ingles ni kuya! Nalearnchie namin na galing siya sa isang benggang-benggang call center sa Makati. Hanggang sa nagpa-pirate siya. Almost five years na siya sa industry.
Hanggang sa nagtanong si Kristina, isa ding miyembro nang "Oh My Single Ladies" club. "Are you single?"
Shet! Para naman akong nalagutan nang hininga sa tanong na yon ... but of course ... I managed to stay alive for the answer .... and the answer was ...
"Nope ....", with all that smile and that one dimple sa kaliwang cheek.
At shet! Pwede naman na akong malagutan nang hininga at that mowmentzzzz.
"Damn!" chika ni Anna sa 'ken.
Later that day habang mukhang super bisi-bisihan sa mga reports ara per super fezbuk lang naman akez office ko eh kumatok si ETCH.
"Anu na bakla!", parang yun yung gusto kong bungad sa kanya. Pero derm, I still remained professional. It has been a week after that CR incident with ETCH, parang wala lang nangyare. I decided to keep it to myself ... pero siya naman eh parang naging extremely friendly sa 'ken.
Super enter siya sa office ko bearing gifts ... wahahaha ... He bought me coffee raw ... Nilagay lang niya sa desk ko habang supertutok pa ren akez sa farmville.
"By the way," chika ni ETCH. "For the new sups, you will be handling three of them ... si Carl, si Divine at si ... Mr. Hello World!"
Biglang napatigil ang pag-aararo ko sa aking plantasyon ng saging sa farmville.
"Wait! They will be under me?", tanung ko kay ETCH.
"yeah .. but that's .... just the three of them .... "
Blangkong fezlack ang response kez. Learn niyang may violent reaction akez sa tuwing witchelles akembang tumatalak at dahil na ren sa fact na super plenty ang ginagawa ko and I can't manage to take on new tasks ... panu na lang ang farmville ko!!!!
"...for the mean time ....." yun lan ang natalak niya sabay isquierda.
May magagawa pa ba akembang! And besides, chika ko na lang sa sarili kez ... look at the brighter side ... Mr. Hello World ... will be under me .... pede bang ... I'll go under him na lang ... I prefer to be the "bottom" eh .. wahahahaha ..... echoz!
Pero ... witchelles naman daw siya single ... wrong-kangkong!
So chika ko kay Claude sa fezbook: "Derm! Anu kayang feeling nang maging kabet?!"
Siguro mali ang pinagtanungan kez, shempre the inevitable answer from a person who has been in a long term relationship for almost three years eh violent:
"Inday! Bahala ka sa buhay mo! Isa lang ang masasabi ko! Mahirap na -- digital na ang karma ngayon!"
The Long View: Dispatch from South Korea (2)
-
Columnists The Long View Dispatch from South Korea (2) By: Manuel L.
Quezon III – @inquirerdotnet Philippine Daily Inquirer / 04:30 AM
December...
3 days ago
6 comments:
LOL @ avaratheng! WEEN
welcome back talaga. nabuhay nanaman ang blogosphere :D
rygel! namashte! at isa itong malaking karangalan ....
ang galing galing talaga magkwento! abangan ko ulit ang susnod....really, really, really glad you are back! :-)
wow may bribe talaga si etch? haha sabihin mo samahan na ng planner. haha
as for mr. hello world.. naiimagine ko siya. haha malay mo naman malapit na sila maghiwalay. kakailanganin nya ng friend na gagabay sa kaniya. it wouldn't hurt to be friendly with him. :D
girl hindi lang basta digital. pwede pang i- copy paste. tsugug!
Post a Comment