“Orosa-Nakpil po!” chika ko kay manong driver, with matching flip nang hair, miss universe wave at sparkling eyes.
45
46
47
48
years in the travelling portion.
Habang nasa shoxiebelles eh bigla naman ako napamuni-muni. Ang truthfulness eh may slight excitement akong nafi-felt dahil una’t higit sa lahat eh finally, I’m going out again. Honestly, for the past few years, my idea of a night-out eh hang out with heterosexual office friends, go to a casual hetero bar somewhere in eastwood or timog, not during the weekends, sit outside, smoke, drink, rant and make daot other heterosexual people. Feeling ko, with my new kind of lifestyle eh I lost my appetite to party.
Pangalawa’t higit sa lahat eh magkakasight-sight na namin kami nila Claude, Rica and Francheska sa isang lugar na halos humubog nang kabaklaan namen.
I thought for myself, haves pa ba nang “old” badinggerzie in me? Learn ko sa sarili kez na I have changed a lot, kung minsan nga eh witchelles ko na ren marecognize ang sarili ko kung minsan.
So, in short, may halong takot at pangamba ang excitement kez sa muling pagbabalik sa Malars.
Naputol na lang ang pagmumuni kez nang chumika si manong driver nang “San po dito?”
Naloka naman akez, nasa panulukan na pala kami nang Nakpil at Orosa. Sumight muna akembang sa kaliwa, sa kanan, sa front, sa back, sa up, sa down … at parang betchay kong ishornong kay manong driver kung sure ba siya?
Nag-decide na kong bumaba nang masigurado ko sa sarili ko na nasa Malars na nga ako. Ang ikinakaloka ko eh lost in space ang mga utash, thinking na it was almost 1 AM na nang makarating akembang, it was a Saturday night, and it’s payday pa. Nasaan ang mga veklores?
Naaalala ko pa nga dati eh witchelles na nga nakakaabot yung mga shoxiebelles sa mismong orosa dahil sa fatalle na traffic dahil sa mga nagkalat na sangkabaklaan na walang patumangga sa pagrampa galore na akala mo eh everyday is a Fashion Week.
But then last night, eh iba talaga. Siguro witchelles lang akembang ang nagbago … pati na ren ang malars eh nagbago.
Eyniways, nagwalk na ko nang slight, may mga mangilan-ngilan pa rin namang mga veklores ang nasa labas, ang mga clones with the well-fixed-taas-taasan portion ng hair, body-fitting shirts and skinny jeans.
Nakarating ako sa BED, just to check, pero washington DC ding pila. Derm.
Umatak muna akembang nang Sonata para magwaitsiva sa mga primadonang mga veklores para na ren we can have our “pre-BED” drink and to catch up sa mga kanya-kanyang eksena sa buhay.
I just realized na may hawak pa kong cup ng istarbaks dahil kagigising ko lang and what other better way should you start you’re amazing day but drink coffee first and then follow it with vodka. So tinalak ko ang favorite malars drink kay kuyang waiter. I haven’t had vodka red bull in echelons.
Dumating din si Claude after a few minutes.
Chikahan-chikahan …. Kamustahan-kamustahan …. Dautan-dautan, then super order siya nung “gilbey’s” premium cherva with green tea chervalou na nung pinashikman sa ‘kin ni Claude eh lasang scented candle. Chaka!
Then, dumating na ren si Rica followed by Francheska. Francheska got his beer, I got another vodka … and Rica got her Bolognese …. opkors .. lafang kung lafang itu.
In furness eh freshness pa ren naman ang beauty ni Rica, pero haves nang something eh … pinisil ko ang cheekbones ni bakla … at check! Collagen kung collagen ang labanan.
At shempre, super deny naman ang kumare ko sabay may-I-flash siya nang kanyang bagong watch na kulang na lang eh idukdok niya yun sa fezlack ko.
Isang pabulus na technomarine na gift raw nang friend. Mahaliya Jackson daw yun. Derm! As usual meron na naman Intertropical Convergence Zone na nagaganap nang mga sandaling iyon. Ganun lang talaga si Rica, likas na sa kanyang daigin ang bagyo sa lakas ng hangin.
Oh well, shempre nag-asim-asiman si Claude, kiver daw sa Technomarine eh mukha namang swatch dahil sa rubber na bracelet.
More chikahan, parang ang mga friendiva ko eh ganun pa ren. Parang I was transported to a time, five or six years ago at that exact same place.
Si Francheska, ganun pa ren, hopeless romantic at pag-ibig pa ren drama sa buhay. Pero ang wrong nga lang according to Rica, eh wala talaga siyang magiging pag-ibig dahil sa kapokpokan niya.
After few more rounds of nomuhan session eh nag decide na kaming mag-enter nang BED. Pero bago pa kami maka-shoyo may chinika si Rica, “Is that who I think it is?”
1 …… 2 …… 3 …. best in choreography …. sabay-sabay naman ang lingon nang mga bakla.
FRANCHESKA: OH!
CLAUDE: MY!
RICA: GOD!!!!
Sabay sight sa ‘ken ang mga veklores …..
To be continued …
*
Maraming bagay ang nagbabago. Chika nga ng super gasgas na kasabihan, “The only permanent thing in this world is change.”
May mga utawsingbelles na kusa na lang nagbabago dahil sa iyon ang pinaka-natural na bagay na gawin.
Haves naman nang mga napipilitan magbago dahil bet nilang mag-improve.
Meron ding go lang nang go at kahit na anung sarap nang luma eh kelangang palitan, kelangan talagang magbago …. para na ren makalimot at witchelles maisip ang mga masamang alaala.
Pero kung minsan, kahit na anung gawin nating pagbabago eh pilit pa ren tayong bumabalik sa lumang tayo.
Baket?
Witchelles ko learn!
6 comments:
Good day! I am Astrid Abesamis, Communication Arts graduating student from the University of Santo Tomas. Our thesis group would like to ask for your help by answering our survey about blogging. Can I ask for your email address so that I can email the survey questionnaire? We hope for your response. Thank you so much! God bless!
surelybelles .... more email lang sa thirdsexinthecity@yahoo.com
Thank you so much for responding.. I already emailed the survey questions.. Thank you very much! We really appreciate your participation and help.. Thank you again! Good day!
bitin!!! aaaah!!!
love ko ang gilbey's.. di ko alam kung lasa siyang scented candle. di pa naman kasi ako nakakatikim nun. hehe
as for malate.. ewan ko ba. i agree with people when they say it's one of the saddest places on earth. iilang beses palang ako napunta dun pero parati akong nasasad after. ewan ko ba.
san na yung continuation?
jitin ever naman si ateng!
Saanek na yung next kemestry?
Grab na ng follow up ateng!!!!
im having fun reading this. kaya lang mejo di pa masyadong fluent sa swardspeak ang lolo mo kaya context clues muna ko bago ko maintindihan. Awa ng diyosa productive naman ang mga excursion ko sa malate nung single pa ko. I wonder lang kung paano ang experience na pumarty sa malate na may jowa. parang awkward at maraming patibong haha
Post a Comment