Tuesday, February 06, 2007

TWO THOUSAND SEVEN HUNDRED SEVENTY-SIX MINUTES and COUNTING . . .

We were one . . . . we were binded by an unknown force . . . . whatever that was . . . it was good . . . .

My arms were around him and his were around me.

We explored one another’s body in the form of a dance.

. . . . . . .

Hay naku! Kalorkey!!!

Hayon na nga!

Para kaming mga tukong naka-mighty-bond sa isa't isa. Kiver kami sa mga utash sa paligid-ligid namen. Super dance, super yakap and at the momentzzzz na malearn ng mga labi namin ang dapat nilang puntahan eh . . . parang naghalo na ang balat sa tinalupan.

I never kissed a stranger before.

As in . . . walang halong kajijian . . . truenezz yon . . siguro maraming beses na akey na nakipagdookit sa mga strangers . . . but kiss . . . I don't think so.

He was the first.

Halos isang oras din kaming nasa ganoong posisyon. At wala talagang nakapagpigil sa bugso ng aming mga damdamin. (Ew . . . parang pocketbook lang da 'vah?)

Hanggang sa inaya ko siya sa second floor dahil di ko na masightsiva ang mga friendiva ko.

Pag-okyat namin eh nakasalubong namin si Claudine at si Rica na kalalabas pa lang ng CR. Halata sa mga fezing nila ang ang shock-factor na meron akong bitbit bitbit na cute na fetus.

"These are my friends . . ." chika ko sa bagets. "Claude and Rica . . . and this is . . . . "

Shet! Why do I always have these momentzzzz na lost-in-space akembang pagdating sa namesung . . . .

"Charles . . . ." chika niya.

Then, biglang nag-appear naman si Francheska na witchelles din nagpatalo dahil haves din ng karay-karay na bagets.

"This is Francheska and his fish for the night . . . ." intro kez.

Umisquierda din sila at jiniwan kami.

Hinila ko si Charles sa isang corner.

Nagtagpo na naman ang mga labi namin. Pero pinigilan ko siya. Tinulak ko siya para masightsiva ko ang kabuuan ng pagkatao niya.

Ikmyle lang akez.

"Before we continue, by the way, I'm Bernard . . . ." then I extended my hand.

Kinuha niya ang kamay ko at lumuhod siya sa jurapan kez. Super kiss niya ito at tingala sa 'ken . . . "I'm Charles. And I'm yours." Chika niya.

Tumbling.

Pinatayo ko siya at baka eynimomentzzzz eh pag nagtuloy-tuloy pa ang eksenang iyon eh bigla na lang akong maging palaka. Inaya ko sya sa bar. "I think we need a drink."

Gumetching kami ng berangju at umupo para naman makapagrest ng slight. Dahil with the dance, with matching rigudon ng mga labi at ng mga kamay . . . in fairness . . nakakaorgod siya.

Nang makajupostrax kami sa medyo tahimik at less utaw na lugar eh kinuha niya ang isang kamay ko at jinawakan lang niya habang super sight sa ‘ken with those very cute eyes na parang iginuhit lang.

"You workin?" tanong niya.

"Yup . . . you?"

"Studying. St. Pauls."

Shet! Tumbling another . . . . bukod sa pagiging bagets . . . estujamus iteykla . . . . pero derm na ako sa mga ganyang factor . . . bagets na kung bagets . . . .

Super nomu lang kami and super cuddle . . . shet . . . . cuddle talaga . . wholesome itu.

"I have a confession to make . . . " chika ko sa kanya. Na pinagjisipan key muna ng tatlong daang beses bago ishurlak!

"Ano yon?"

"The first time I saw you sa dance floor up there sa ledge . . . I felt something that urged me to get to you . . . . "

"Pero bigla kang nawala . . . ." bera niya bigla sa 'ken.

Naloka naman daw ako . . . continue niya sa pagshorlakak. "Tinitingnan kita dun sa baba. Hinihintay ko lang na makalapit ka. Pero bigla kang nawala. Then I went down and started looking for you."

"Oh common!? You're kidding me. Umalis lang ako saglit to have a breath of fresh air. Tapos ikaw ang nawala. Hinanap kita and I thought I lost you."

"I thought I lost you, too." chika niya sabay kiss. "But now, we found each other. I guess it doesn't matter anymore."

Iba ang level ng kilig factor ko sa mga oras na iteykla. Parang kahapon lang eh super watching-galore ko lang ang mga ganitrix na eksena between Sam Milby at Anne Curtis, pero now na now na eh nahi-hearsung ko na siya sa truelili na mga kaganapan sa life ever.

Bumalik din kami sa baba at hinanap sila Rica.

"Who's here with you," tanong ko kay Charles.

"My friends."

"You should talk to them and make paalam," I told him.

"Why?"

"Coz you're going home with me. . . . "

"I must go home with you. . . ." At hinalikan niya akez. "Don't go away."

At umisquierda siya.

"Baaaaaaaaaaaaaaaaaakkkkklaaaaaaaaaaaaaaaaaa kaaaaaaaaa!" chika ni Rica pag-alis na pag-alis ni Charles.

"Nasa 'yo ang korona ni Precious Lara Quigaman, ngayong gabi!"

"Iba 'toh."

"Love at first sight? Gaga! 'Nung huling sinabi mo yan . . . anung nangyari sa 'yo?"

Love at first sight! SHET! It's all coming back to me . . . . parang si Celine Dion lang. Oo nga naman. Nagpadalos-dalos ako nung mga panahon na iyon nang makilala ko si Varsity Captain. Parang ganitiz na ganitiz din ang eksena (minus the halikan factor lang).

"Well, baka pwedeng nagkamali ako 'non . . . pero ngayon hindi na."

"Go to the sea! Tell that to the marines!"

"Pero, in fairness . . . . ." sabat ni Claude. Bihirang bihira siyang magbigan ng compliment sa mga karir ko . . . .

"Thanks . . ." chika ko na lang.

Pagkabalik ni Charles eh nagdecide na kaming umisquierda dahil nafi-felt na namin ang powers ni Sandra Bullock sa labas.

"I don't want to go home," chika ni Rica. "Let get ourselves a room, my treat . . ."

Parang nagdeclare na lang ng Martial Law si baklang Rica at wala na kaming nagawa.

Nag-check-in kami sa Kimberly . . yung hotel na malapit sa Rob's place.

*

No comments: